"CASSIE! Tara na! B**a nito!” “Nandito na tayo!" she added. Umirap na lang ako at saka tumayo sa kinauupuan ko. Tuluyan na akong bumaba at hindi na nagpaalam kay Nikolai. Nagkibit-balikat ako. Napaisip din ako bigla tungkol sa kanila. Sumang-ayon siya sa akin na girlfriend niya si Eirah ngunit hindi niya alm kung nasaan si Eirah? I shrugged again. "Namasahe ka ba? Kasi ako, hindi," sabi ko na lang sa kapatid ko nang makababa kami. "Oo naman, igaya mo 'ko sa iyo. Palibhasa kasi, panay takas ka!” Nagsimula na kaming maglakad papasok ng village. Hindi naman kasi pumapasok ang bus sa loob ng village. Malamang. Medyo malapit lang naman tsaka hindi naman na ganoon ka-init kasi hapon na kaya naglakad na lang talaga kami. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay pagkatapos ay nak

