"What do you want?" Tanong nito habang nakatingin sa hawak nitong menu. "Kahit ano nalang, Allen" Nahihiyang sagot niya. "Alright, I bet mga pulutan lang sa club ang alam mo" Nang-uuyam na sabi nito sa kan'ya. Hindi siya nakaimik sa sinabi nito at yumuko nalang, nang dumating ang pagkaing inorder nito ay tahimik lang silang dalawang kumain. Hanggang makauwi sa condo ay hindi sila nag iimikan ng lalaki. Nang pumasok na si Allen sa kwarto ay pinili niyang mag-stay muna sa may sala. Ilang sandali palang siyang nandoon ay narinig na niya ang sigaw nito. "Samantha!" Dali-dali siyang lumapit dito "May iuutos ka pa ba?" Kinakabahang tanong niya "Who told you na pwede kang mag-stay diyan? Nandito ako sa kwarto kaya dapat ay nandito ka rin!" inis na sabi nito. "So..sorry" At pumasok na rin

