05

1128 Words
Chapter 05 3rd Person's POV "Casa Rosa?" ulit ni Sylvia. Nagtaka si Jc at tinanong kung hindi alam ni Sylvia ang about sa village na iyon. "Village iyon na pagmamay-ari ng mga Villiegas at may proteksyon ng mga Knight at Giovilli. May mataas na security system ang lugar na iyon tapos—" "Masyado ka na madaldal Salvacion," banat ni Kiel. Naitikom ni Jc ang labi. Natawa lang si Harold. "Anong meron sa village na iyon? Secret ba iyon?" tanong ni Sylvia at nilingon si Kiel. Lugar iyon para sa mga taong under ng black sector. Maraming pamilya na din ang nandoon ngunit tanging ang mga Villiegas lang at mga Knight ang nakakaalam kung sinu-sino ang nandoon. "Village iyon para sa pamilya ng mga malalaking tao na under sector. Kapag medyo lumaki na ang mga bata. Dadalhin din kita doon para makita mo ang lugar," ani ni Kiel na ngayon ay buhat si Sorenn. May bahay naman sila ni Sylvia ngunit darating iyong time na kailangan ni Kiel dalhin ang mag-iina niya sa lugar na iyon para sa safety ng mga ito. Hindi alam ni Kiel ang mangyayari sa hinaharap lalo na sa part na hindi na niya maitatago ang identity niya bilang bagong mafia boss ng mga Villiegas. "Then anong nangyari sa bahay mo?" tanong ni Sylvia. Nakikitira nga ang mga ito sa mga kapatid. "Ow pinare-renovate ng husband ko. Malalaki na din kasi ang mga bata. Hindi naman pwede na nandoon kami habang nire-renovate iyon specially mga bata na lang naiiwan kapag umaga." "Ano Elija? Gusto mo din sumakay ng slide?" tanong ni Kiel na natatawa. Nakita niya kasi na parang may inaabot si Elija at nakatingin sa slide kung nasaan ang mga anak ni Harold. "Baby Sorenn. Look may grasshopper," ani ni Aspine. Pinakita iyon ng bata kay Sorenn. Binuka ni Sorenn ang bibig parang nagde-demand ito na isubo iyon sa kaniya. "Hala! Hindi kinakain ito," ani ni Aspine at itinago sa likod niya ang grasshopper. Natawa si Kiel matapos simangutan ni Sorenn si Aspine at kung nakakapagsalita ito ay baka nasermonan na ang lalaki. Malapit sila sa slide at nasa kalayuan ang mga asawa nila na ngayon ay nagkukwentuhan. "Teacher?" Napatigil si Kiel at lumingon. Nanlaki ang mata ng tatlong college student na mukhang napadaan lang din doon matapos makita nila ang teacher nila. "Sir! Magandang umaga." Bumati din si Kiel. Tinanong kung anong ginagawa doon ng mga estudyante. Oras ng klase at may pasok. Napakamot sa ulo ang ang mga estudyante at sinabing hindi sila pumasok. Napatigil ang mga ito matapos makita iyong triplets sa stroller. "Oh my god. Teacher mga pamangkin mo ba iyan?" tanong ng isa sa mga estudyante. Agad na sumagot si Kiel ng hindi. "Mga anak ko," sagot ni Kiel. Halata sa mukha ng mga ito ang dissapointment. Natawa na lang si Harold at bahagyang tumalikod. Tiningnan ni Harold si Barry na lumapit sa kaniya na may dalang pusa. Nagpaalam na din ang mga estudyante maya-maya lang. Dissapointed ang mga ito. May asawa na ang professor nila. "Gutom ka na? Tara na balik na tayo." Naiiyak-iyak na si Sorenn at alam ni Kiel na gutom na ang bata. Tinulak ni Kiel ang stroller palapit kina Sylvia at Jc na nagtatawanan. Hindi alam ni Kiel kung matutuwa siya dahil nagiging friendly si Sylvia o kakabahan dahil ang mga nagiging kaibigan ng mga ito ay mga delikadong tao. Galing iyon sa kasalukuyang handle ng isang pamilyang may pinakaimportante na role sa black sector. "Gutom na si Sorenn?" tanong ni Sylvia. Buhat ni Kiel si Sorenn na umiiyak. Buhat ni Sylvia at inangat ang maluwang na t-shirt na suot niya. Dinutdot ni Jc ang pisngi ni Sorenn. Kusang tumalikod si Harold at sinabihan sina Gavin na huwag lalayo. "Bigla ko din gusto magkaroon ng baby girl," ani ni Jc na natatawa. Natawa si Sylvia at sinabing sigurado magiging magandang bata iyon kapag naging kamukha ni Jc. "Bigla naman ako nahiya Mrs.Villiegas." Nagbiruan ang dalawa. Tinanong ni Harold si Kiel kung ayos lang ba na pinakakain ng asawa nito ang anak sa public. "Pinagtitinginan yata tayo dito," ani ni Harold. Sinamaan siya ng tingin ni Kiel. Sinabing lumayo ito. "Hey wala akong ibang ibig sabihin doon. I mean— parang balewala lanh kay Mrs.Villiegas." Medyo worried din si Kiel. Hindi niya ma-explain ngunit— taningnan ni Kiel si Sylvia. Ayaw niya may nakakakita ng katawan ni Sylvia. Para sa mga mata niya lang iyon. "Anong tinitingin-tingin niyo?" tanong ni Jc. Masama ang tingin ni Jc sa ibang parents na nandoon. Masyado rude ang mga ito. "Gosh, kasi iyang kasama mo nilalabas iyang dibdib niya in public." Sagot ng isa sa mga nanay na nandoon din. Umirap pa ito. Hindi umimik si Sylvia at sinabing kumain lang si Sorenn. "Misis, ito oh. Gamitin mo." May isa sa mga parents ang nagbigay ng tela para nga takpan ngunit tinabig iyon ni Sylvia at tiningnan sila ng masama. "Wala pang one year old ang baby ko at nakita niyo na mainit dito. Gusto mo ba siya ma-suffocate? Anong masama sa ginagawa ko? Pinakakain ko lang ang baby ko," ani ni Sylvia. Hindi maganda ang timpla ng mukha nito. Sinabi ng mga ito na hindi maganda sa paningin ng mga bata ang ginagawa ng babae. "Ituro niyo nga sa akin kung sino sa mga bata na nandito ang nakatingin sa akin na parang napaka-immoral kong babae dahil pinakakain ko ang baby ko," ani ni Sylvia. Nagkatinginan ang mga parents. Naiinis na lumapit si Kiel at sinabing umalis ang mga ito at tigilan ang mag-ina niya. "Ikaw— nag-aalala lang kami sa mga batang nandito dahil—" "Anong ginagawa niyo?" Napalingon ang ilang ginang matapos may ilan lalaki na may mga edad na ang lumapit. "Honey, isa ka sa mga ang invest sa park ma ito hindi ba? Paaalisin mo nga ang babaeng ito. Ang sakit niya sa mata." Sasabat si Kiel nang pigilan siya ni Sylvia. Masama ang tingin ni Sylvia sa babae. "Bakit paaalisin?" Nagreklamuhan ang mga nanay na nandoon. Hindi makapaniwala si Sylvia. Ang mga nanay pa talaga nandoon ang mga nagreklamo na para bang hindi ang mga ito nagpa-breastfeed. "Wala akong nakikitang masama sa ginagawa niya. Anong masama sa pagpapa-breastfeed?" Nakakunot ang noo ng lalaki. Mukha itong mayaman na businessman at may batang lalaki na nakahawak sa kamay nito. "Hindi nila iyon maiintindihan dahil hindi naman nila na-experience magpa-breastfeed. Narinig mo sinabi nila kanina. Iyong mga nanny ng mga anak nila ang nag-alaga sa mga anak nila simula pagka-baby. Anong alam nila sa pagpapa-breastfeed at sa part na walang pinipiling lugar ang mga baby kapag nagugutom at walang choice ang isang tunay na mommy." May isang matandang humawak sa braso ng lalaki na iyon at sumilip. Nanlaki ang mata ni Sylvia. "Manang manghuhula!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD