“CASSIE…” Napalingon ako nang biglang pumasok si Clare sa kuwarto ko. Hindi naman kasi talaga ako nagla-lock ng kuwarto ko. Nagsu-suot ako ng bra nang bigla siyang pumasok. Okay lang naman, kapatid ko naman siya at nakita niya naman na lahat-lahat sa akin. Sabay pa nga kami maligo dati. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. Napansin ko naman na nakabihis siya ng panlakad, ibig sabihin may pupuntahan siya. “Saan ka pupunta?” I asked. “Uhm, sa ano.” Napabuga pa siya ng hangin. “May problema ba?” I asked. Nagsuot na ako ng shirt at humarap ng diretso sa kaniya. Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya. Mukhang may gusto siyang sabihin. “Ano kasi…” “May problema ka ba?” tanong ko na naman. Umiling naman siya sa akin. What’s wrong with her? “Aalis ka ba ngayon? Sama ka sa’kin,” sabi niya. Aw

