"Mi, may balak ka ba this Sunday?" Pinisil niya ang kamay ko at bahagyang ngumiti. "This Sunday?" Kumunot ang noo ko. Tumango siya. "Oo." "Uh..." Sinubukan kong mag-isip ng mga bagay na pwede kong gawin sa parating na araw ng Linggo pero mukhang wala naman kaya umiling ako. "Wala akong balak." "Sure?" Tumango ako. "Oo, bakit? Aayain mo ba akong mag-date?" Nakangising tanong ko. Habang tumatagal na nakakasama ko siya, kumakapal din ang mukha ko, e. Kulang na lang ay mahiya sa akin iyong pader. "Hmm, hindi..." Nawala ang ngisi sa mukha ko at napangiwi. "Eh, bakit ka pa nagtanong? Siraulo ka ba?" "Iniisip ko lang naman kung may plano ka, pwede kitang samahan kung sakali." Binitiwan niya ang kamay ko at hininto ang kotse. "If wala naman, e 'di wala lang din." "Gusto mo lang akong a

