bc

The Only Way To Move On

book_age16+
936
FOLLOW
5.8K
READ
billionaire
possessive
playboy
confident
dare to love and hate
drama
bxg
bully
like
intro-logo
Blurb

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang i-reject ni Elise ang proposal ni Daen, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makalimot. Gustong tulungan ni Chain si Daen, ngunit ang problema ay masyadong sarado ang puso ng binata. Para bang nakatatak na sa isip at puso niya na si Elise ay para talaga sa kanya. Hindi tuloy malaman ni Chain kung dapat na ba siyang sumuko o hindi...

Dahil may mahal na rin naman siyang iba at matagal na ito sa kanyang naghihintay.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
"Hayop na bata 'to..." Bulong ko sa sarili ko dahil sa isang kotse. Halos 10 meters pa ang layo nito pero kung makabusina ay wagas. Hindi ako umalis sa gitna ng kalsada at inabangan lang 'yong kotse hanggang sa lumapit ito sa akin, tutal ay wala namang dumadaang ibang sasakyan. Pumreno naman agad iyong kotse. Mukhang nagulat at nasa gitna pa rin ako. Akala niya yata ay takot akong masagasaan. "f**k it..." Rinig kong mura nito. Lumapit ako rito. Ang lakas kasi ng loob na makapreno, ang layo-layo pa naman. "Hoy, kuya! Ano ka ba naman? Ang layo-layo mo pa sa akin pero kung makabusina ka, parang ilang segundo na lang ay masasagasaan mo na ako!" Inis na sabi ko rito. Kumunot agad ang noo niya. "Napakabagal mo kayang tumawid, para kang matanda na uugod-ugod. Pasalamat ka nga at hindi pa kita tuluyang sinagasaan." Nag-init agad ang ulo ko sa sinabi niya. "Aba! Porket may kotse ka, akala mo ikaw na hari ng daan? Pwes hindi!" Ngumisi siya at pinaandar bigla ang kotse. Halos atakihin ako sa puso... anak ng... "Hoy! Sige, sagasaan mo ako at ikaw ang sasagot sa lahat ng gagastusin ko!" Humalakhak siya. "Don't worry, kaya ko namang bayaran iyon... actually, I can also buy you..." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bumalik ang tingin niya sa mukha ko at bahagyang tumaas ang kilay. "You're not bad." Halos sumabog ako sa sobrang inis. Sino ba ito? Feeling ano! Mayaman lang naman. "Ikaw! Manyak ka. Manyak!" Sigaw ko kaya napatingin tuloy sa amin iyung ibang tao na dumadaan. Buti na lang pala at wala pang dumadaan na ibang sasakyan hanggang ngayon, 'no? "'Wag ka ngang gumawa ng scandal, tss." Nanliit agad ang mata ko sa sinabi niya. Ako? Gumagawa ng scandal? Sasagutin ko sana siya pero bigla naman siyang umiwas ng tingin at may tiningnan sa loob ng kotse niya. Ha! Naiirita na talaga ako at nauubos na ang pasensya ko sa lalaking ito! Bigla ba naman akong i-snob-in? Muli itong bumaling sa akin. "Nice to meet you, miss. May meeting pa ako at kailangan ko ng umalis. Don't worry, sa susunod na magkita tayo, sasagasaan na kita." Kumindat ito at pinaandar agad ang kanyang kotse. Naiwan naman ako rito mag-isa na nakatunganga at naiinis. Bwisit. Halos mapatalon ako nang biglang may bumusinang truck. Nasa gitna pa nga pala ako ng kalsada! "Kung magpapakamatay ka, doon ka magbigti sa bahay niyo nang wala kang maabala!" Ang sakit naman magsalita nito. "Sorry po..." Maamo akong ngumiti at mabilis na naglakad papasok ng kanto para makauwi at makain na itong binili kong ulam sa karinderya. Lumipas ang ilang araw, sa gitna ng pagtulog ko, tumunog ng ubod ng lakas ang cellphone ko. Gulat akong napabangon at hinanap ang kinalalagyan nito. May tumatawag, 'yong pinsan ko. Kinuha ko ito at sinagot. "Hello?" "Kumakain ka pa ba diyan?" Rinig kong tanong ni Mee sa kabilang linya. Ang ganda talaga lagi ng panimula nito. "Syempre naman! Nakakausap mo pa ako nang maayos, e..." Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Binuksan ko iyong ref ko na pinamana pa sa akin ng namatay kong ate. Oh, ba't wala itong laman? Refrigerator pa ba talaga ito? "Nasaan ka nga pala ngayon?" Kinuha ko 'yong bote ng 1.5 liters na coke na may lamang malamig na tubig at naglagay sa baso. "Nasa puso mo." Narinig ko ang peke niyang tawa. "Nakakatawa ka talaga, couz." E, siya kaya? Nasaan? Puro english-an ang naririnig ko. Tapos ang bibilis pa magsalita, lalo tuloy hindi ko maintindihan. "Charot-charot lang! Hindi ka mabiro, e... nasa bahay ako." Dire-diretso kong nilagok iyong tubig matapos magsalita. Hay! Nalamigan din. Alas kwatro na pero hanggang ngayon ay mainit pa rin. "What? Why? Day off?" Ang sosyal namang pakinggan. Day off. Palibhasa, laki sa aircon ito e, kaya ang galing mag-english. Laking pamaypay lang kasi ako e, minsan nakikiharang lang sa electric fan ni Aling Flor para mang-inis. "Hindi, ah. Wala na ako sa trabaho." "WHAT THE HELL, CHAIN? NATANGGAL KA NA NAMAN? BA'T KA NATANGGAL? ANONG GINAWA MONG KALOKOHAN?" Ang sakit talaga magsalita nito. Wala naman akong kalokohang ginawa. "Nireal talk ko lang naman si Miss Vayn! Ang sungit-sungit kasi, e baka magaya siya kay Aling Flor na hanggang ngayon ay wala pang asawa dahil masungit. Concern lang naman ako sa future niya. Tapos ayon, nagalit na sa akin. Tanggal na raw ako— ay!" Tumaas agad ang buntot at mga balahibo ni Chai. 'Yong alaga kong pusa. Naapakan ko kasi, umupo ako sa sahig at hinimas-himas ang balahibo nito. "Sorry na, bebe... tulog ka na ulit." "Hoy, Chain! Kausap mo na naman ba si Chai?" Tumango ako. Huli na nang na-realize kong hindi niya nga pala ako nakikita. "Ah, oo... bakit ka nga pala tumawag? Kanina pa kita kausap pero hindi mo man lang sinasabi sa akin kung ba't ka tumawag." Narinig ko ang pagkausap niya sa isang ka-officemate niya. "Obviously, kinakamusta kita! At imbis na kausapin mo iyang pusa mo diyan, lumabas ka na ng bahay mo at magsimulang maghanap ng trabaho! Ghad. Na-i-stress iyong bangs ko sa'yo." Napanguso ako at napairap. "Gaya-gaya ka talaga. Nagpabangs lang ako, nagpabangs ka na rin. Idol mo ako, 'no?" Narinig ko siyang tumawa. "Whatever, couz. May kailangan pa akong gawin. Maghanap ka na ng trabaho, ha? Baka hindi na kita mahanapan, e. Bye!" Magsasalita pa sana ako nang narinig ko na iyong mahinang toot. Pinatayan niya na ako, hindi man lang ako hinayaang magbigay ng opinion. Pinatong ko iyong cellphone ko sa may drawer na pamana rin ng ate ko. Kinuha ko ang panali ko ng buhok para ibun ang buhok ko. Nagpalit ako nang maayos na t-shirt at leggings. Chinarge ko muna ang cellphone ko at saka lumabas ng bahay. Hindi ko na nilock dahil wala namang mawawala doon. Iyong cellphone ko lang na kapanahunan pa ng mga batang hamog. Joke! Regalo sa akin iyon ni Mee noong birthday ko. Mayaman kasi 'yon, e. Saan naman kaya ako maghahanap ng trabaho nito? Kung umuulan lang sana ng pera, sana mayaman na ako ngayon. Mayaman naman talaga sana ako kaso... never mind. Ite-text ko sana si Mee para tanungin kung may alam siyang trabaho na malapit lang sa bahay ko kaso naalala ko na hindi ko nga pala dala 'yong cellphone ko. "Hi, Aling Flor!" Stress sa akin itong tumingin. "Juskong bata ka, umalis-alis ka muna rito at baka ihagis ko na sa'yo itong kaldero." Humagikhik ako. "Naghahanap ba kayo ng assistant?" Lumapit ako sa karinderya nito at umupo sa isa sa mga upuan. "At bakit naman ako maghahanap?" Masungit na tanong niya at tinaasan ako ng kilay. Ngumuso ako. "May balak ka bang mag-apply?" Ngumiti ako at mabilis na tumango. Nawala rin naman ang ngiti ko nang humalakhak ito. Parang demonyong hindi mo malaman, e. "Kung ikaw lang din naman ang mag-aapply, e 'di bale nang mapagod ako..." Padabog akong tumayo at inirapan si Aling Flor. "Kay sungit talaga..." Tiningnan ako nito. "Anong sabi mo?" Umiling ako. Baka hindi na ako bigyan nito ng libreng sabaw, sayang din iyon. "Wala po... pero may alam ba kayong pwedeng pagtrabahuhan?" "Tapos ka na naman mag-aral e, 'no?" Tumango ako. Hindi ko nga lang alam kung may natutuhan ako. "Naghahanap kasi ng tutor iyong boss ni Vanes." Tutor? "Para saan po? I mean, tutor po ba para sa bata?" Si Vanes ay iyong ampong babae ni Aling Flor. Tumango ito. "Anak ng kapatid ng boss niya." Dinilaan ko iyong labi ko. Pwede na siguro iyon. Pangkain lang araw-araw. "Saan po ba makikita iyong boss ni Vanes?" Interesado kong tanong. "Saglit lang at tatawagin ko muna..." Tumango ako at nagpasalamat. Kahit naman pala minsan ay may ibabait din itong si Aling Flor. Akala ko lagi na siyang may period, e. Lumabas si Vanes at bumusangot agad nang nakita ako. Lagi talagang bad mood itong babaeng 'to. Kaya nga nakapagtataka kung talaga bang ampon lang ito ni Aling Flor? Gayang-gaya ang ugali. "What do you need?" Aba, ini-english pa ako. "Saan ba 'yong bahay ng boss mo?" Ngumiti ako kaso mukhang naging plastic yata. Tumaas ang kilay nito. "Boss ko? Si Sir Daen ba?" Tumingin ako kay Aling Flor. "Oo, anak, si Sir Daen..." Sungit ni Aling Flor. "Mag-aapply itong si Chain na tutor doon sa anak noong kapatid niya." Ngumisi si Vanes at nilingon ako. "Ikaw? Mag-a-apply? Baka kung ano-ano lang ang ituro mo sa bata?" Napanguso ako at umiwas ng tingin. Hampas ko rito ang mga medal ko e, pasalamat siya at wala ako noon. "Hindi, 'no..." "Hintayin mo ako diyan, magbibihis lang ako." Tinaasan pa ako nito ng kilay bago muling pumasok sa bahay nila. Napangiwi naman ako. "Mana talaga sa inyo iyong ampon niyo..." Mahina kong sabi. "Anong sabi mo, Chain?" Masungit na tanong ni tanda este Aling Flor. "Wala po akong sinasabi... kayo po talaga, kung ano-ano 'yong naririnig niyo." Peke pa akong ngumiti rito bago lumabas si Vanes. Sinenyasan ako nito na sumunod sa kanya, pumara ito ng tricycle at may sinabing lugar. Saan kaya kami pupunta? Wala pa naman akong dalang pera. Huminto ang tricycle at bumaba kami ni Vanes. "Ahm, Vanes, ikaw muna ang magbayad tapos babayaran ko na lang. Wala akong pera ngayon, e..." Umirap ito. "Lagi ka namang walang pera." Nag-iwas ako ng tingin at nagmake face. "Akala mo naman maganda. Mukhang namang clown." Nilingon ako nito. "Ano?" Halatang naiinis na sa akin. Ngumiti ako nang malaki. "Wala! Parehas talaga kayo ng nanay mo, kung ano-ano na naririnig niyo." Inirapan lang ulit ako nito at pumasok na sa isang malaking building. Hindi ba siya napapagod kaka-irap? Pero teka, nasaan ba kami? May sinabi pa ito sa guard at pinapasok na kami. Ito yata ang kompanyang pinapasukan niya. Nginitian ako noong mga iba kong nakikita, samantalang iyong iba naman ay walang pakialam. Ngumuso lang ako at sinundan si Vanes. Sumakay kami ng elevator. Hindi ko alam kung mahihilo ba ako o ano. Hindi lang siguro ako sanay, kasi si Vanes, parang wala lang. Nang makarating kami sa floor na pinindot niya ay lumabas na kami agad ng elevator. "Maghintay ka muna diyan." Tinuro niya iyong upuan. Umupo ako roon at tumango. Pumasok siya sa isang room at hinintay ko naman siya rito. Wala pang sampung minuto at lumabas na agad siya. Nakakunot pa ang noo nito pero hindi na ako nagtaka. Lagi naman kasing nakakunot ang noo niya. "Wala si Sir Daen dito ngayon, may pinuntahan daw pero pupunta na tayo sa mismong bahay nila dahil gusto kang makita at makausap ni Ma'am Coleen, iyong kapatid ni sir." Tumango ako at sinundan ulit siya. Ang hirap talagang mag-apply ng trabaho, lakad nang lakad. Sumakay ulit kami sa tricycle at syempre siya ulit ang nagbayad. Pero nangako naman ako na kapag nakapasok ako rito sa trabaho ay babayaran ko siya. Bibili rin ako ng medal at ihahampas sa kanya. Nakarating kami sa isang village. Private yata ito kasi may guard kuno pa. Pinatype pa sa computer iyong pangalan namin at dahil hindi naman ako computer expert, napakabagal bago ko natype ang buong pangalan ko. Ramdam na ramdam ko nga ang inis sa akin ni Vanes e, iyong kulang na lang ay tabigin niya na ako at siya na ang magtype ng pangalan ko. At ito pa! Ang buong akala ko, pagkababa na pagkababa namin ng tricycle ay tapos na ang walang katapusang lakad. Pero dahil nga walang katapusan ito, ilang metro pa ulit ang nilakad namin bago kami nakarating sa harap ng malaking gate na ito. Nagpapicture pa kasi si Vanes sa akin! E, dahil feeling photographer naman ang lola niyo, nadala rin ako sa pagpi-picture sa loka. May lumabas na maid nang mag-doorbell kami. Sinabi ni Vanes na ako iyong mag-aapply kaya pinapasok kami agad. Napadila ako sa labi ko habang pinagmamasdan itong maganda nilang bakuran. Ang lawak at ang ganda talaga. Kitang-kita mo na alagang-alaga. Pinapasok kami sa loob ng bahay at pinaupo sa isang sofa. Binigyan din kami ng juice at chocolate cake. Wow naman! Sa amin, kapag may bumisita, binibigyan ko lang ng tubig 'tsaka candy. Maswerte pa sila kapag biscuit ang binigay ko. "Hi! Siya na ba iyong tutor?" Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang. "Yes po, Ma'am Coleen." Magalang na sagot ni Vanes at tumango. Umupo sa katapat na sofa si Ma'am Coleen at nginitian kaming dalawa. "Coleen Hudson..." Naglahad ito sa akin ng kamay. Inabot ko naman. Napalunok ako... ang lambot ng kamay. "And you are?" Kailangan ba talagang English? Nako! Baka English-era o English-ero ang anak nito. Mapapalaban pa yata ako. "Chain po... Chain Deazeta." Tumango ito. "Nice to meet you, Chain. So... ipapakilala ko sana iyong anak ko sa'yo ngayon kaso tulog siya. Kaya bukas na lang siguro? Bumalik ka rito bukas at bukas na rin magsisimula ang trabaho mo..." Ngumiti ako at tumango. "Sige po, Ma'am!" Umiling ito. "Coleen na lang..." Ngumuso ako kaya bahagya itong humagikhik. "Anyway, you're so cute... tiyak na magiging close agad kayo ng anak ko. Parehas kasi kayong cute!" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Si Vanes naman ay bahagyang tumaas ang kilay. Mukhang magiging close ko rin itong si Ma'am Coleen, gusto ko 'yong ugali niya, e. "Salamat po..." "Pagpasensyahan mo muna sana iyong anak ko kung makulit, ha? Actually, gusto ko talaga na ako ang magtuturo sa kanya ng mga ituturo mo, ang kaso ay kailangan naming umalis ng sweetheart ko sa isang linggo..." "Ayos lang po iyon. Ako pong bahala sa anak niyo." May lumapit sa amin na isang lalaki na parang kasing edaran ko lang din. Ang gwapo, shocks. "By the way, ito nga pala ang asawa ko." Ay, taken na pala si kuya. Tumango lang ito sa amin. "Leigh Hudson..." Ang lamig magsalita. "Chain Deazeta po." Sumulyap ito kay Vanes at tumango lang din. Magkakilala na yata sila. "Siya ba iyong tutor na sinasabi mo, sweetheart?" Sweetheart ang tawagan nila? Ang corny pero parang ang sweet. "Yes, sweetheart... is Kennedy already awake?" Tumango si kuya sweetheart. Magsasalita pa lang sana ito nang may tumatakbong bata ang lumapit sa amin at niyakap si Ma'am Coleen. "Hi, mom and dad! Where is Tito Pogi?" Binuhat ni kuya sweetheart 'yong maliit na cute na bata. Tumawa naman si Ma'am Coleen. "Masyado mo talagang idol si kuya, baby ko!" Tumayo ito at kinuha sa asawa niya iyong cute na bata. Hinalikan niya ito sa pisngi. Shocks! Ito ba ang itu-tutor ko? Excited na ako kung ganoon. Kay cute na bata! "Tito Pogi is so amazing, mom! He said that he will teach me how to break woman's heart!" Tuwang-tuwa wika niya. Halos malaglag na lang ang panga ko rito. Jusko. Sinong tito ba iyan? Mukhang womanizer. "'Wag kang makikinig kay kuya, baby ko... bad influence siya sa'yo..." He pouted. "But mom-" "Kennedy! Yuhoo! Pamangkin kong pogi... nandito na si tito!" Napatingin kaming lahat sa may pintuan. Nakatayo roon ang isang lalaki na naka-formal attire pa. Pamilyar, ah... saan ko ba siya nakita? Tama! Ito 'yong mayabang na lalaki noong isang isang araw! Tumayo agad ako. "H-Hoy!" Nagsitinginan silang lahat sa akin. Kumunot ang noo ni Vanes. "Kilala mo si Sir Daen, Chain?" Napalunok ako. Ngumisi ito sa akin. So, siya pala 'yung boss ni Vanes? Dahan-dahan akong umiling. Uminit din ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. "H-Hindi..." Mas lalong ngumisi iyong lalaki. Umupo naman ako ulit. "So, ba't ka nag-hoy?" Ayoko na rito! Pati sila Ma'am Coleen at ang asawa nito ay nakatingin sa akin. "Ahm... wala..." Lumapit 'yong lalaki sa amin, nakangisi pa rin ito. Nawala na lang ang atensyon ko sa kanya noong tumakbo si Kennedy palapit sa kanya at kung ano-anong English ang sinabi na hindi ko naman naintindihan dahil nasa lalaking nakangisi lang iyong tingin ko. Binuhat niya pa si Kennedy pero nasa akin lang din ang tingin niya. Umiwas na ako ng tingin at lumunok muna bago tumingin kina Ma'am Coleen at Sir Leigh. "Una na po kami. Babalik na lang po ako bukas." Tumango ito at hinatid kami ni Vanes sa may gate ng village. "Two o'clock ng hapon ka rito pumunta bukas. Si Daen na ang bahalang kumausap sa'yo. Kilala mo na naman si kuya, 'di ba? Wala kasi kami bukas ni sweetheart, e. May lakad kami." Napatango na lang ako at pilit na ngumiti. Sure na ba talaga 'to? Sumakay ulit kami ng tricycle ni Vanes pauwi sa bahay. At katulad ng dati, tinarayan lang ako nito at hindi kinausap... iyon ang akala ko. Ngunit hinawakan niya ang braso ko at pinanliitan ako ng mata. "Nakilala mo na ba or nakita mo na si Sir Daen?" Ngumuso ako at hinigit 'yong braso ko. "H-Hindi pa..." Sana maniwala siya! Cross fingers. "You sure?" Ba't ba ini-english niya ako ngayon? Hindi naman maganda ang accent niya. "Oo naman. Bakit naman ako m-magsisinungaling?" Tumaas ang kilay niya at ngumisi. "Okay, sabi mo, e. 'Wag mong lalandiin si sir, ha?" "Tinulad mo pa ako sa'yo..." Narinig ko kasi sa kapitbahay noong nakaraan na dala-dalawa raw ang boyfriend nitong si Vanes. "Ano?" May pagkainis na tanong niya. Maamo akong ngumiti. "Wala, wala! Ikaw talaga... una na ako!" Naglakad na agad ako papasok sa may kanto. Kinawayan ko pa siya. Nakahinga naman ako nang maluwag pagkarating ko sa bahay. Humiga agad ako sa maliit kong kama at tinext si Mee na may trabaho na ako. Ala sais na pala. Hindi na siguro ako kakain. Wala na rin naman akong pera. Kaso ang aga pa para matulog kaya nanood muna ako saglit ng TV at naglinis ng bahay. Nang mag-alas otso na ay humiga na ulit ako. Handa na sana akong ipikit ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko at sabay vibrate. Kinuha ko iyon. May text si Mee. From: Couz Buti naman at nakahanap ka. Kailan ang simula ng trabaho mo? Nagreply agad ako. To: Couz Bukas na. 2pm. From: Couz That's great. Magkita tayo sa Sabado, wala akong pasok noon. To: Couz Sige sige. Pero itatanong ko muna kay Ma'am Coleen baka kasi may pasok ako noon. From: Couz Okay! Bukas na lang ulit. Tinatawag ako ng boss namin. Hindi na ako nagreply at bumuntong-hininga na lang. Sana naman ay huwag akong English-in ni Kennedy bukas. Ilang taon na kaya iyon? Ang tuwid magsalita at saka ang galing pa mag-english. Muling tumunog ang cellphone ko. Hindi na text, tawag naman ngayon. Sinagot ko iyon. Hindi ako sure kung sino ito dahil unknown number. Hindi naman si Mee ito... Iisa lang ang number noon at nakaregister na sa cellphone ko, hindi naman mahilig magpalit ng number iyon. "Hello po?" Walang kahit anong ingay sa kabilang linya. Lumunok ako bago ulit nagsalita. "Hello po... sino po sila?" "See you tomorrow... goodnight... sleep well." Hindi na ako nakapag-react dahil namatay na bigla ang tawag. Pinatayan niya na ako. 'Yong boses na iyon... pamilyar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook