"Nakita ko siyang nakahubad baro sa camp habang che-ne-check up siya. Nakita ko ang katawan niya, ang dibdib niya may malaking tattoo ng mukha mo at ni Talah. Sabi niya sa Doctor muka mo daw at ng anak niya." Sikmat na niya. "Ngayon sabihin mo sa aking kung hindi totoo. Sakop halos ang buong dibdib niya ng tattoo hanggang taas ng balikat niya, may mga bulaklak din sa palibut ng mukha ninyong mag-ina. Ang ganda ng pagkaka-tattooed. Isang kilalang tattoo artists daw sa America ang may gawa nuon, sabi niya sa Doctor." Humihingal na niyang litanya. Wala na talaga akung lusot sa kanya. Ang alam ko ayaw niya ng tattoo. Bakit ngayon nagpalagay siya ng tattoo at mukha pa namin ni Talah. "Ano naman sa iyo ngayon? May mababago ba? Maibabalik ba ang nakaraan sa nasagap mong tsismis? Wala hindi ba? K

