"Dito na ang bahay ng tatay ko." Tinuro ko ang isang subdivision. "Sa loob niyan." "Mayayaman ang nakatira rito," Tumango ako. "Oo nga, kaya hindi ko rin sinusubukang magpunta rito." "Mabuti at alam mo pa?" "Nagawi ako ng isang beses dito at hindi ko makakalimutan iyon kung paano," "Did it give you trauma?" Naalala ko na naman ang mga araw na iyon. Walang-wala ako, kailangan ko ng pera pero walang makapagbigay sa akin. Ang choice ko lang ay ang tatay ko. Binaba ko ang pride ko at nagpunta sa kanya rito. Hiyang-hiya pa ako noon sa bawat taong nadadaanan ko. Basang-basa ako ng ulan, wala akong dalang payong, tapos mukha akong kawawa. Pagdating sa bahay ng tatay ko, hindi man lang ako nagawang papasukin ng gate. Pinaghintay lang ako sa labas at pinabigay sa guard ang pera na kailanga

