PAGKAGISING ko kinabukasan ay ako na lang ang mag-isa sa kama ko. Napatingin ako sa wall clock na nasa pader.
Malamang nasa pader kaya nga wall eh, gulat ka nasa sahig 'yan.
Kapag kaya nasa sahig anong tawag? Floor Clock, Ground Clock, Land Clock, or Down Clock?'
Cassie! Ang aga-aga! Kung ano-ano iniisip mo! Tsaka wala namang mauusong ganoong orasan dahil ang awkward no'n. Ano 'yon? Kailangan mo pang yumuko para lang makita oras?
Nang tingnan ko ang oras ay alas-nuwebe na ng umaga kaya malamang umalis na si Clare. Hindi na 'ko noon ginising para magpaalam. Dapat lang! Hindi 'yong gigisingin niya pa ako para sabihing aalis siya, eh, alam ko naman na na may trabaho siya ngayon.
Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas ng kuwarto ko. Pagbaba ko ay naabutan ko si Ate Carmie na naka-office attire at nagkakape siya. Nagtaka naman ako.
Hindi ba dapat nasa office na siya?
"What are you still doing here?" I asked.
"Na-late ako ng gising. Tutal late na rin naman lubusin na," sabi nito. Napa-irap naman ako.
"Ikaw pala 'di matino, eh," sabi ko sa kan'ya. "Wag ka na lang sana pumasok, 'di ba?"
"Kailangan kong pumasok, marami akong gagawin sa office, ayaw kong matambakan," sagot niya sa akin.
"Marami ka pa lang gagawin, eh, gum-ora ka na."
Pinanliitan niya naman ako ng mga mata habang iniinom niya ang cup of coffee niya, nang ma-ilayo niya ang cup sa bibig niya ay sumagot siya sa sinabi ko.
"Uubusin ko 'tong kape ko. 'Wag mo 'kong manduhan," sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya. "Magpa-timpla ka na rin ng kape kay Manang Remy,"
Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay, "Marunong ako magtimpla ng sarili kong kape. 'Wag mo 'kong manduhan," sabi ko.
Oh 'di ba, ang bilis lang talaga mabaligtad. Haha. Ang bilis lang din ng ganti palagi.
Tinalikuran ko na siya, pero tinawag niya ulit ako kaya oo, nilingon ko ulit siya.
"Anyway, day-off mo ngayon 'di ba? Kahit nagtataka ako kung bakit day-off mo agad ay hindi ko na aalamin. Ang point ko is ayusin mo na 'yong mga dapat ayusin para sa kasal ni Xander at Crisselle," sabi niya sa akin. Napangiwi naman ako nang maalala ko iyon. Ito rin ang pinaalala niya sa akin kagabi.
Hay naku, balak ko pa naman sana magkulong lang sa bahay maghapon. Pinaalala niya na naman. Isa rin naman ako sa pumayag sa deal na 'to, hindi ako puwedeng maging talksh*t.
"Wala si Clare, mag-isa lang ako," I informed her. Sad’ya kong sinabi sa kaniya. Baka naman kasi puwedeng hindi na lang siya pumasok, tutal, late na late naman na siya sa trabaho niya.
"Is that so?"
"Unless, sasamahan mo ako.” Nginisihan ko siya pero mas malawak ang ngising balik niya sa akin.
"Wala kang kasama? Bakit? You can't do it by yourself?" sabi niya sa akin. Ah, sige, ganito na naman pala, ha.
"I can't," sagot ko sa kaniya.
"I thought, grown up ka na?" Iyong mga ngisi talaga ng tang*nang Ate Carmie ko ay nakakaloko.
"Yes, I am. Pero need ko pa rin ng kasama, okay? Tsaka, si Kuya Xander din naman, ah, grown up na siya and he can't do the plan by himself. And I am too, hindi ko kayang mag-ayos sa kasal nila Ate Crisselle, BY MYSELF,", sabi ko sabay irap.
"Edi bibigyan kita ng kasama, hindi mo pala kayang mag-isa, eh," sabi niya.
