MYMF 006

1560 Words
“SIGE, bye!” Sabi ko ‘yan sa Ate ko. Dumaan lang kasi siya rito sa kuwarto ko para sabihing aalis na raw sila ni Ate Fab at mag-ready na raw ako for my task tomorrow. The, uhm, you know, kumausap sa wedding organizer. Oo nga pala 'no? That's part of our plan. Doon kami ni Clare naka-toka pero mukhang ako na lang ang gagawa no’n mag-isa. Well, sabi niya kasi aalis na nga raw sila. Bakit? Dumating na ba si Kuya James? Kanina pa kasi nila ito inaantay. Baka nga. Hindi naman na ako nagtanong. Pinigilan ko na muna ang sarili ko na isipin si Kuya James kahit na nabanggit ko na naman sa utak ko ang pangalan niya. Lagi ko na lang kasi siyang iniisip hanggang sa pagtulog ko kaya hindi na ito tama. Unfair ang tawag do’n. Kung sa kan’ya deadma lang ‘yong nangyari sa amin, sa’kin naman hindi – I mean, dapat deadma rin ako para fair. Naramdaman ko naman na yumakap sa akin ang kapatid ko. Dito siya sa kuwarto ko natulog. Pumayag naman ako kaagad dahil sanay naman talaga kami na tabi kami matulog. If I am not mistaken, first year college na siya noong nagkaroon siya ng sarili niyang kuwarto. Minsan, kay Ate siya tumatabi pero mas madalas sa kuwarto ko. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang bahay namin kung ikukumpara sa iba pang mga kaibigan ni Ate Fabella. Mas malaki pa nga rin ang bahay na nasa tapat namin which is ang bahay ni Kuya Achill na bestfriend ng Ate ko. And fun-fact about sa bunso namin. Wala na talaga siyang tinatawag na pinakang-bestfriend niya maliban sa akin. Nagkaroon naman siya ng bestfriend dati, college or highschool siya? Hindi ko sure, hindi ko na maalala. Basta nag-aaral pa kaming dalawa nang ipakilala sa amin ni Clare ang babaeng iyon. Ang tinutukoy kong ex-bestfriend niya ang ang ex-girlfriend naman ni Kuya Sael, when my younger sister introduced her to us, doon na nagsimula ang so-called love story nilang dalawa. I’m talking about that girl and Kuya Misael na dating magkarelasyon. Kaso nga lang, years later, I don’t know how many years, may trayduran na naganap kaya naputol ang relasyon nila. Tragic para sa akin iyon. Dahil din doon ay natapos na rin ang friendship na meron siya at ang kapatid ko. Minsan na nga lang magseryoso si Kuya Sael ganoon pa ang nangyari. Guess kung sino 'yon? Haha! Hanggang ngayon kasi ay inaasar pa rin siya at pikon pa rin si Kuya Sael. Ngayon, magkatabi kami ni Clare. Malalim ang tulog niya habang ako naman ay nililibang ang sarili ko sa paglalaro ng offline games sa cellphone ko. Let say na hindi talaga ako makatulog. Kapag naman pinikit ko ang mata ko, eh, na-iimagine ko lang ang sarili ko na nasa hotel. Gosh nemern. Minutes later, nakaramdam ako ng uhaw so I decided na bumaba para uminon ng tubig. Kaming dalawa na lang ni Clare ngayon dahil umalis na nga sila Ate. Umuwi na rin si Yaya Remy. Stay out kasi iyong nag-iisa na lang naming na kasambahay, while our parents ay nasa camping. Three days from now pa ang uwi nila. Nang makarating ako sa kusina ay napansin ko na parang may tao sa labas. May naaninag kasi ako anino nang mapatingin ako sa may bintana. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba?! Hindi kaya may multo? Imbes na tumakbo ay nagdecide na lang akong lumabas at saktong paglabas ko ng gate ay si… si wala. Wala namang tao, eh, niloloko lang ako ng sarili ko. Pero bago ako lumabas ay may humarurot na motor. Baka naman kasi tumigil lang sa harap namin iyong naka-motor, ‘diba? Malay ko naman, may inayos lang gano’n. Na-inat na lang ako at saka pumasok na lang ng bahay namin. Bumalik ako sa kuwarto ko at tumabi ulit kay Clare. Alas-ocho pa lang naman pala. Maaga lang talaga itong nakatulog si Clare dahil na-stress siya kanina sa office. Habang ako, chill-chill lang. Paborito siyang utusan noong manager namin, eh. Sana raw pala pagiging personal assistant nalang ng manager namin siya nag-apply. Haha, sabi ko sa kaniya ay magtitino kami kaya hayaan na lang at ‘wag nang patulan. Dahil maaga pa naman ay hindi na ako natulog. Nag-isip na lang ako kung ano ang magandang gawin. Nag-text ako sa Ate ko kung anong oras sila makaka-uwi. Nakalimutan ko kasing itanong sa kaniya, mabilis naman siyang nagreply at sinabing baka raw quarter to ten ay nandito na sila sa bahay. Nasa helicopter na raw kasi ang mga ito. Nagtaka ako, ang bilis naman yata? I mean, ang bilis naman yata nilang mag-dine in? Or baka nag-change plan sila? Siguro nga. Hindi ko na lang din masyadong inisip. Bumaba ulit ako at saka nanood ng TV. Puwede naman kasi akong magpuyat ngayon dahil day-off ko naman bukas na pinagtataka rin namin. Wala pa nga akong five days na nagta-trabaho binigyan kaagad ako ng off, si Clare lang ang hindi. May off naman talaga pero bakit ako lang ang mag-isa bukas na hindi papasok? Iyon ang ipinagtataka ko. Actually, Madam Alvara is the one who told me not to go to work tomorrow. Doon pa lang, may masama na akong kutob sa babaeng iyon. Iba ang pakikitungo niya sa akin at kay Clare. Kung hindi lang talaga ako nagtitino, matagal ko nang sinapak ang babaeng iyon. Nakakapang-gigil. Kung kay Clare, panay utos. Sa akin naman, panay irap at ang sama ng tingin. Pag-inuutusan niya si Clare, may ngiti sa labi, inuutusan like may ipapasuyo siya ganoon pero ka-plastikan lang. Naaamoy ko. Ewan ko ba, tapos titingin sa akin na parang may balak akong saktan. Sarap dukutin ng mga mata niya. Anyway, hindi ko man lang napansin na nakatulog na pala ako habang nanonood, nagising na lang ako nang may marahang tumatapik sa balikat ko at kasabay niyon ay ang boses ng nakatatanda kong kapatid. “Cassie, sa taas ka na matulog,” sabi nito sa akin. “May trabaho yata ‘yan bukas, ha? Hayaan mo nang matulog siya riyan,” rinig ko naman ang boses ni Ate Fabella. Binuksan ko ang kaliwang mata ko at saka dahan-dahang tumayo kahit ayaw ko dahil gusto ko pa matulog pero nang bumaling ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ni Fabella ay agad na nagmulat na rin ang kanang mata ko at literal na nanlalaki na rin ito ngayon. Titig na titig siya sa akin na animo’y sinusuri ang buong pagkatao ko, “Anong ginagawa mo rito?!” Sa gulat ko ay iyon ang napasigaw ako. Medyo creepy iyong mga titig niya sa akin. “Tulog ka pa yata, eh,” sabi ni Ate. “Kasama namin siya ‘di ba?” Bigla naman akong natigilan nang idugtong iyon ni Ate Carmie. Na-upo na lang ulit ako sa sofa at umiwas sa mga titig niya. Napatakip pa ako ng buong mukha para kunwari ay anto na antok. Mariin pa akong napapikit. “Lasing ka ba, Cassie Mitch?” tanong ni Ate Carmie. Umiling lang ako sa kaniya. Hindi na nga ako ulit maglalasing! I already promised that to myself. “Bakit mo naman kasi tinititigan si Cassie ng ganiyan, James? Alam ko naman na lahi talaga naming ang pagiging maganda,” sabi naman ni Ate Fab. See? Pati si Ate Fabella ay napansin. “Tiningnan ko lang kung kamukha niya Ate niya. Pero hindi naman.” Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi na ito sa akin nakatingin kung hindi ay kay Ate Carmie. “Hindi ka naman ampon ‘di ba?” tanong pa ni Kuya James sa Ate ko. “Hindi, ‘no! Na-iiba lang talaga ang ganda ko!” sabi naman ni Ate. Well, marami ngang nagsasabi sa amin na hindi raw naming kamukha si Ate Carmie. Kami naman ni Clare ay halatang hawig talaga pero mas maganda kilay niya kaya talo agad ako. “Musta nga pala biyahe niyo?” pag-iiba ko na lang sa usapan. Inalis ko ang presensya ni Kuya James sa utak ko. “SUCCESSFUL,” magkasabay na wika ni Ate Carmie at Ate Fabella. “Buti na lang nakapag-diskarte kami nang sinabi ni Crisselle sa kotse na ayaw niya na raw kumain sa restaurant kung saan kami nagpa-reserved. Tapos sinabi niya na tumigil kami sa may milktea shop,” paliwanag ni Ate Fab. “Kinabahan kaya ako noong sinabi niya na ayaw niya na raw doon sa restaurant,” sabi naman ni Ate Carmie. “Pero buti nga iyon, eh, napabilis kayo,” sabi naman ni Kuya James. “Buti na lang talaga na-ihi si Crisselle at pinahawak sa amin iyong milktea niya and that’s our turn para lagyan ng gamot iyong milktea niya,” sabi pa ni Ate Fab. Ahh. Now, I get it. Tumayo ako. “Sige, tataas na ako, tutulog na ulit,” paalam ko sa kanila. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Kuya James. Nakaramdam na kasi talaga ako ng ilang kaya umalis na ako roon. Naabutan ko pa rin si Clare sa kama ko, malamang. Ngumiti na lang ako at tumabi ulit sa kan’ya at niyakap siya. Doon ko pa lang pinagpatuloy ang tulog ko. Napapikit ako nang mariin. Hindi ko nagustuhan ang in-akto ko! Bakit may pasigaw-sigaw pa ako sa kaniya? Nagulat nga lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD