Chapter 4

1803 Words
"Sinusundan mo ba ako?" Hindi mapigilang tanong niya rito. "Woaaw. Lakas ng self confidence!" Nakangiting sagot nito Nang hindi siya sumagot ay lumapit ito sa kan'ya. "Alam ko kasing hindi mo kayang dalhin ang lahat ng 'yan"  "So sinusundan mo nga ako?" "Bakit artista ka ba?" Seryosong tanong nito sa kanya. Nang tignan niya ito nang mariin ay bigla nalang itong bumunghalit ng tawa. "I'm just kidding! I know you need help. Pero diyan din kasi ako nakatira. May unit ako sa may 4th floor, so tara na" At mabilis nitong nakuha ang mga pinamili niya. "Saang floor ka ba?" Tanong nito sa kan'ya. "Diyan din sa may 4th floor" "Kita mo nga naman, pinaglalapit tayo ng tadhana" At kumindat pa ito sa kan'ya. Agad siyang namula. Nang nasa tapat ng unit ay huminto siya. "Dito nalang ako, Thank you pala ah?"  "No probs. Basta pagkailangan mo ulit nang tagabitbit, diyan lang iyong unit ko" Nakangiting sabi nito at itinuro ang isang unit. Napangiti siya rito. "Pero sa susunod may professional fee na ah?" Biro pa nito sa kan'ya. "Ano papasok ka pa ba o makikipaglandian ka nalang diyan?!" Nagulat siya nang paglingon niya ay nasa pinto si Allen at galit na galit. "Ah---- oh sige mauna na ako salamat ulit" Pilit ang mga ngiti niya nang balingan niya si Mr. toothpaste. Pagpasok niya sa loob ay agad siyang hinila ni Allen, halos magkanda subsob na siya dahil sa dami at bigat ng pinamili. "Gaano ba kahirap sundin ang utos ko na h'wag kang aalis o lalabas ng bahay ha Samantha?!" Galit na galit na sabi nito. "Sorry Allen, wala na kasing stock ng groceries kaya naisipan kong bumili" Naiiyak na sabi niya. "Eto ba?" Turo nito sa mga pinamili niya at pinagsisipa iyon. "Damn! Edi sana nagsabi ka sa akin! Pero mas pinili mong huwag sabihin sa akin? Para ano? Para malaya kang makalandi?! Gan'yan ka na ba talaga kakati?!" Nang akmang sasampalin niya ito ay napigilan siya nito. "Why samantha?! Does the reality hits you? Gan'yan ba talaga ang nature mo? Hindi ka makuntento sa isang lalaki gaya ng ginawa---" Pero napatigil ito sa pagsasalita at hindi na iyon itinuloy. Nakakunot noong nakatingin siya rito. "H'wag mo nang uulitin ito Samantha! Pagbibigyan kita sa pagkakataong ito, at h'wag na h'wag ka na ring makikipag usap pa sa lalaking iyon. Naiintindihan mo?!" Inis na sabi nito. Bahagya siyang tumango. Nakahinga siya nang maluwag nang tumunog ang cellphone nito at may kinausap. Inayos na niya ang mga pinamili niya at nagluto. Hindi sila nagpapansinan ni Allen kahit sa harap ng hapag-kainan. Gusto niyang magsorry dito dahil hindi siya nagpaalam. Pero pag-naaalala niya ang mga pinagsasabi nito sa kan'ya ay gusto niyang humagulgol ng iyak. Hindi siya ang klase ng babaeng iniisip nito. Kahit nga maraming nanliligaw noon sa kan'ya sa lugar nila ay hindi siya nagkaroon kahit na isang boyfriend. Biglang nagbalik tanaw sa kan'ya ang mga nangyari. Kung paano niya nakilala si Allen. Flashback. "Ate! Ate!" Sigaw ng kapatid niya Kinakabahang lumapit siya rito. "Bakit Sally? Si mama bakit iniwan mong mag-isa?"  "Eh kasi, si mama ate" Umiiyak na sabi nito "Ano sally?!"  "Dalian natin si mama inaatake na naman ng sakit ng ulo niya!"  At nagmamadali silang umuwi ng bahay. Naabutan nila ang mama niyang nakahandusay sa sahig at wala ng malay. Agad nila itong dinala sa hospital.  "She really needs operation. Bago lumala at kumalat ang tumor sa may utak niya" Sabi ng doctor na tumitingin sa mama niya. Napahagulgol siya ng iyak. Ano ang gagawin niya? Wala silang kahit na anong pera. Napagpasyahan niyang umuwi muna at kumuha ng mga gamit. Matapos kumuha ng mga kakailanganin ay nagpasya na siyang bumalik ng hospital. Pero pasakay palang siya nang tawagin ni Andrea.  "Psst. Hoy!"  "Ako ba?" Turo niya sa sarili. "Gaga ikaw nga. May iba ka pa bang taong nakikita riyan?! Lumapit ka rito"  Nang makalapit ay tsaka ito nagsalita "Tinakbo niyo raw sa hospital si Aling Sinang?"  Bahagya siyang tumango. "Sakto! Alam ko kakailanganin mo ng malaking pera. May alam akong pwede mong pagkakitaan" At sinipat-sipat siya nito. "Ikot ka nga dali" Nagtatakang umikot naman siya. "Naku matutuwa si Mama Susan sayo nito!" Nakangiting sabi nito at pumapalakpak pa. "Ano sama ka muna sa akin" "A--anong trabaho ba 'yan Andrea?" Kinakabahang tanong niya. "Basta halika na!" At hinila na siya nito. Sa isang malaking building siya nito dinala. Ang dami dami nilang dinaanang pasikot-sikot bago nakarating sa lugar na pupuntahan. Parang gusto niyang kumaripas ng takbo. Isa kasi itong bar. Pero hindi isang simpleng bar. Highclass ang mga babae rito. Pati na rin ang mga customer. Hinila siya nito sa loob. "Mama Susan ito nga pala si Samantha" Nakangiting sabi nito sa babaeng punong-puno ng gold sa katawan "Maganda hindi ba?" Tumawa naman ito. "Tama ka. Ilang taon ka na hija?"  "24 po" "Batam-bata! Virgin ka pa ba?"  Bahagya siyang tumango pagkatapos ay yumuko. "Nakajackpot tayo diba Mama Susan?" Tuwang-tuwang sabi ni Andrea. "Pasensiya na po pero hindi ko po magagawa" At bigla siya tumakbo palabas. Mabuti nalang at wala naman pumigil sa kan'ya. Dumiretso na siya ng hospital. "Ate si mama. Sinusumpong na naman. Kailangan na kailangan na raw siyang maoperahan sabi ng doktor" Salubong sa kan'ya ng kapatid habang umiiyak. Dali-dali niyang pinuntahan ang ina. Parang hindi niya maatim na makita ang ina sa ganoong klase ng kalagayan.  "Sally, h'wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan, maooperahan si mama pangako ni ate yan. Hintayin mo ako lang ako rito" At dali-dali na siyang umalis. Sa mga oras na iyon ay tiyak ang destinasyong pupuntahan niya.  Mama kapit ka lang gagawa ko ng paraan. Mahal na mahal kita. Habang hilam ng mga luha ang buong pisngi niya.. Madali niyang napapayag si Mama Susan na bigyan siya ng isang million. Ganito ka-bongga ang club na ito. Pero sa isang kondisyon. Kapalit ng malaking perang kailangan niya ay ang pagta-trabaho niya rito sa club sa loob ng isang buong taon. Kapit man sa patalim ay wala siyang magagawa. Mabilis na naisaayos ang operasyon ng kan'yang ina. Iyon din ang unang araw niya sa club na iyon. Ang unang araw niya roon ay hindi niya malilimutan. Habang unti-unti niyang tinatanggal ang mga saplot sa kan'yang katawan ay unti-unti ring nahuhulog ang mga luha sa kan'yang mga mata. Pero nagulat siya nang bigla siyang patigilin ni Mama Susan at palitan sa pagsasayaw. Dinala siya nito sa isang kwarto na parang ktv room. May nagbayad daw ng serbisyo niya ngayong gabi. Doon niya nakilala si Anthony. Matangkad. Gwapo. Mabait. Mayaman. Pero parang ang laki-laki ng problema nito. Araw-araw ay nagpupunta ito sa club at nirerequest at binabayaran ang serbisyo niya. Pero hindi para painitin at paligayahin ito hindi para sa samahan itong uminom buong gabi. Parang napakalaki ng problema nito. Kaya nagtaka siya ng tatlong araw ng hindi ito pumupunta ng club. Nang mga panahon namang iyon ay ang pagsulpot ni Allen. Nagulat nalang siya nang sabihin ni Mama susan na kailangan niya raw sumama rito. Dahil siya na raw ang kanyang magiging bagong amo. "Samantha!"  Nagbalik siya sa kasalukuyan nang marinig niya ang pagsigaw ni Allen. "Are you deaf?! Ilang beses na kitang tinatawag hindi mo ba ako naririnig?!" Galit na sabi nito nang makalapit siya. "Pasensiya na, ano nga ba kasi iyon?"  "Give me a back massage" At inihagis nito sa kan'ya ang isang bote ng oil. Halos maglaway siya ng unti-unti itong maghubad. Kitang-kita niya kasi ang mga muscles nito sa katawan. "Iyong laway mo!" Wala sa sariling nakapa niya ang bibig. "Stupid!" Bulong pa nito na narinig naman niya. Humiga na ito padapa sa may kama. Pagkatapos ay minasahe na niya ito. "Ano ba Samantha?! Minamasahe mo ba ako o tinatapik?! Diinan mo naman! Parang wala kang buto!" Inis na sabi nito. Ang arte! Pasalamat ka gwapo ka! Aniya sa isip. "Atsaka pwede ba, umupo ka kasi sa likod ko para may powers!"  Parang bata na sabi ni Allen. Ang cute-cute niya tuloy sa paningin niya. "Faster! I don't want to wait!" "Eto na po Master!" At bigla siyang umupo nang pabigla. Ouch! Daing nito habang napaubo pa. Buti nga sayo! Yabang!  At humagikgik siya. "What's funny?" Galit na sabi nito. Nang hindi siya tumigil ay pabigla itong humarap sa kan'ya. Kaya magkaharap na sila ngayon habang nakaupo siya "doon" ramdam niya ang unti-unting pagkabuhay nito. "Oh bakit hindi ka na makatawa ngayon?" Ngising tanong ni Allen. "Ahh-- may nakalimutan pala ako" Akmang tatayo na siya nang mabilis siyang nahawakan nito sa magkabilang bewang.  Sa isang iglap lang ay nagkabaligtad na sila nito ng pwesto mula sa pagkakahiga. "Samantha! Alam mo bang galit na galit dapat ako sa'yo?" Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya. "Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Matagal siya nitong tinitigan bago nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Wala! I hate you slut!" Mariing sabi nito. Gusto niyang maiyak tinawag na naman siya nito sa ganoong paraan. "Gusto kong malaman Allen, bakit mo ako kinuha sa club?" Seryoso rin tanong niya rito. "Binili Samantha, binili is the exact word."  "Ba--kit mo ko binili?" Garalgal na tanong niya. "Wala,  gusto ko lang na may paglalaruan. Tsaka lalake ako. Ayoko namang iba't ibang klase ng babae ang nakakasiping ko. So, I just decided to stick with one slut, and that is you" At mabilis na umalis na ito mula sa pagkakapatong sa kan'ya at lumabas ng kwarto. Bakit tila napakalaki ng galit mo sa akin, Allen? Ano bang nagawa kong kasalanan sa iyo? At napahagulgol ng iyak. Nagising siya nang may maramdamang humahalik sa may leeg niya at pumipisil sa isa niyang dibdib. "Uhmm Allen, inaantok pa ako" Nakapikit na sabi niya. "You are not allowed to complain, Samantha" bulong nito sa kan'ya na naging dahilan upang makiliti siya. Uumpisan na sana nitong tanggalin ang damit niya nang tumunog ang cellphone nito. "Damn!" Mura nito bago tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto. Nang lumabas ay wala na roon si Allen, siguro ay may emergency na kelangan asikasuhin ang lalaki kaya nagluto na lamang siya ng hapunan. Pasado alas-otso na ng gabi pero hindi pa rin ito dumarating. Para siyang asawa nito na naghihintay sa pagbabalik ng asawa nito  Lumamig na ang niluto niya pero hindi pa rin ito dumarating, hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa kukote niya at hindi pa rin kumakain kahit na nagugutom na siya. Hindi niya namalayang nakatulog siya habang nakasubsob sa may lamesa. Nang maalimpungan ay tinignan niya ang orasan. Alas Onse na ng gabi. Tumayo na siya at ililigpit na sana ang lamesa nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan. "Bakit ngayon ka lang?" Hindi mapigilang tanong niya. Naningkit at mata nito sa kan'ya. "Why do you care?!" Inis na sagot nito. Nang mapabaling ang tingin nito sa dining table ay mas dumoble ang inis nito "Hindi ka pa kumain, Samantha?!"  "Ahh? A-Ano kasi busog pa kasi ako" Nakayukong sabi niya. Naramdaman niyang lumapit ito sa kan'ya at hinila siya nito palabas ng condo. Pumunta sila sa parking area at sumakay ng kotse. "Saan ba tayo pupunta, allen?" "Shut up!" Inis na sagot nito Huminto ang sasakyan nila sa isang fine dining na resto. "Get out" "Pero, Allen nakakahiya itong suot ko" Sabi niya habang nakaturo sa sarili. "Hindi ba mas nakakahiya kung wala kang suot?" Igting na pangang sagot nito at lumabas na. Napabuntong-hininga siya, oo nga pala wala ng mas nakakahiya pa ang magtrabaho sa club habang hubo't hubad na sumasayaw sa harap ng mga taong hayok sa laman. Lumabas na siya ng sasakyan. Daming arte! Bulong ni Allen na narinig niya bago siya nito hinila sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD