"Hindi ko in-expect na alam mo ang birthday ko." Mahina kong wika habang nakatingin pa rin sa bracelet na binigay niya sa akin at nakasuot sa wrist ko. Ang ganda ng bracelet at mukhang mamahalin– well, wala naman siyang nabigay sa akin na cheap. Lahat ay puro may price na alam ko sa sarili kong hindi ko bibilhin kahit na may malaki akong pera. Gold ang kulay ng bracelet at may maliit na pendant na hugis puso. "Ako pa ang hindi makakaalam sa birthday mo? Anong tingin mo sa akin?" Nang iangat ko ang tingin sa kanya ay nakataas ang kilay niya. "E, malay ko ba... wala naman akong nasabi sa iyo," "Marami akong alam sa iyo," "Ano?" Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi sweet iyan! Creepy, okay?" Pinanliitan ko siya ng mata. "I am not. Masyado akong gwapo para maging creepy," mahanging wika

