Sunset Beneath His Touches (Part III)

1939 Words
Nanlaki ang mga mata ni Wilfred, maging ang kasamang babae nito na sabay pang nalaglag ang panga sa gulat at di na nagawang makapagsalita pa. Pinanood nitong dalawa sina Zarina at ang di kilalang lalaki na maghalikan hanggang sa magsarado ang elevator. “Gago! Sinabi ko na nga ba at nakita kita kanina!” Singhal ni Zarina kay Luke pagkatapos niyang itulak ito sabay pinunas ng marahas ang labi. Napasandal si Luke sa elevator at ngumisi habang nakatitig kay Zarina, “Nakakatawa na hinahanap-hanap ko ang sampal mo. Dati, sinusundan lang kita para makapaghiganti.” Napalaki ang mga mata ni Zarina, “Ikaw ang sumusunod sa akin?” “Oo. Tatlong taon na. Naghihintay ako na maka-isip ka na humingi ng pasensiya sa ginawa mo pero wala eh. Di ko naman akalaing kinakarma ka na ngayon. Pero humahanga ako sa lakas ng loob na mamuhay na parang normal kahit nakasira ka naman ng buhay ng ibang tao,” biglang lumamlam ang mga mata ni Luke. “Ano ba talaga ang hinihimutok mo? Wala akong sinisira na buhay. In fact, tumutulong kami!” Huminga ng malalim si Zarina. Masyado na siyang maraming pinagdaanan sa loob ng bente-kwatro oras. “Pasensiya na pero, hindi kami pwede makaalam ng mga personal information ng aming mga kliyente kaya wala akong alam,” saad ni Zarina, halos inip na inip na sa elevator. “Huwag ka na magmaang-maangan!” “Eh di kung ayaw mo maniwala ay wala na akong magagawa!” sabi ni Zarina saka mabilis na lumabas nang bumukas ang elevator sa first floor. Sumunod naman si Luke kay Zarina. Pero si Zarina natigilan nang makakita ng matinding komusyon ng mga doctor. Parang sasabog ang dibdib niya nang masilayan ang taong nakaratay sa stretcher bed na tulak-tulak ng mga doctor. “Ma,” singhap ni Zarina, nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Kita niya sa likuran si Chloe na umiiyak kay Jeremy. Pero ang pinaka-kinagulat niya ay ang grupo ng mga lalaking naka-itim na naglalakad palibot sa kaniyang ama. “Pa?” singhap na naman ni Zarina. Mabilis na nagtago si Zarina sa isang malaking poste sa takot na makita ng kaniyang ama. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Gusto man niyang sumunod ay pinipigilan niya ang sarili dahil nangangahulugan na ito ng pagsuko. “Oh anong iniiyak-iyak mo? Nakita mo ang pamilya ng isa sa mga kliyente mo? Masakit ba? Tandan mo, hinding-hindi ka pipiliin dahil palipas oras ka lang,” dire-diretsong sabi ni Luke habang naglalakad palapit kay Zarina. Pero imbes na sumagot ay tumingin lang ng malamig si Zarina at naglakad na palayo rito. Habang naglalakad ay nakatanggap siya ng dalawang e-mail. Isa mula sa kumpanyang magi-interview sana sa kaniya at isa mula sa kaniyang ama. Mula sa kumpanya, ipinaalam lang na hindi na ipagpapatuloy ang interview. Inaasahan na ito ni Zarina kaya nangisi na lang siya habang nakatitig sa cellphone. Ang e-mail naman mula sa kaniyang ama ay naglalaman ng imbitasyon sa annual gathering ng kanilang village na gaganapin sa susunod na araw. May pagbabanta rin ito na kung di pupunta ay di na makikita ni Zarina ang kaniyang ina. Dahil sa patong-patong na sama ng loob, walang naisip na gawin si Zarina kundi ang uminom. Nagpakalasing siya buong maghapon. Sa sobrang kalasingan ay di na niya napigil ang sarili na magpunta sa kanilang village. Pero pinigil siya ng isang guard roon. “Pasensiya na po, Mam. Pero baka namali lang kayo ng napuntahan dahil sa kalasingan niyo,” usal ng gwardiya. “Ha? Taga-rito ako!” ungot ni Zarina. “Pero po, Mam, ang lahat po ng tagarito ay lumalabas at pumapasok ng naka-kotse lang po!” medyo naiirita na ang guard dahil mahigit kalahating oras nang nakiki-usap kay Zarina. “Gusto mo bang mawalan ng trabaho?” ani Zarina na talagang hilong-hilo na. “Mam, pag nagpumilit pa rin ho kayo, mapipilitan akong tumawag ng mga pulis,” “Aba. Gusto kita, matapang ka! Baguhan ka nga pero marunong ka manindigan sa mga policies na ipinatutupad dito sa village. Kaso wrong timing ka,” sabi ni Zarina saka hinampas ang braso ng gwardiya at sinubukang tumakas papasok. “Kasama ko siya,” biglang sabat ni Luke. Lumingon si Zarina at tumagilid pa ang tingin para sipatin si Luke. “Oh, ikaw na naman! Hanggang dito ba naman susundan moa ko? Pasensiya na, bawal ang ibang tao rito!” ungot ni Zarina. “Ako na ang bahala dito!” usal ni Luke sa guard at hinigit na si Zarina papasok ng kotse. “Ano ba, bitawan mo ako! Hindi ko kailangan ng awa ninyo!” “Tumahimik ka! Hindi ito awa, maniningil lang ako!” usal ni Luke kay Zarina saka pinatakbo na ang kotse papasok ng village. Napakalawak ng village at pataas ang lugar. Kung lalakarin ay talagang mapapagod lang. “Anong ginagawa mo rito? Hinahanap mo ba si Papa? Kailangan na ba ng pera?” medyo inis na tanong ni Luke. “Ha?” garalgal na ang boses ni Zarina, namimikit na ang mga mata na sinisipat ang lalaking nagmamaneho. “Teka, Client O423? Ikaw na naman?” Pagkatapos na sabihin ay nasuka si Zarina kay Luke at tuluyan nang nawalan ng malay si Zarina. Naalimpungatan na lang siya nang naramdaman niyang tumama ang ulo niya sa matigas na bagay. “Bwisit ang bigat!” bahagya nang maunawaan ni Zarina ang sabi ni Luke. Kahit kabilang mata lang ang bahagyang mulat, naaaninag ni Zarina ang daan na nilalakaran niya kahit madapa-dapa na. Malaki ang bahay na pinasukan nila at umakyat sila sa mataas na hagdan bago tuluyang nahiga sa kama. “Ma! Sorry!” ungot ni Zarina habang inaayos ang higa. Hahangos-hangos si Luke na naupo sa sofa at pinanooran lang si Zarina sa kama. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ito ng kakaibang pakiramdam habang nakatitig kay Zarina. Tumayo si Luke at naghubad ng suot dahil sa dami ng suka ni Zarina. Galit nitong hinagis sa laundry basket ang damit at lumapit kay Zarina. “Makisama ka, paliliguan na kita!” giit ni Luke na hirap na hirap na iupo si Zarina para mahubaran. “Alam kong sanay ka na pero ako, ngayon ko lang gagawin ito,” sabi na naman ni Luke saka saglit na nanahimik sa tindi ng kabog ng dibdib dahil sa ganda ng katawan ni Zarina. Kumuha ito ng kumot at binalot si Zarina bago binuhat sa kaliwang balikat nito saka nagtungo sa banyo. “Aray!” ungot ni Zarina nang tumama na naman ang ulo niya nang ihiga siya ni Luke sa bathtub. Mabilis na pinaliguan ni Luke si Zarina saka pinabayaan nang nakahubad sa kama nito bago bumalik sa banyo para maligo. Nang matapos sa paliligo ay lumabas ng banyo si Luke, suot ang robe at tinutuyo ang buhok. Sinipat niya si Zarina. Sa loob ng tatlong taon ng kasusunod niya kay Zarina, di niya namalayan na humahanga na siya rito. Maganda ang katawan ni Zarina. Sexy na may kulay gatas at malambot na balat. Katamtaman ang haba ng buhok at maninipis na mga labi. Napalunok ng laway si Luke. Sa tagal niyang nagalit ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na mag-entertain ng ibang babae. Pero nangibabaw na naman ang galit rito nang maalala ang ina. Sumama na naman ang tingin ni Luke kay Zarina saka itinapon ang towel sa sahig at hinubad ang suot na robe. Naglakad siya sa paanan ng kama at marahang umibabaw kay Zarina. “Hindi ako ganitong lalaki dahil namumuhi ako sa mga kagaya ni Papa, pero di talaga mawala sa isipan ko kung ano ba ang rason ni Papa para lokohin si Mama dahil sayo? Maganda ka, ito na lang ang bayad mo sa lahat ng utang mo sakin!” gigil at puno ng pait na usal ni Luke sa pagitan ng mabibigat niyang paghinga. Hinalikan niya si Zarina at sa di inaasahang pangyayari ay ibinalik ni Zarina ang mga halik. Saglit na tumigil si Luke at nangisi. “No wonder, kahit lasing ka ay kalandian ang initial response ng katawan mo. Binibigyan mo talaga ako ng rason para di makonsensiya sa gagawin ko. Don’t worry, I’ll double your pay!” sabi nito at itinuloy na ang paghalik. Nalunod na si Luke sa galit at bugso ng damdamin pero bigla itong natigilan. Nanlalaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Napasuntok ito sa kama at mabilis na tumayo. “You are a f*****g virgin?” bulalas ni Luke na napasabunot sa buhok dahil di siya makapaniwala sa nalaman. Napahawak ito sa bibig habang laglag ang panga na di mapakali sa paglakad ng pabalik-balik sa paanan ng kama. “Ano ba ang ginagawa mo sa Bed Companion? Imposible!” Napasuntok pa ito sa pader sa galit at gulong-gulo na isipan. Kinumutan nito si Zarina at mabilis na lumabas ng kwarto. Kinabukasan, nagising si Zarina na napakasakit ng ulo. Naupo siya mula sa pagkakahiga at sinipat ang buong kwarto. Nanlaki ang mga mata niya dahil di siya pamilyar sa lugar. Pero ang mas kinagulat niya ang kakaibang lamig na nararamdaman kahit naka-kumot siya. “SHIIIIIIIT!” malakas na sigaw ni Zarina nang mapagtanto na hubad siya sa ilalim ng kumot. Mabilis siyang umalis sa kama at isinuot ang kaniyang damit na mahipid na nakatupi sa sofa sa tabi ng bintana. “Zarina! Anong ginawa mo?!” gigil niyang usal sa sarili habang marahang sinisipat ang paligid ng bahay habang nakasilip sa pinto ng kwarto bago tuluyang tumakbo palabas nang makitang wala namang tao. Paglabas ay nilinga-linga niya ang mga kabahayan bago napagtanto na nasa loob siya ng village nila. Nagmamadali niyang hinanap ang bahay nila at nagtungo roon. Pagdating sa likurang bahay ay nagsi-singhapan ang mga katulong roon nang makita siya. “Mam Zarina?” saad pa ng isang katulong na animo’y nakakita ng multo. “Andito ba si Papa?” hahangos-hangos na tanong ni Zarina. “O—opo!” “Si Mama?” “Nasa kwarto po,” mas nanginginig na ang boses ng katulong. “Sige,” sabi ni Zarina at inihagis ang bag sa balkunahe sa second floor. “Mam! Magsisimula na ho ang annual gathering at kanina pa po kayo hinihintay ng Papa niyo,” “Anong pakialam ko! Habang busy sila, tatakas ko si Mama! At wag na wag ka mag-iingay o makakatikim ka sakin!” Tumango na lang ang katulong saka ang ibang pang naroon. Nang makaakyat sa balkunahe ay marahang naglakad si Zarina hanggang sa pinto ng dating kwarto ng kaniyang ina. “Ma?” tawag niya sa ina habang nakahiga ito sa kama mula sa balkunahe. Payapa at mukhang maayos ang pahinga nito. Parang dinudurog ang dibdib ni Zarina na hindi niya ni minsan nasilayan ang ina na ganon kapayapa simula nang umalis sa pamamahay ng kaniyang ama. “Ma,” tawag ulit ni Zarina nang huminto siya sa gilid ng kama at naupo sa harapan ng kaniyang ina. Naalimpungatan ang kaniyang ina at agad siyang tinulak. Matindi ang takot sa mukha nito. “Alis! Sino ka? P…PETER!” sigaw nito. Nalaglag ang panga ni Zarina sa pagkalito. “Ma, si Zarina to!” nahihibi na siya. “LAYO! PETER!” nag-wawala na naman ang kaniyang ina. Tumayo ang kaniyang ina at pinagsasaktan na siya. “Ma! Tama na! Si Zarina ito!” pakiusap ni Zarina na pinili na lang yumakap sa ina habang nakaluhod at tinitiis ang bawat hampas at sabunot sa kaniya. Mamaya-maya nga lang ay dumating ang kaniyang ama kasama si Jeremy at ilang mga nurses. “ZARINA!” nakakatakot ang boses ng kaniyang ama. “Peter! Ilayo mo to sakin! Hindi ko siya kilala!” palahaw ng kaniyang ina saka sinipa si Zarina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD