Parehong ngayon ang alis namin ni Collier. Ako, papunta sa resort para makapag-relax, habang siya naman ay papunta sa Europe para sanayin ang sarili niya sa pagli-lead ng business. Hanga rin talaga ako sa isang iyon, hindi siya napapagod sa pag-aaral ng mga bagay na mas makatutulong sa kanya. Ako kasi, walang tiyaga sa mga ganoon. Though ginagawa ko naman ang best ko dahil gusto kong maipakita sa tatay ko na kaya ko siyang lagpasan. Matagal na rin nang huli ko iyong makita. Minsan, napapaisip din ako kung kamusta ba siya. Even though hindi kami magkaayos at marami akong sama ng loob sa kanya, siya pa rin ang tatay ko. May soft spot pa rin ako sa kanya kahit anong mangyari. Nang makapagluto ako ng almusal at mai-ready ang mga gamit ko na dadalhin sa resort, kinuha ko muna ang cellphone

