Chapter 2

3040 Words
Chapter 2         University Gymnasium   DION Nung nakaraan si Sarah, ngayon naman si Kelly. Ang lupit mo talaga. Alamat ka talaga.   ALVIN Ang tali-talino nya lang kase, alam mo yun. Parang ngayon lang ulit ako nakarinig ng ganon. Kaya interesado ako sa kanya, interesado na makilala.   Malisyoso ang tingin nito kay Alvin   ALVIN Oi mali ang iniisip mo ha, gusto ko lang talaga syang makilala. Sana nga makapasa ako sa exam e.   DION Saka mo na muna isipin yung resulta ng exam, sure naman na papasa ka don kaw pa ba. Eto munang laban ko ang atupagin natin. Gigil na gigil na kong pataubin yung makakalaban ko ngayon e. Nasan na ba yon?   COACH Lahat ng magta-try out punta dito sa gitna. Double time!   ALVIN Oh ayun na. lapit kana dun, good luck ha.   DION  Nood ka lang jan, uuwing luhaan tong makakalaban ko.   Umiling nalang si Alvin at nagpunta sa bleachers   COACH Batch 2 na kayo, tapos na sa batch 1 kahapon. 12 na sakanila ang nakapasok sa round 2 pero hindi ibig sabihin non ay pasok na sila sa Club ko. Kaya kayo nandito ay para kalabanin ang mga nanalo sa batch 1 pero kelangan niyo munang talunin ang katunggali nyo ngayon. Makinig kayo sa mga pangalan na babanggitin ko. Pair 1, De Jesus Mark at Bautista Melvin. Kayo ang magkalaban, dito muna kayo sa tabi. Pair 2 . . .   Nag simulang mag-browse sa f******k si Alvin at naisipan niyang tingnan ang profile ni Kelly. At nalibang itong tingnan ang mga post nito. Maya maya’y   DION Tara na! ALVIN Oh kamusta? DION Pasok na ko sa next round. Sa sabado na ulit ako babalik   ALVIN Pasok? Eh hindi pa nga nag-sstart eh.   DION Na-default yung makakalaban ko e. Siya lang yung hindi sumipot. Ako lang yung walang kalaban kaya pasok na ko.   ALVIN Kapag sinuswerte nga naman oh? HAHA   DION Naramdaman na siguro nyang ako makakalaban nya kaya umatras sya. Ganon ako katindi. Oh diba. Wala kang bilib eh. HAHA Tara na nga   ALVIN Ano ba yan, ni hindi ka man lang pinawisan.    DION Pawis? Eto nasa kilikili ko, gusto mo.   ALVIN Yuck, baboy neto. Tara puntahan na natin si Tito   DION Ayaw mo sa kili-kili ko, sabagay may Kelly Kelly kana. HAHA       Nakarating na sila sa boarding house nila. Ipinarada ang L300, bumaba na sila Alvin at Dion.   DION This is it. Independent na ko! ALVIN Sige po Tito, Kami nalang ni Dion ang mag aakyat sa taas ng mga gamit. I-settle nalang po muna natin yung bayad sa landlady.   Nag-masid masid muna si Dion habang nagse-settle ng bayarin si Alvin at Papa nito. Kagaya ni Alvin, first time lang din titira ni Dion sa boarding house at mahihiwalay sa parents nya. Hindi naman ito mahihirapan mag adjust dahil kasama nya si Alvin na naging halos kababata na nito at parang kapatid.   ֍֍֍   Nag unahan ang dalawa sa paghiga sa ilalim ng double bed.   ALVIN Ako dito! Ako nauna   DION Dito ako sa baba. Malikot ako matulog.   ALVIN Mas malikot ako matulog! Kaya ako dito.   DION Madalas ako maihi. Sige ka pag ako naihi sa higaan walang sisihan!   LAND LADY Bakit di nalang kayo magtabi?   Agad na bumangon ang dalawa at inayos ang mga sarili   ALVIN Hello po.   LAND LADY Dinig hanggang sa baba yung harutan nyong magkapatid   DION Hindi po kami magkapatid. Lugi po ako   ALVIN Mas lugi ako!   LAND LADY Kunin nyo na sa baba mga gamit nyo at mukhang uulan. Reminder lang ha, bawal maingay dito.   Tumango slang dalawa.   LAND LADY At saka, all boys dorm ito. Bawal magdala ng babae dito maliwanag ba?   Parehas silang sumagot ng opo.   LAND LADY Bawas ang mag inom dito lalo yosi. Ngayon at nandito kayo sa puder ko, ako ang magiging guardian nyo. Pinagkatiwala kayo sakin ng mga magulang nyo. Wag nyo din sirain ang tiwala ko. Maliwanag ba?   ALVIN Opo Tita. Ano po pala pangalan nyo?   LAND LADY Lourdes, Ate Dhes nalang. Bawal din magpukpok pukpok sa mga pader ha. Hingi muna kayo ng permiso sakin at ako ang mambabarena.   DION Marunong po kayong magbarena?   LAND LADY Oo naman bakit? Lalaki lang ba dapat ang sanay magbarena? Gusto mong barenahin kita.   DION Sorry po   LAND LADY Joke lang. Mabait ako ha. Basta mabait din kayo sakin dahil ayoko ng pasaway. Bawal din ang magdikit dikit ng kung ano ano, bagong pintura mga pader.   DION Kahit sa CR?   LAND LADY At ano naman ang ididikit mo sa CR aber??   DION Ah eh. Ahm. Formula, mga formula po J   ALVIN Sira talaga to.   ֍֍֍   Room 107   RAFA At nagdo-dorm na nga sila. Bakit di nyo man lang kami sinabihan   ALVIN Bawal ang babae don. Saka bawal maingay.   RAFA Ahii! Kinilig naman ako don.   ALVIN Ano naman ang nakakakilig don?   RAFA Babae na pala ang tingin mo sakin, so may chance naba ako sayo Alvin?   ALVIN Hindi ikaw ang tinutukoy kong babae, si Jane yun. Ang sayo, yung maingay. Ingay mo kase at siguradong palalayasin kami don.   Sarah approaching Alvin and Rafa RAFA Hay nako speaking of layas, lalayas na talaga ako   SARAH Hi Rafa., Hi Alvin   RAFA Che! Crying lady na ‘to (umalis na ito)   ALVIN Oh, Sarah, may problema ba?   SARAH Na-check mo naba yung email mo? Lumabas na ang resulta   ALVIN Ang bilis pala, sige check ko sa phone ko (opens Google mail). Nakapasa ako! Nakapasa ako Sarah   Pagtingin nito kay Sarah ay kalungkutan ang sumalubong dito, ayaw napawi ang biglaang kasiyahan ni Alvin.   SARAH Congratulations Alvin, you made it.   ALVIN Sarah? Wag kang malungkot. Hmm. For sure kapag may mga umalis na staff magpapa exam ulit sila. By that time tutulungan kita. Okay?    Tumingin nalang ito kay Alvin at bakas pa rin ang lungkot nito,    ֍֍֍   University Canteen   JOAN Baka naman may ibang bagay na pwede syang mag excel   RAFA Theater club, bagay sya don   ALVIN Tama na Gi, ikaw bully ka. Need nya now ng mga kaibigan na mag-cheer sa kanya hindi lalo pa syang i-down JOAN Need nya siguro ng focus, minsan diba, kahit gusto mo ung isang bagay, kung hindi ka focus, kulang e. Wala kang drive para makuha yun.   RAFA Wow girl ganda mo don ha. San mo nakuha yan. Fairness ha. JOAN Tama naman ako diba, sabi nga ni Miley Cyrus,(clears throat, starts singing)  everybody needs inspiration. Everybody needs a song A beautiful melody When the night's so long ♪ ♪ ♪   RAFA Osige na, sayo na korona. Kayo nang inspired!   Habang kumakanta si Jane ay napatingin nalang sa labas ng bintana si Alvin, at nag iisip. Nirereminisce ang part ng past nya {Playing: When I Look at You By: Miley Cirus}   'Cause there is no guarantee That this life is easy Yeah, when my world is falling apart When there's no light to break up the dark That's when I, I I look at you When the waves Are flooding the shore and I can't Find my way home anymore That's when I, I I look at you   ֍֍֍   Alvin and Dion’s Dorm Room   Hindi makatulog si Alvin dahil sa iniisip nito. Maya maya at masaya sya, pero right after ay malungkot. Panay tuloy ito pihit at hindi alam kung saan ang magandang pwesto.   ֍֍֍ ALVIN Good morning Roomie,J   DION  Anong maganda sa morning? Tingnan mo mata ko! Ang laki ng eyebag.(Pointing his eyebags to Alvin). Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang likot mo.   ALVIN Oh, haha. Oh diba sinabi ko naman sayo sa ibaba ako. I warned you. DION  Haay. Sige na palit na tayo mamayang gabi. Gaganti ako sayo   ALVIN Ay at gumanti pa nga, hindi lang talaga ako makatulog kagabi, baka namamahay pako. Hmm, Dion, Mamaya diba hanggang 10:30am lang tayo, samahan moko mamaya after school   DION  San tayo pupunta?   ALVIN Naalala mo pa yung kinukwento ko sayo na dati naming bahay sa Guiguinto? DION  Oh, pupunta tayo don? Malayo yun ha   ALVIN Saglit lang yun. Dalawang sakay lang dito. Libre kitang pamasahe   DION Ano ban’g naisip mo at biglang mong gustong pumunta don ALVIN May gusto lang akong makita. J   ֍֍֍ (Pritil, Guiginto, Bulacan)   DION Haaaay, ang layo pa din eh! Ang init!   ALVIN Eto na malapit na tayo samin.   ALVIN Andito na tayo (Stops)   DION Luma na pala ng bahay niyo eh(nagmamasid- masid_, may nakatira pa ba dyan? Parang haunted house na e.   ALVIN Katok lang ako dito sa kabila. Tita? Tita Belen? Tao po.(waiting for response) Tita?   BELEN Sino ba tong kumakatok (lumalapit papunta sa pinto, binuksan)   ALVIN Tita Belen?   BELEN Sino kayo?? (Inaaninag ang mukha nito at sinusuri) Alvin?? Ikaw na ba yan? ALVIN J   ֍֍֍   BELEN Bakit naman tanghaling tapat ang alis ninyo? (usisa nito habang inaabot ang kutsara) Ang laki laki mo na Alvin, dati e ang lampa lampa mo lang. Palagi kang nadadapa   Halos mabuga ni Dion ang kinakain nitong meryenda ng marinig ang pang aasar ng Tita nito kay Alvin   BELEN Oh natatawa pa reng kasama mo, alam mo ba araw araw may bagong sugat sa tuhod yan kakalaro, ewan ko ba kung ano ang nilalaro.   ALVIN Wag nyo naman akong nilalaglag sa kaklase ko   BELEN Aba eh talaga naman, diba? oh siya na kumaen pa kayo ng madami habang mainit pa yang ginataang bilo bilo. Kain ng kain. (habang patuloy ang pag sandok nito at tinanong na nya si Alvin). Kamusta si Cecille pala? Principal naba sya?   ALVIN Hindi pa po, Grade 10 po ang tinuturuan nya, sa BSU pa din. Okay naman po sya.   BELEN Eh, may balita naba kayo kay Ramil?   (natahimik ito, silence created the awkwardness, nag initiate ng bagong conversation si Dion). DION Ano nga pala ulit yung kelangan mong tingnan dito?   ALVIN (Tumingin kay Belen) Gusto ko pong pumasok sa dati naming bahay, pahiram po ng susi   Pumasok na sila sa dating bahay, agad na napansin ni Alvin ang mga lumang display sa loob ng bahay. BELEN Madami nang butas ang bubong ng bahay nito, kaya yung ibang kasangkapan hindi ko na naaagapan. Halos sampung taon na kasi kayong wala dito. Hindi ko na din naman maasikaso. Pero yung kwarto mo, malimit ko namang nililinis, nanjan na din kc yung mga importante nyong gamit, pinagsama sama ko na baka kasi may masamang loob na pumasok, sayang pag nawala.   Binuksan ni Alvin ang dati nitong cabinet at hinanap ang kahon,   ALVIN Tita,(searching for something)natatandaan nyo pa po ba kung nasan yung laman nito?   BELEN Ah eh, ano ba yung mismong hinahanap mo?   ALVIN Yung Kalimba po, alam nyo pa po ba kung nasaan?   BELEN Ah yung kalimba ba, naku eh, nungnakaraan naririnig ko pa yun. Kaso mukhang nilikot ng mga pinsan mo. Alam mo naman, pag mga bata. Paki hanap nalang din, mamaya tatanungin ko sila ha.   DION Anong Kalimba? (curious face) ALVIN Musical instrument yon, nung bata ako madalas kong pinapatugtog yon. Yun ang ginagamit na pampatulog sakin ng mama ko. Sayang naman kungnawala na.   Binuksan nito ang bintana mula sa kwart, agad na bumungad sa paningin nito ang katapat na bahay. Pati ang mismong gate sa tapat na may balkonahe na gawa sa kahoy. Agad itong pumukaw ng kanyang pansin at dali daling lumabas ng bahay para puntahan. Nagmasid masid, mahigpit ang hawak nito sa bakal na gate na halos puno na ng kalawang.    ALVIN          Meron pa po bang dumadalaw dito, Tita?   BELEN Naku eh hindi ko na napapansin, halos sabay lang kayong umalis nyan eh, diba, pero pabalik balik pa sila non. Pero sabi nung bunso ko, nung nakaraan lang, may tao din daw na nagpunta diyan. Pero, baka namankasi dumadaan lang at nakikitingin dyan sa bahay na yan. Ilang sandali pang nagmasid masid si Alvin sa bahay ng dati nitong kapitbahay. Maya maya ay nagpasya na din itong magpaalam sa kanyang tita at umalis na. ֍֍֍ Alvin and Dion’s Dorm Room   Hindi pa rin makatulog si Alvin. Nakatingin sa itaas ng double deck   DION          Ano boss, namamahay kapa din ba?   ALVIN Iniisip ko lang din yung kalimba, baka napag laruan nung mga pinsan o at baka hindi na alam kung saan napunta   DION          Bakit di kana lang bumili ng bago? Samahan kita   ALVIN Hindi naman ganon kadali i-let go yun.   DION          Sinong naaalala mo ba don?   ALVIN Madami, basta. (Bumangon ito at lalabas)   DION          Oi san ka pupunta? May curfew na si Tita. ALVIN Sa labas lang ako ng gate, magpapahangin saglit   Umupo ito sa flower box malapit sa gate. Tumingin tingin sa paligid. (Sighs) Haaay  Maya maya ay naisipan nitong tawagan ang Mama nya   ALVIN Hello, Ma? CECILLE Bakit gising pa? alas dose na ha   ALVIN Nagpapaantok lang po. Nga pala galing ako sa Guiguinto kanina   CECILLE Dumalaw ka sa bahay? Oh ano sabi ni Belen, Nakausap mo siya? ALVIN Ayos naman sila, kinakamusta ka nila. Kelan ka daw ba mapo-promote   CECILLE Sana sabay nalang pala tayo nagpunta don, gusto ko din i-check yung bahay kung maayos pa ALVIN Medyo may sira lang ng konti pero okay pa naman siya. Nagkaanak pa pala ng dalawa si Tita   Habang patuloy sa pagkwento si Alvin at may napansin itong tunog, na nakapag distract sa kanya, pinapakinggan niya ito ng mabuti   ALVIN Ma, wait lang   CECILLE Bakit?   Sinusundan ni Alvin kung saan nanggagaling ang tunog, pumasok ito sa bakuran ng dorm nila. ALVIN Sige Ma bukas ko nalang itutuloy kwento ko, bye. (Drops call)   Hinahanap nito ang tunog na naririnig niya, na familiar sa kanila (Playing Can’t Help Falling In Love)   ALVIN Kalimba yung tumutugtog. . .   Habang papalapit ito sa kwarto sa ibaba kung saan nanggagaling ang tunog ng kalimba ay halos bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Hanggang sa idikit na nito ang tenga sa pinto. Maya maya ay huminto ang tunog. Nagtangkang buksan ni Alvin ang pinto ng biglang. .  .   ALVIN Kelly? Parehas silang na-shock   KELLY Shhhh. . wag kang maingay.. paalis na din ako.. baka makita ako nung land lady nyo. .    ALVIN Ikaw yun? (Pabulong)   KELLY Ang alin?   ALVIN Yung nagpapatugtog ng Kalimba??   KELLY Samahan mo muna ko sa labas, kelangan ko nang makalabas ,okay? Wag kang maingay.   Bumalik si Alvin sa labas at naisipang ihatid na din si Kelly sa dorm nito   ֍֍֍ KELLY Hindi pa ako actually nakakagamit ng kalimba, actually hindi pa nga ako nakakakita non eh, It’s just that kelangan ko lang panoorin sa youtube kung ano yun. Assignment lang namin sa MAPEH subject.   ALVIN I see, akala ko totoong kalimba na yung narinig ko kanina. Buti pala nandon ka sa dorm namin kanina?   KELLY Ah, may pinsan ako don. Ang sungit nga daw ng land lady nyo don. Pero dahil pasaway din ako, late nako umalis. Bilis pala ng wifi nyo don eh, tamang tama may niri-research din ako. Ano nga pala major mo?   ALVIN Mathematics, English major mo no? Nakikita kita kasama mo yung dati kong kaklase sa senior year. KELLY Kamusta si Sarah? Nalungkot siya nung hindi sya nakapasa sa Indus (Industrialist) ALVIN Oo nga eh, masyado syang affected. Hindi din naging maganda yung first day nya sa algebra namin.   KELLY Nakwento nga din nya sakin, actually kahit nung highschool kami ganon na talaga. ALVIN Ah, close pala kayo? KELLY Oo pero lately, hindi na masyado kasi busy na din ako. Lalo ngayon na staff na tayo sa publication. And I’m sure magkakaroon din sya ng bagong group of friends. Osige, hanggang dito nalang. Bawal naman ang boys dito samin. Bye J ALVIN Goodnight. J KELLY Goodnight J. I-encourage mo syang maging strong ha? ALVIN Sige J ֍֍֍ University Gymnasium   Tumatawag si Dion kay Alvin DION          Bakit di nya sinasagot naka-silent ata. Tskk   Tinawagan nya ulit. Nagri-ring   ALVIN Hello? (Naka-pikit pa ito)   DION Anong oras kaba nakauwi kagabi at puyat na puyat ka ngayon? Di mo man lang ba ako susuportahan ngayon? Round 2 ko na today   ALVIN Kaya mo na yan. Saka, winner by default ka lang naman nung una diba. Goodluck DION Ang ganda namang words of encouragement nyan ha, nakaka-motivate. Sumunod ka dito ha   ALVIN Hindi ako pwede, matutulog muna ko. Balitaan mo nalang ako pag-uwi mo dito.   DION Pagdala mokong pagkain, dipa ko nag-almusal eh. At saka padala na din ng extra tshirt saka brief. Nandon sa bag ko na kulay gray. ALVIN Wow ginawa mokong alalay ha?   DION Ang dalang oh, nung nagpasama ka sa luma nyong bahay nagreklamo ba ko? ALVIN Oo na sige na, susunod nako.   ֍֍֍   COACH Okay guys, so ngayon ay ang round 2. Batch 1 vs Batch 2, ang kailangan lang namin ay dose. Maliwanag? Kaya kailangan naming salain mabuti, kung sino ang magagaling yun lang ang dapat matira sa club na to. Hindi basta basta ang mga sasalihan nating palaro dito. At wag kayong mag-alala, with my 12 years of handling this club, I’m sure matututo kayo samin.   Kinakabahan na si Dion bago pa man magsimula. Maya maya at kumaway na si Alvin mula sa malayo. Dala dala na nito ang mga request nya. Pumwesto na ang mga maglalaban.   DION Alvin? Vin?! Pasuyo nitong phone ko, tago mo muna!   ALVIN Ha?    Lumapit ito kay Dion dahil hindi nya ito maintindihan. Dahil naka-earphones, hindi na din nya napansin ang makakasalubong niya. Hanggang sa inabot na ni Dion ang phone nito. Nang mabaling ang tingin ni Alvin sa makakalaban ng kanyang kaibigan, laking gulat niya kung sino ang kanyang nakita.   That familiar stubborn face.   Nag black-out ang paligid, na tila tumigil ang lahat. Wala na siyang ibang marinig kahit ang music sa phone neto. Biglang bumilis ang t***k ng puso nito, maging ang hawak nyang t-shirt at brief ay nahulog na sa sahig sa labis na pagka-gulat. Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman. Hanggang sa lumapit sa kanya ang lalaki.   DOMINIC Okay ka lang? Yung brief mo nalaglag(pointing)   ALVIN (Still in shock) Ah eh, sorry Agad na dinampot ang t-shirt at nalaglag na brief at nagmamadaling umalis sa gym.   DION Alvin? Alvin? Anong problema non. Kilala mo sya?   DOMINIC Hindi eh   ֍֍֍ Sa bilis ng takbo ni Alvin ay hindi na nya namalayan na nahulog na ang mga bitbit nito. At napahinto nalang sa gilid. Doon na lamang nya naramdaman ang pagod sa layo ng kanyang narating. Humahawak sa dibdib, hindi pa din ito makapaniwala sa kanyang nakita. ALVIN Anong ginagawa mo dito, Dom??? (labis na nagtataka)                 End of Chapter 2

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD