Finally Hers (Part II)

1774 Words
Pagkaluto ay hinatid na niya si Jali kina Athena. Di na siya nagtangka magpakita dahil baka mamaya, pati si Jali, bugbugin siya. Sa bahay ng Nanay niya natulog si Liam. Kung nakatulog! Di manlang dumalaw ang antok kay Liam. “’Yan na ang gwapo? Talaga? Maputi lang yan, mabait naman ako,” naka cross-arms na sabi ni Liam habang seryosong nanunod ng drama na sinabi ni Jali. Napilit ni Liam si Jali na sabihin ang palabas na papanoorin nila ni Athena. “Ah!” buntong-hininga ni Liam nang makita na alas-quatro na sa malaking orasan sa bedside table at kailangan na niyang pumasok sa trabaho. “Natapos ko na ang palabas, wala pa rin si Jali.” Parang nakalutang si Liam habang pababa ng kwarto niya. Mabigat ang bawat hakbang na tinahak niya ang salamin sa living area. “Lamang lang ilang paligo yong cha…ano nga? Cha---chun chun na yon sakin!” puyat na bulong niya habang nakatitig sa salamin saka hinang-hina na nagluto at naligo bago dumiretso sa garahe para linisan ang motor niya habang hinihintay si Jali. Miminsan lang siya umuuwi sa bahay niya. Tuwing nagkakayayaan lang sina Raymond mag-inuman o may pa-meeting pag broken hearted si Carlo. “Yown oh! Nililinisan ang motor!” bati ni Raymond habang dire-diretso papasok sa gate saka prenteng naupo ng bangko sa tabi ni Liam. “Magpapaangkas na to!” “Dapat pala bumili na rin ako ng aso,” walang interes na bati pabalik ni Liam saka sinimulang sabunin ang motor. “Magandang umaga, pareng Liam!” si Carlo. Napasinghal na lang si Liam nang makitang nakaporma na naman ito ng pangmalakasan at kagaya ni Raymond, di manlang nakaramdam ng hiya sa may-ari ng bahay. “Baka gusto niyo na rin muna mag-umagahan,” ironikong sabi ni Liam. “Ok na, tapos na pre,” sabay pa nina Raymond at Carlo sagot. Napailing na lang si Liam. Kung nadodonate lang talaga ang kapal ng mukha, mas mabilis ang mga bagay-bagay. Tinutuyo na ni Liam ang motor nang may tumigil tricycle sa tapat ng gate at bumaba si Jali. Mabilis siyang napatayo at wala sa sariling nagtanong, “Kamusta?” “Ha?!” sumama agad ang mukha ni Jali at nagmartsa na papasok ng bahay. “Hindi sinabi ni Athena!” Napangiti pang bulalas ni Liam. “Teka, hindi sinabi ni Athena? Nakalimutan niya?” “Tol, saan galing si Jali?” tanong ni Raymond. “Kina Athena,” matamlay na sagot ni Liam. “Ooh! Base sa mukha ni Jali, di ka manlang ikwinento ni Athena!” tawang-tawang kutya ni Carlo saka inayos ang polo. “Ano, matagal pa ba yan? Pasok na tayo.” “Ah, sige, magbibihis lang ako. Hiyang-hiya naman ako sayo eh!” ismid ni Liam kay Carlo. Apat na taon nang magkakaibigan ang tatlo at apat na taon na ring libre sa pamasahe ang dalawa dahil laging nakikisakay sa kotse ni Liam. “Pre, kunwari ako na lang si Athena!” sigaw ni Carlo na niyayakap at hinihimas ang abs ni Liam habang nagmamaneho. “May abs nga pala ako!” saad ni Liam ng wala sa sarili. “Ay teka, hoy, itigil mo yan! Sa dagat ang diretso natin pag di mo itinigil yan!” bulyaw ni Liam kay Carlo. Kaso natigilan si Liam sa pagsasalita nang lumagpas ang motor na minamaneho ni Athena habang angkas si Benson. “AAAAH! Pre, daig ang bargandi mo kay Benson!” sabay pang sigaw nina Carlo at Raymond na nakaturo kina Athena. “Tingnan mo!” “Kita ko,” “BASTED NA NAMAN!” dagdag pa nitong dalawa saka na naghigh-five. “Oooh! Ang pag-ibig ay sinasakyan lang yan. Basta sumama ka sa aking biyahe! BENSON!” Duet pa nina Carlo at Raymond sa pagkanta. Di tuloy magawang makapag-focus ni Liam sa pagmamaneho sa asar dito sa dalawa. ‘Ang saklap naman kung magkataon na bumigay na si Athena kay Benson. Sabagay, napakatagal naman na talagang sinusuyo ni Benson si Athena. Takte, makakapag lasing talaga ako ng wala sa oras.’ Isip-isip ni Liam na hindi namamalayan na daig pang nagpu-prosisyon na lang ang takbo ng motor. “Pre, sana nag-jogging na lang kami,” tapik ni Carlo kay Liam. “Sisimulan niyo na ba?” “Aba! Aba! Nagseselos ang kilay mo pareng Liam!” “Oy pre! Si Athena!” turo bigla ni Raymond dahilan para mapukaw ang pansin ni Liam. Malayo man ay tanaw na tanaw ni Liam ang sama ng mukha ni Athena habang nakatayo sa may gate ng pinagtatrabahuhan niya. “Ayos, ikaw naman pala ang finish line!" sigaw ni Carlo saka gigil na gigil na minasahe ang mga balikat ni Liam. Tumatayo-tayo pa ang dalawa sa sobrang saya. Di mapigilan ni Liam na mapangiti habang nakapiit ang mga labi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. “Pakiramdam ko tuloy ang gwapo-gwapo ko ngayon. Buti nakapag-shades ako. Bagay na bagay rin naman ang polo na suot ko kaya naha-highlight ang biceps at muscles ko.” Nagdadaldal na si Liam. “Yan ang gusto namin pre, patunayan mong wala pa sa kalingkingan mo si Benson!” Nang makapag time-in sina Carlo, lumayas na ang mga ito na nagkukulitan pa papasok ng opisina. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Liam na parang ano mang minuto ay pipiyok na. “Pinadala sa akin ni Jali. Iniangkas ko na rin si Benson dahil madadaanan naman bahay nila papunta rito,” sabi ni Athena saka inabot ang lunchbox kay Liam. “Salamat,” ngiting-ngiti na sabi ko. “Ah di mo naman kailangan magpaliwanag.” “Ano?! Hay nako. Kumain ka nang di ka pinapasok ng hangin sa utak. Saka, wag ka masyado magpaimpluwensiya sa mga barkada mo.” Napansin ni Liam ang paglunok ng laway ni Athena bago itinuloy ang sinasabi. “Baka sa sunod na manghalik ka, sa kulungan o mas malala eh, sa ilalim ka na ng lupa pupulutin. Maliban na nga lang pala kung sadyang marupok o malandi ang nadali mo.” “Gusto mo akong landiin?” “Ano?! Lintik ka! Kumain ka na lang. Naiiyamot na agad ako. Kilala kita kaya di ko na lang ginagawang issue.” Ngumuso na lang si Athena pagkatapos ay nagbiyahe na paalis. Pinanonood pa ni Liam habang palayo si Athena at ngumiti ng napakalawak habang papasok ng opisina. “Oh, si pareng Liam, manlilibre raw,” biglang announce ni Carlo habang umiinom ng kape. Napasimangot agad si Liam, nabawi agad ang good mood na dulot ni Athena nong umaga. Siguro kape na ang dumadaloy sa dugo ni Carlo kaya di na marunong ng salitang hiya. “Aba, bakit?” tanong ng head nila. “Mam, naghihintay na po ng sweldo 'yan. Nagpaparinig. Tsk! Ginagamit pa ako,” iiling-iling na biro ni Liam pabalik. “Kala ko naman. Well anyways, may problema raw sa barangay tres. Sino rito ang…”napatigil na ang head nang magtaas ng kamay si Liam. “Mam, ako na po!” mabilis na presenta ni Liam. Malapit lang kasi sina Athena roon kaya kinuha na niya ang pagkakataon na iyon para makita ulit ito. “Ay iba! Oh pre, baka pwedeng idamay mo na rin ang pananghalian, para naman may rason ka kung bakit matatagalan ka bumalik galing sa Barangay Dos…a Tres pala!” biro ni Raymond na kumikindat-kindat pa. “Pwede naman. O sige, ilista niyo na, ako na ang bahala!” Nagkagulo na ang lahat. Normal nang ginagawa ‘yon ni Liam pero this time, siya na ang nagpresenta. Mabilis siyang sumakay sa motor at nagbiyahe. At mabilis lang talaga niyang naayos ang sira sa barangay tres. Ang di niya maunawaan ay darating siya sa punto na magsasayang ng gasolina kapapabalik-balik sa harapan nina Athena para lang matsempuhan niya ito habang naghihintay ng order ng mga katrabaho. “Aray!” sigaw ni Liam kaya napapreno siya ng bigla. Sa ika-sampung balik ni Liam sa tapat nina Athena, may bumato sa kaniya ng bote ng tubig. Buti na lang talaga at sobrang bagal ng pagpapatakbo niya sa motor. Bumaba siya para pulutin ang bote ng tubig at napangisi siya ng sobra. Kasi di naman basta bote ng tubig, isang litrong bote ng tubig. Pagtingala ni Liam, andon si Athena sa balkunahe ng kwarto nito. “Uminom ka! Baka hini-heat stroke ka na kaya naapektuhan utak mo! Naawa ako sa pamilya mo, bata ka pa. Ang pagkakalat ng carbon dioxide, walang ambag sa lipunan yan.” Walang-ekspresiyon ang mukhang sabi ni Athena saka naglakad na papasok. Naiwan si Liam na tameme! Kinikilig siya! Iba talaga ang dulot sa kaniya ni Athena. “SALAMAT!” pahabol na sigaw ni Liam kay Athena. Ngiting-ngiting niyang inayos ang bote sa compartment ng motor at nagbiyahe na pabalik sa opisina. Pagdating sa opisina, napakalaki ng ngiti ni Liam. “Boy, napakapula ng palong mo!” salubong agad ni Carlo. “Ano, ayos ba?” “Mainit,” maiksing sagot si Liam. Alas-siete na ng gabi nang makarating si Liam sa café. At daig pang CCTV ang mata niya na mabilis na nahagip si Athena sa usual spot nito. Tumigil siya sa counter at nagcross-arms para pagmasdan si Athena na sobrang busy sa pag cellphone. Parang kinikiliti na agad siya. Alam kasi niyang nahihiya minsan si Athena. Lumiligta rin ng araw para maki-wifi. “Sir! Patayin ko na po ba ang wifi? Anim na oras na po si mam Athena eh,” bulong ni Manong Berting kay Liam. “Tapos isang kape lang naman po ang binili.” “Sige, patayin mo na.” Nakangising sagot ni Liam. Pagkapatay ng wifi, kita niya ang agad na pagsama ng mukha ni Athena at nagmartsa na paalis. “Ibang klase ang panliligaw mo,” “Ay pucha, anong ginagawa mo rito?” Nagulat si Liam kay Raymond na bigla na lang nagsalita sa tabi niya. “Alam mo na. Maraming nagugutom sa mundo at isa ako roon kaya wala akong sinasayang na cake!” Napailing na lang si Liam dahil di talaga pumapalya si Raymond na kolektahin ang mga rejected cakes. “Noon, masasabi kong pinapatay ko ang wifi dahil abusado na siya pero ngayon, ayaw ko lang na dis-oras na ng gabi ay nasa labas pa siya. Baka kung ano pang mangyari sa kaniya, papakasalan ko pa siya.” “Ay may tama ka na nga! Anyways…” Mamaya-maya ay nakita na niya na lumabas si Mang Berting na may dalang dalawang supot na plastic. “Owahaw! Well, good luck pre! Salamat, Mang Berting. Yong mga matitira, pakigawa na lang pong puding, bayaran ko na lang bukas. Sige pre.” Paalam ni Raymond nang abutin ang mga cakes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD