Chapter 1
Cast of Characters:
Main
AlvinAn 18 yr-old education student, smart, positive thinker, ipu-pursue si Dom at all cost.
DominicAlso an 18 yr-old engineering student, tahimik, stubborn at gustong palaging mag-isa. May sama ng loob sa kapatid nito.
CharlesKaibigan ni Dominic, careless kaya palaging napapahamak, love interest ni Kenneth
KennethKapatid ni Alvin. 8 years itong hindi nagparamdam kay Dominic kaya gagawa sya ng paraan para magkasundo silang magkapatid.
KellyCampus Muse na magkakagusto kay Dom
JakeKabarkada ni Dom, magkakagusto at palaging nandyan para kay Kelly
Other Cast
DionClose friend ni Alvin since highschool, sobra kung magmahal to the point na wala nang natitira sa kanya.
JaneFemale close friend ni Alvin
RafaGay close friend ni Alvin
CecilleNanay ni Alvin, Highschool teacher, supportive sa anak
LeslieEx at ina ng anak ni Kenneth
Jade8 yr-old daughter of Leslie to Kenneth
SarahClassmate nila Alvin na mababa ang self-esteem
Gio3rd-year Mechanical Engineering Student, current ROTC Officer
GlenKa-trabaho ni Dominic habang nagwo-working student ito
Chapter 1
ALVIN
Ano ang inspirasyon? Ito yung nagbibigay sayo ng gana sa lahat ng ginagawa mo. Stimulus to do something creative. Yung may nilu-look forward ka araw-araw. Pwedeng tao, lugar or experience. Bakit kailangan natin ma-inspire? And what makes someone inspired? It awakens us to new possibilities. Pwedeng thru purpose. From apathy to possibility. Yes, possibility na someday, ang inspirasyon mo ay ang taong magiging sayo. Kaya patuloy lang ma-inspire. J
Nasa isip ito ni Alvin habang nagliligpit ng higaan.
Isinuot ang tsinelas at bumaba na sa kusina para samahan sa almusal ang Mama nito.
ALVIN
Good morning Ma! (dumampot ng isang pandesal)
CECILLE
Hmm, Ready kana ba sa first day mo sa college ha? Binata na talaga anak ko oh. Magkape kana habang mainit pa.
Lumagok ito ng kape at bahagyang napaso. Kinuha ang remote at binuksan ang TV.
ALVIN
Mejo kinakabahan ma pero nae-excite, first time kong mapapalayo sayo eh.
CECILLE
Eh ganyan talaga ‘nak, hindi naman pwede na palagi tayong magkasama sa school. Magkasama na nga tayo dito sa bahay eh. Di kaba nagsasawa?
ALVIN
Parang ayaw na kong kasama ng nanay ko ha, Mam Cecille Cruz,
sige kayo ikaw din, mamimiss moko. Lalo na next week don na ko mag-stay sa dorm.
CECILLE
Mami-miss naman, slight. Haha. Maganda nga yan para matutokanang maglaba ng damit. Handwash ha.
ALVIN
Ma dadalhin ko ang washing machine, hasslekaya maglaba araw araw.
CECILLE
Ops! hindi pwede, kailangan mo matuto maglaba gamit ang kamay. Paabot nga nung palaman.
ALVIN
Basta, oh kaya iuuwi ko nalang yung mga labahin ko.
CECILLE
Sige, pero ikaw pa rin ang maglalaba ditopag-uwi mo.
ALVIN
Hala, after ng toxic sa school ako pa maglalaba dito (stubborn face)
CECILLE
Bakit, hindi ba toxic maging teacher sa mahigit 40 na estudyante? Mararanasan mo din yun soon ‘nak. Kaya ngayon, dyan ka muna sa basic na paglalaba magsimula. J
ALVIN
Oo na po. Haaaay, anong oras pala pasok monyan Ma?
CECILLE
7am aalis na din ako ng bahay. Exempted sa Flag Ceremony.
Oh mag alas sais na. Baka ma-late ka nyan, ang layo pa naman ng biyahe mo. Mag-ayos kana. Iwan mo na yan dyan sa lamesa ako na maghuhugas.
ALVIN
Thank you Ma, sarap ng spoiled.
