NAGPUNTA kami sa condo unit ni Theresa today. She asked me to bring Cassie there. Epic fail, buo talaga ang loob ni Cassie na ‘wag maniwala. Naiinis din ako kay James. But still, mahal ko pa rin siya, ngunit may parte din talaga sa akin na hindi natutuwa. It’s not really funny at all. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ‘to? Kapag nagkataon pa’y baka magalit sa akin si Cassie. Ayaw kong mangyari ‘yon—ayaw kong magalit sa akin ang kapatid ko. Hindi ko naman talaga maiwasang kabahan nang sobra. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Masyadong matindi 'tong sitwasyon namin ngayon. Nakakapanindig-balahibo talaga. Wala akong ideya kung anuman ang sunod na mangyayari. Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa bahay nila Tita Sara pagka-uwi namin ni Cassie. Agad naman na tumaas ang kilay ko’t parang

