bc

The 3rd Petals

book_age18+
5.7K
FOLLOW
16.1K
READ
dark
kidnap
inspirational
heir/heiress
drama
mystery
office/work place
abuse
betrayal
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Book 01-My Teacher, My Husband Is A Mafia Lord

Book 02- The 3rd Petals

Book 03- Babysitter of Heartless Mafia Emperor

Second Generation

Book 1-The Runaway Mafia boss

Book 2- The Two Faced Silhouette

Warning: R-18

Blurb

"I think he's dead."

"No, he's not! Paano siya mamatay? Ginulat lang natin siya," ani ni Sorenn Villiegas. May tatlong bata ngayon ang nasa apat na taon na gulang ang nakatayo. Pinalilibutan ng mga ito ang lalaking nakahiga sa carpet.

"Heart attack?" sabat ni Elliseo Villiegas na nakatayo sa uluhan ng lalaki.

"We need hide his body. Hindi pwede ito malaman nina daddy," ani ni Elija Villiegas na nanlalaki ang mata.

"I buried him. Ilagay natin siya sa likod ng fountain," ani ni Elija. Napatigil si Sorenn at Elliseo.

"Hindi ba dapat i-check muna natin kung buhay pa siya?" ani ni Sorenn. Napanguso si Elija.

"Mas convenient kung ipaghuhukay na natin siya pagkatapos itatago."

Hahawakan ni Elliseo ang lalaki nang bigla itong bumangon at sumigaw.

"Ahh!"

Tumakbo ang tatlong bata palayo. Tawa ng tawa si Ward Chavez.

"Young master Elija. Ikaw na bata ka apat na taong gulang ka pa lang utak criminal ka na," ani ni Ward. Hindi siya makapaniwala na gusto na siya nito ibaon sa lupa nang hindi tinitingnan kung buhay pa siya.

Nakita niya sumilip iyong tatlong bata mula sa pagkakatago sa likod ng sofa.

Elliseo, Elija at Sorenn Villiegas. Apat na taon na gulang. Tagapagmana ng mga Villiegas. Tumawa si Sorenn at nagpa-cute kay Ward. Sinabi na nagbibiro lang naman sila.

Muntikan na atakihin si Ward sa puso. Ang ku-cute kasi ng alaga niya lalo na si Sorenn. Mukha itong anghel.

"Babies! Nandito na si mommy!"

Naghabaan ang leeg ng triplets matapos marinig ang boses ng ina. Sumigaw si Sorenn ng mommy at naunang tumakbo. Sinalubong ni Sorenm ng yakap si Sylvia Cervantes-Villiegas.

Natutuwang niyakap ng babae ang anak. Binati ni Sylvia ang mga anak ng happy birthday.

"May mga binili na gifts si mommy then ipagluluto ko kayo ng mga favorite niyo na foods," natutuwa na sambit ni Sylvia at hinaplos ang buhok ng mga anak.

"Mommy, nasaan si daddy?" tanong ni Elliseo. Napatigil si Sylvia matapos itanong iyon ni Elliseo. Napakamot sa pisngi si Sylvia.

"Busy ang daddy niyo. Pero baka uuwi iyon mamayang gabi. Sasabay sa atin sa dinner," ani ni Sylvia. Tinaas nito ang isang kamay para i-cheer ang mga anak.

Pilit na ngumiti lang si Elliseo. Sinabing gusto niya makita ang gift ng mommy niya.

"Mamaya ang gift. Magbo-blow muna kayo ng candle siyempre!"

"Young master! May mga bagong toys kami binili para sa inyo. Check niyo bilis," ani ni Leon Sedan. Dumating ang mga ito kasama sina Abel Brick.

"Uncle!"

Agad na lumapit ang tatlong bata. Maya nga dala kasing kahon sina Leon. Tambak ang gift ng triplets.

Nawala ang ngiti ni Sylvia at umiwas ng tingin. Nakita iyon ni Ward.

"Anong nangyari, my lady?" tanong ni Ward. Hindi maganda ang expression ni Sylvia.

