Sunset Beneath His Touches (Part IV)

1590 Words
“Jeremy, intindihin mo si Flor! Ako na ang bahala kay Zarina!” utos ng ama ni Zarina. Tinulungan si Zarina ng kaniyang ama na tumayo at hinigit palabas ng kwarto ng kaniyang ina at binitbit hanggang sa roof deck. “Aray! Bitawan mo ako!” reklamo ni Zarina na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng ama. “Anong binabalak mo ha?” galit na tanong ng kaniyang ama nang bitawan si Zarina at ini-lock ang pinto ng roof deck. “Aalis na kami ni Mama!” “Ah talagang magmamatigas ka pa rin?” “Anong nangyari kay Mama? Bakit di niya ako kilala?” “Nag-collapse siya kahapon pagkatapos ng usapan niyo. Tumawag si Jeremy sakin at sinundo ko ang Mama mo. Pag-gising niya kagabi, iba na siya. Ako lang ang kilala niya,” Napatanga si Zarina sa katotohanang nagawa siyang limutin ng kaniyang in ana ganon-ganon na lang. “Zarina, bumalik ka na,” pakiusap ng kaniyang ina. “Bakit ba hindi mo na lang kami tigilan?” galit na galit na si Zarina. Parang sasabog na siya. “Ah alam ko na,” umiling si Zarina saka mapait na ngumisi. “Dahil ba nahihiya ka sa trabaho ko? Kung sana, hinahayaan mo akong makapag-apply ay di sana hindi ako nabagsak sa ganong trabaho. Pero may iba eh! Mas malakas ang kutob ko na kaya nagpupumilit ka na bawiin ako ay para sa annual gathering na ito. Bakit Pa? Ubos na ba ang pang suhol mo sa mga target partners mo at ako na ang naiisipan mong gawing kapalit? HAAA! I should have known! Wala ka nga palang kaluluwa!” dagdag ni Zarina na gigil na gigil sa galit. Sa galit ay nasampal siya ng kaniyang ama. “SIGE PA! SAKTAN MO PA AKO! Alam kong kayang-kaya mo! Di ba nga kaya si Mama nagkaganyan dahil muntik mo na siya mapatay noon?! Wala kang kwenta! Ang mga kagaya niyo ang nakakahiya at dapat tinatapon!” bulyaw na naman ni Zarina. Sinampal na naman siya ulit ng ama. “MANAHIMIK KA ZARINA! Wala kang alam!” “Bakit? Ano ba ang hindi ko alam? Ha PA?!! SABIHIN MO!” “Noong…” nanginginig na duro ng ama ni Zarina sa kaniya. “Noong gabing nasaktan ko ang Mama mo ay dahil…nalaman ko na patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho sa putik na pinag-ahunan ko sa kaniya. Minahal ko ang Mama mo ng higit sa buhay ko. Kahit taliwas ang lahat. Binigay ko pa rin ang lahat sa kaniya! Pero ano? Si Edferer Montenegro lang naman ang kinabit ng Mama mo! Isa sa mga pinakamakapangyarihang tao dito sa bansa. At dahil sa kaniya nagpakamatay ang asawa nito! Alam mo ba ang depression na dinulot noon sakin? Kaya di na ako tumitigil ng pagpapayaman? Gusto ko, wala na kayong magiging rason para iwan ako! Para akong mababaliw! Di ko alam kung saan pa ang kulang,” humagulgol na ang ama ni Zarina. Si Zarina, parang mawawalan ng malay sa lahat ng kaniyang nalalaman. “Kaya pilit kitang binabawi sa Mama mo, dahil nalaman ko na ikaw ang ipinalit sa pwesto niya ngayong may sakit na siya. Ayaw ko…na doon lang mapupunta ang buhay mo! Dahil lahat ng pinagsikapan ko, para lahat ito sayo!” “Paano? Pero…may babae ka!” tanging nasabi ni Zarina sa pagitan ng mahihina niyang hikbi. “Ang kaibigan ng Mama mo sa Bed Companion, hinire ko siya para maunawaan kung bakit ba ginagawa ng mama mo iyon pero napag-alaman ko na iba ang Bed Companion. Labis-labis ang serbsiyong ginagawa ng mama mo,” “Hindi totoo yan! Sinungaling ka!” mas lumakas na ang iyak ni Zarina. “Di kita pipiliting maniwala,” sabi ng ama ni Zarina at mabilis na pinahid ang mga luha. “I want to offer you a deal.” “Wow!” “Zarina, dadalhin ko sa ibang bansa ang mama mo para doon magpagamot. Ang kapalit, aattend ka sa annual gathering para makasalamuha ang mga tao roon at nang masimulan mong hawakan ang mga negosyo natin. Tumigil ka na sa Bed Companion!” Natahimik si Zarina. “Wag ka nang tumanggi! Mas mapapangako ko ang paggaling ng Mama mo,” pagsabi nito ay naglakad na paalis ang kaniyang ama. Naiwan si Zarina na parang binuhusan ng malamig na yelo. Nakatayo at nakatulala sa kawalan. Mamaya-maya ay sinundo na siya ni Chloe. “Te! Tara na! Ito ang mas makakabuti sa lahat. Promise, sasamahan kita kahit anong mangyari,” sumamo nito at niyakap si Zarina. Tinulungan si Zarina ni Chloe para magbihis at mag-ayos. Nang mag-announce ang host ng event ay kinuha ng ama ni Zarina ang kamay niya at inalalayan sa pagbaba ng hagdan. “Eto ang totoong buhay mo!” nakangiting saad ng kaniyang ama. “Hindi. Gagawa pa lang ako pagtapos ng lahat ng bangungot na ito. Babayaran ko ang paglaya ko sainyo. Siguraduhin mo lang na mabubuhay si Mama!” walang-buhay na saad ni Zarina. Suot ang magarang kulay pulang dress, naging bulong-bulungan ang pag-litaw ni Zarina sa gathering. May mga nagulat pero mas lamang ang mga di natutuwa. “Makihalubilo ka,” paalala ng ama bago iniwan si Zarina. Pero imbes na makihalubilo ay pinili ni Zarina na uminom habang nagkakasayahan ang lahat. Di niya namalayan ang paglipas ng mga oras. “Ok, to our main event. Inaanyahan ko si Mr. Luke Montenegro sa unahan para iannounce ang napili niyang mapapangasawa!” sigaw ng hosts at nagsisigawan ang lahat maliban kay Zarina na marami nang nainom. Nagulat si Zarina sa sunod-sunod na pagvibrate na kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa bulsa ng dress at tiningnan. Segundo lang at napatayo si Zarina sa pagkakaupo at gulat na gulat sa mga nabasa. “Ang napili kong mapangasawa para sa pagpapatibay ng ating samahan at patuloy na pag-angat ay walang iba kundi si Zarina Fuentes!” buong kompiyansang sabi ni Luke sa stage. Napalingon si Zarina sa stage na nanlalaki pa rin ang mga mata. Napuno ng ingay ang buong lugar kung saan nagtitipon ang lahat ng mga nakatira sa village. Ngumisi si Luke at naglakad palapit kay Zarina. Halos lahat ay di makapaniwala dahil marami ang gumastos para magpaganda sa pag-aasam na mapipili ni Luke para sa mandatory marriage ng mga taga-village para mapanatili at mapalakas pa ang impluwensiya ng mga tao roon. “I believe nareceive mo na ang bayad ko? Ten times the amount, of your service. I want you to be my lifetime bed companion!” usal ni Luke habang nakatingin ng matiim sa mga mata ni Zarina. Di naman na nakaimik si Zarina dahil nawalan na siya ng malay. Nagising siya sa kwarto niya, gabi na. Ilang oras na siyang tulog. “Ah! Ano, ok na ba ang tulog mo?” biglang usal ni Luke na kinagulat ni Zarina. “Ay bwisit! Anong ginagawa mo rito?” gulat na bwelta ni Zarina at sinipa si Luke. “Ayos! Simula nang tulungan kita, wala pa akong nakukuhang pasalamat!” iyamot na sabi ni Luke saka tumayo sa kama. “Tulong pinagsasabi mo diyan? Simula nang i-hire moa ko, puro malas na ang nangyari sa buhay ko. Anong nga palang nangyari sa gathering?” “Na overdose ka ng alak at nawalan ng malay! Tapos na ang event at nakaalis na ang Mama at Papa mo papuntang Switzerland,” “Ano? Ganon-ganon na lang yon?” napatanga si Zarina. “Umalis ka!” Tumigil si Luke sa paglalakad at humarap kay Zarina. “Pasensiya na pero, malabong mangyari ang gusto mo. Simula ngayon, bilang mapapangasawa ko, ako ang makakasama mo hanggang sinabi kong ayaw ko na!” Napalaki ang mga mata ni Zarina nang maalala ang mga nangyari nong gabi. “Totoo ba to?” singhap ni Zarina. “Mas totoo pa to sa panaginip!” “Si Chloe!” usal ni Zarina at mabilis na bumaba sa kama. “Magkasama sila ni Jeremy. Napagkasunduan ng mga magulang nila na sa Switzerland na rin sila magpakasal,” nakangising sabi ni Luke habang nakasandal ang isang braso sa poste ng kama ni Zarina. “Hindi!” sigaw ni Zarina. “Oo! Tanggapin mo na. Dahil ito lang ang tanging magagawa mo para makabayad sa atraso ng ina mo sa akin,” “Anong…” “Tama na Zarina! Alam ko na ang lahat! Narinig ko lahat ng usapan niyong mag-ama sa roof deck. Mali ako sa mga panghuhusga ko sayo, in fact, naawa ako sayo pero naisip ko, m malaki ang utang ng Mama mo sakin. Kinumpirma ko kay Papa at hindi ka pwedeng tumanggi sakin dahil buhay ng Mama ko ang ninakaw ng mama mo sakin. May sakit na siya kaya no choice kundi ikaw ang magbabayad! Bumaba ka na at kakain tayo. Tapos magpahinga ka dahil bukas na bukas, ipapakilala kita sa kompanya na hahawakan mo!” “Wala akong ganang kumain…” natigilan naman si Zarina nang tumunog ng sobra ang kaniyang tiyan sa gutom. “Tsk!” iiling-iling na si Luke at naglakad na palabas ng kwarto. Sumunod si Zarina pababa at laking gulat niya na si Luke ang naghahain ng mga pagkain. “Bakit…” “Pinaalis ko na ang mga katulong niyo. Tayo lang dapat ang nasa bahay para mas makilala pa natin ang isa’t-isa bago magpakasal,” malumanay na sabi nito at hinubad ang suot na apron saka isinampay sa sandalan ng upuan. Umupo si Zarina at pilit na sumubo ng pagkain dahil na rin sa gutom. Pero nagulat siya na masarap ang luto ni Luke kaya naubos niya ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD