bc

UNCLE DADDY (+R-18/SPG)

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
billionaire
age gap
second chance
powerful
heir/heiress
bxg
lighthearted
serious
kicking
city
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

BLURB“I want you so badly! Own me, boss. f**k me Uncle Daddy!”Mikonah Lucena is half Filipino and Japanese, 21 years old. Laking Cavite pero tubong Batangas ang pamilya. Lumaki si Mikonah na tanging lolo at lola lang ang kasama. Masaya ngunit salat sa lahat ng bagay. Tampulan ng tukso dahil sa angking ganda, ngunit maraming bagay naman ang pinagkait sa kanya. Lance Elliott Crisson a man that almost multiple times, ng nasawi ang puso dahil sa mga babaeng inibig. Kung pag-ibig nga ba talaga ang kanyang nararamdaman para sa kanila? Lance always have a soft spot for woman, dahil sa nasaksihan ng lalaki ang pagdurusa ng kanyang Ina.Maaari nga kayang magkamali ang puso sa pagkilala ng pagmamahal? Posible nga kayang ang pang huli na dumating ay siyang tunay na una palang at panghabang buhay na?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Ah! Putok sa buho…anak ng maangot na hapon!!!” “Pokpok ang nanay!” “Mikonah anak ng hapon na maangot at pokpok!” “Hindi! Hindi pokpok ang mama ko at lalong hindi rin maangot na hapon ang papa ko. Tumigil na kayo!” “Kawawang Konah! Singaw at putok sa buho—” “Hindi! Hindi ako putok sa buho babalik ang mama at papa ko!” “Onang apo ko, ang lalim na naman ng iniisip mo. Nakaalis na tayo sa lugar na ‘yun. Nasa Cavite na tayo matagal na pero parang naiwan pa rin sa Batangas ang gunita mo.” untag ni lola Beneng na siyang pumukaw sa akin. Maaaring tama si Lola. Nakaalis na nga kami sa lugar na ‘yun pero hindi ibig sabihin noon nakalaya na ako sa mga salitang ayaw kong marinig at tanggapin, pero parang katotohanan naman ang mga salitang panakit na ‘yun. “Apo, alam ko labis ang hirap natin sa Batangas. Kung sabagay gano'n din naman dito Cavite. Pero ‘di ba mas okay naman tayo rito. Kahit paano may tulong na dumarating para sa atin. Sana nga makilala na natin kung sino ang taong yun. Sa huling sulat niya kasi, makilala raw natin siya oras na maka-graduate ka na ng college.” dagdag pangwika ni lola Beneng sa akin na ikinagulat ko. Dahil hindi ko naman binasa ang sulat na binanggit ni lola. Sabi ko kasi noon sa sarili ko sisilip lang ako sa mga sulat ng taong ‘yun oras na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Ibabalik ko ng buong puso lahat ng tulong niya. Tandang tanda ko pa 7 years ago ng may dumating sa lugar namin para kunin kami at alisin sa bary0 kung saan kami ang tampulan ng tukso, tsismis at paninisi. Kesyo kami ng aking ina ang nagdala ng salot sa bary0 na iyon. Lahat ng kalamidad sa amin ibinubunton ang sisi. “Apo, hindi ka ba masaya?” untag muli ni lola. “M-masaya po ako lola. Masaya ako dahil malayo na tayo sa mga taong gusto lang tayong gawin panakip butas sa mga sarili nilang kahinaan, kapabayaan at kakulangan. Pasensya na lola, hindi ko maiwasan na maalala ang lahat—” “‘Wag mong sabihin may mga bully sa school apo.” biglang singit ni lolo Beto. “Wala po! Ano lang—” “Mikonah hindi ka namin pinalaki ng puno ng pagmamahal dala ang mabuting asal para hahang buhay mong maramdaman ang pang aalipusta. Kung noon ang sabi ko ay manahimik ka lang, ngayon lumaban ka na basta nasa tama ka!” putol at puno ng diin na wika ni lolo Beto sa akin. “Beto ano ba?!” saway ni lola sa aking lolo. “Beneng panahon na para maging mas palaban si Konah. Wala tayong mahabang oras para mas gabayan pa siya. Ayokong iwan si Konah na mahina at aapihin lang ng iba.” Matapos sabihin iyon ni lolo niyakap nila akong daalawa. Grade 12 na ako at ilang buwan na lang ay tapos na ako. Haharap naman ako sa bagong hamon ng pag-aaral sa kolehiyo. Noong una ay duda pa ako kung makapag-aral pa ba ako matapos ang senior high? Pero na bigyang linaw na iyon agad ng sponsor ko/namin na hindi pa rin namin kilala. The only thing I know about that person ay nasa ibang bansa pa siya sa ngayon. Doon namamalagi at sa tamang panahon ay uuwi rin daw ng Pilipinas. Isa sa naging dahilan kung bakit ‘di ko makalimutan ang mga paninisi at panlilibak ng mga tao sa akin/sa amin noon? Dahil sa ibang mga magulang ng classmate ko. They question my capabilities. Na hindi naman ginawa ng mga classmates ko kahit pa mayga mean girls. Ako ang exception sa pagiging mean nila. They’re adults but they are the ones who looked down on me. Dahil lang sa lolo at lola lang ang meron ako. Hindi raw ako kayang iahon ng talino at diskarte ko lang. Sa totoo lang hindi ‘yun ang masakit na parte ng lahat ng ito. Ang masakit at umaantig sa akin ay ang makita silang kasama sa bawat parents meeting ang kanilang mga magulang na ni minsan hindi ko naranasan. Ang mga ngiti nila at proudness para sa mga anak nila ang kalimitang pumapatay sa katatagan ko. Kinakapitan ako ng inggit at mga sari-saring tanong na hindi naman mabibigyan ng sagot kahit ng lolo at lola ko. Hindi naman sa ungrateful ako sa lolo at lola ko na laging nandyan para sa akin. Pero gusto ko rin maranasan matuwa at ipagmalaki ko ng kahit isa sa biological parents ko. I know I'm 17 years old already, pero naghahanap pa rin ako ng physical and emotional touch from her. Kahit si mama na lang ang bumalik. Ang tanong babalikan niya pa nga ba kami? Batid kong umaasa at naniniwala pa rin si lolo Beto at lola Beneng na uuwi si mama at maging buo kaming muli. Pero sa tagal na rin na walang paramdam kahit gusto kong umasa para dapat huminto na akong maniwala. Kahit na gano'n na ang nararamdaman ko, ay hindi ko ‘yun pinapahalata kina lolo at lola. Ayokong patayin ang paniniwala nila, dahil kung sabik ako sa aking ina lalo naman sila. Dahil halos buong buhay ni mama malayo siya sa kanyang mga magulang. Natapos ang aming yakapan. Sinubukan ni lolo na mag-usisa sa akin pero nanindigan ako na wala lang ‘yun at sadyang naalala ko lang ang aming nakaraan. “Ikaw Ang bahala Konah. Pero lagi mong tatandaan kakampi mo kami palagi. Kahit isuka ka ng mundo, mananatili kami sa tabi mo. Mahal na mahal ka namin apo.” tila may parunggit na ani sa akin ng mahal kong lolo. ***************** “Mr. Crisson, wala po ba kayong balak na harapin sila? Wala po ba kayong balak na ipabatid na narito na kayo sa Pilipinas?” tanong ng all around na na kanang kamay ng lalaki na si Matthew. “Wala. I just want them to know, na malayo pa ako. Mas gusto ko silang bantayan at subaybayan ng malaya.” sagot naman ni Mr. Crisson sa kanang kamay. “Nauunawaan kita. Sana lang hindi ka makulong muli ng dahil sa awa at pagmamalasakit—” “That's not what you think. Hindi ako masasaktan ng ganito—never mind. Let's go. I need to pay a visit to my mom's grave.” putol ng lalaki sa kanyang kanang kamay sabay sulyap sa maliit ngunit maliwanag na tahanan. Kung ang iba ay dumadalaw sa puntod ng mahal sa buhay tuwing umaga. Si Lance tuwing gabi dumadalaw dahil ang gabi para sa lalaki ay ang pansamantala na kapayapaan para sa kanyang ina noong ito ay buhay pa. “See you soon, Mikonah!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.6K
bc

Too Late for Regret

read
308.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
144.0K
bc

The Lost Pack

read
427.8K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook