Paglapag ng dambuhalan sasakyan isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya. Sa loob ng halos tatlong taon ngayon lang uli siya nakatatapat sa lupang sinilangan, ang kanyang tinalikuran. Ang pinakamahabang araw na hindi niya ito nasilayan. Dati rati apat na buwan lang ang pinakamatagal na araw niyang hindi ito makita sabik na sabik na siyang umuwi hindi dahil sa ito ang sariling bansa kung hindi sa isang babae. Ngayon hindi niya alam kung kakayanin pa ba niyang manatili dito ng matagal. Kung siya lang ang masusunod mas gusto pa nilang manatili at mamatay nalang sa ibang bansa. Pero wala na siyang magagawa full force ang buong pamilya niyang pilit siyang iniuwi, sa nanghihinang katawan hindi siya makatutol sa mga ito. Wala siyang laban, walang lakas para takasan. Isa nalang ang paa

