"NAPAGOD ako," sabi niya. "Sobra, mag-resign na kaya ako?"
Pabagsak siyang na-upo sa sofa. Nakatingin lang ako sa kan'ya, kumakain ako nitong chips habang nanonood ng TV nang bigla siyang dumating.
Kami lang ang nandito sa baba, si Ate Carmie ay hindi pa nadating, si Mama at Papa naman ay nasa library. May library kami rito sa bahay, as in room na puro bookshelves talaga. And kapag may bookshelves. It means may mga libro roon. Fiction and non-fiction.
Ako lang naman ang madalas doon dati tapos ang mga parents namin. Si Clare at Carmie bihira lang naman pumasok doon. Ang totoo kasi niyan ay mahilig ako sa libro. Mahilig akong magbasa ng mga stories, pocketbooks, mga novel, ganern. Haha, sinabi ko na lahat-lahat.
Marami akong collection ng books galing sa favorite authors ko. Hindi man halata pero marami akong gano'n. Mahilig akong magbasa lalo na 'yong may genre na romance.
Hindi rin halata pero gusto ko rin maranasan iyong naranasan ng mga character sa libro na mga nabasa ko. Like, iyong may forever then makakakilala ka ng pogi pa sa pogi tapos umiigting 'yong panga 'pag nagagalit may punishment na magugustuhan mo talaga.
That's why I have a lot of sex... I mean, ex. Kasi iyong mga standards na hinahanap ko nasa kanila sana, eh. Kaso wala, eh, hindi talaga kami puwede.
Paano rin, marupok talaga ako, eh haha! Lalo na kay McLeigh dati no'n, sobrang rupok ko. Umaasa kasi ako na may magmamahal din talaga sa akin.
Masama ba 'yon? Kung masama ang pagiging hopia, pagiging marupok, umaasang may magmamahal din sa akin ng totoo eh isa akong certified makasalanan.
"'Wag ka mag-resign aba," sabi ko sa kan'ya. Iniharap ko sa kan'ya 'yong chips na kinakain ko. Kumuha naman siya roon at kumain. Nakasimangot pa ang kapatid ko.
"Favorite talaga ako ng bruhildang 'yon," inis na sabi niya.
"Basta, 'wag mo na lang papatulan. Isipin mo na kailangan talaga natin magtino and for your information, mas bruhilda ka sa kan'ya kaya keri lang. Tiis-tiis ganda lang!" sabi ko sa kan'ya.
"Hmp! Nakakapagod talaga kaya! Pinaglakad niya ako sa initan? May pinahatid siya sa akin na papeles kahit hindi naman talaga 'yon ang trabaho ko.” Napamura siya pagkasabi niyon.
Nakaramdam ako ng inis. Ano ang karapatan niyang paglakarin sa initan itong kapatid ko?! I don’t know why she treated Clare like that. Feeling ko may iba pang dahilan iyon.
"Nakakainis nga 'yon, ha, sapakin ko na ba?" sabi ko. Pinanliitan niya ako ng mata.
"Akala ko ba, magtitino na tayo? Tsaka nagagawa niya 'yon dahil nalaman ko na pinsan niya 'yong nagpapatakbo ng company," sabi niya sa akin.
Really?
"Edi dapat mas mataas ang posisyon niya sa posisyon niya ngayon," sabi ko pa. Vice-president man lang, ganoon. Hindi iyong head lang ng department namin.
"Ewan ko. Baka nga kasi na nakatakda siyang utos-utusan ako," sabi niya. Napakibit-balikat na lang ako.
I extended my arms to her. "Hug na lang," nakangiting sabi ko. Ngumisi naman siya sa akin.
"Uhh, ang sweet naman ng Ate ko!" sabi niya tapos niyakap ako ng mahigpit. "I love you, Ate Cassie!" Napangiti ako at mas niyakap siya ng mahigpit.
"I love you too, Clare."
Bihira lang siya um-Ate sa akin kaya lubusin na. Nag-sway-sway pa kami habang nakayakap sa isa't isa. I guess, no one can break us down.
Pero napakalas kami at sabay na napatingin sa may front door nang bigla na lamang may pabagsak na nagsara nito. Napatayo kami para tignan 'yon.
Alas-ocho na nang gabi, kanina pang five o'clock umuwi si Yaya Remy at ang driver namin. Stay-out din si Manong driver namin. Siya ang madalas na naghahatid kay Mama at Papa sa school gamit ang van. Wala na kaming ibang sasakyan kung hindi ang van namin.
Baka si Ate Carmie iyong pumasok pero bakit parang nagdadabog? Ang lakas no'n, ha, parang masisira 'yong pinto namin.
Nang tingnan namin ni Clare ay nagulat kami ng makita namin doon si Ate Carmie. Ang dungis-dungis niyang tingnan tapos umiiyak. Nagkatinginan kami ni Clare, patuloy pa rin na umiiyak si Ate, naka-upo siya sa sahig, nakalapat ang kan'yang likod sa pinto.
Parehong nanlaki ang mata namin ni Clare at nilapitan siya. "Hala, Ate!" Clare exclaimed.
"Shh!" bawal ni Ate Carmie sa kan'ya. "'Wag kayo maingay, please lang."
Tumigil siya sa pag-iyak. Kami naman ni Clare ay naguguluhan. Inalalayan namin siyang makatayo, nang makatayo siya ay binawi niya ang braso niya at saka nag-matrsa papunta sa kuwarto niya. Tiningnan niya pa kami ng makahulugang tingin na tumahimik.
"Anong nangyari sa kan'ya?" halos magkasabay na wika namin ni Clare.
"Mas better na tumahimik muna tayo, sabi ko na lang sa kan'ya." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya. "Magpahinga ka na," sabi ko. Medyo naguguluhan din siya lalo naman ako, pero pinagpahinga ko na siya. Sumunod na siya kay Ate sa taas.
Ako naman ay napabuga ng malakas na hangin. Ano kayang nangyari kay Ate? Tanungin ko na lang siya bukas o kaya naman ay mamaya.
Napatulala ako sa pinto, nasa harap ko naman 'yon, eh. Tapos panay alala ako sa nangyari kanina. Success naman 'yong pakikipag-usap ko sa organizer. Madali lang naman siyang kausap. Kaya napadali rin talaga ako, tapos sinama pa ako ni Kuya James sa birthday ng inaanak niya na si Bob and base sa sinabi ni Kuya James, anak ito ni Keith.
Tapos, huhu! Iyong naging topic namin ni Kuya James. Tahimik lang kami pareho hanggang sa naka-uwi kami. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin ako nagtangkang magsalita. Kahit mapanisan pa ako ng laway ay hindi ko ginawa.
Hindi na nga ako nakapagpasalamat nang maihatid niya ako rito sa bahay. Tanguan lang kami. Hiyang-hiya talaga ako! Grabe!
Bakit ba kasi hindi pinagbigyan ang kahilingan ko na kainin na lang ako ng lupa? Nakakaloka.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Lutang ba ako o ano, porke nasa harap ko ang pinto. Napahawak ako sa doorknob at saka pinihit ito upang mabuksan.
Iyong gate lang naman namin ang nakita ko, pero napansin ko na parang may nakaparadang sasakyan sa harap. Tiningnan kong ma-igi.
Dahan-dahan na akong naglakad palabas at lumapit sa may gate. And then to my surprise may nakaparada ngang sasakyan. Lumabas ako ng gate. Pamilyar ang sasakyan na 'to.
Hindi ko alam kung kanino ito. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Pagmamay-ari ito ng isa sa mga kaibigan ni Kuya Sael.
And speaking, nakita ko ang may-ari ng sasakyan na papalapit sa sasasakyan. May kausap siya sa telepono.
"Diyan ka lang, pabalik na ako.” Iyon ang sinabi niya bago niya ibinaba ang kaniyang cellphone.
I furrowed. "What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Napakibit-balikat naman siya. "Dapat nasa Batanes ka, 'di ba?"
Takang-taka ako. Anong ginagawa ni Kuya Xander dito? Dapat kasama siya ngayon ni Ate Crisselle?! Don't tell me hindi nag-work ang plan?
"Oh, well, may pinakuha lang sa akin si Crisselle. Pabalik na ako," sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako. Ano iyon? Walking distance lang ba ang Batanes to Tastotel? Hindi na ba iyon kayang makapaghintay?
"So ano ngang ginagawa mo rito?" tanong ko. Bakit siya nakaparada sa tapat ng bahay namin?
"Ako ang naghatid kay Carmie rito. Buti na lang nadaanan ko siya. Muntik na siyang ma-rape.” Napanganga ako.
Nag-init kaagad ang dugo ko. At lahat ata ng dugo na 'yon ay nagsi-taas sa ulo ko. Sinong lapastangan ang may gawa noon?!
"Sinong may gawa niyon?!" inis na sabi ko.
"Ka-trabaho niya lang daw sabi ng Ate mo," sabi niya sa akin. Mapait siyang napangiti sa akin. "Don't worry, pinatanggal ko na siya sa trabaho. Kakilala ko lang ang may-ari ng kompanyang 'yon at tinanggal na ito.
"Sana 'wag mo na 'tong banggitin kay Ate mo. 'Wag mo rin sabihin na sinabi ko sa iyo kasi unang-una binalaan niya na ako, naki-usap siya sa akin na 'wag ko ipagsabi kahit kanino, kahit sa iyo pero sinabi ko pa rin. 'Wag mo na lang sabihin sa iba, ha?"
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at sumakay siya roon. Napa-urong pa ako ng kunti, "Salamat nga pala sa pag-ayos sa magiging kasal ko, ha? I just wanna say na nag-work. Thank you sa inyo! Aalis na ako, babalikan ko na siya sa Batanes! Bye!" Tuwang-tuwang sabi niya at pinaharurot niya na ang sasakayan niya.
Pilit naman akong ngumiti at kumaway na lang sa kan'ya bilang paalam. Pagkatapos niyon ay nagsalubong ang mga kilay ko.
Humanda sa akin ang may gawa niyon! Hindi siya nakakatuwa! Hindi niya dapat ginawa sa kapatid ko 'yon!
Dali-dali na akong pumasok sa kuwarto ko at saka kinuha ko ang laptop ko. Thank God, wala rito si Clare. Doon niya at napagpasyahan na matulog sa sarili niyang kuwarto.
I did my research. I asked for Satana to help me. Tulungan hanapin, alamin ang may gawa niyon sa Ate ko! Kahit hindi natuloy! Pinagtangkaan niya pa rin.
Madali na lang ito para sa amin dahil nabanggit na sa'kin ni Ate na may ka-officemates daw siya na gusto siyang libangin and parang baliw na baliw daw sa kan'ya. Hindi niya lang daw ito pinapansin palagi.
My phone rang. It was Satana. Malamang ay na-receive niya na ang message ko na gusto kong magpatulong.
It’s nice to talk to you again, Alonzo number three.”
Napakunot naman ang aking noo. Anong Alonzo number three?
“Well, hindi ako ang bunso. It’s Alonzo number two, Ferrer number two.”
Nagkatawanan naman kami pareho. Nagagalak din ako na makausap siyang muli. She helped me on how can I find that b*stard.
Bago ako natulog ay nalaman na namin kaagad kung sino, bahay at lahat ng information tungkol sa kan'ya. A-absent ako bukas! Pupuntahan ko itong hayop na ito!