Masyado na akung naging abala nitong mga nagdaan mga araw. Maraming umo-order ng mga cakes at cupcakes namin maging mga cookies. Kaya halos hindi na rin nakalalabas ng bakeshop si Alelie. Dahil madalas siya ang nagbe-bake ng mga order. Kabisado na niya ang timpla.
"Kain na." Dinig kung sigaw ni Nanay. Kaya agad kung nilapitan si Talah na busy sa paglalaro.
"Tawag na tayo ni Nanay kakain na daw." usal ko sa anak ko at pinupog siya ng halik. Tulad ng kanyang ama lagi siyang nakangiti. Parang walang nagiging problema kaya hindi mo mababakas sa mukha niya kung may iniinda ba itong sakit o iniintending problema. Minsan ko lang siya nakitang nagalit nuon, yung ipinagtabuyan nila ako at ginawan ng mapanirang puring kwento. At kung sulyapan niya ako para akung hinihiwa sa talim ng kanyang mga mata. Kulang nalang durugin niya ako sa palad niya ng pinong-pino sa galit. Maging ang mga magulang at mga kapatid niya, muka narin papatay sa galit. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino at saan nanggaling ang mga ibinibintang nila sa akin, wala akung pinayagan ni isang lalaking pumado ang kamay sa katawan ko maliban sa kanya. Iningatan at inilaan ko ang sarili ko para lang sa kanya. Ang masaya namin buhay nuon napalitan ng hindi masusukat na pagkamuhi sa isa't isa. Kaya ilibing ko na siya sa limot at itinatak sa isipan ng lahat na patay na ama ng aking anak.
Magiging nanay at tatay ako para sa aking anak upang mapunan ang pagkukulang niya. Lahat gagawin ko para sa kanya. Sa kanya ko na ibubuhos lahat ng pagmamahal ko. Ilang malalalim na buntong hininga pa pinawalan ko ng marinig muli ang pagsigaw ni Nanay at maging ang aking kapatid na babaing si Alelie tinatawag narin kami.
"Baba na tayo anak, baka daw lumamig na ang pagkain. Nagrereklamo na si Nanay." Bulong ko nalang kay Talah at kinarga na siya.
Kaagad kaming naupo sa laang bangko para sa amin upang magsimula ng kumain. Agad din nag-lead ng prayer si Jake malamang gutom na siya.
"Alelie sasali ang team ko sa baking competition. At ilang araw akung mawawala." Usal ko sa kalagitnaan ng tahimik namin pagkain. Hindi naman na bago sa kanila na sumasali kami ng team ko sa competition. At kung saan saan kami nakakarating hanggang sa ibang bansa. Minsan nakapag-uuwi ako ng plaque, may kasama pang cash at malaking bagay yun para sa akin.
"Mama matagal ka pong uuwi?" Singit ng anak ko. Nakakandong lang siya sa akin pag-ganitong kumakain kami. Pagnaglalambing siya nagpapasubo, kung minsan naman siya nalang mag-isa kumakain. Kaya napatango ako sa kanya at muling sinubuan siya.
"Saan naman kayo makikipag-laban ngayon Ate?" Tanong niya. Dahil pag wala ako siya ang gumagawa ng lahat. Tinutulongan nalang siya ni Nanay at ng mga kapatid naming sila Ashton at Jake. Pero mas madalas lang si Jake dahil laging basketball ang inaatupag ni Asthon. Sa tangkad niyang 6'4 hindi nga maiaalis ang pagkahilig niya sa basketball at halos sa basketball court na tumira.
"Singapore daw kami ngayon. Depende rin kung ilang araw ang aabutin ng competition." Saad ko. "Gusto rin ng team kung mamasyal kami para makapag-relax. Titingin din ako ng pwedeng bilhing gamit para sa bakeshop natin. Dagdag ko pa.
"Ate Zinayah huwag mo rin kalilimutan ang pasalubong namin ni Talah, siyempre alam na alam mo naman size ng paa ko." Singit din ni Jake. Hindi talaga mawawala ang mga bilin nila. Kaya kung minsan ang hirap lumakad ng walang dalang pera. Buti nalang ngayon nakakaluwag na kami nabibili ang mga gusto.
"Alam ko yun, alagaan mong mabuti ang pamangkin mo kung hindi lagot ka sa akin. Isang taon kang walang allowance." Saad ko nalang dahil hilig niyang mangolekta ng mga sapatos may mga saptos pa nga siyang hindi naisusuot. Ayaw daw niyang magasgasan.
.
******
.
"Kumusta na kayo ni Devora? Kailan ba ang plano ninyong magpakasal? Nagkakaedad ka narin, dapat mag-asawa ka na." Saad ni Daddy lagi nalang nila akung pinilipit mag-asawa. kulang nalang sila na magkasal sa amin ni Devora.
"Darating din tayo yan Dad, maghintay lang kayo. Mag-aasawa rin ako." Usal ko. Pero wala talaga akung balak magpakasal sa babaing binaganggit nila mukang hindi ko matatagalan ang ugali. Baka para kaming aso't pusa pagnagsama kami sa iisang bubong.
"Ace bakit hindi ninyo pa ayusin ang kasal niyo ni Devora? Ano pa ba hinihintay mo? Baka naman umaasa ka parin sa babaing yun? Huwag na huwag ko siyang makikita dito at malilintikan ka. Ayaw ko ng ganuong klase ng babae. Hindi pwedeng pagkatiwalaan. Matagal ka na niyang niloloko. Anung gusto mo angkinin ang anak ng iba habang pinagtatawanan ka ng kapwa mo lalaki pagnakatalikod. Hindi ko matatanggap ang anak niya sa pagkakasala. Marumi siyang babae. Hindi siya nababagay sa pamilya natin. Kung saan mo lang kasi siya pinulot ng hindi inalam ang buong pagkatao. Ni Hindi ka naipakikila sa mga magulang niya. Ayaw kang isama sa kanila hindi ba? Ibig sabihin lang may mga lihim pa yun. Baka may anak na yun sa iba." Mahabang litanya ni Mommy.
Lagi ko nalang sa kanya naririnig ang mariing pagtutol kay Zinayah. Simula pa nuon pakiramdam ko ayaw niya dito, kaya ayaw na ayaw ni Zinayah na sumama dito. Alam kung dama rin ni Zinayah yon. Totoo rin hindi ko pa kilala ang pamilya niya. Ang sabi niya namatay na ang tatay niya at tanging nanay at tatlong kapatid nalang meron siya pero kahit minsan hindi pa niya ako isinama sa probinsya nila kahit gustong-gusto kung sumama sa kanya pagdumadalaw siya.
"Mag-isip ka Ace, tama ang Mommy mo. Hindi rin ako papayag na tumapak pa sa pamamahay natin ang babaing yun kahit kailan. Wala siyang kwentang babae. Hindi seneseryoso ang ganuon klase ng babae. Andiyan lang si Devora laging nakaalalay sa iyo. Marunong makisama, mapagmahal at siguradong aalagaan ka. Magiging mabuting asawa siya sa iyo at alam kung mabuting ina rin siya ng magiging mga anak ninyo." Litanya rin ni Daddy parang sila ang makikisama at hindi ako. Kung malalaman lang nila ang totoong ugali nito ewan lang kung anung masasabi nila.
Sila na ang nasusunod at nagpla-plano ng buhay ko. Pakiramdam ko tuloy para na akung robot nito, sunud-sunuran sa kanila at hindi na pwedeng tumutol. Buhat ng maghiwalay kami ni Zinayah bawat kilos ko minamatyagan nila. Kung saan ako pupunta kailangan pang ipa-alam sa kanila, para akung batang paslit kung ituring nila ngayon. Maya't maya rin kung tumawag sa akin pag hindi nila ako nakikita ng matagal.
"I-schedule mo na ang pamamanhikan para sa kasal ninyo." Utos na niya. Kaya wala akung magagawa sa gusto nila. Mapait na ngiti lang ang tanging maigaganti ko sa mga sinasabi nila. Kahit tutol ang kalooban ko hindi ko sila makontra alam kung magagalit na naman sila at ang sisisihin si Zinayah kahit wala na ito. Si Zinayah parin ang sinisisi nila sa mga maling kilos ko.
Nasasaktan din ako pagnagsasalita sila ng hindi maganda laban kay Zinayah. Sinisisi sa lahat ng nangyari. Ilang taon narin ang nakalipas pero patuloy pa nila itong pinagbabantaan at inaalipusta. Kaya para walang maraming sat-sat sinusunod ko nalang sila. Dahil sa kabila ng mga nangyari mahal na mahal ko parin siya. Kung hihingi lang siya ng tawad sa akin siguro tatanggapin ko siya at lalayo nalang kami. Pero ni anino niya hindi ko na nakita simula ng pinagtabuyan ko siya. Lagi ko rin mino-monitor ang account niya para malaman ko kung nasaan na siya pero hanggang ngayon hindi pa niya ito ginagalaw kahit piso.
"Kakausapin ko po muna si Devora." Matabang kung tugon. Mabigat sa kalooban ko ang mga disisyon nila. Masyado na nilang minamanipula ang buhay ko.
"Gusto ko may engagement party tayo at ang venue sa isang hotel ninyo. Mas maganda yun hotel na mina-manage ng kuya Franz mo." Saad niya. Kaya naiiling nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Puro pamamasikat lang alam niyang gawin wala naman siyang naitutulong sa gastusin. "Tapos mag-invite rin tayo ng media para ma-cover ang kasal natin sa lahat ng pahayagan at tv." Tuwang-tuwa niyang turan para siyang lutang sa hanging nangangarap.
"Kung yan ang gusto mo, ikaw ang gumastus ng lahat ng kailangan. Wala ka ngang alam kung hindi magtapon ng pera. Magpasikat sa mga kakilala mo at sabihin anak ka milyonaryo. Kaya walang magaganap na ano mang engagement party. At isang simpleng kasal lang ang maibibigay ko sa iyo at sa pag-aari kung hotel gaganapin, yan ay kung may magaganap na kasalan. Kaya umayus ka kung gusto mong pakasalan kita." Mariing ko ng sikmat sa kanya. Kaya nawala ang ngiti niya. Hindi ko rin matanggap na siya ang makakasama ko habang buhay kaba mamatay ako ng maaga pag siya ang napangasawa ko.
"Hindi ako papayag sa gusto mo Ace, magsasabi ako kita Tita Clara at alam kung papanigan nila ako." Singhal na niya. At nagmamadaling lumisan. "Bahala kayo, kung gusto ninyo kayo ang magpakasal huwag ako." Sigaw ko, padarang din akung tamayo. Kaya nahinto siya sa paglakad. Ako naman ang diretsong naglakad at nagmamadaling sumakay ng kotse ko. Kailangan ko munang sumagap ng sariwang hangin, nanghihina ako sa mga plano nilang kasal. Siguro kung si Zinayah pa baka ako pang magasikaso ng lahat.
Isang lugar lang gusto kung puntahan. Ilang taon ko ng hindi nakikita at napapasok. Tanging caretaker lang ngayon ang natira dun. Gusto kung mag-stay muna ng mga ilang araw dun para damhin kung talaga bang mahal ko pa siya at handa ng magpakasal sa kaibigan niya.
.
......Flashback......
.
"Wow! Ang ganda naman, ang laki nito, sana kahit yun hindi ganito kamahal." Bulalas niya ng tanggalin ko piring ng mga mata niya. Nakangiti ko lang siyang pinagmamasdan habang iniikot niya ang paningin sa loob ng bago naming bahay.
"Do you like it Honey? Kung ayaw mo sa mga furnitures pwede kung papalitan." Usal ko. Pinasadahan ko rin ng tingin ang paligid kung tama ba ang lahat ng napag-usapan namin.
Furnitures palang naman ang laman wala pang ibang kasangkapan dahil gusto ko siya ang mamimili ng gamit namin. Isa-isa ko rin sinipat lahat kung wala bang damage ang bawat isa. Habang siya umiikot sa kabuoan ng living room hanggang kitchen pinasok na niya kaya sinundan ko siya.
"Sabihin mo kung ano pang gusto mo? Ilista mo nalang mamimili tayo pagdating natin." Aniko at niyakap siya likuran.
"Aalis ba tayo? Saan naman tayo pupunta? Kadarating pa nga lang natin aalis na naman tayo." Reklamo niya. Kaya ihinarap ko siya sa akin.
"May pupuntahan tayo mga three to five days tayung mai-stay dun. Pero kung gusto mo naman pwede narin dito para mabinyagan agad natin." Aniko at kinintalan siya ng halik sa labi. "Gusto kung maging memorable ang bawat araw natin at syempre ang first nigth natin ang atin honeymoon." Saad ko at siniil siya ng halik.
"Akala ko naman mag-aayus na tayo ng bahay." Humihingal niya usal. Kaya muli ko siyang niyakap.
"Pagbabalik nalang natin. At baka hindi na ako makapagpigil dito palang gumawa na tayo ng baby." Anas niya sa punong tenga ko. May gumapang na kakaibang kilabut sa buong katawan ko na hindi ko mawari.
"Ok, ngayon na ba tayo aalis.? Wala akung gamit, daan muna tayo sa apartment ko." Saad ko at bahagya siyang itinulak papalayo sa katawan ko, kanina pa siya yakap ng yakap. Ramdan ko ang kasabikan niya.
Kaagad niya akung hinila sa kamay ng may pagmamadali. Siya na ang nag-lock ng pinto at kaagad din kaming sumakay ng elevator. Hindi ko alam kung hanggang saan kami dadalhin ng mga pangarap namin. Alam kung hindi pa alam ng mga pamilya namin ang mga plano naming ito. Sila Nanay ang iniitindi ko hindi pa nila alam na may boyfriend ako kaya kahit minsan hindi ko siya maisama sa probisnya. At ang pamilya niya, alam kung ayaw sa akin ng Mommy niya ramdam ko yun at mas gusto niya para sa anak niya si Devora closed na closed silang dalawa.
"Saan ba tayo pupunta? Malayo ba? Tanong ko sa kanya at mukhang nahihiwagaan na ako sa tinatakbo ng isip niya.
"Just wait and see Honey and i know you like the place." Aniya.
"Ano surprise na naman ba? Kailangan my blind fold na naman ako." Reklamo ko na. Pero tumawa lang siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya kaya minsan gustong-gusto ko siyang kinikiliti.
"f**k!" Bulalas niya pagtapat namin sa apartment ko. At agad niyang pinaharurot ang sasakyan. "May bantay, baka sumama pa ang kaibigan mo. Ang kulit pa naman niya." Dugtong pa niya. Kita ko nga si Devora sa may pinto ng apartmenr ko nakatayo at mukhang may ka-text. Buti at hindi niya kami napansin.
"Wala naman masama kung sumama siya sa atin. Mabuti nga yun may bantay tayo." Pang-aasar ko sa kanya dahil madalas hindi sila magkasundo ni Devora lagi kasing pumapagitna sa amin si Devora parang ayaw niyang naglalapit kami ni Ace.
"Honey to be honest wala akung tiwala sa kaibigan mo. Kung ako lang masusunod iwasan mo na siya. Hindi ko gusto ugali niya. Iba kasi nararamdaman ko sa mga ginagawa niya." Aniya. Sa totoo lang may katwiran siya.
"Naawa kasi ako kay Devora. Laging walang pera simula palang ng college kami. Ngayon naman walang nagtatagal na trabaho. Ayaw ko naman mapariwara ang buhay niya kaya kahit paano tinutulongan ko siya. Kaya pagpasensiyahan mo na si Devora, ganuon lang talaga siya." Pangangatwiran ko pa.
"Hon sa tingin ko sa iyo na nakasandal ang kaibigan mo, kinukonsite mo kasi siya. Matanda na yun hayaan mo na siya sa buhay niya para makatayo sa sarili niyang paa." Aniya kaya nanahimik nalang ako para hindi na humaba ang usapan.
"Malayo pa ba tayo." Tanong ko nalang para malayo sa usapan.
"Malapit na, sa chopper tayo sasakay para mas madali kung sa yate bukas pa ng umaga tayo makakarating" Usal niya kaya napatango nalang ako at isinandal ang aking ulo sa balikat niya.
.
.
.
..................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....