CECILLE
Asus, sana mag next week na para wala na kong iniintindi dito
ALVIN
Sige ka, mami-miss mo ko nyan.
Umakyat na ulit si Alvin at nag-prepare na for school.
֍֍֍
First day of School
Don Honorio Ventura State Universtity
(Bacolor, Pampanga)
(noises everywhere)
(continuous chatting)
Nakangiting nagmamasid si Alvin sa paligid, magkahalo pa din ang excitement at kaba nito. Bago sa paningin nya ang lahat, patingin tingin sa mga nakakasalubong at naghahanap ng kakilala at mga dating school mate.
Nang may kumalabit sa kanya.
DION
Talagang di moko inantay no?
ALVIN
Ang tagal mo kayang magreply no. Anong oras ka dumating?
DION
Mga before 7 siguro.
ALVIN
Nauna kapa pala sakin?
DION
Yan ang karma. Haha
ALVIN
Pagong yata yung nasakyan ko hindi jeep. Bawat kanto hinihintuan eh. Takaw sa pasahero.
DION
Nakita mo naba sila Jane?
ALVIN
Hindi pa, pero mukhang sila yatani Rafa yung kumakaway na yun.
RAFA
(Approaching) Ui!! Na-miss ko kayo ha. Grabe college na tayoooJ
ALVIN
Tsk, dun kana mag-ingay sa room, malapit na mag 7:30.
RAFA
Sandale ha, Sandale! Kelangan may hilahan? Magpapaganda lang muna kami ni Kumareng Jane. Daming pogi e.J
ALVIN
Ikaw talaga. Oh, Sige na, sunod nalang kayo ni Jane no.
Habang naglalakad sila ni Dion papuntang room at may nabunggo si Dion
DION
Ay sorry . (Nalaglag ang bag na hawak ng lalaki at pinulot ito) Nagmamadali lang, sensya na.
GIO
Kinuha nito ng bag at saka umalis na, sinundan naman ito ng tingin ni Dion
֍֍֍
ROOM 107
MRS. SANCHEZ, MATH 11 TEACHER (COLLEGE ALGEBRA)
Okay Class Good morning. Goodmorning!!
Nag-greet lahat.
MRS. SANCHEZ
May mga boses naman pala. Akala ko mga pipi ang mga estudyante ko. Okay today, I would like to introduce myself, then later on, during discussion, magpapakilala kayo sakin, isa-isa. Okay? Then after magpakilala saka mag-rerecite. Ngayon kung hindi ako convinced sa introduction nyo, hindi kayo uupo hanggang matapos ang 1 ½ hours subject ko sa section na to.
Nagkakaintindihan ba tayo?
Napuno ng tensyon ang classroom.
Anong binubulong- bulong?? Di ba ako ang mauuna? So you guys listen. I am Clarita Manalang Sanchez, your College Algebra teacher for this semester. I’ve been teaching for almost 15 years after I graduated from this university. Already a mother of 2. They say masungit ako, well oo. Lalo na kung hindi naiinitindihan ang subject na to which I find very basic. Kung hindi ka makakapasa sa subject na to well this course is not for you my dear. Believe me. I’m not threatening you. I’m saying the truth. So you better study well, very well.
What is taught in College Algebra? So what are you going to learn here? You will learn about Numbers, Polynomials, Inequalities, Sequences and Sums, many types of Functions, and how to solve them. You will also gain a deeper insight into Mathematics, get to practice using your new skills with lots of examples and questions, and generally improve your mind. With your new skills you will be able to put together mathematical models so you can find good quality solutions to many tricky real world situations.
Habang patuloy na nagdidiscuss si Mrs. Sanchez ay lalo nang kinakabahan ang mga estudyante nito. At nagsimula na nga itong mag-tawag
MRS. SANCHEZ
Well you guys ensure na tama ang inilagay nyong information sa index card na ito at dapat white back ground. Ang unang makita ko dito na hindi white back ground tatayo.
Villanueva, Sarah May, tayo
Tumayong nanginginig ang dalaga.
MRS. SANCHEZ
Anong mahirap sa instruction? White back ground di ba? Ang basic lang. Introduce yourself.
VILLANUEVA
Po?
MRS. SANCHEZ
Bingi ka?? Introduce yourself.
VILLANUEVA
I am Sarah May Villanueva.. ahm, . .
MRS. SANCHEZ
Then?
Hindi na maka-sagot si Sarah May
MRS. SANCHEZ
Ano, titingin ka nalang? 1 ½ oras tayong magtitinginan dito? Okay what is a number?
Hindi pa rin maka-sagot si Sarah May
MRS. SANCHEZ
Tskk.
Anyone what is a number? Ayaw nyo mag volunteer, oh sige, isang bunot pa sa index card. Eto may pasaway na naman, 1x1 formal picture with white background nga diba? Bakit pang f******k tong picture mo? Ano to Dela Cruz Russel? Tayo!
DELA CRUZ
Yes Mam?
MRS. SANCHEZ
Proceed.
DELA CRUZ
I am Russel po, 18 years old taga San Fernando po.
MRS. SANCHEZ
Okay. What is an Algebraic Number?
DELA CRUZ
Lahat po ng number na ginagamit natin sa Math mam is algebraic number.
MRS. SANCHEZ
Are you sure about that, Hijo?
DELA CRUZ
Yes Mam.
MRS. SANCHEZ
Wrong! Ikaw Villanueva, what is an Algebraic Number?
Nanginginig ang katawan nito. At hindi na nya mapigilan ang umiyak.
MRS. SANCHEZ
Bakit naman umiiyak Hija? Anong ginawa ko sayo. Simpleng tanong lang eh. Wag nyo akong iiyak iyakan dito. Wala tayo sa theater club. Wala tayo sa teleserye. Anyone what is an algebraic number?
Walang gustong sumagot.
MRS. SANCHEZ
Grabe naman tong section na to. Walang nakaka-a...
Nagtaas na ng kamay si Alvin.
MRS. SANCHEZ
Yes? Your surname.
ALVIN
Cruz po Mam. Alvin Cruz.
MRS. SANCHEZ
Okay. Go ahead. Don’t forget to introduce yourself.
ALVIN
Goodmorning Mam, good morning classmates. Mukhang tama si Mam ah, mga bingi yata ang mga nandito J
Class starts murmuring.
MRS. SANCHEZ
Are you trying to mock me?
ALVIN
No Mam. I’m just trying to change the atmosphere.
Nag-roll eyes si Mrs. Sanchez.
ALVIN
I am Alvin Cruz, taga Bulacan po. My favorite subject is Math.
MRS. SANCHEZ
Is that so? Prove it.
ALVIN
(clears throat)
Most numbers we use every day are Algebraic Numbers. But some are not, such as π (pi) and e (gesturing euler’s number). An algebraic number is any complex number (including real numbers) that is a root of a non-zero polynomial in one variable with rational coefficients
MRS. SANCHEZ
Then what is algebraic expression?
ALVIN
An algebraic expression is an expression built up from integer constants, variables, and the algebraic operations, which are addition, subtraction, multiplication, division and exponentiation by an exponent that is a rational number).
MRS. SANCHEZ
What is algebraic expression then? Show it.Here
Nagpunta sa harap si Alvin at hinawakan ang chalk na ibinigay ni Mrs. Sanchez. At nagsimula na itong isulat ang:
3x + 5 = 20
ALVIN
Algebraic equation is a mathematical phrase where two side of the phrase are connected by an equal sign (=). For example, 3x + 5 = 20 is an algebraic equation where 20 represents the right-hand side and 3x +5 represents the left-hand side of the equation.
Sa pagka-amaze ng mga kklase nito ay halos natulala sila kay Alvin. At napatili si Rafa.
MRS. SANCHEZ
Very good Mr. Cruz, let’s have a big hand for Alvin.
RAFA
Lakasan nyo pa. Go. Kabarkada ko yan. J
ALVIN
Ahm, Mam, pwede na po ba silang umupo? Nasagot na po yung tanong nyo.
MRS. SANCHEZ
Hindi porket napabilib mo ako sa sagot mo ay exempted na sila, you can’t be a hero for them. Kayong dalawa, punta kayo dito sa harap and solve this very elementary equation given by your classmate. Find x.
֍֍֍
University Canteen
DION
Grabe yung teacher natin sa Algebra! Buena manong subject pero mapapaayaw kana!
RAFA
Nako sobra as in! Buti nalang talaga tinapatan mo yung katarayan nung Mrs. Sanchez na yun. (pertaining to Alvin)
ALVIN
Shh. Baka may makarinig sayo dito. Hindi mo pa kilala lahat ng mga estudyante dito. Baka isumbong pa tayo. Actually nakapag review naman na ko at expected ko na na may ganyang tanong sa first day.
JANE
Ang tali talino mo talaga no? How to be you. (Habang nakatingin sa salamin inaayos ang buhok)
ALVIN
Hindi naman. Alam nyo din naman siguro yun diba. At saka naawa nako kay Sarah.
DION
Ayun sya oh. (pointing Sarah) Mag isa lang.
Pinuntahan ito ni Alvin. Nakita niyang umiiyak pa rin ito kaya inabutan nya ng panyo.
ALVIN
Tahan na. Siguro may period lang si Mam kaya masungit siya kanina. J Tahan na okay?. ayos lang yan.
Nagpupunas ito ng luha. Inabot nito ang sandwich kay Alvin.
ALVIN
Sandwich mo yan. Kainin mo. Para may lakas ka, dami mo kayang nilabas na luha kanina. Sige ka, baka maging favorite ka ni Mam Sanchez
patayuin ka ulit bukas. J
SARAH
Salamat, Alvin
ALVIN
Wala yun. Kinabahan ka lang kanina. Take that as a motivation, you can do better. Believe me. Okay? J Tara sama ka sa table namin. Sabay kana kumaen. Ipakilala kita kay Rafa, mabait yun J
֍֍֍
Habang naglalakad sila pauwi.
DION
Super hero na ng taon, mukhang magkaka-girlfriend na agad ha. First day palang.
ALVIN
Sira, ano pinayagan kaba ng mama mo na mag-dorm?
DION
(Looking to Alvin) Pilitin mo nga sya. Hindi ko kaya gumising ng maaga araw araw no.
ALVIN
Okay lang naman sakin. Para solo ko ang kwarto.
DION
Hindi ka papayagan ni Mam Cecille kung hindi ako ang makakasama mo sa dorm.(boastful tone)
ALVIN
Nako sinisiraan mo na naman ako sa mama ko
CECILLE
Anong kalokohan ang ginawa ng anak ko ha Dion? (bungad nito sa dalawa)
ALVIN
Ma naman wag kang naniniwala dito kay Dion. (Opening the gate)
DION
Mano po mam.(Holding the right hand of Cecille) Joke lang po. Nagpakitang gilas na nga po tong si Alvin kahit first day palang e, sobrang talino po. Kaya dapat kasama nya ko sa dorm para mahawa ako ng katalinuhan. Tita, Kausapin nyo po si Mama ,please?
CECILLE
(sighs) Sige, ako na kakausap kay Elsie. Osya, dito kana mag hapunan samin. Tapos saka tayo pumunta sa inyo para makausap ko mama mo.:)
DION
Sige po Tita, salamat. J Ayos
֍֍֍
(Kinabukasan)
Habang may inaayos sa bag si Alvin ay biglang sumulpot si Rafa,
RAFA
So what’s the score? Superhero now, landi later?
ALVIN
Sira! Hindi nya ko super hero no. In-add lang nya ko sa f******k.
RAFA
Hala aggressive si Gurl. So magka-chat na kayo??
ALVIN
Hindi ah.
RAFA
Weh??? Naku naku naku
SARAH
Hi, Alvin. Busy ka?
RAFA
Luh?? Anino ako gurl? Eto ako oh. Eto(pointing himself)
SARAH
Ah, hi Rafa. Ahm. Invite ko lang sana kayo, kasi may exam sa student publication. Baka interested kayo.
RAFA
Ikaw interested kaba sa Alvin ko? Luh Asa ka. Hmmp. Hindi na ,si Alvin lang naman tinanong mo kung busy sya. At sya lang naman talaga gusto mong tanungin. Para-paraan te?
ALVIN
Rafa ano ba. (Tumingin kay Sarah) Pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko may sayad lang talaga sya. Pero mabait yan. J Kelan yung exam nila?
RAFA
Hmpp. Yayain ko na nga lang si Jane sa CR, makapag re-touch. (walks-out)
SARAH
Bye, Rafa. (Umupo ito sa tabi ni Rafa) Uhm, ngayong sabado na daw eh. Editor ka ba before sa school nyo?
ALVIN
Oo. Feature editor. Ikaw?
SARAH
Ahm, News Editor.
ALVIN
Nice. Tara sige try tayo sa Sabado.(Masayang bulalas nito)
SARAH
Sige chat chat nalang ha. (Tumayo ito at umalis na)
Dion approaching Alvin, umakbay sa balikat
DION
Yun oh. Chat chat nalang. Namaaaan. Iba talaga. Lupit
ALVIN
Sira ka talaga. Nagyayaya lang sya.
DION
Ng anoo??
ALVIN
Gagi ka. Sa student publication. Kaw ba gusto mo mag-try?
DION
Ayoko nga. Boriiingg. Dun sa MAPEH Club ako tumingin kanina, may try-out sila ng badminton sa Linggo.
ALVIN
Oh eh diba mag lilipat tayo non? Wag mong sabihin ia-asa mo sakin yun lahatha. Nako sinasabi ko sayo hindi ko dadalhin mga gamit mo.
DION
Kahit L300 ni Papa ang gagamitin nyo?(Trying to please Alvin)
ALVIN
Tumatakas ka lang eh. Nakakapagod maglipat ng gamit mag-isa.
DION
Edi sumama kana din mag try out sa Linggo. Tas tulungan nalang din kita sa dorm. Ayos ba?
ALVIN
Wala akong hilig sa sports, unless kapag sa MAPEH subject dahil wala akong choice.
DION
Kahit wag ka mag try-out, samahan mo lang ako. Moral support. Cheesy. J
ALVIN
Sira ka talaga.
֍֍֍
Saturday, the Industrialist (Student Publication)
Editor-in-chief
Good morning freshmen!
I am Harold Duque, the current editor-in-chief ng ating student publication which is? The Industrialist.
Anyone na may nakakaalam kung ano ang tagline namin?
Anyone? Going once? Going twice? Okay, Kindly write down three words or phrases that best describe our publication.
ALVIN
(Kinakapa ang ballpen sa bulsa ng pants nya) Hala, nahulog ko ang ballpen ko sa jeep. Haaay ang hassle naman (problematic)
SARAH
May problema ba, Alvin?
ALVIN
May extra ballpen kapa?
SARAH
Wala na eh.
Someone handed him a pen.
KELLY
Here. Use it J
ALVIN
J
Thank you.
All of the freshmen are writing down their thouhts.
֍֍֍
Editor-in-chief
Okay guys. Based sa mga sagot nyo, may mga nakakuha ng kahit isang phrase. Pero merong nakahula ng buong tagline phrase namin. At ito ay walang iba kundi si, Kelly.
Hi Kelly, Say hi to your co-freshmen
KELLY
(Stands up) Hello po
Editor-in-chief
According to her, ang Industrialist daw ay Independent, Impartial and in Good Faith. Paki explain naman, Ms. Kelly.
KELLY
(Clears throat)
Independent, free from outside control; not depending on another's authority.
Impartial - treating all rivals or disputants equally; fair and just.
With good faith, honesty or sincerity of intention.
Editor-in-chief
Then why would you like to join this organization?
KELLY
Well, inspired po akong magsulat at maging part ng student publication na to dahil dito nagiging independent ako at, walang nakakapigil sakin, hawak ko ang mundo ko, oras ko. Everytime na nagsusulat ako, I feel lahat pantay pantay, walang harang, walang limit. As long as totoo ka sa sarili mo at wala kang inaapakan na tao, makakagawa ka ng magandang literature. Yun po J
Nagpalakpakan ang lahat.
Editor-in-chief
At mukhang may nanalo na po. Thank you Kelly, at dahil jan, you don’t have to take an exam because today, you are part of our student publication. Welcome to the organization. J
Masayang masaya si Kelly. Napahanga naman nito si Alvin.
ALVIN
Congratulations. (Says to his mind)(Clapping continuous) J
End of Chapter 1