TUMAWA ako at saka iniwan ko siya roon. Nagtuloy-tuloy na ako papasok sa café. Nagkita kasi kami ni Ate Carmie rito. Tapos sinabi ko lang na gutom ako, ang OA na kaagad! Buntis daw ako? Ibang klase. Nagsinungaling pa ako sa kan’ya na nasa akin pa ang virginity ko. Wala na kaya. Baka naman naniwala siya roon? Hindi siya kumontra kanina. Malamang ay naniwala siya kaagad. Siguro kaya niya nasabi iyon dahil sinabi ko na nagke-crave—sinabi ko nga hindi ko alam kung saan ako nagke-crave. Ang totoo, alam ko naman talaga. Gusto ko ng ice cream! ICE CREAM NA MAANGHANG! Anyway, pumasok naman ako kaagad ng café pag-alis ni Ate. Malapit lang talaga rito ang Armalana Building kaya hindi na malabong magkasulubong kami rito. Nang makapasok na ako roon ay agad kong hinanap ‘yong gusto ko sanang