"Mukhang wala talagang balak ang ina ni Kiel tigilan kami. Hindi ko alam ang iba pang detalye ngunit hindi maganda ang kutob ko. Nag-aalala ako para kay Kiel. Sinisisi pa din ng ina ni Kiel si Kiel sa pagkamatay ni Kian and worst may kutob si Kiel na may isang organisasyon hinahawakan ang pamilya ng ina ni Kiel. Gusto nila patayin si Kiel at ang mga anak ko."

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV Dahan-dahan minulat ni Sylvia ang mga mata. Bumungad sa kaniya ang puting kisame at ang tunog ng monitor. Daig niya pa ang binugbog dahil sa sakit ng katawan niya. Hindi niya din maigalaw ang katawan dahil sa bigat 'non. Hinang-hina siya. "Sylvia." Lumapit si Kiel. Nanghihina na tumingin si Sylvia. Bumulong si Sylvia at tinanong kung nasaan ang mga anak niya. Lumambot ang expression ni Kiel at umupo sa gilid ng kama. Inabot ng lalaki ang pisngi ni Sylvia. "Healthy ang mga baby. Maya-maya lang ay dadalhin na sila ng mga nurse dito." Lumiwanag ang mukha ni Sylvia matapos marinig iyon. Safe ang mga anak niya. Yumuko si Kiel at hinalikan ang noo ni Sylvia. Iyon ang huling scenario na nakita ni Sylvia bago muling hinila ng antok ang babae. Natulog ulit ito. Hindi umalis si Kiel sa tabi ni Sylvia kahit pa gusto niya makita ang mga anak niya noong araw na iyon. Maya-maya bumukas na ang pinto. Lumingon si Kiel. Tuwang-tuwa na pumasok sina Ward Chavez kasunod ang mga nurse. May buhat ang mga ito na sanggol na nakabalot sa tela. Napatayo si Kiel at isa sa mga baby ay kinuha ni Kiel. "Sorenn," bulong ni Kiel. Napakagandang pangalan 'non para sa isang batang babae. Tiningnan ni Kiel ang dalawang batang lalaki. Isa dito ay umiiyak ang isa naman ay tahimik lang at natutulog. "Hah, ang ganda nila," ani ni Kiel. Parang sasabog ang dibdib ni Kiel sa saya matapos makita ang mumunting regalo sa kaniya ni Sylvia. "Siguradong matutuwa si Sylvia kapag nakita kayo," ani ni Kiel na ngayon ay may malambot na expression. Nakatingin ngayon ang lalaki sa anak na babae. "Siyam na buwan namin kayo hinintay ng mommy niyo," bulong ni Kiel. Halata sa mukha ni Kiel ang saya matapos masilayan ang mga anak. Noong magising si Sylvia pagkalipas ng isang araw ay mangiya-ngiyak itong nakatingin sa mga anak niya. "Buti na lang nagmana kayo sa daddy niyo. Ang ganda at gwapo niyo my god," bulong ni Sylvia. Umiiyak ang babae habang nakatitig sa batang si Elija. Hindi ni Sylvia magawang alisin ang tingin sa mga munti niyang anghel. Tiningnan ni Sylvia si Kiel na natawa ng mahina at sinabing hindi iyon totoo. "Magiging maganda silang mga bata dahil ikaw ang mommy nila," ani ni Kiel. Lumambot ang expression ni Sylvia matapos halikan ni Kiel ang likod ng mga palad niya. Matapos maka-recover nga ni Sylvia ay iniuwi na sila ni Kiel siyempre kasama ang mga anak nila. Agad sila sinalubong ng mga katulong na hinanap pa nina Ward sa iba't ibang bahagi ng bansa para ibalik sa mansion na iyon. Tuwang-tuwa ang mga ito matapos makita si Sylvia at ang mga anak nito. "My gosh! Hindi ako makapaniwala na darating iyong araw na maaalagaan ko din ang anak ni young lady!" Imbis sa main house ng mga Villiegas manatili ay hinayaan ni Kiel si Sylvia manatili sa mansion ng ina ni Sylvia. Pina-renovate iyon at mas pinalaki ang lugar. Under renovation pa din iyon siyempre at pinatatayuan ng malalaking pader. Pinabalik din nina Kiel ang mga dating katulong ng mga Cervantes specially iyong mga katulong na siyang nagpalaki kay Sylvia. Sa loob ng mansion kasalukuyang buhat ni Kiel si Elliseo habang nakaupo si Sylvia sa gilid ng kama at umiinom ng gatas. Nag-insist si Kiel na siya na muna ang mag-aalaga sa mga bata at magpapahinga si Sylvia para mabilis nito mabawi ang katawan. "Hindi ka ba hahanapin sa university? Ayos lang na absent ka?" tanong ni Sylvia. Worried siya kay Kiel. Natawa si Kiel at sinabing humingi siya ng vacation leave. "Isa pa hindi kita pwede pabayaan dito. Namumutla ka pa," ani ni Kiel at hinawakan ang pisngi ni Sylvia. Ngumuso si Sylvia at sinabing tinatamad lang si Kiel pumasok. "Sort of." "Huli!" Nagkakatuwaan ang dalawa nang may pumasok sa mansion. "Sissy Sylvia!" tili ni Hershey tumatakbo na lumapit si Hershey. Kasunod ang mga personal bodyguard nito na mga napangiwi na lang. Niyakap lang naman kasi ni Hershey si Sylvia. Parang mga bata ang mga ito na nagkamustahan. May batang kasama si Hershey nasa apat na taong gulang ito. Sumilip ang bata sa crib. "Gosh, noong nalaman ko na nanganak ka na at nakauwi pinilit ko talaga si Hubby na umuwi. Gusto ko makita mga babies mo!" Sobra naman ang kaba ng mga personal bodyguard ni Hershey. Parang mga binabad ang mga ito sa suka— hindi 'man lang kasi alintana ni Hershey na nasa likod niya lang ang mafia boss ng mga Villiegas. "Easy lang kayo. Hindi kakainin ni pinuno ng buhay ang alaga niyo," ani ni Leon na tinapik ang balikat ng isa sa mga ito. Kahit pa sinabi iyon ni Leon ay kabado pa din ang mga ito— hindi dahil nasa teritoryo sila ng mga Villiegas kung hindi dahil nasa labas sila kasama ang asawa ng boss nila. Kapag may nangyari kasi asawa ng boss nila na hindi maganda katapusan na nila. "Sino nagbabantay sa mga baby mo?" tanong ni Sylvia. Nabanggit kasi ni Hershey na may mga babies din ito— mag-iisang taon na ang mga ito. Twin iyon. "Ah— hihi alaga ni hubby. Siya ngayon nasa bahay nagbabantay." Natawa si Sylvia at buti pumayag iyon na umalis si Hershey. Ngumuso si Hershey at sinabing hindi papayag si GD kung hindi si Sylvia ang pupuntahan niya. GD Abra Mendez, asawa ito ni Hershey Mendez ang kasalukuyang head ng mga Mendez. Laging pumupunta doon si Hershey simula noong ipakilala ito ni Kiel sa kaniya. Minsan ay pumupunta si Sylvia sa mansion nito at talaga naman welcome siya doon. Nitong dalawang linggo lang sila hindi nagkaroon ng chance magkita dahil malapit na manganak si Sylvia at nawasak ang mansion ng mga Mendez. Hindi lang alam ni Sylvia ang rason bakit nasira ang mansion ng mga Mendez ngunit nagpapasalamat si Sylvia dahil safe sina Hershey. "Stop staring me." Hawak ng batang si Elija ang daliri ng bata na nakasilip sa crib. Hindi ito binibitawan. "Ikaw iyong pangatlo sa mga anak ni Mendez. Anong pangalan mo?" tanong ni Kiel na buhat ang batang si Elliseo. Tumingala ang bata. Nagpakilala ang bata. "Nigel Jullian Mendez," pakilala ng bata. Sinabi ni Kiel na in future ay magiging mabuti itong kaibigan kina Elija. "Hindi ko po kailangan ng friend." Natawa ang lalaki at sinabing in future ay kakailanganin iyon ni Jullian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
901.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
539.6K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.8K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
587.5K
bc

SILENCE

read
387.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook