Napatigil si Luke sa pag-iihaw.
“Ni-reject ka?” tensiyonadong tanong ni Luke.
“Oo! Hindi naman ako galit dahil sa nireject niya ako. Hindi ko naman siya kilala o mahal! Kung di niya sana ako nireject, sana di nasaktan ni Papa si Mama. Sa araw ng annual gathering para i-announce ang engagement namin ay di siya sumipot. Nalaman ko na lang na sinabi raw kasi ng lalaki na yon kay Papa na ayaw niya sa katulad kong sakit sa lipunan. Kumakabit sa mga may pamilya na. Nalaman tuloy ni Papa ang trabaho ni Mama. Ngayong napagtagni-tagni ko na, yong lalaki na yon ang sumira ng buhay ko. Kung sana di makati ang bibig non, di sana, hindi nagkasakit si Mama!” rinig ang galit at pait sa boses ni Zarina.
Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagbagsak ng mga luha ni Zarina. “Natatawa nga ako pag naiisip ko na baka ikaw yon. Pero sana hindi!”
Di na nakaimik si Luke.
Tumayo si Zarina at sumigaw.
“Hoy bakit ka sumisigaw?” awat ni Luke.
“Wala namang makakarinig!” ngisi ni Zarina. “Sana talaga, isa ka rin lang sa nabiktima ni Mama dahil pagkatapos kong magbayad, maniningil na rin ako. Anyways, may naiisip akong pwedeng maka-enganyo pa sa mga investors.”
Napalunok ng laway si Luke at parang malulubog na sa lupa ang lungkot na nararamdaman nito.
Pagkatapos kumain at mag-usap ay nagligpit na sila at nagtrabaho na rin hanggang sa gumabi.
“Uwi na tayo, ang antok!” sabi ni Zarina nang matapos ang huling files na sino-sort.
“Ok, saglit lang. Tatapusin ko lang ginagawa ko,”
“Ah, ako naman ang magluluto ngayong gabi,” nahihiyang sabi ni Zarina.
Napangiti naman ng matamis si Luke at tumango bilang tugon.
Kaso nang makatapos si Luke ay nakatulog na pala si Zarina sa sofa habang hawak ang mga plastic na may laman ng mga ingredients na gagamitin mamaya sa pagluluto.
Binuhat ni Luke si Zarina pasakay ng kotse at nagbiyahe na sila pauwi.
Di mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Zarina na tulog. Sumasabay ang malambot na buhok ni Zarina sa bawat hampas ng hangin na pumapasok sa bintana ng kotse. Mas gusto ni Zarina ang bukas na bintana kaysa sa aircon.
“Gising na! Andito na tayo,” usal ni Luke nang makarating sila sa village.
Mabilis namang nagmulat si Zarina, “Shet nakatulog na ako! Yong mga pinamili ko?”
“Nasa likod ng sasakyan. Tara na?”
“Sige.”
Nang makapasok sa bahay ay nagpalit lang si Zarina at mabilis na bumaba papunta sa kusina.
“Gusto mo tulungan na kita?” alok ni Luke nang pumunta rin sa kusina.
“Manood ka na lang muna. Tatawagin na lang kita!” seryosong usal ni Zarina.
Sumunod naman si Luke. Kaso makalipas ang isang oras ay di na nakatiis si Luke at pinuntahan na si Zarina sa kusina.
“BWISIT! Sabi three-fourths? Pati recipe sinungaling na?!”
“Sinabing wag manilamsik!”
“Ay s**t! Bakit umawas na to?”
“AAAAHHHHH!”
Parang sasabog na si Luke sa pagtitiis ng tawanin.
“Di ba sabi ko manood ka muna!” bulyaw ni Zarina.
“Eh kasi…”sabi ni Luke saka puno ng lumbay na inilibot ang tingin sa naging kalunos-lunos na sinapit ng kusina.
“Aray!” sigaw ni Zarina at wala sa sariling binato ng hawak na tong ang pinipritong isda sa kawali.
“Ah ano…baka gusto mo tulungan na kita?”
“Hindi nga di ba? Kaya ko na?”
“Gusto mo, order na lang tayo?” sumamo ni Luke sa takot na baka ikamatay nila ang luto ni Zarina.
“HINDI! s**t bakit kulay blue na to?” aligagang sabi ni Zarina nang buksan ang takip ng kaserolang pinaglulutuan ng adobo. “Di ba brown ang adobo?”
Mas namutla na si Luke.
“Bwisit! Umorder ka na! Ang gutom!” inis na sabi ni Zarina at nagdadabog na umalis sa kusina.
Napakamot na lang sa ulo si Luke.
Nilinis nito ang kusina at sinubukang solusyunan ang luto ni Zarina para naman di masayang.
Dumating ang order ni Zarina at inihain ang pagkain sa mesa. Pero nagulat siya nang may ihain si Luke.
“Teka, luto ko ba yan?” di makapaniwalang tanong ni Zarina.
“Oo. Inayos ko lang. Saka niretoke ng onti,” kumindat si Luke nang maibaba ang huling plato at naupo sa tapat ni Zarina. “Kain tayo?”
Nagsalo sila at nang matapos kumain ay sabay silang nagtawanan.
“Masarap luto ko,” sabi ni Zarina habang hinihimas ang tiyan na busog na busog.
“Ikaw kasi, iniiwan mo agad,” biro ni Luke.
“Alam mo ba, sa Bed Companion, sinasamahan lang namin ang mga customers namin sa pagtulog. As in, tatabihan lang hanggang makatulog. Kung gusto naman nila mag-pakwento, may kausap, usually, ang clients namin yong mga may psychological depressions at stresses na hirap makatulog sa gabi. Di ko lang maisip kung bakit sinuway ni Mama yon. Baka kasi may rason?” malungkot na sabi ni Zarina.
Mas nalungkot na si Luke nang marinig ang mga iyon kay Zarina.
“Zarina…pwede bang kalimutan na natin kung paano tayo nagkakilala? Yong mga sinabi ko? Kalimutan na natin yon? Pwede bang magsimula…”
Natigil si Luke sa pagsasalita nang may tumawag sa cellphone ni Zarina.
“Teka, sasagutin ko lang,” sabi ni Zarina at naglakad papalabas saka sinagot ang tawag.
“ZARI!!!” sigaw sa kabilang linya.
“CHLOE?”
“Zariii…Punta ka na rito. Naoperahan na si Tita at nagising na. Hinahanap ka niya!” umiiyak na saad ni Chloe.
“T…Totoo ba?” halos manginig na si Zarina habang hawak ang cellphone.
“Oo. Sige na punta ka na dito!”
“Sige, sige!”
Patakbong pumasok si Zarina at mabilis na sumunggab ng yakap kay Luke.
“Samahan mo ako sa Switzerland. Ok na raw si Mama. Doon tayo magsimula!” saad ni Zarina.
Di na napigilan ni Luke ang sarili at nahalikan bigla si Zarina.
Mabilis lang na halik.
“Ahh…hindi ko…” nahihiyang sabi ni Luke.
Hinalikan naman ni Zarina si Luke.
“Saka na natin ituloy pag kasal na tayo? Ok ba? Sa ngayon, asikasuhin natin ang pagpunta sa Switzerland!”
At di nga naglaon ay nakarating na sila sa Switzerland.
“ZARIII!” palahaw ni Chloe nang makita si Zarina paglabas ng airport.
“CHLOEE!” sigaw rin naman pabalik ni Zarina at tumakbo na para yakapin ang kaibigan.
“ZariiI! Sorry! Di ko kasi akalaing isasama ng Papa mo si Jeremy,”
“Teka! Kelan pa kayo ni Jeremy at di kayo nagsasabi?” Singhal ni Zarina.
“Aba, kasalanan ko bang di ka magtanong? Malabo rin namang mapansin mo dahil sa manhid mong yan?”
“TSK! Si Mama?”
“Nasa ospital. Nakatulog ulit si Tita pero stable na siya. Intayin na lang natin na magising siya,” sabi ni Chloe. “Sa bahay na muna kayo tumuloy.”
“Sige!” sang-ayon ni Zarina at hinigit na ang maleta.
Nakasunod lang ang dalawang lalaki kina Zarina at Chloe.
Maging sa kotse ay sina Luke at Jeremy ang naka-upo sa likod at sina Zarina at Chloe naman ang nag-eenjoy sa unahan.
“Zari, pagkakain niyo, mamasyal muna tayo? Sabi ni Jeremy baka three days pa ulit bago magising si Tita?”
“GAME!” sang-ayon ni Zarina.
Masaya na si Zarina. Gumaan na kahit papano ang bitbit niyang sama ng loob sa mahabang panahon.
Sumang-ayon lang sina Luke dahil mahirap na.
Marami silang pinuntahan hanggang sa sumapit ang gabi.
“Ah, pwede bang solohin ko muna si Zarina?” biglang saad ni Luke habang kumakain sila sa isang restaurant.
Halos mapuslit pa ang iniinom ni Chloe sa kilig.
“Nice pre,” suportadong sabi ni Jeremy na mabilis na hinigit si Chloe paalis.
“Wow! Tapang ah!” sabi ni Zarina.
“May gusto kasi akong sabihin. Sa tingin ko ay dapat mong malaman at ngayon na yon,” kabadong sabi ni Luke.
Tumayo si Zarina at hiningi ang kamay ni Luke.
Inabot naman ni Luke ang kamay ni Zarina at hinawakan.
“Maglakad-lakad tayo habang nag-uusap,” sabi ni Zarina.
“Ok,” nakangiting sabi ni Luke at hinalikan ang kamay ni Zarina. “Ang lamig ng kamay mo.”
“Malamang malamig rito!”
Naglakad-lakad sila at di magawang matapos-tapos ni Luke ang sasabihin dahil sa dami ng tinuturo ni Zarina na magagandang lugar na nadadaanan nila.
“Oh ano nga yon?” sabi ni Zarina pagkatapos na lumabas sila mula sa maliit na bookstore at café.
“Sorry sa mga sinabi ko sayo…” halos wala nang lumabalas na boses kay Luke sa kaba.
“Wala yon. Buong buhay ko rin ay nagalit ako kaya nauunawaan ko kung saan ka nanggaling,” sabi ni Zarina. “Yon lang ba?”
“Three years ago…”
Natigil ang sasabihin ni Luke nang marinig nila ang malakas na boses ni Chloe.
“ZARI! Gising na raw si Tita!”
Mabilis na sumugod sa ospital sina Zarina.
“Ma?” dahan-dahang usal ni Zarina na puno ng kaba ang dibdib nang pumasok sa kwarto ng ina.
“Zarina!” hirap na usal ng kaniyang ina na agad na bumuhos ang luha.
“MA!” iyak ni Zarina saka hinawakan ang kamay ng ina.
Lumabas naman ang lahat para makapag-usap ng ayos ang dalawa.
“Zari, mahinahon lang ha!” paalala ni Jeremy bago tuluyang isinara ang pinto.
“Zari, Zari, ok ka lang ba anak?”
Nanlaki ang mga mata ni Zarina.
Nagbalik na ang dating Mama niya.
“Ma! Ikaw kamusta? Saan ang masakit?”
Simula nang lumaki ang bukol nito sa ulo ay nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya kaya masayang-masaya siya ngayon.
“Gumaan na ang ulo ko. Di na ganon kasakit,”
“Mabuti yon, Ma! Mabuti yon!” hinahalik-halikan ni Zarina ang kamay ng ina habang ummiyak.
“Zarina, walang kasalanan ang Papa mo. Kasalanan ko! Niloko ko siya!”
“SsshhH! Saka na natin pag-usapan. Magpagaling ka na muna, Ma!”
“Mahal na mahal ko kayo ng Papa mo kaya tiniis ko ang pagmamalupit ni Mr. Montenegro sakin. Gustong-gusto niya ako kaya kahit ayaw ko na magtrabaho sa bed companion ay wala akong magawa dahil pinagbabantaan niya na pahihirapan ang Papa mo. Di ko kaya na madadamay kayo dahil sa trabaho ko noon!” hagulhol ng kaniyang ina.
Si Zarina parang mauupos sa pagkakaluhod sa harapan ng ina.
Yong puso niya parang…parang mamamatay.
“A—ano pong ginawa ni Mr. Montenegro sayo?” halos di na mabigkas ni Zarina ang mga salita.
“Paulit-ulit niya akong hinalay kahit wala yon sa patakaran ng bed companion. Kapalit ng maayos na buhay ninyo, nagtiis ako. Patawad anak, kung tinrato kita ng masama. Yon lang naisip kong paraan para di mo na ako hanapin pag nawala ako. Yon lang ang naisip kong paraan para tumibay ka dahil masama ang mundo anak!” hinagpis ng kaniyang ina.
“Ma, kahit kailan, di ako nagalit sayo. Mas minamahal lang kita sa araw-araw!” mas tumindi na ang iyak ni Zarina. “Ok lang Ma. Nauunawaan ko!”
“Hindi ako makahinga,” singhap ng kaniyang ina bigla.
“Ha? Anong…” di na natapos ni Zarina ang tanong nang mag-seizure ang kaniyang ina. “MA!!! JEREMY!!!”
Pumasok si Jeremy at sinenyasan na ilabas muna si Zarina.
“MA! DITO LANG AKO!” pagpupumiglas ni Zarina.
“Zarina, lumabas na muna tayo,” sumamo ni Luke.
“BITAWAN MO AKO!” galit na sabi ni Zarina at sinampal si Luke bago nawalan ng malay.
Nagising na lang si Zarina sa hospital bed.
“Anak?” usal ng kaniyang ama.
“Pa? Si Mama?” tanong agad ni Zarina nang makabangon.
“Oh wag biglain. Baka sumama na naman pakiramdam mo,” sabi ng kaniyang ama. “Ok na ang Mama mo. Ikaw ang tatlong araw na tulog. Buti naman at cleared ang tests mo. Tinakot mo kami!”
“Sorry po,” sabi ni Zarina na napanatag naman ang loob.
“Umalis lang saglit si Luke para kumain,”
Sumama naman ang mukha ni Zarina. “Ayaw ko siyang makita. Ayaw kong magpakasal sa kaniya.”
“Bakit?” biglang nag-alala ang kaniyang ama.
“Ako na lang bahala sa inyo ni Mama,” saad ni Zarina at tumingin sa labas ng bintana.
Takot siyang baka bawiin pa niya pag nakita si Luke. Ang ama niya ang may kasalanan ng lahat.
“Zarina,”
“PA!”
“Sige, sige. Hindi na. Akala ko talaga masaya ka dahil bumabawi sayo si Luke. Kasi last time, noong di siya sumipot three years ago sa engagement niyo, alam kong nasaktan ka,” sabi ng ama.
Mabilis na binaling ni Zarina ang tingin sa ama.
“Anong ibig niyong sabihin?” nanlalaki ang mga mata niya.
“Di ba niya sinabi?”
Napakagat sa labi si Zarina at parang anumang oras ay tutulo na naman ang luha.
“Pa, ayaw kong lalapit pa kahit kailan sakin si Luke. Kita ang lalayo o siya ang lalayo. Kahit sang bansa, tayong tatlo lang, please Pa!”
“Bakit ba?”
“Pa, ni-rape ng papa ni Luke si Mama,” diretsahang sabi ni Zarina at tuluyang pinakawalan ang mga iyak na puno ng poot at panghihinayang.