"What's that look on your face?" Tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. "I was just staring at you." "You are probably thinking something else," "Katulad ng ano?" Pagbabalik ko sa kanya at tinaasan din siya ng kilay. Huminga ito nang malalim at umiling. "Nevermind." Napabulalas ako ng tawa. "So, what does it feel? Ikaw, ha. Boyfriend pa lang pero pumupunta na kayo sa gan'yang level." Pang-aasar ko sa kanya. "Sus, virgin ka lang kasi." Inirapan niya ako at nilabas ang cellphone sa bag niya. Umawang ang labi ko, masama ang tingin sa kanya. "Grabe ka, ha!" "Oh, did it hit the bull's eye?" Ngumisi siya, niyayabangan ako. Pinagkrus ko ang braso ko at umismid. "Wala naman akong paki." "Ayan, pikon ka na. Sinabi ko na kasing nevermind, ipinilit mo pa ang

