Kinabukasan, napahawak pa sa dibdib si Zarina nang madatnan si Luke na naliligo sa c.r.
“Wala ka bang bahay?! Maraming c.r., bakit dito pa sa kwarto ko?!” bulyaw ni Zarina.
Ngumisi naman si Luke. “Bakit? Anong problema? Nakita naman na natin ang lahat sa isa’t-isa. Kaya pumasok ka na!”
“BWISIT!” nanggagalaiting sigaw ni Zarina at pabagsak na sinara ang pinto ng c.r.
Nagtatatakbo siya pababa at naligo sa c.r. na malapit sa kusina.
Nang matapos na maligo ay nagulat si Zarina na nakasandal sa dining table si Luke at naka cross-arms.
“Oh, anong tinitingin-tingin mo?” iyamot na tanong ni Zarina kay Luke.
“Bilisan mo at kakain na tayo. Iniintay lang kita,” sabi ni Luke at umalis na sa pagkakasandal saka nagpunta na sa stove para initin ang niluto.
Agaw pansin silang dalawa na sabay bumaba sa kotse ni Luke. Maraming nagulat pero mas nagulat pa ang lahat nang mag-aannounce si Luke. Naka-awang ang bibig ng mga empleyado sa kompanya ni Luke lalo na si Wilfred sa pagkagulat dahil sa mga nalaman.
“Simula ngayon, boss niyo na rin siya. Si Zarina ang anak ng kilalang tao na si Peter Fuentes. We recently held a personal contract share signing as part of our soon to be family relationship. Sana by the end of the month, mas maganda pa ang result ng bagong pamumuno. Gusto kong ingatan at tulungan niyo ang fiancé ko. Salamat! Pwede na kayong bumalik sa mga trabaho niyo!” nakangiting announce ni Luke.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga empleyado na di talaga makapaniwala.
“Papasamahan kita sa secretary ko para sa paglilibot para ma-familiarize ka sa bawat sulok nitong kompanya!” may diin ang bulong ni Luke.
Tumitig lang si Zarina na patuloy pa rin ang pag-proseso sa isipan ng mga nangyayari.
Makalipas ang ilang oras ay nakatitig lang talaga sa kawalan si Zarina habang nakasunod sa assistant ni Luke.
“Mukha namang hindi ka nakikinig,” biglang sulpot ni Luke sa tabi ni Zarina.
“Ibabalik ko ang pera sayo at hindi ko rin naman kailangang magtrabaho rito. May sarili kaming kompanya. Pag nakaipon ako, babayaran ko na lang ang atraso ni Mama. Sana sapat na yon dahil may utang rin ang ama mo samin. Kung hindi siya matakaw, hindi niya iha-hire si Mama!” malamlam ang tugon ni Zarina.
Parang nasampal ng sampung beses ang mabilis na pag-sama ng mukha ni Luke. May point si Zarina.
“Ah tungkol ron, hati na kami ng Papa mo sa lahat ng shares niya. Malaki ang kakailanganin sa pagpapagamot ng Mama mo. So, wala kang takas. Sakin ka na, Zarina!” nag cross-arms si Luke.
Napalingon si Zarina kay Luke na di maunawaan ang tingin.
“Ahm, I believe tapos na ang trabaho ko. Maiwan ko na po kayo,” magalang na sabat ng assistant ni Luke at iniwan na silang dalawa.
“Halika na, alalayan mo ko para matutunan mo ang kalakaran. Next month, may investors tayo na pag-pipresentan,” saad ni Luke at nagpaumuna nang lumakad at baka kung saan na mapunta ang usapan.
“Teka…ibabalik ko na ang pera!” habol ni Zarina kay Luke.
“Ok, lahat ng mga folders dito sa left, gusto ko i-sort out mo from three months date up to now. Pagkatapos mo i-sort, i-xerox mo ng tig-tatatlong copies,” utos ni Luke pagpasok na pagpasok sa opisina nito.
“Ah, ganon ba ang ginagawa sa pagpi-present sa investors? Magpapa-xerox tayo sa kanila?”
Humarap si Luke na di makapaniwala sa pagka-pilosopo ni Zarina na wala manlang ekspresiyon ang mukha.
“Mag-iipon tayo ng data ng mga sales natin para naman di ba, maniwala sila at ma-enganyo na mag-invest satin,” paliwanag ni Luke.
“Di ba talaga sapat ang pera niyo para humanap ng humanap ng investors?”
Napa buntong-hininga si Luke at napatingin kay Zarina. “Nasanay ka kasi na para sa sarili mo lang lagi ang ginagawa mo. Look, ang kompanya natin, hindi lang naman sarili namin ang iniisip namin kundi ang mga empleyado rin,” saad ni Luke. “So, magsimula ka na!”
“Ibigay mo ang account mo at ibabalik ko na ang pera. Kung hindi, iwiwithdraw ko lahat yon at pag-nagtaka ang banko, hahayaan kong ma-freeze lahat ang pera mo!” banta ni Zarina. “Magtatrabaho lang ako hanggang sa gumaling si Mama.”
Lumipas ang mga araw, mga lingo, at walang ginawa ang dalawa kundi mag-away at magkontrahan sa bahay man o sa opisina.
“Mali!”
“Mali!”
“Mali!”
Halos umalingawngaw sa buong kompanya ang boses ni Luke sa inis.
“ABA! Eh di ikaw ang gumawa. PESTE KA!” sigaw pabalik ni Zarina.
Ang mga empleyado na nakakarinig ay mabilis na naka-adjust sa ganitong klaseng working environment nang dumating si Zarina. Parang musika na sa pandinig nila ang pag-aaway ng dalawa.
“HUWAG MO AKO SISIGAWAN, ZARINA!”
“HUWAG MO RIN AKONG SISIGAWAN, LUKE!” duro ni Zarina saka marahas na kinuha ang sobrang taas na hilera ng mga folders na pang-limang set na sa isino-sort out niya.
Hirap na binuksan ni Zarina ang pinto at sinipa pasara nang makalabas.
Paglabas ni Zarina ay di mapigilang mapangiti ni Luke.
“Ayos ah! Enjoy na enjoy ka ha!” biglang sabi ng assistant ni Luke na nakatayo sa pintuan.
Agad na napawi ang ngiti nito at umayos nang pagkaka-upo sa swivel chair at nagkunwaring may itina-type sa computer.
“Pasok! Bakit ka nakatayo diyan?”
“Luke, siya ba?” usisa ng assistant ni Luke saka pumasok at isinara ang pinto.
Napatigil naman si Luke at di magawang tumingin sa mga mata ng assistant nito.
“Isa!” banta ng assistant nito.
“Oo na. Siya yong babaeng matagal ko nang hinahanap. Noong nakaraan ko lang nalaman sa kaibigan niya,”
Napatawa ang assistant at lumakad sa harapan ng desk.
“Sabi ko na nga ba at may nagbago. Nawala na ang galit. Rason na lang ito. Haay! Pag-ibig nga naman. Tatlong taon mo sinundan sa kagustuhan mo maghiganti tapos ngayon pinapahirapan mo. Kakaiba ka magkagusto! Paano kaya kung di mo siya ni-reject noon no? Iba kaya ang kwento?”
“Nalulong na ako sa galit noon kaya di mo ako masisisi. Ang kinakatakot ko ay baka malaman niya na ako ang lalaking nan-reject sa kaniya. Sabi ni Chloe, galit raw si Zarina sa lalaking yon!”
“Kawawa ka naman. Kasi alam mo, parehas lang kayo biktima. Pero mas pinili mong daanin ang lahat sa pwersahan. Sige na. magapapahanda na ako ng pagkain,” paalam ng assistant.
“Ate Sefi…paano ba…makuha ang loob ng mga babae?” biglang tanong ni Luke.
Napangiti naman ang babae. Kapatid nito ang assistant na si Sefi. Tunay na asawa ng Papa ni Luke ang ina ni Sefi pero dahil mas mayaman ang Mama ni Luke ay nagpaubaya ang Mama ni Sefi.
“Luke, just be you. Huwag ka magtago sa mga kamalian ng pamilya natin. Mabait ka. You are a warm person. Sana hayaan mong maramdaman ni Zarina ang init na yon. Ramdam ko kasi ang lamig ni Zarina.”
“Mas madali pang bilhin ang buong mall kesa maging mabait kay Zarina na wala atang alam na lambing sa katawan,” hinagpis ni Luke.
“Kaya mo yan! Tandaan mo, ang pagmamahal sa babae ay parang pagpili mong sumurvive sa pabago-bagong panahon!”
“Sige, salamat Ate,” paalam ni Luke.
Hapon na nang puntahan ni Luke si Zarina sa rooftop kung saan ito nagtatrabaho.
Ang rooftop ng building ang hiningi ni Zarina na maging opisina.
Marami ang naging tutol pero wala naman silang magawa dahil gusto ni Zarina.
“Hoy Zarina, kakain…” di na naituloy ni Luke ang sasabihin nang makita nitong tulog na tulog si Zarina sa concrete bench at naka-hilera ang mga folders sa iba’t-ibang upuan sa harapan.
Napangiti na naman si Luke at saglit na pinagmasdan ang paligid.
Masarap nga ang hangin kaya mahirap na di makatulog. Hapon na at malamig na ang simoy. Tanaw na tanaw mula rito ang ganda ng buong siyudad.
Hinubad ni Luke ang suot na coat at ikinumot kay Zarina.
Nanatili si Luke roon at sinubukang bantayan si Zarina kaso, inabot na ito ng inip kaya napagpasiyahan na mag set-up ng munting tent at ihawan si Luke.
“Ang bango,” ungot bigla ni Zarina at mabilis na bumalikwas sa pagkakahiga.
Nagulat pa siya na nasa loob siya ng tent.
Lumabas siya at agad na nagpakawala ng magandang ngiti.
“Ano, marami ka namang na-sort?” bungad ni Luke kay Zarina. Agad naman nitong pinagsisihan ang sinabi.
Agad na sumimangot si Zarina nang makita si Luke na nag-iihaw ng barbeque at samu’t-saring mga makakain.
“Oh ano namang trip mo?” tanong ni Zarina at naglakad palapit kay Luke.
“Aba,bakit? Saka, naisip ko baka napagod ka masyado sa pagtulog eh baka gutumin ka,” napakamot na lang sa ulo si Luke dahil di niya maunawaan kung bakit ganon ang nasasabi niya.
Inalok naman nito ng mauupuan si Zarina.
“Sarap kung may alak to,” sabi na Zarina at naupo.
“Pano mo naman nasabi yon?”
“Wala lang. Habang nanonood ng sunset, nag-iihaw at umiinom sabay may tent effect pa oh,” bahagyang ngumiti si Zarina.
Parang tatalon ang puso ni Luke. “Oh, kain na!”
“Salamat!”
“OH, alam ko naman na baka manghina ka pag walang alak,” sabi ni Luke saka inabot ang bote ng alak kay Zarina.
“Yun oh!”
Nanatili na silang tahimik hanggang sa magsimula nang lumubog ang araw.
“Alam mo ba, ito lang ang hinihintay ko araw-araw? Kaya talagang pinilit kong makuha ang rooftop. Ito ang paborito kong oras ng araw!” sabi ni Zarina.
“Ah, kaya Sunset ang gamit mo sa Bed Companion?” basag ni Luke.
“Oo,”
“Ayos!”
“Dahil yon ang oras na ni-reject ako ng mapapangasawa ko sana, three years ago! Ayaw kong malimutan ang galit ko sa taong yon,” sabi ni Zarina sabay inom ng alak.