KATULAD nang sinabi niya ay malapit lang talaga ang dagat dito. Nilakad nga lang namin at kung tatayo ka sa tapat ng bahay nila Bob, ang may birthday, eh, talagang tanaw na ang dagat. Hindi ko nga lang napansin pagdating namin dito kanina.
"See?" Nagsalita siya nang makarating kami sa baybayin. Itinaas-baba ko naman ang aking ulo bilang pagsang-ayon sa kaniya.
Humarap pa ako sa kaniya at saka ngumiti.
"Yeah. Ganda," sabi ko. “Ang linis dito, Kuya James.” I told him.
“Yeah. Iyong pamilya ni Bob ang nangangalaga rito,” sabi niya. “Her mother loves beaches.”
Napatango na lang ako. Kaya pala nagpatayo sila ng bahay malapit sa dagat.
"I think dapat isama ko minsan si Clare rito. Magugustuhan niya," sabi ko. Hindi siya sumagot sa akin. Natahimik lang siya. Tumikhim pa nga si Kuya James.
Pareho kaming nakatayo ngayon, nakaharap sa dagat, ang ganda rito. Walang basura, ang aliwa-aliwalas. "She also loves this kind of place, just like Ate.” Nagsalita na lang ulit ako.
"Ikaw? Hindi mo ba gusto?" he asked. Umiling naman ako.
"Hindi naman sa hindi ko gusto. I mean iyong tipong ayaw kong makakita ng dagat, haha. Hindi gano'n. Kahit naman gala ako hindi naman ako mahilig gumala sa mga dagat," sabi ko sa kan'ya. Which is true. Mga malls, garden, bahay ng mga pinsan ko, lola ko. Oh, kaya roadtrip lang ako minsan nang mag-isa.
May sarili akong motor dati noon, eh. Ni-regaluhan ako ni Kuya Sael ng motor noong 17th birthday ko kaso bago ako maka-graduate ay pinamigay na ni Papa. Nagalit siya before kasi na-disgrasya ako. Haha!
Nineteen years old na yata ako noong na-aksidente ako tapos hanggang ngayon hindi na ako nakahawak ng motor. Wala na rin silang tiwala na mag-drive ako kahit kotse.
Nilingon niya naman ako. "Well, yeah. Alam ko na gala ka. Naalala ko pa nga dati noong na-aksidente ka," sabi niya sa akin.
Ah, oo, naalala ko rin na nagpunta rin siya sa hospital noong na-confine ako. Talagang, bali-bali ang buto ko noon. Pero hindi naman ako ang sinad’ya niya noon kaya siya nagpunta. Si Ate Carmie yata 'yon, kung 'di ako nagkakamali.
Saktong nandoon si Ate Carmie, bantay ko noon, tapos dumating siya at sinundo niya si Ate Carmie. Pinapatawag daw kasi ni Kuya Achill. Eh, walang bantay noon, pero kailangan daw si Ate Carmie ni Kuya Achill kaya ayon, nagpresinta si Kuya James na siya na lang ang magbabantay sa akin pansamantala.
Hindi naman kami nag-usap ng matagal noon. Kinamusta niya lang ako kung okay lang daw ba ako. Sinabi ko lang na 'Mukha ba akong okay?'
And ayon lang, tinulugan ko siya. Paggising ko wala na siya, si Mama na ang nandoon at panay sermon na naman. Naalala ko na under recovery ako no’ng nakilala ko si Alvin. He’s one of my exes. Hindi rin nga lang kami nagtagal kasi pumasok ang kapatid ni Kuya James sa eksena.
"Oo, tagal na, five years ago pa," sabi ko sa kan'ya. Bahagya pa akong natawa. "Pero in fairness ha, ang ganda talaga rito," pag-iiba ko sa usapan.
"Gusto mo maligo?" mabilis akong umiling bilang pagtanggi.
"Ayaw ko. Wala akong dalang damit," sabi ko. "At hindi ko feel maligo sa oras na 'to."
Ngumiti lang naman siya sa akin at natahimik kami pareho at pinagmasdan lang ang bawat alon sa dagat. May lilim naman dito, alas tres na ng hapon. Hindi na ganoon ka-init. Sobrang hangin pa nga eh.
Akalain mo ng naman. Nakalimutan ko bigla 'yong nangyari sa amin noong gabi nang kasal ng kapatid niya.
Wala naman kasi talaga akong balak na pumunta roon, eh. Unang-una para akong mahihimatay sa sobrang panghihina. Hindi ko man lang nga tiningnan nang diretso si Macmac, eh. Medyo mahina kasi ako pagdating sa kan'ya. Baka bumigay ako. Maiyak pa ako.
Kung masaya si Macmac at mahal niya talaga si Ashwell ay okay na okay lang sa akin. Hindi niya naman siguro gagawin iyong katarantaduhan niya sa akin noon. Minahal ko siya pero gin*go niya ako.
"May tanong din ako sa iyo.” Bigla ko lang naalala.
"Ano 'yon?"
"M-may asawa ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kan'ya nang may kaba. Paano ba naman kasi? If my sister-in-law siya, may asawa na siya! Siguro alam nila Ate 'to 'di lang ako na-inform.
Naku! Baka masabunutan niya ako kapag nalaman niya kalandian ko. Magpapasabunot naman ako dahil alam ko 'yong mali ko!
Natawa siya sa sinabi ko, "Mukha ba akong may asawa?" aniya.
Bakit niya kasi sinabi 'yong sister-in-law?
"W-wala," sagot ko.
“Nakita o nabalitaan mo ba ako na ikinasal?”
“H-Hindi.”
He smiles at me.
"Wala pa akong asawa, waiting for someone, oo," sagot nito sa akin.
Waiting for someone? Sino 'yong someone na tinutukoy niya? Paanog wait? 'Di ko masyadong gets. Malamang wait talaga, kasi malamang umalis! May umalis kaya may maghihintay na bumalik! That's it! Pero bakit kasi kailangang tawaging sister-in-law kung hindi pa rin naman sila kasal!
"Nga pala, may gusto rin sana akong itanong sa iyo If you wouldn't mind," biglang sabi niya sa akin.
Nilingon ko siya. "I won't mind. What is it?" tanong ko sa kan'ya.
"Iyong sinabi mo sa akin," he paused. Nakatingin pa rin siya sa dagat, napalunok na kaagad ako. "Iyong sa kasal ni Macmac, why?"
Ayan na naman, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala naman na akong maalala sa mga sinabi ko sa kan'ya! Kaya ayaw kong nag-iinom eh! Ayan tuloy!
I will mind this pala!
"A-anong w-why?"
Maang-maangan mode ako ngayon, okay lang naman siguro, una dahil hindi ko naman alam or maalala kung ano ba talaga 'yong mga sinabi ko sa kan’ya. Basta alam ko, another kahihiyan na naman 'to.
Baka may mga nasabi ako sa kan'ya na hindi ko naman dapat sabihin. Sarap magmura sa mga oras na 'to! Pero sana kung nasabi ko naman iyong matagal ko ng sekreto—edi sana, alam na iyon ni Kuya Misael? Mali rin naman ang pagtago na ginawa ko. He won’t considered it, I guess.
"Hindi mo ba maalala?" tanong niya sa akin. Umiling ako. Hindi ko maalala ang mga pinagsasabi ko sa kan'ya. Hindi malinaw. "Sinabi mo lang naman sa akin nang paulit-ulit na sana hindi saktan ni Macmac si Ashwell at hindi matulad sa ginawa niya saiyo. What did he do to you?" Pinanliitan niya ako ng mga mata.
Lalo akong napalunok. Sinabi ko ba 'yon?! Pero malakas kutob ko na may itatanong talaga siya na hindi ko magugustuhan.
I mentally sighed. Alam ng mga kapatid ko na jowa ko si Macmac before, pero I am one-hundred percent sure na hindi alam ni Kuya James 'yon kasi he's not around that year. Nasa ibang bansa yata siya noon.
And no'ng nag-break kami tumahimik na lang ako. Pati mga kapatid ko. Even though, hindi nila alam kung ano ang eksaktong nangyari.
Ako lang at si Macmac ang nakakaalam no'n. Ayaw ko nang ungkatin ang bagay na 'yon. Lalo na sa kan'ya. Baka magtanong siya. Malamang interesado siya dahil kapatid niya si Macmac.
Hindi niya alam noon pero baka alam niya na ngayon—baka nasabi ko sa kaniya, t*ngina.
"Ah wala 'yon! D-dala lang ng alak 'yon 'no. M-mahilig ako mag-imagine kapag lasing ako, h-hehe," palusot ko pa. Nagkibit-balikat naman siya. Bahala na talaga. Sana wala pa siyang alam. Sana, hindi ko nasabi sa kaniya, my gawd, Cassie, Kasalanan mo talaga ‘to.
"Okay, kung hindi mo maalala 'yong mga sinabi mo sa'kin, for sure, hindi mo rin maalala 'yong ginawa mong paghatak sa'kin 'di ba?"
Parang nagsitaasan naman ang lahat ng balahibo ko sa katawan. P*tangina, ayan! Napamura na talaga ako. Ayaw ko na! Please! Gusto ko nang umuwi.
Napatikom ako ng bibig, hindi ako sumagot!
"Silence means yes.” Napangiwi ako. Hindi lahat nag-apply doon!
Ang tanong niya is 'kung hindi ko maalala', ang tama namang sagot doon ay 'Naalala ko, pa', kapag sumagot ako ng 'Yes', ibig sabihin hindi ko nga maalala 'yong nangyari sa amin. Gets? It means, sumang-ayon lang ako sa sinabi niya! Sumang-ayon ako sa sinabi niya na hindi ko maalala.
Huhu!
Ayaw ko lang naman magsalita, eh!
Pero, haist. Sabi na, eh, malakas talaga ang kutob. Napunta na kami sa topic about sa kasal ng kapatid niya, eh.
"Actually, n-naalala ko." Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at sinagot ko 'yon sa kan'ya.
Matagal bago siya nakasagot. Natahimik na naman kami, hampas lang ng alon ang naririnig ko ngayon until minutes later, nagsalita na rin siya.
"Everything?"
"About s*x, yeah.” Pagsang-ayon ko naman sa kan'ya. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kan'ya! Hindi ko talaga kaya! Huhu! Hiyang-hiya ako!
Hindi naman ako shy type na tao, eh! Pero bakit ganito ngayon, bakit hiyang-hiya na ako! Bakit kasi sa dinami-rami ng tao si Kuya James pa ang hahatakin ko?
Naalala ko 'yon! Ako iyong unang humalik sa kaniya nang dalhin niya ako sa hotel room na iyon! I seduced him that's why we ended up like that.
Kaya hiyang-hiya talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha, ng lakas ng loob para umangkas sa motor niya at makipag-usap pa sa kan'ya.
Ano na kaya ang sunod na mangyayari ngayon? Huhu.
"I'll take you home," sabi niya. Nauna na naman siyang naglakad paalis. Bago ako sumunod ay pinanood ko na muna siya habang naglalakad sa baybayin.
I sighed.