MYMF 009

1558 Words
KASI gusto niya?! That's it? Hindi naman na ako nagsalita hanggang makarating kami sa pupuntahan namin. Ano nga raw ba iyong pupuntahan namin? I mean sino pala. Inaanak niya nga raw pala. Nang makarating kami roon ay napakaraming tao, napakaraming bisita. Ang ganda rin ng bahay—mayaman siguro ang nakatira rito… ngunit sa totoo lang, medyo pamilyar. Parang nakita ko na ‘to na ipinakita sa television. Napatingin naman ako kay Kuya James. "Hanggang anong oras tayo rito?" Hindi ko lang naiwasang magtanong, like magtatagal ba kami rito? "Kakain lang tayo rito, don't worry, hindi tayo magtatagal.” Napatango naman ako sa sinabi niya. Nandito na kami sa loob ng compound kung saan dito sila magse-celebrate. Halata sa mga bisita at sa party na mga may kaya sila. In short, mayayaman talaga. May kaya din naman kami. Principal si Papa, si Mama naman ay teacher, mataas na rin suweldo ni Ate and nagtitino naman na kami sa mga buhay namin. Kaya may kaya talaga kami pero back to nangyayari ngayon. Engrande iyong party, pinakain pa kami. Tahimik lang ako. Nakita ko sa wall ang isang larawan—wedding picture to be exact. Sa tingin ko, kilala ko na kung kaninong bahay ‘to. Pero hindi ko naman nakikita ang mag-asawa. Wala akong nakikita na kilala ko sa mga bisita maliban kay Kuya James. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam si Kuya James na iiwan niya na muna ako sa sala—babalikan niya na lang daw ako. “Where are you goin’, Kuya James?” I asked. “The birthday boy was calling me. I need to talk to him. He’s my godchild.” Itinuro niya pa sa akin sinasabi niyang inaanak niya. Halata naman na siya birthday boy dahil puro litrato niya everywhere. At nabasa ko rin na 'Happy 17th Birthday, Bob!' It means na Bob ang pangalan ng may birthday at 17 years of age na siya ngayon. Tumango na lang din ako. Kuya James smiled at me before leaving. Ang laking tao ni Bob, halos magkasing-tangkad na nga sila ni Kuya James na mas matangkad pa sa akin. Napabuntong-hininga ako at tahimik lang na naka-upo sa couch. Wala pa namang limang minuto simula nang umalis si James at Bob na inaanak niya. Babalik din naman kaagad sila kaya okay lang. Nilabas ko na lang ang cellphone ko para malibang. Maraming mga bisita na dumadaan-daan pa sa harap ko, hindi ko naman sila pinapansin. Hindi rin naman nila ako pinapansin. Maya-maya pa, nagulat na lang ako nang may tumabi sa akin. Hindi ko pa siya nililingon. Sa cellphone ko lang ako nakatutok pero napansin ko sa peripheral vision ko na lalaki ito. Parang si Kuya James but I was wrong Akala ko lang pala si Kuya James pero nagulat ako nang lumingon ako. Nakita ko roon si... I know him! Nakalimutan ko lang ang pangalan nito. Pero alam ko na batchmates sila ng Ate ko before. Tumingin siya sa akin, tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay. "Pinsan mo si Sael 'di ba?" he asked me. Napatango ako. Sa tanong niya, confirmed na batchmates nga ito nila Ate. And, obviously, isa siya sa mga matatalik na kaibigan ni Sael noong college. Marami talaga silang magkakaibigan noon. Lalo na 'yong mga ka-team niya sa basketball noong nag-aaral pa sila. Ang pagkakaalam ko ay matatalik silang magkakaibigan. Pero noong nagsi-graduate na sila, mga busy na rin sila sa mga buhay nila. Si Kuya Xander, James, Achill na lang ang madalas kong nakikita. Sa pagkakatanda ko, may tatlo pa, si Kuya Adam at 'yong dalawang magkapatid. Malakas ang kutob ko na isa siya roon sa dalawang magkapatid na sinasabi ko. "Oo?" Medyo nag-aalangan pa ang tono ng boses ko na sabi ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin. "Okay. If I am not mistaken, ikaw 'yong kapatid ni Carmie 'di ba?" Tumango naman ako sa sinabi niya. "Yes," sagot ko. "Hindi mo 'ko naalala 'no?" biglang sabi niya, natigilan naman ako. Naalala ko na siya, ang nakalimutan ko lang ang 'yong pangalan niya. No'ng highschool ako ay siya 'yong kasama ko noong sinundo namin sila Ate Fabella at Kuya Adam na nakulong no'ng mean na girls na schoolmate nila sa college. Bale, ako 'yong sumama sa kotse niya. Hindi namin kasama si Clare noon dahil may importante siyang ginawa sa school noon. Habang ako naman noon ay bigla na lang hinatak ni Kuya Sael, sabi susunduin daw namin sila Ate Fabella tapos pinasakay ako sa kotse ng lalaking 'to. Ang hindi ko lang talaga maalala ay 'yong pangalan niya mismo. Nasa dulo ng dila ko pero hindi ko masabi-sabi. "I know you. Nakalimutan ko lang name mo," sabi ko sa kan'ya at saka pinilit na ngumiti. "My name is Keith," sabi niya. Tumango na lang ako. Yeah. Yeah. I remember na. Keith Louisse! Tapos iyong kapatid niya pa ay medyo katunog sa pangalan niya. Part sila dati ng basketball team nila Kuya Sael and kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya James ang captain nito. "Ah, okay," sabi ko na lang. "Keith pala." "May kamukha ka," bigla sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya. "Oo, 'yong kapatid ko, si Clare, malaki ang pagkakahawig namin 'di ba?" Mabilis siyang umiling sa akin. "Alam ko naman na hawig nga talaga kayo ni Clare, pero maliban kay Clare, may nakita ako na kahawig na kahawig mo talaga.” Medyo naguluhan ako at napakunot pa ng noo. Hindi ko naman masyadong inisip ang tungkol doon. "Sabi nga 'di ba, Keith, pitong tao sa mundo, kamukha mo, baka naman isa siya sa pito.” Umismid pa ako. Napakibit-balikat naman siya. "Sabagay," sabi niya. "Pero bakit ka nga pala nandito?" "Kasi invited ako," sabi ko na lang. "I see, sino kasama mo?" Bakit parang ini-interview niya ako? Pero siyempre, nagtanong siya kaya I decided na sagutin na lang 'yon. "Si Kuya James," sagot ko sa kan'ya. Tinitigan niya na muna ako ng matagal at dahan-dahang kumunot ang mga noo niya, "What?" "Kuya James?" "Yes." "Magka-edad lang naman kami ni James Sandoval, so magku-Kuya ka rin sa akin?" he asked. Tapos ngumisi siya. Bored ba siya kaya siya lumapit sa akin. "Hindi," sagot ko. Karespe-respeto ka ba? Charot. "Why?" Medyo nakaramdam na ako ng inis. "Paki mo ba?" this time, sarcastic na talaga ako. Medyo natigilan siya sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya kaso sakto namang dumating si Kuya James. Medyo na-surprise siya nang makita ang katabi ko. "Oh, Keith, you're here," sabi ni Kuya James. Napatayo naman si Keith, nagharap sila at tinapik nila ang mga balikat nila ng sabay. "Obviously, I didn't know na si Cassie pala.” Halos pabulong na lang na sabi nito pero narinig ko pa rin ito. "Shut up, dude," sagot naman ni Kuya James kay Keith. Hindi ko maiwasang mapansin na binigyan niya si Keith ng makahulugang tingin. Pagkatapos niyon ay sa akin na siya bumaling. "Let's go?" he asked, he even extended his arms. Inabot ko naman 'yon at tumayo na rin. Tumingin sa akin si Keith at kinindatan ako. "Enjoy," sabi nito at iniwanan na kami rito. Anong enjoy? Kahit na hindi ko ma-gets ay tumango-tango na lang ako. Bago siya mawala sa paningin ko ay dinaanan niya si Bob, ang may birthday, at nagkakatawanan pa silang naglakad palabas ng bahay. "Why is he here?" tanong ko kay Kuya James. Nagtaka lang ako, pero baka naman kasi friend niya 'yong tatay ng may birthday or kasama rin siya ng isa sa mga bisita. Like me, kasama ako ni Kuya James. "Siyempre, anak niya may birthday," napanganga ako sa sinabi niya. "I didn't expect na pupunta siya," dugtong nito. Kaya pala medyo nagulat siya nang makita niya si Keith. Pero mas nagulat ako sa unang sinabi niya. Anak niya iyong may birthday? Si Bob? Nakita ko ang apiliyedo ni Bob sa may placard na nakita ko rito kanina lang. Bakit magka-iba? And he didn’t expect him? ‘Di ba nga kakasabi niya lang na tatay si Keith ng may birthday so bakit hindi niya ine-expect? "Anak niya?" naguguluhang tanong ko. "Let's not talk about it," sabi niya. "I'm assuming too na hindi mo rin ipagkakalat." Kumindat pa siya sa akin, napanganga ako pero napatango na lang din. "Sure," nakangiti pang sabi ko. Wala naman sa akin connect ang bagay na 'to kaya okay lang din. Hindi naman ako madaldal lalo na kapag alam kong bawal ipagkalat. Bigla naman akong may naalala. "'Diba sabi mo kanina may dagat? Nasaan?" Ngumiti naman siya sa akin. Naalala ko nga kasi na sinabi niyang hindi naman ako mabo-bored dahil malapit lang sila sa dagat. Hindi naman ako masyadong mahilig sa mga beaches katulad ng mga kapatid ko na sina Clare at Ate Carmie but it doesn't mean na ayaw ko nang makita ang mga ito. Maganda naman sa mga dagat. Iyong pagkagusto ko sa dagat ibang-iba kung paano gustuhin ng Ate ko at ng bunso kong kapatid. Sila kasi, kahit hindi nila sa akin banggitin. Lagi silang nagpupunta sa dagat. Noon pa, madalas. Ngayon, minsan na lang dahil may mga pinagkakaabalahan na rin sa buhay. "Yeah, malapit nga lang 'yon dito, you'll like it," sabi niya. "Sige nga." I pursed my lips. "Come with me," sabi niya nang may ngiti sa labi niya. Ngumiti na lang din ako. Nauna siya sa akin na naglakad. Nakasunod lang ako sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD