"Mi, pansinin mo na ako..." Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero agad ko itong nilayo. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana at nakapangalumbaba gamit ang isa pang kamay. "Mi naman, hanggang kailan mo ako hindi papansinin?" Nagmamakaawang tanong niya. Hindi ko pa rin siya pinansin at hinayaan lang. Nang huminto ang kotse, tinry kong buksan ang pinto pero naka-lock. Nilingon ko siya at tinuro pinto ng kotse. "Lalabas na ako," mahinang wika ko. "Let's talk first," Bumuntong-hininga ako. "What are we going to talk about?" "Iyong ano..." Tumaas ang kilay ko. "Ano?" Napahalukipkip siya at umiling. "Wala." "Okay, buksan mo na. Magwo-work pa ako," "Sige," mahinang aniya. Nang bumukas ang pinto, tiningnan ko siya saglit. Umawang ang labi nito at bahagyang pinilig an

