I'M currently in our family's home. The house I'm referring to is my Grandfather bought when they decided to stay in the Philippines because of me. Iba naman ang Mansion ng Sandoval, ibig sabihin noon ay sa lahat ng angkan namin. Ilang bahay ang pinatayo nila rito sa Tastotel City?
Ang mansion na iyon ay sa Germany itinayo ng Lolo’t Lola namin na si Ethan at Solidad Sandoval. Kasama rin sa pagtayo niyon ang kapatid ni Opa Ethan na si Opa Jaimie Sandoval. Opa means Lolo or grandfather. Pure German ang mga Lolo’t Lola ko. Nagkaanak sila at iyon ang mga magulang ko. Si Jake, nagkaroon siya ng asawang Pilipina and that’s my mother, Aubrey.
I decided to stay here. I have my own house but I want to visit my mother, sana, kaso pagdating ko naman dito kaninang umaga ay nalaman ko na may biyahe pala siya papuntang Malaysia. Medyo mapapadalas na naman ako niyan dito kasi walang tao.
Ako lang mag-isa rito sa bahay, well, literal naman na may kasama ako, iyon ay ang mga kasambahay namin. Si Macmac naman ay nasa honeymoon niya pa sa mga oras na 'to. Kapag umuwi din naman iyong kapatid ko at ang asawa niya ng bansa, doon na sila didiretso sa bago nilang bahay.
I hope that I am settling down too. Kay Alonzo kaya, may pag-asa ako?
Nagpunta na lamang ako sa kuwarto.
Na-upo ako sa may sofa na naroon sa silid ko at agad akong napatingin sa portrait na nasa pader, katapat lamang ng kama ko. Wala sa sariling napangiti ako.
It was her.
Ipininta ko 'yan 5 years ago. I'm just so in love with her. Marunong naman ako gumuhit, pero hindi naman doon ang focus ko no'ng nag-aaral pa ako. Magaling ako pagdating sa mga arts kaya kapag wala akong magawa ay kukuha lang ako ng paint brush o lapis at ballpen tsaka ko ipipinta ang mala-anghel niyang mukha.
I exhaled a sigh. Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong nag-ring. Nag-flash doon ang pangalan ni Xander. Napasinghal ako bago ko in-angat ang cellphone na pagma-may-ari ko.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi pero dahil kagagaling lang namin sa usapan at lahat kami, pati ako ay pumayag sa plano.
Sinagot ko na lang 'to. Hindi ako sigurado kung mag-wo-work ba 'tong plano ni Xander. Kung buo naman na talaga ang loob ni Crisselle na 'wag magpakasal, bakit pa namin pipilitin?
But we will try for Xander's happiness.
Xander waited for her to love him. Hindi pa rin mawala sa isipan 'yong sakit sa mga mata ni Xander na nakita ko noong nakita niya si Crisselle kasama ang taong mahal niya noon, and that guy is very close to us.
"James, pumunta ka na rito," bungad ni Xander sa akin. Hindi na ako sumagot pagkatapos niyang ibigay ang address. Pinatayan ko na siya ng tawag at agad na nagtungo roon sakay ng Zechya ko.
Sa lahat ng koleksiyon ko ng mga motor ay itong ko talaga ang pinakapaborito kong gamitin.
Pagdating ko sa may restaurant ay agad kong naabutan doon sina Fab, Carmie, Xander, nag-uusap-usap na sila. Agad ko naman silang dinaluhan.
"If I were you, kausapin mo na muna," Fab suggested.
Napa-facepalm si Xander, "I already did that. Kaya nga kami napunta sa away, eh. Pinipilit ko namang maging mahinahon pero siya ‘tong umiinit ang ulo kaagad. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kasal."
"Alam mo kasi, Xander, iyong gagawin natin ay parang magiging kabastusan sa kan'ya ang dating, alam mo kung bakit?" Lahat sila ahynapatingin sa akin. "Kasi iisipin niya na hindi ka kuntento sa kan'ya. Naghahangad ka ng mas higit pa at iyon ang kasal,"
"Lahat ng nagmamahalan, nagpapakasal," sabi ni Xander. Umiling-iling ako.
"Yup," pagsang-ayon ko. "At hindi rin lahat ng nagpapakasal, nagmamahalan."
Natahimik silang lahat. Nagpatuloy lang ako sa pagsalita, "May isa pa, 'pag pinagpatuloy natin 'to para na rin wala kang respeto sa paniniwala niya't desisyon," dugtong ko pa.
Gusto ko lang sabihin dahil minsan naiisip ko mga bata pa rin kami mag-isip dahil may ganito-ganito pa silang nalalaman. Kahit ayaw ko. Um-oo na lang ako. Kapag sila, oo lang ng oo, pero siyempre, limits.
Papayag ako rito dahil madaling bagay lang naman ang gagawin. Si Xander, ganito na talaga simula college. Si Adam o si Fabella lang ang madalas niyang kulitin.
"Ang killjoy mo naman, James. Masaya kaya 'yong plano! Roadtrip to Batanes!" sabi ni Carmie. Nagkibit-balikat ako. Kung saan sila masaya edi sige.
Marahang binatukan ni Fabella si Carmie, "Roadtrip ka diyan?! Mag-e-eroplano tayo, ul*l, AIRTRIP dapat!"
Natawa na lang ako. Kahit kailan talaga.
"So what are we going to do?" tanong ko pa.
"Ang gagawin natin, kukunin natin sa bahay niya sa Pangasinan, nasa Pangasinan ngayon 'di ba?" Bumaling si Fabella kay Xander. Umiling naman si Xander.
"Nasa Naic lang, pinalayo mo pa siya lalo sa akin." Naic? Malapit-lapit nga iyon dito sa Tastotel—ngunit hindi pa rin kayang lakarin.
Fabella rolled her eyes. "So, kukunin natin siya sa bahay niya sa Naic?"
"Ki-kidnap-in natin to be exact," singit ni Carmie at saka umismid.
"Hindi na siya bata kaya 'wag kidnap, kukunin na lang," sabi ni Fabella sa pinsan niya. "So iyon na nga, after natin siya makuha, dapat naka-ready na ang heli mo.” Napatingin siya sa akin.
"Ikaw din ang piloto," sabi naman ni Xander. Wala naman kaso sa akin kaya tumango na lang din ako.
"Habang papunta tayo ng Batanes ay inaayos na nila Cassie 'yong kasal, dahil hello?! Sabi ni Xander, sure siya na bago sila umalis ng Batanes ay pumayag na 'tong magpakasal," sabi pa ni Fabella.
"Basta, hindi tayo magpapakita kay Crisselle pagdating natin ng Batanes," sabi naman ni Carmie. Nag-usap pa kami at lahat nagkasundo.
Ang naging plano ay i-invite ni Carmie at Fabella si Crisselle for dinner, and then maglalagay sila ng gamot pampatulog.
Pagkatapos naming mag-usap at kumain ay agad kaming nagpasyang umuwi. Naki-usap naman si Carmie na ihatid ko siya sa bahay nila gamit ang motor ko. Pumayag na lang din talaga ako.
"Kumusta siya?" tanong ko sa kan'ya nang ma-iparada ko na sa tapat bahay nila ang Zechya ko.
Humarap siya sa akin at inabot ang helmet na ginamit niya. Bigla ko na lang naalala si Achill sa pag-abot niya sa akin ng helmet na iyon. "Okay naman siya, bakit hindi mo lapitan?" She smiles at me.
"Nandiyan siya?" Tumingala pa ako sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan naroon ang kuwarto ng kapatid niya.
Agad siyang umiling sa akin. "Magkasama silang magkapatid. Office hours. I'm sure, alam mo na rin naman kung saan sila nagta-trabaho," sabi niya sa akin.
Tinapik niya ang kaliwang balikat ko. "Sige na, pasok na ako sa loob, salamat, ah," sabi nito. Tumango na lang ako at sumakay na sa motor ko. Pero bago pa man ako maka-alis ay napansin ko si Carmie na hindi pa pumasok sa gate nila.
Nakatitig siya sa bahay na nasa tapat ng bahay nila. Napailing-iling ako.
"Carmie!" tinawag ko siya kaya napatingin siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay.
"Ano?"
"'Wag mo na isipin 'yon, nagpapa-miss lang 'yon," nakangiting sabi ko sa kan'ya. Natawa naman siya sa akin.
"Lol! 'Di ko siya nami-miss!"
"Wala akong sinasabi," natawa na lang din ako.
"Hmp! Ewan ko sa'yo!" sabi niya at umiling bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Ako naman ay nagdesisyon nang dumiretso na pa-uwi ng bahay.
Pero...
Ayun ang unang desisyon ko na agad namang nagbago nang maalala ko na kailangan ko nga pa lang puntahan si Kit.
May usapan kasi kaming dalawa na magkikita kami. Napabuntong-hininga ako. Hanggang kailan ba siya titigil sa kahibangan niya?
"Dude," tawag ko sa kan'ya nang makita ko siya sa loob ng kuwarto niya. Katabi ang alak, again and again and again.
Ilang taon na ba siyang ganito? Natigil nga 'yong paglalasing niya last year pero bumalik na naman ngayon.
"Anong kasalanan ko?" nakatulalang tanong niya sa akin. Naka-upo siya sa sa gilid sa sahig. Nakasandal ang ulo niya sa gilid ng kan'yang kama.
"Wala," mabilis kong sagot sa kan'ya. Lumapit sko sa kan'ya at na-upo sa tabi niya. "Sana naman, tigilan mo na 'tong pag-i-inom mo nang sobra," paalala ko sa kan'ya.
Matagal na kaming magkaibigan. College pa lang. Alam ko kung bakit siya nagkakaganiyan kaya hindi ko rin siya masisisi. Hindi ko rin siya huhusgahan.
"Masama ba ako?" ulit niyang tanong sa akin. Napailing-iling naman ako.
"Hindi maganda sa katawan ang sobrang pag-iinom," sabi ko pa. This time, hinarap niya na ako.
"T*ngina, pare, sagutin mo tanong ko, masama ba akong tao? Mas masama na ba ako sa iyo?" tanong niya sa akin. Lasing na siya.
"Hindi," mabilis kong sagot. "Pinapahirapan mo lang sarili mo. Tanggapin mo nang hindi kayo puwede," diretsong sabi ko sa kan'ya. Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
"Ayan na naman sasabihin mo."
Napakunot ang noo ko. "Alangan namang sabihin ko sa'yo na puwedeng maging kayo kahit na hindi?"
Suminghal lang siya. "Mahal ko siya."
Ewan ko kay Kit. May pagka-abnormal din ang taong 'to. Mas maayos pang kausap ang Keith, ang kapatid niya kaysa sa kan'ya mismo.
"Kahit pa mahal mo siya. Hindi pa rin puwede," sabi ko sa kan'ya.
Kahit naman kasi anong pilit niya. Hindi magiging sila.
"Tsk! Umalis ka na nga!"
Siya pa ang galit? Napakibit-balikat na lang ako at saka tumango sa kan'ya. Agad kong sinunod ang sinabi niya.
Umalis ako sa lugar niya at tuluyan na ngang umuwi sa bahay. Nang maka-uwi ako ay agad akong nagpahinga.
NANG magising ako kinabukasan ay agad kong inihanda ang heli na gagamitin namin. Mamaya pa namang gabi 'yong pagdukot namin kay Crisselle pero mas mabuti nang ihanda ito.
Tutal, wala naman akong gagawin ngayong umaga ay inuna ko na 'yon. Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng tawag galing sa assistant ni Dad. Wala pa man din ay ngumingiwi na ako.
"What's up?" kaswal na bungad ko sa kan'ya.
"What's up is you need to fly here para pakasalanan ako. ASAP!" lalo lamang akong napangiwi sa sinabi niya.
"Olivia," I paused. "Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita papakasalan. It’s not in the plan. Kung wala ka nang ibang sasabihin, papatayin ko na 'to," sabi ko at akmang puputulin na ang usapan pero agad niya akong pinigilan.
Napatigil naman ako dahil doon. "Wait! Sandali naman! Warte! Heto seryoso na. You need to fly here because of some matters. Sinugod ng mga tauhan ni Logan ang headquarters nila Sebby. Ang kambal na Agatha naman, nasa kamay ni Logan," sabi nito sa akin.
Lalo lang kumunot ang noo ko sa nalaman ko. Naguluhan ako. "Sinugod? Bakit?"
Paano? Takang-taka ako?! Bakit sinugod ni Logan si Sebby? Ang alam ko ay magkakakampi kami. Ano 'tong nalalaman ko na 'to?
“Nagulat din ako when I found out na girlfriend pala ni Logan si Kandlea," napanganga ako.
Warte, last time I've checked, nasa mission si Kandlea rito sa Pilipinas. Balita ko pa ay nandito pa rin sa bansa si Kandlea hanggang ngayon. Wala nga lang akong ideya kung anong klaseng misyon. Hindi ko naman na inalam.
"’Yun ang pinag-awayan ni Sebby at Logan? Paano? May relasyon ba si Kandlea at Sebby?"
Sa pagkakaalam ko ay wala namang relasyon si Sebby at Kandlea kaya ano ang puno't dulo nito?
"Ganito 'yon…”
She started talking. Kahit medyo naguguluhan ay inintindi ko na lang din. Natapos ang usapan naming dalawa ngunit hindi niya ako napilit na lumabas ng bansa.
Tinawagan ko naman si Santino at sinabi niya na kaya naman na raw nilang i-rescue ang kambal. Kahit daw si Kandlea ay papunta na sa kuta ni Logan. Nauna pa nga raw itong umalis sa kanila.
Hindi sila naka-sunod kaagad dahil may mas importante daw silang ginawa.
Tss.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ba ako napadpad sa ganitong klaseng mundo. I mean, underground. Illegal.
Oo, nakapatay na ako ng tao, marami-rami na rin, dahil, sa totoo lang, isa akong skilled assassin, they can call me that. I already have killed men being an assassin. Gusto ko na ngang talikuran iyon.
Umuwi ako sa bahay pagkatapos kong maayos ang heli.
Nandoon 'yon sa rooftop ng Consejo. Hindi naman kami nagkita roon ni Sael dahil sa mga oras na 'to ay kasama niya si Xander sa Batanes. Nauna na sila roon para maayos ang dapat ayusin.
Nagpasya akong matulog na muna. Mamayang gabi ko pa naman pupuntahan sina Fabella. Kasama iyon sa plano.
Nagpasya muna ako na matulog nagising na lamang ako nang makatanggap ako ng tawag galing kay Fabella. "Where are you? Pumunta ka na rito," bungad niya sa akin.
Napatingin naman ako sa wristwatch ko at medyo nagulat ako nang makita ko na alas siyete na ng gabi. Sinabi ko kay Fabella na papunta na ako tska ko tinapos ang tawag.
Pagkalipas ng sampung minuto ay nasa tapat na ako ng bahay ni Carmie, sabi rin na Fabella na nandito na sila.
Siyempre, dala pa rin ng paborito kong motor.
Nang makarating ako roon sa labas ko na naabutan sina Carmie at Fabella.
"Buti naman dumating ka na," sabi ni Fabella nang makita niya ako.
Nakaayos na sila pareho. Ngumiti sa akin si Carmie at pumasok na ng kotse ni Fabella. Kay Fabella na ako bumaling na nakatingin din naman sa akin. "Sumunod ka sa amin after ten minutes," sabi nito sa akin, at binato sa akin ang susi.
Sinalo ko 'yon at saka tumango. "Yup."
"Dadaanan pa namin si Crisselle sa Pangasinan.” Kahit hindi ko tanungin. Ibig sabihin pumayag si Crisselle sa dinner kuno nilang tatlo.
"Bakit hindi na lang kaya dumiretso? I mean, kapag nakasakay na si Crisselle, diretso na sa heli?"
Sinamaan ako ng tingin, "Ayaw ko ng maingay sa biyahe kaya kailangan siyang patahimikin," sagot niya. Suminghal na lang ako.
Nagpaalam naman sila ni Carmie at tuluyan nang umalis. Pero napatingin ako sa kamay ko. Hawak ko ang susi na binato sa akin ni Fabella. Para saan 'to? Aanhin ko 'to?
Tinitigan ko itong mabuti, and then na-realize ko kung saan ito dahil sa palawit na naroon. I smiled widely because of it.