MYMF 012

2279 Words
"A-ABSENT muna ako, ah," Agad na napalingon sa akin si Clare nang sabihin ko 'yon sa kan'ya. "Anong absent ang pinagsasabi mo?!" She gaze blazed at me. "Absent, it means not present. Hindi muna ako papasok, gano’n. Ikaw muna mag-isa," sagot ko sa kan'ya. Lalo lang sumama ang tingin niya sa akin. Akmang sasampalin niya ako pero hindi niya natuloy. "Sige, subukan mo! Ate ako 'di ba?! ATE!" Alam niya na ibig sabihin no'n. "Cassie naman kasi, bakit ka a-absent, akala ko ba ang goal natin ay magtino?" Nginiwian niya ako. "Oo nga, kaso may importante lang akong lakad ngayon," sabi ko. "Edi sama ako." "Bawal.” Napangiwi siya lalo. Hindi ko siya isasama rito. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin. "Ang daya mo talaga.” "Ngayon lang naman,” sabi ko. "Kahit na!" "Magtino ka," paalala ko sa kan'ya. "Naman, eh!" Dumadabog-dabog pa siya pero hindi ko na siya pinansin. Iniwan ko na siya roon, nag-ayos ako ng sarili ko at umalis ng bahay. Wala naman na siyang magagawa. Hindi na ako nagpaalam sa kanilang lahat. Paglabas ko pa lang ng bahay ay agad na pumarada ang sasakyan ni Satana, mabilis naman akong sumakay sa dala niyang sasakyan. Napansin ko na bago iyon. “Bago ‘tong kotse mo, ha. Saan mo nabili?” Napahalakhak lang si Satana. Aaminin ko na kung hindi ko lang talaga kilala si Satana ay baka naiinis na ako ngayon sa paraan niya ng paghalakhak. Nakakaloko. “Lagi akong may bagong sasakyan. Huwag ka na magtaka, and I bought it in Italy.” Napairap na lang ako sa kaniya, pinaandar na ni Satana ang sasakyan niya. "Hindi ko talaga gusto ang nangyari kay Ate kagabi," nanggigil na sabi ko sa kan’ya. "He's obsessed, ang ganda ng Ate mo kaya!" she chortled. "I know. Alam ko naman na ako talaga ang pinakapangit sa magkakapatid," I remarked. Totoo naman kasi. Mas maganda sa akin si Ate Carmie at si Ate Clare. Sa kaso ni Ate Carmie, hindi niya ma-admit sa sarili niya na maganda siya kahit maliit lang siya na tao. Paano? Paniwalang-paniwala siya sa pang-u-uto ni Kuya Achill na pangit siya. My god, hanggang ngayon naniniwala pa rin ang kapatid ko na pangit siya. Alam niya naman kasi na pang-aasar lang iyon ni Kuya Achill eh tino-totoo niya. Uto-uto kasi 'yon, eh, kahit ako, na-uuto ko 'yon nang madalas. "Korni mo! Haha! Maganda ka rin, uy!" sabi niya sa akin. Napakibit-balikat naman ako. Hindi na ako sumagot sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa bahay na sad’ya. "I know you can do it by yourself," sabi niya sa akin. Napatango ako. "Of course, baka Cassie Mitch ‘to!" sabi ko. Hindi na kasi siya sasama sa loob. She'll wait me here. Apartment lang ‘tong bahay ng loko na 'yon. One-hundred percent na nandito siya sa bahay na 'to. Sabi rin ni Kuya Xander via text message ay nabugbog niya raw ito. Alam ko na rin kung anong itsura nito kaya ako na ang bahala. Napakuyom ako ng mga kamao ko, hindi ako kuntento na nabugbog na siya ni Kuya Xander. Gusto ko na mabugbog pa siya and this time, ako naman. Pagdating ko sa tapat ng pinto ay kumatok ako. "Sandali!" rinig kong boses ng lalaki. I gritted my teeth. I'm sure na siya 'yon! Kapag hindi talaga ako nakapagpigil baka mapatay ko siya. Nang buksan niya ang pinto ay lalaking mas black-eye ang agad kong nakita. Lalo lang akong nanggigil. "Anong kai ㅡ " Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang salubungin ng kamao ko ang bibig niya. Napa-atras siya papasok, ako naman ay tuluyang pumasok sa apartment niya at sinara ang pinto. "Sino ka?!" sigaw niya sa akin. Buti na lang wala siyang kasama rito kaya safe. "Bakit mo ginawa kay Alonzo 'yon? Hindi mo ba alam na puwede kang makulong sa ginawa mo?" taas-noong sabi ko sa kan'ya. Wala naman akong balak na sabihin sa kaniya na kapatid si Carmielia Alonzo. "Sino ka ba?" "Wala kang pakialam, sagutin mo tanong ko!" I hissed. Napasinghal siya. "Didn't it obvious? I am attracted to her. I like her that's why I did that," sabi nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Pero hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon!" inis na sabi ko. Napabuntong-hininga siya. "Alam ko na mali pero ginawa ko pa rin. Masama ba? Sinubukan kong ligawan siya pero deadma," sabi niya sa akin. Napayuko pa siya. Medyo kumalma ako. Medyo naiintindihan ko kasi siya this time. But still! Sinapak ko ulit siya! Nagdurugo na ang labi nito. Buti na lang malakas pa ang mga kamao ko. "Aray! Ang sakit mo rin manapak, ah!" ‘Rin’? Ibig niya bang sabihin ay nasapak na rin siya ni Ate Carmie kagabi? I guess so, hindi na dapat ako nagtataka. Uso rin naman ang sapak sa panganay namin. "Ganiyan talaga kapag maganda!" I rolled my eyes. "Pero bakit mo kasi pinagpipilitan ang sarili mo sa hindi taong hindi naman ikaw ang gusto? Isa lang naman ang ibig sabihin niyan, eh, she's not for you.” Napa-upo siya sa maliit na kama na naroon. "Tama ka," sabi niya. "Nagsisisi naman na ako but it's too late, the company will sue me," sabi nito. Sinapak ko ulit siya. "Aray ko talaga! Putang*na kung hindi ka lang babae pinatulan na kita!" Medyo may inis na sa boses niya. Kinunotan ko lang siya ng noo. "Ano? Porke't babae ako?! Hindi mo ko papatulan? Gag* ka ba? Walang babae-babae rito! Tumayo ka diyan, David! Hayop ka! Suntukan tayo!" Paghahamon ko sa kan'ya. Medyo naguluhan siya sa sinabi ko. Napatayo ulit siya. "How did you know my name?" tanong niya sa akin. "Wow?! No'ng sinabi ko pangalan mo nagtaka ka pero hindi ka nagtaka kung paano ko nalaman address mo. Funny mo!" Inangat ko ang dalawang kamao ko na nakakuyom na para bang nasa boxing ring ako, at siya ang opponent ko. Siya naman talaga. Magsasalita pa sana siya pero pinutol ko agad ito. "Halika rito! Suntukan tayo!" sabi ko sa kan'ya. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata. "Pagsisihan mo 'to.” Humakbang siya papalapit sa akin at nag-aalangan pa siya nang bigyan niya ako ng suntok pero agad akong naka-ilag. Wala namang rules. Rules niya mukha niya! Sinipa ko siya sa sikmura niya. Napa-ubo-ubo siya at napa-atras naman. Natawa pa ako. Nilapitan ko at walang tigil na pinagsusuntok hanggang sa tumutulo na ang dugo niya. Pulang-pula ito, hindi siya nakapalag. Deserve niya 'to! Walang'ya siya! Pero nanlaki ang mata ko nang malakas niyang pinigilan ang kamay ko para sa huling suntok. Buong lakas siyang tumayo. Hindi ako nakapalag! Doble pa rin kasi ang lakas niya kahit dumudugo na halos lahat sa mukha niya dahil sa suntok na natamo niya sa akin. Hindi ako nakapalag nang tinulak niya ako sa maliit na kama, nauntog pa ako sa may pader na nandoon. 'Yong maliit na kama kasi na nandito ay malapit lang sa pader. Napalakas iyong pagtulak niya sa akin, eh, kaya na-untog ako. Napahawak ako sa sentido ko at naramdaman ko kaagad ang mamasa-masa na malamang sa malamang ay dugo ‘to. Parang naalog ‘yong utak ko. Para sure ay tiningnan ko pa ang kamay ko na pinanghawak ko sa sentido ko and kumpirmado na dugo nga. Humarap ulit ako sa kan'ya at ang tatalim ng ngiti ko. Tatayo sana ako pero buong puwersa niya akong tinulak pahiga na sa kama at saka niya ako kinorner. Nilagay niya pa sa taas ng ulo ko ang mga kamay ko. Nakahawak siya ng mahigpit sa pulsuhan ko, "Hayop ka!" "Told you! Pagsisisihan mo!" Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang mukha niya na punong-puno ng dugo. Nakatingin siya sa labi ko. Hindi na ako makapalag dahil nakapatong siya sa akin. Naiipit niya rin ang mga binti ko kaya hindi talaga ako makawala. Hindi ko maiwasang mapapikit ng mariin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Medyo nakaramdam ako ng takot, naalala ko ang nangyari noon pero nilakasan ko na lang ang loob ko. “GET off me!” My eyes were teary. Naglalakad lang ako pa-uwi sa bahay tapos may mga lalaki pa na humarang sa akin. Namukhaan ko iyong isa sa kanila. I know him… Tang*na! They’re familiar to me because they’ve been working with the person close to me these past few months. Anong gagawin nila sa akin? Papatayin ba nila ako? Bakit? Anong ginawa kong kasalanan? Sinubukan kong lumaban pero higit na mas malakas sila plus marami sila. Piniringan nila ang mga mata ko at ginapos ang dalawang kamay ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Pero hindi ko maiwasang ma-luha. Pakiramdam ko… Mamamatay na ako. “Kalma lang po tayo, Cassandra…” Rinig kong sabi ng isa sa kanila. Alam ko na marami sila kahit na may piring ang mga mata ko. “Hindi Cassandra ang pangalan ko! Pakawalan niyo na ako!” I am not good at 'pagmamakaawa' pero kailangan kong gawin. Gusto ko na umuwi! Hindi nila pinansin ang sinabi ko. Pinahiga nila ako sa kutson, hindi ko alam kung anong itsura sapagkat nakapiring ang aking mga mata. Pero ito lang ang nasisiguro ko… Kutson ito. Sinubukuan kong tumayo ngunit hindi ko nagawa because one of them punch me on my upper stomach. Kahit anong pagmamakaawa ko na pakawalan nila ako ay hindi man lang nila magawang dinggin. “Narito na siya…” Nang sinabi iyon ng isa sa kanila ay natahimik ako, pero nabasag ang katahimikan na iyon nang biglang may humawak sa akin at pumatong sa katawan ko. AT ngayon na nasa harap ko ang p*tang*nang David na ito at nag-aalala ako na baka maulit lang ang nangyari noon. No. Stop thinking na mauulit ang nangyari noon. I won't let that happen again! Alam ko na kasi ang sunod niyang gagawin, he wants to kiss me pero bago niya pa man mailapit ang labi niya sa labi ko ay bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto. Buti na lang ito naka-lock pagpasok ko. Nagulat ako. Mabilis akong napabangon. Ang bilis ng pangyayari. Nakita kong pumasok siya at hinila si David papalayo sa'kin. Mabilis niya itong sinapak. Ang lakas no'n, tumalsik pa si David sa may pader. Nang tingnan ko ito ay nakapikit na at parang wala nang malay. Bahala siya sa buhay niya! Iiwan ko siya rito! Napatingin ako kya Kuya James. Paano niya nalaman na nandito ako? "What the hell are you doing here?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan, anong pumasok sa utak mo, ha?!" medyo may inis sa boses niya. "Wala kang paki!" inis din na sabi ko at saka tumayo na. Nakatitig lang siya sa akin at ang sama-sama ng mga titig niya sa akin. Akmang lalagpasan ko siya. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako. "Sandali," sabi niya. Napatingin ako sa kan'ya. Medyo napatingala pa dahil medyo matangkad siya sa akin. Tinitigan niya ang buong mukha ko na animo'y sinusuri ito. "Ano?" naiinip na tanong ko sa kan'ya. "May sugat ka.” Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero nang bigla niyang inangat ang kamay niya para ilagay sa may sentido ko ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Parang iba! Tapos nakatitig pa siya sa akin nang diretso. I blink a few times. Hinawi ko ang kamay niya, "I know. Tinulak ako niyan, eh!" inis na sabi ko at tinapunan ko pa ng tingin si David na pulang-pula na ang mukha dahil sa mga dugo. "Halika na," sabi niya. "Gamutin natin sugat mo.” Nagulat ako nang hilahin niya ako palabas sa apartment ni David. Ang banal ng pangalan, ang sama naman ng ugali! Deserve niya 'yon! Nagsisi na pala siya tapos balak niya pang gawin sa akin 'yon?! G*go talaga! Hindi ko na pinigilan si Kuya James. Nang nasa labas na kami ay naabutan pa namin si Satana roon. Nasa labas na siya ng kotse at animo'y hinihintay talaga kami. Naguluhan ako. Unang-una ay kung paano nalaman ni Kuya James na nandito ako. Malakas ang kutob ko na sinabi ni Satana iyon dahil kaming dalawa lang naman ang nakakaalam. Pero bakit? T*ngina, don't tell me, magkakilala rin sila ni Kuya James? "Sa akin na siya sasabay," sabi agad ni Kuya James. Binitawan niya ako sa may tapat ng Zechya niya na malamang ay siyang dala niya papunta rito. "Okay." Satana shrugs. She turned to me. "Are you okay? Dumudugo, oh.” Tinuro niya sa iyong sugat sa ulo ko. "I'm okay.” Ngumiti ako sa kan'ya. "Thank you," I said. "Sa susunod, Satana, 'wag mong tutulungan 'to kung wala ako, ah?!" inis na sabi ni Kuya James. Ibig sabihin lang nito ay talagang magkakilala sila. Nilingon ko siya. Pasakay na siya sa motor niya. I glared at him. "No!" "Anong NO?! Tingnan mo nangyari?" inis na sabi niya sa akin. Padabog niyang inabot sa akin ang helmet. "Bakit nagagalit ka?!" May inis din sa boses ko. Ano ba kasing pakialam niya? "Malamang, magagalit talaga 'yan." Kahit pabulong ay narinig ko pa rin ang sinabi ni Satana. "Sumakay ka na.” Biglang huminahon si Kuya James. "Bakit ka nga nagagalit?" "Sumakay ka na," ulit niya na namang sabi. Napa-irap ako. I turned to Satana, nakasakay na siya ngayon at ang lawak ng ngisi niya sa akin. Kahit naguguluhan ay wala na akong ibang nagawa kundi ang umangkas na naman sa motor ni Kuya James. Hindi na nga ako nakapagpaalam nang matino kay Satana dahil nang makasakay na ako ay agad niyang pinaharurot nang mabilis ang motor. Hindi ko na sinuot iyong helmet, naku, baka may sugat ako? Mahapdi pa rin ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD