"REALLY? Seriously? Sasakay ako riyan?" tanong ko sa kan'ya. Tinaasan niya naman ako ng kaliwang kilay. Hindi naman ‘to ang first time, hindi rin naman takot psa ganito, iba lang nag kinatatakutan ko. Awkwardness!
"Obviously, yes," sabi niya. Kinunotan ko siya ng noo.
"Why don't we just use our van?" I asked.
"Mas mabilis ito," tipid na sagot niya. Lalo lang napakunot ang noo ko. Alam kong mabilis nga kung motor ang gagamitin niya! Siguro kasi kung nasa ibang sitwasyion kami, walang nangyari sa amin. Okay na okay lang sa akin at matutuwa pa ako dahil makakasakay na ako muli ng motor.
"Bakit? Nagmamadali ka ba? May pupuntahan ka pa ba? It's okay. Ako na lang ang mag-isa ang ㅡ"
He cuts my sentence off.
"Sumakay ka na, hindi naman ‘to ang unang beses na umangkas ka sa akin, ah, what's your problem?" he asked me. Napangiwi ako. Talagang he used the ‘sa akin’? Sumakay ako sa kan’ya! Lupa! I’m giving you the permission to eat me, now!
Pero matagal na 'yon! Highschool pa lang ata ako noon at saka kaming dalawa ni Ate Fabella ang angkas niya no'n. Hindi ako na mag-isa.
"Wala!" I said.
"Wala naman pala, ih," sabi niya at inabutan niya ako ng helmet. Yellow ang kulay nito. Medyo nagtaka ako. Gusto kong itanong sa kan'ya kung bakit color yellow or kung saan galing pero dapat kong pigilan ang sarili ko.
I don't remember it exactly. I am not sure kung si Clare or si Ate Carmie ang may paborito na yellow. Pero parang si Clare, ay ewan ko na!
Akala ko mapipigilan ko ang sarili ko na 'wag magtanong pero na-curious ako bigla, eh.
"Would you mind if I ask kung kanino itong yellow na helmet?"
"Sa'kin?" mabilis na sagot niya sa akin.
"I mean, bakit yellow? favorite mo?" I asked. Umismid naman siya sa akin. Tuluyan na siyang sumakay sa motor niya.
"Favorite ng sister-in-law ko.” Hindi ko maiwasang mapanganga sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay mahinahon lang siya. Hindi talaga siya pala-sigaw unlike Kuya Achill and Kuya Sael. But I heard him shout before, hindi lang madalas, and minsan lang talaga is galit or sobrang saya.
Pero seryoso? Sister-in-law? Kasal na siya? My Gosh! Kasal na siya tapos may nangyari pa sa amin? Tang*na! Hindi ko maiwasang mapamura ng sunod-sunod sa isipan ko.
Bakit niya ako pinatulan ng gabing 'yon kung may asawa naman pala siya? I know na may nangyari talaga sa amin. Noong una hindi ko maalala pero nagtagal ay naalala ko na rin. Malinaw ang itsura niya sa mga ala-ala ko.
Lahat-lahat nang nangyaring milagro sa pagitan naming dalawa ay malinaw na malinaw sa akin.
Nakakaloka.
"What?" Natahimik kasi ako at napalunok pa. "Bakit parang namutla ka?" Napalunok ulit ako.
Alalahanin mo na kailangan mong um-akto ng normal. Kasi siya uma-akto ng normal kaya dapat ako rin.
"A-ah, w-wala, t-tara na," na-uutal na sabi ko.
"Okay, hop on," sabi nito sa akin. Hindi naman na ako nag-inarte pa. Actually, the back of my mind was telling me not to hop on… pero kailangan na.
Humawak ako sa balikat niya. "Pahawak, ha," sabi ko nang halos pabulong.
"Sure," sabi niya. Tapos hinawakan niya pa ang braso ko para maalalayan talaga ako makasakay sa motor niya. Masyado kasing mataas ito.
Buti na lang talaga naisipan kong mag-jeans at hindi skirt.
"Suot mo na ‘yang helmet na binigay ko," sabi niya sa akin. Iyong sa kan'ya ay nakasuot na. Sinuot ko na 'yong helmet. "Hawak ka sa'kin," he said. Napalunok pa ako pero humawak pa rin ako sa kan'ya. Sa magkabilang balikat niya.
Agad niya namang pinaharurot ang motor niya – If I am not mistaken, Zechya ang motor na ito. This is one of the most expensive motorcycle in the whole world.
Medyo may alam din naman ako sa mga ganito dahil marunong din naman ako magmotor. Hindi lang halata pero marunong talaga ako mag-motor.
"Humawak ka nang maayos," sabi niya sa akin. Dinininan ko naman ang pagkakahawak sa balikat niya.
Sa totoo lang ay sobrang bilis niya magpatakbo pero wala namang kaso sa akin 'yon kasi katulad nang sinabi ko nagmomotorsiklo din ako... dati. At sa totoo lang, mas gusto ko 'yong ganitong bilis. Hindi pa naman ako nato-trauma sa pagmo-motor kahit na may nangyari na noon—na kung sa iba ay baka takot na ngayon makakita ng motor.
"I am," sagot ko sa kan'ya. Wala pang sampung minuto ay pumarada kami sa tapat ng isang shop.
Good choice talaga na hindi ko na sinabi kong saan ba talaga kami kasi alam ko naman na alam niya. Siyempre, magkakasama kaming nag-uusap 'no!
Kaya alam ko talaga na may idea siya. "Sasamahan kita sa loob or I will wait for you here?" he asked. Nakababa na ako noon sa motor niya at inabot ko sa kan'ya ang yellow helmet.
Napaisip naman ako. Argh! Siyempre, hindi na ako magpapasama sa loob! Kasi hindi lang ako makakapagpokus, edi hindi ko rin makakausap nang maayos iyong organizer!
Sabi naman na kasing I can do it by myself na, eh! Huhu. Noong una lang talaga inisip ko na 'di ko kaya pero ngayon alam ko sa sarili ko na kaya ko 'to!
"Wait for me here, mabilis lang," sabi ko sa kan'ya. Tumango-tango siya sa akin at nginitian ako. My mouth parted Bakit kailangan pang ngumiti?
Act normally!
Sabi ko na naman sa sarili ko kaya nag-ayos ako ng tayo. I cleared my throat. "Pasok na ako sa loob," sabi ko sabay kan'ya at tinalikuran ko na siya.
"Why does he need to smile?" bulong ko sa sarili ko.
***
"THE hell?!"
Blangko lang ang emosyon ko. Hindi ako sumagot kay Olivia. "Ano ba, James? Hindi mo ba talaga pupuntahan ang Daddy mo rito?"
"I told you, hindi ako aalis ng bansa. Kung gusto akong makita ni Dad. Kayo ang pumunta rito. Bye," sabi ko at agad na pinatay ang tawag. Hindi naman iyon magiging mahirap nkay Dad na magpunta rito. Hindi ko pa rin naman nakakausap si Dad tungkol sa nangyayari.
Na-upo ako sa bench na nasa gilid ng shop. Dito ko na hinintay si Cassie Mitch. Siya lang mag-isa sa loob na nakikipag-usap sa organizer. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog na naman ito at nag-flash ang pangalan ni Olivia.
Umiling-iling ako. Hindi ko sinagot ang tawag, in-off ko na lang ang cellphone ko. Naririndi lang ako sa boses niya. Paulit-ulit siya, kung ano-anong dahilan ang sinasabi niya sa akin para lang puntahan ko sila. Tsk.
"Sorry, natagalan ba ako?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Cassie. Napangiti ako pero hindi ko sa kan'ya pinahalata.
Noong pinaki-usapan ako ni Carmie na samahan siya ay agad akong um-oo. Wala lang, gusto ko lang makita ang magiging ekspresyon niya kung magkakasama kaming dalawa.
And then, I could say na naalala niya ang nangyari sa amin. Hindi niya lang inu-ungkat. I mentally smirked.
If you will ask me, naalala ko pa talaga ang lahat. Kung ano ang mga pinagsasabi niya and what she did for me to touch her.
"Not really, saan na tayo?" tanong ko sa kan'ya.
"Nandito pa rin," mabilis na sagot niya. Napailing ako. Hindi na talaga ako magugulat kung paano siya sumagot dahil noon at hanggang ngayon ay ganiyan pa rin siya. Ito talaga ang Alonzo sisters na ‘to kapag nagsama-sama. Sobrang lala.
"I mean, saan na tayo pupunta pagkatapos natin dito?" Kinunotan niya ako ng noo.
"Uuwi na, saan pa ba?"
"Tapos na lahat?" I asked. Tumango siya.
"Madaling kausap 'yong wedding organizer, siya na ang bahala sa lahat, tara, hatid mo na ako pa-uwi," sabi niya at tinalikuran ako. Nauna pa siyang naglakad papunta sa motor ko.
Tumayo ako at sumunod sa kan'ya. "Tara na…” Humarap siya sa akin. Ibinigay ko naman ulit sa kan'ya ang helmet na ginamit niya kanina.
Inabot niya ito at agad na sinuot iyon.
"Sumama ka na lang sa akin.” Wala sa sariling sabi ko sa kan'ya. Halatang natigilan siya sa biglaang sabi ko niyon.
Bigla ko naman kasing naisip na isama siya sa pupuntahan ko ngayon, pupuntahan ko 'yong inaanak ko sa binyag. Birthday niya kasi ngayon.
Bakit ba kasi ako talaga ang piniling niyang Ninong? Hindi naman ako pumayag no’ng tinanong niya ako. Tagal na no'n. 17 years old na nga 'yong inaanak ko ngayon.
Binata na. Parang dati lang ay ang liit-liit niya pa. Ako ang palaging nilalapitan ng batang iyon lalo na kung may problema siya sa Daddy niya o sa kung ano pa man. Lalo na no’ng bata siya.
"S-Saan?" tanong niya sa akin.
"Birthday," sabi ko. "Hindi ka naman mabo-bored dahil malapit naman dagat ang bahay nila. Maganda ro'n."
"Bakit kailangang kasama ako?" tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat ako. Sinuot ko naman 'yong helmet ko at sumakay sa motor. Bakit ko siya gustong isama? Kasi gusto ko siyang makausap ng matagal.
Gusto kong ipakita sa kan'ya ang dagat na sinasabi ko. I mentally smiled. Pero imbes na sabihin ko 'yon sa kan'ya ay ito ang sinabi ko;
"Sakay na."
"Bakit nga muna? Bakit kailangang kasama ako?" tanong niya. Blangko lang ang ekspresyon ko. At kung magsalita ako ay halatang walang gana sa pandinig niya.
"Kasi gusto ko. Sumakay ka na," sabi ko sa kan'ya.
Natahimik siya. Nakita ko sa side mirror ang mukha niya at medyo naguguluhan siya pero sumakay pa rin naman siya. It means, she's coming with me. Kanina ay ayaw niya pang sumakay sa motor ko. I don’t know if she has a trauma on riding a motor o sa dahilan na ako ang kasama niya?
Safe naman ako magpatakbo ng motor, Once again, I smirked.
Inalalayan ko na lang siya na makasakay.