Sa mga oras din kasi ngayon ay occupied si Ate Fabella. May work naman si Clare kaya wala talaga akong kasama. Unless na lang talaga ay sasamahan ako ng panganay namin. Baka mapilit ko siya na ‘wag nang pumasok because by just looking at her… tinatamad siyang pumasok sa trabaho niya.
I furrowed at her. Paano? Ang creepy na ng mga ngisi niya sa akin. Kapag ganito ang mga ngisi niya ay parang may pinaplano siya na hindi ko magugustuhan.
"Sino namang kasama ko, aber?" tanong ko sa kan'ya.
"Si Kuya James mo. Siya lang iyong alam kong free ngayom.
Iyong pagkakasabi niya parang may halong pang-aasar. Ako lang ba o talagang parang naririnig ko ang expression na 'yieeeee'. Ako lang siguro, imagination ko lang siguro.
Pero sa sinabi niya, ang masasabi ko lang ay...
"I changed my mind. I can do it by myself pala," sabi ko sa kan'ya at tinalikuran siya.
Ano ba?! Malamang ayaw kong makasama si Kuya James! Hindi lang halata perong hiyang-hiya ako kagabi at hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari sa amin?! Tapos ngayon, sasamahan niya pa ako? No way!
"Opps, no, my dear sister. I know naman na you can't do it by yourself. Kung si Xander nga ay hindi kaya ang plano ng mag-isa, ikaw pa kaya?" may pang-aasar pa sa boses niya. I mentally winced. Ngayon, ako naman ang nabaligtad.
Ganito talaga kaming magkakapatid. Normal na lang sa amin ang mga ganitong sagutan.
Naramdaman ko na sumunod siya sa akin papuntang kusina. Hindi ko siya nilingon, magtitimpla rin ako ng kape ko.
Naabutan namin doon si Yaya Remy na nagluluto ng ulam. "Oh, gising ka na pala, Cassandra, mag-almusal ka na," sabi ni Yaya Remy. Nakaluto na siya ng almusal pero may niluluto pa rin siya. Okay lang sa akin kung Yaya Remy ang tatawag sa akin ng Cassandra. Bata pa lang ako ay iyan na ang madalas niyang tawag sa akin.
"Good morning, Yaya," bati ko sa kan'ya. "Magkakape na po muna ako," magalang na sabi ko sa kan'ya.
Magalang naman talaga ako, eh.
"Ipagtitimpla na kita," sabi niya sa akin. Umiling naman ako.
"Ako na lang po," sabi ko. Sumang-ayon naman siya sa akin.
Habang nagtitimpla ako ay napatingin ako sa may pintuan ng kusina. Nandoon si Ate may kausap sa phone, tapos ngumingisi pa rin.
"Oo nga!" rinig kong sabi niya. "Oo, oo!" puro lang siya 'Oo', umirap na lang ako.
Umirap na lang ako at itinuon ko ang isip ko sa pagtitimpla ng kape pero agad akong natigilan nang marinig ko na naman si Ate.
"Oo nga, James! Punta ka na rito, ha? As in now na!" sabi nito at ibinaba nag cellphone niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy! Sabi ko, I can do it by myself!" sigaw ko sa kaniya.
Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako ng sobra!
"You can't," sagot ni Ate sa akin at parang may meaning talaga ang mga ngisi niya.
"Hayop ka! Tang*na mo!" sa inis ko ay nagmura na talaga ako. Ang unfair!
'Yong tipong ayaw ko ngang makasama, eh, may gumagawa ng paraan para makasama ko siya. Gosh!
"Cassandra, mamaya ka na magmura, mag-almusal ka na lang," sabi naman ni Yaya Remy. Sanay naman na siya sa bunganga naming magkakapatid, kaya hindi na ito bago sa kan'ya.
"'Di ba, you can't do it by yourself nga? Tsaka, sapakin kaya kita? Pinapagaan ko na nga buhay mo, eh bakit hindi ka na lang magpasalamat sa Ate mo?" Nakangisi pa rin siya sa akin.
Sumimangot lang ako. "Umalis ka na nga sa paningin ko!"
"Bakit parang ayaw mo kay James? You're not like that naman before, 'di ba?"
Hindi niya alam ang issue ko!
"Umalis ka na!" ulit ko.
"Cassandra, Carmielia, mamaya na kayo magsigawan," saway na naman sa amin ni Yaya Remy.
"Wait lang po," sabi ko sa kan'ya.
Umayos ng tayo si Ate. "Okay, sige, basta pupunta rito si James. Mag-ayos ka na, pasok na ako sa office," sabi niya at tuluyan nang umalis.
Napapadyak pa ako sa sobrang inis ko.
SAKTONG pagkatapos kong magkape at mag-almusal na rin ay sinabihan ako ni Yaya na nandito na raw si Kuya James.
Naku! Si Ate talaga! Paano ko siya haharapin ngayon?
Kailangan ko lang kumalma. Kailangan kong kong 'wag masyadong mag-isip. Kalma. Kalma. Calm down. Cassie Mitch, kalma. Act normal katulad nang lagi kong sinasabi.
Pero kahit isipin ko na mag-act normal feeling ko hindi ko talaga ma-feel ang normal. Iyong kabog pa lang sa dibdib ko, hindi na normal.
Huminga ako nang malalim bago ako nagpunta sa living room. Naka-upo siya sa may sofa namin. Naka-yuko siya at nagta-type sa cellphone niya pero nang mapansin niya ako ay agad niyang ibinulsa ang cellphone na hawak niya.
Walang emosyon siyang tumingin sa akin. "Let's go?" Hindi naman ako gano'n kalapit sa kan'ya.
"Wait.” Pinilit kong ngumiti sa kan'ya pagkatapos ay nagmadali na akong magpunta sa kuwarto ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagbibihis ako. Naka-pambahay pa rin kasi ako. Kakatapos ko lang kumain nang dumating siya.
Binilisan ko na nga pagkain ko kanina kasi alam ko na darating talaga si Kuya James. Alangan naman magsisinungaling pa siya?
Mabilis din naman kasi dumating si Kuya James palagi dahil nga mabilis din naman talaga siya magpatakbo ng motor. Na kung magko-commute ako papunta sa bahay niya ay mga isang oras pa bago ako makarating.
Ilang sakay din iyon if I am not mistaken, pero nandito pa rin iyon sa loob ng Tastotel. Ang lawak din talaga ng city na ‘to.
Madalas kasi akong gumala talaga. Himala lang kung magdedesisyon ako na mag-stay sa bahay ng maghapon.
Halos alam ko na lahat ng lugar dito.
Simple lang ang sinuot ko. Plain white t-shirt, jeans at saka sneakers. Hindi na ako nagmake-up. Light lipstick lang dahil medyo maputla ang labi ko.
Bago pa man ako lumabas ng kuwarto ko ay humarap pa ako sa salamin. Nakita ko naman doon ang repleksyon ko. Gulat ako kung wala edi bampira na ako no'n, 'di ba? Kung magiging bampira man ako. I'm sure na ako ang pinakamagandang bampira.
Huminga ako ng malalim at nagbilang mula isa hanggang sampu. Sinabi ko sa sarili ko na 'KAYA KO 'TO!'
Pagkatapos ay tuluyan na nga akong lumabas ng kuwarto ko at dinaluhan si Kuya James sa may living room. I thought nandoon siya but I was wrong.
Where is he? Baka umalis na.
Good.
'Di ko maiwasan ang mapangisi. Sana totoo ang naiisip ko. Baka may emergency kaya umalis siya at hindi na nagawa pang magpaalam sa akin.
Sana lang talaga.
Pero nang ilibot ko ang mga mata ko ay napangiwi ako.
Nakita ko na siya sa may front door na nakakunot ang noo, busy sa kausap niya sa cellphone. What? Hindi siya umalis?
Na-frustrate ako roon, ah!
Nang makita niya naman ako na naka-ayos na ay agad niyang pinutol ang tawag.
Naglakad siya papalapit sa akin, ako naman ay sinalubong siya. "Take your time," sabi ko sa kan'ya at pinilit na ngumiti.
Um-akto ka ng normal, Cassie!
"It's okay, you ready? Let's go," sabi niya. Napatango na lang ako. Nauna siyang lumabas ng bahay, nakasunod lang ako sa kan'ya.