MYMF 004

1468 Words
MABILIS kaming naka-uwi pagkatapos na ipaliwanag ni Kuya Xander kung ano ang gusto niyang mangyari. Tutal sumusporta naman kami sa relasyon nilang dalawa ay pumayag na kaming lahat sa gusto niyang mangyari. Kahit na medyo evil 'yong plans pero mukhang puwedeng mag-work naman. "Ang tahimik mo yata kanina sa bahay nila Kuya Misael, feeling mo sa laway mo? Gold?" Nasa kusina kami niyon kasama ang dalawa kong kapatid. Siyempre, kumakain kami. Si Ate Fabella ay nagpaiwan, doon daw siya matutulog sa bahay nila Kuya Sael. Sila Kuya Xander at K-Kuya James ay kasabay lang namin na umalis. Awtomatikong nahila ko ng marahan ang buhok ng bunso kong kapatid dahil sa sinabi niya. "Manahimik ka nga," inis na sabi ko. "Right, shut your mouth up, Clare. Nananahimik Ate mo," sabi naman ni Ate Carmie. Napansin niya kami. "Fine.” Napasimangot nalang siya. Bumaling naman sa akin si Ate Carmie. "Kumusta first day of work? May binugbog ka na naman ba?" Napakibit balikat ako sa tanong niya. "Don't worry, nagbabagong buhay na kami ni Clare," sabi ko. I turned to Clare. "'Di ba?" I gave her a smile. Ngumiti na rin siya at napatango-tango. "Yes, Ate Carmie. Magtitino na kami." "Awsus. Siguraduhin niyo, 'wag 'yong hanggang salita na naman kayong dalawa," sabi niya. "Parang ang bait mo dati, ah?" Natatawang sabi ni Clare. Natawa na rin ako nang maalala ko no'ng may sinugod sila ni Ate Fabella sa may garden mismo ng Lola namin. "Talaga." Umismid lang ang panganay namin. "Ha-ha, basta ako hindi ko pa nakakalimutan. 'Yong may sinira kayong photoshoot," natatawang sabi ko. Ate Carmie glared at me. “Cassie? Mas makakabuti rin kung ititikom mo ‘yang bunganga mo. 'Wag mo na ipaalala." "Hmm, may naalala ako, eh," sabi pa ni Clare. "That time din ata... doon ko napagtanto na may gusto sa iyo si Kuya Achill." "Me too," sabi ko naman. Sinamaan lang kami ng tingin ni Ate Carmie tapos ay napatayo siya. "Okay, I'm walking out." "Walang magwo-walk out," sabi ko pa. "Hindi ka si Kuya Sael," natawa ako lalo. Bakas naman talaga ang pagka-inis sa mukha ni Ate Carmie. "Namumuro na kayo sa'kin, Cassie, Clare!" Hindi namin pinansin ni Clare 'yong sinabi ni Ate. "Cassie, naalala mo pa ba na naging cause 'yon nang pag-aaway nila Ate Fabella at Kuya Achill? Para lang daw kay Kuya Adam, eh, dinamay pa si Ate Carmie." Napatango-tango naman ako. "Yes, naalala ko pa 'yon, galit na galit si Kuya Achill. Pinagmumura niya 'yong mga tao ro'n dati, 'di ba?" Napapalatak naman si Ate Carmie. "Bahala na nga talaga kayo riyan!" At tuluyan na siyang umalis. Kuya Achill cares about my older sister... so much. Natahimik naman kami at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay nagpasya akong magpunta na lang ng living room. "Sa tingin mo ba, gagana ‘tong plano natin?" Napatingin ako kay Clare. Sumunod siya sa akin dito. Si Ate Carmie ay malamang ay dumiretso na sa kuwarto niya. "I don't know, let's see na lang," sabi ko. Pabagsak siyang na-upo sa sofa at saka nagsimulang kalikutin ang cellphone niya. Ako naman ay napatingala sa may kisame. Isinandal ko pa ang batok ko sa may sandalan ng upuan. Iniisip ko 'yong nangyari kanina. Nangyari ba talaga o tao? Oo na, sige na. Siyempre, hindi mawawala sa isip ko 'yon. Hindi mawawala sa isip ko ang taong 'yon, AGAD-AGAD. Jusko! Kailan kaya mawawala sa isip ko 'yong nangyari? Ang hirap niyang tanggalin sa utak ko. Lalo na ngayon. Alam ko naman talaga na guwapo siya. Alam ko 'yon, pero okay lang naman sa akin kasi sanay naman ako mapalibutan ng mga guwapo. Palagi akong nakakakita ng mga guwapo. Si Kuya Sael, Kuya Achill, Kuya Xander and marami pang iba. Isama mo pa si Kuya James. Pero bakit nga, ganito ang epekto sa akin kanina? Bakit feeling ko siya na ang pinakapoging tao sa buong mundo? Hay naku! Siguro dala lang 'to sa 'nangyari' sa amin nang gabing iyon. Tsk! Siguro, kailangan ko nang itulog ito dahil may trabaho pa kami bukas eh anong oras na. Ayaw ko nang mag-isip! Mababaliw lang ako lalo. Tutal naman parang nakalimutan niya kanina 'yong nangyari, hindi niya ako pinansin. Pagkatapos ng usapan ay tahimik kaming mga nagsi-alisan sa bahay nila Kuya Sael. Dahil parang deadma rin sa kan'ya na iyon naman talaga ang gusto eh talagang i-de-deadma ko na rin. Pero... I sighed. "Pagod na pagod? 'Di ka nga lively kanina, eh. Tulog na kaya tayo.” Napatingin ako kay Clare nang magsalita siyang muli. Napalakas siguro ang pagbuntong-hininga ko. Tumango na lang ako sa kan'ya. "Mauna ka na, bruha" sabi ko sa kan'ya. “Magsuklay ka muna bago matulog para masaya,” utos ko sa kan’ya. Napabuntong-hininga na lang din ulit ako. Ang totoo kasi niyan ay may parte talaga sa akin na medyo disappointed. Hindi naman si Kuya James ang first ko. I mean, you know, first sa kama. Pero sobrang laki talaga ng epekto sa akin. Kaya medyo disappointed ako na parang balewala talaga. Ang gulo ko na talaga! Kanina lang sinasabi ko na mas pabor ako na deadma lang sa kanya pero bakit sinasabi ko ngayon na disappointed ako? Gosh. Baliw na talaga siguro ako. Iniwan ako ni Clare do’n. Akala ko hindi na siya babalik at mauuna nang matulog ngunit bumalik din naman kaagad siya at may dala ng suklay. I should take a sleep. Pero hindi naman ako nakapagpahinga agad dahil nagkuwentuhan pa kami ni Clare. Nagkuwentuhan lang kami habang nagsusuklay siya pagkatapos ay nagpasya na kami na magsitulog na kasi may pasok pa bukas, may bago na naman palang trabaho si Ate Carmie. Sa ibang company, of course. I sighed. Ayaw niya kasi magtrabaho sa company ng bestfriend niya or sa Consejo eh. Well, desisyon niya 'yan, wala naman na kaming magagawa. KINABUKASAN, hindi ko na nagtangkang gumising pa muli ng maaga para magluto. Tutal, hindi naman nagustuhan ni Clare effort ko no'ng nakaraan edi 'wag na ulitin. Sayang, may halong pagmamahal pa naman 'yon. Wahaha. Mahal ko si Clare, kapatid ko 'yan, eh. Bestfriend pa. I can do everything for her, naalala ko lang noong highschool pa lang kami. Nagkagusto siya sa lalaking crush ko simula elementary, si Ricky. Hindi ko makakalimutan 'yong araw na 'yon. Iyak ako ng iyak noong sinabi sa akin ni Ricky na liligawan niya raw si Clare. Nagpaligaw si Clare sa kan'ya. Hindi naman alam ni Clare na may gusto ako kay Ricky no'ng una. Pero noong nalaman niya ay lumayo siya, sinabi niya na ang sa akin daw ay sa'kin. Hindi niya raw aagawin. Hanggang ngayon ay buhay pa rin sa puso't utak ko ang sinabi niyang 'yon. Hinayaan ko siyang mag-paubaya, hindi ko naman i-tatanggi na natuwa ako sa sinabi niya. Gustong-gusto ko kaya si Ricky. Si Ricky ang pinaka-una kong naging boyfriend, wala, natutunan niya na rin akong gustuhin. Umabot kami ng isang taon pero naghiwalay din agad dahil sa palagiang pagseselos niya sa mga umaaligid-aligid na lalaki sa akin. In short, medyo nakakasakal na siya that time kaya mas pinili ko na bumitaw na lang. Mabait naman si Ricky pero hindi ko na kinaya ang pagseselos niya. Wala man lang siyang tiwala sa akin, tss. "Ano, tara na?" Nag-ayos na kami ni Clare ng mga sarili namin. Tumango ako sa kan'ya. Kasabay namin si Papa at Mama sa sasakyan. Papasok na sila ngayon sa school tapos naisip namin na sumabay nalang. Pagdating namin sa opisina ay agad namang nagsimula ang trabaho namin. Walang daldalan, dumadaloy ng maayos ang lahat. Focus na focus ako sa pagta-trabaho ko. 'Yong tipong wala akong ginawang kahihiyan ngayong buwan. P*ta! Naalala ko na naman. ERASE... erase. Bukas ng gabi, dadalhin si Ate Crisselle sa Batanes. Usapan namin 'yon na doon sila mag-uusap ng silang dalawa lang. Pero hindi kami kasama. Sinong dalawa ang tinutukoy ko? Malamang si Kuya Xander at Ate Crisselle. Sa mga oras na 'to ay nag-uusap na ngayon sila Ate Fab at Ate Carmie kung ano ang plano nila para makuha si Ate Crisselle. Kung paano nila ma-uuto. Habang pagbalik naman namin dito ay kakausap na kami ng wedding planner, maghahanda na kami para sa kasal nilang dalawa. I laughed at that thought. Sigurado raw si Kuya Xander na mapapapayag niya na raw ito 'pag silang dalawa na lang sa Batanes. #XanderMoves, haha. Medyo green 'yong naiisip kong moves. Ewan ko na lang talaga kung mabulilyaso pa ang plano na ito. Naging smooth lang ang araw ko, sana ganito na lang palagi. Nagpapasalamat ako dahil hindi rin nag-krus ang landas namin ni Kuya James. Thank you, Lord! Buti naman hindi namin siya naabutan dito pag-uwi namin ni Clare. Sabi kasi ni Ate Carmie ay galing si Kuya James dito. Nagpahatid daw siya pa-uwi rito sa bahay pagkatapos nilang mag-usap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD