Episode - 2

2263 Words
Puting kisame ang bulaga sa aking mga mata ng imulat ko ang mga ito. Kaya muli kung ipinikit ang mga ito at ilang beses ko pang kinusot ang aking mga mata. Ng maalala ko ang nangyari sa akin kaagad kung kinapa ang aking impis na tiyan. Luminga pa ako sa paligid dahil may narinig akung mga boses na naguusap. Meron din nakakabit na karayum ang isang kamay ko kaya sinundan ko ito ng tingin. Swerong nangangalahati na ang laman na liquid. "Ooppps, huwag po muna kayung bumangon ma'am."Ani isang tinig kaya napalingon ako sa kanya. "Miss anung nangyari? Ano ng lagay ko? Anung nangyari sa mga anak ko?" Halos maghisterikal kung sunod-sunod na tanong sa kanya. Kita ko ang paglamlam ng mga mata niya. Kaya napahagulgol na ako. "Ma'am makasasama po sa inyo ang masyadong ma-stress baka maging ang isang baby sa tummy n'yo mawala narin." Malumanay niyang wika, pigil-pigil din niya ako sa isang kamay. Pero ramdam ko ang kirot ng aking ulo, maging ang braso ko mahapdi. "Ano bang nangyari?" Malumanay ko ng tanong na humihikbi ng ma-realized ko kung ano ibig niyang sabihin. Wala na ang isa sa kambal kung mga anak. "May nagdala po sa inyong dito kahapon na mag-asawang matanda, nasagi daw nila ikaw ng kotse nila. Ako ma'am pinagbantay nila sa inyo. Huwag po kayung mag-alala babalik din po sila dito baka mamaya lang andito na sila." Tugon niya sa akin na ikinagulat ko. "Kahapon pa ako andito." Usal kung wala sa loob. Parang ang pagkakaalam ko kanina lang nangyari ang lahat. Natatandaan ko sa kagustuhan kung makalayo sa mga Villaneza tumawid ako sa kalsada kahit may nararamdaman na akung matinding pagsakit ng aking tiyan kasunod ng pagdilim ang aking paningin. Kaagad kung kinapa ang aking ulong medyo makirot may benda ito maging ang aking braso may mga galos. Pero bakit sabi niya nabundol ako wala naman akung nakitang sasakyan na parating. Bulong ng nagtatalo kung isip. "Ma'am may gusto po ba kayung kainin? Inumin kaya?" Saad niya kaya muli akung napatingin sa kanya. Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya pero nahihiwagaan na ako sa nangyayari sa buhay ko. "Ingatan po ninyo ang sarili niyo para sa ipinagbubuntis n'yo. Makapit naman daw ang baby sa tiyan n'yo sabi ni Dra. Villaluz pero dapat parin po ninyong ingatan at alagaan ang sarili. Kung may gusto kang kainin magsabi ka lang ma'am nag-iwan ng pera sila Mr. Thomas." Dagdag pa niya. Muling bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari, sa isang iglap naglaho ang mga taong pinagkakatiwalaan ko at itinuring na pamilya. Ang nag-iisang lalaking buong puso kung minahal at ibinigay ang lahat lahat ng meron ako, maging ang kaluluwa ko inalay ko sa kanya. Sa hindi ko maunawang kadahilanan halos isumpa ako at pinaratangan ng kung anu-anong hindi ko naman ginagawa. Six freaking years na sa kanya lang imiikot ang mundo ko. Ipinagtabuyan ako daig pang isang taong may nakakahawang sakit. Anung bang nangyari at sino ang may kagagawan ng mga ito. Sinong sumira sa maganda namin relasyon. Ano ang motibo niya at nagawa niya ito sa amin. Humahagulgol kung iyak ng maalala ang lahat. Napakasakit ng ginawa nila sa akin. Saan na ako pupunta ngayon. Ano na ang mangyayari sa amin ng anak ko kung wala na siya, pinagtabuyan niya kami ng anak namin. Pinagtangkaan din nila akung papatayin kung magpapakita pa sa kanila. Alam kung parang lamok lang sa kanila ang pumatay ng tao kung gugustohin talaga nila. "Ma'am huwag na po kayung umiyak makasasama po yan sa inyo at sa baby n'yo." Pakiusap pa niya sa akin. Kaya pilit kung pinakalma ang aking sarili at baka mawala nga ang aking anak siya nalang ang meron ako ngayon. Wala na ang Papa niya, itinakwil na kami. Masakit napaka sakit ng ginawa nila sa amin, nawalan ako ng isang anak dahil sa kawalanghiyaan nila. Magbabayad kayo sa ginawa ninyong pagpatay sa aking anak. Babangon akong mag-isa at bubuhayin ko ang akin anak ng malayo sa inyo, pagsisihan ninyo ang mga ginawa ninyo sa akin. Balang araw luluhod kayo sa aking paanan. Mga sumpang salita sa aking isipan. "Kailan ako pwedeng lumabas dito?" Naiinip kung tanong sa kanya. "Mamaya palang po natin malalaman pagdating ang Obstetrician gynecologist ninyong si Dra. Villaluz. Relax lang po muna kayo at magpahinga para makabawi kayo ng lakas." Pakiusap pa niya. Pero paano akung makapagre-relax kung umuukilkil sa isipan at puso ko ang sakit sa nangyari sa buhay ko. Nawala na sa akin ang lahat, namatayan pa ako ng anak. Ang maliligaya namin mga araw na magkasama napalitan ng mapait at kasumpa-sumpang paghihiwalay at ang masama pa nawalan ako ng isang anak. Ang hirap tanggapin ng sinapit ko pero kailangan kung magpakatatag ngayon para sa isa pang anak ko. Papalakihin ko siyang isang mabuting bata, mapagmahal na anak sa kanyang magulang. Ilalayo ko siya sa mga Villaneza at hindi na niya kailangan pang makilala ang mga ito. Ayaw kung magkaroon siya ng kaugnayan sa mga ito. Tama na ang dugo at laman lang ng Villaneza ang meron siya bukod dun wala na, hindi niya dapat makilala isa sa mga ito. "Ma'am matulog nalang po kayo kung wala naman kayung gustong kainin, gigisingin ko nalang po kayo pagdumating na si Dra. o kaya sila Mr. Thomas." Aniya. Pilit ko mang ipikit ang aking mga mata hindi naman ako makatulog, nakikita ko lang sa balintataw ko ang mabalasik na mukha ng taong nagtapon sa akin. Mga matatalim nilang mga mata na hindi na maalis sa aking imahinasyon. Malalim na itong nakaukit sa akin isipan. Daig ko pang napasok sa isang kuweba ng mga lion sa dami nilang nagtulong-tulong para itapon ako. Ano ba naman ang laban ko sa kanila, wala dahil makapangyarihan sila, sa dami ng koneksyon nila at salapi lahat kaya nilang gawin at tapatan ng pera. Kaya wala akung laban kahit yata ibenta ko ang kaluluwa ko demonyo hindi ko sila matatapatan. Mahihinang katok sa pinto ang nagpamulat na mga mata kung mariing nakapikit. "Good morning Dra." Bati niya sa bagong dating kaya nahuhulaan ko ng siya ang sinasabi niyang OB gyne ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo Misis? May kakaiba ka pa bang nararamdaman? May masakit ba sa iyo?" Sunod sunod niyang tanong sa akin kasabay ng pagtutok niya ng kanyang Stethoscope sa dibdib ko. "Inhaled, exhale." Utos niya. Mabilis ko naman sinunod. Ilang beses akung huminga ng malalalim at nagbunga ng hangin. "Dra. medyo kumikirot lang po ang ulo ko." Usal ko at kinapa ang maliit na benda sa taas ng noo ko. "Natural lang yan dahil pumutok yan ng tumama sa matigas na bagay. Buti at lumabas ang dugo at hindi namuo sa loob. Kaunting tiis lang mawawala din yan. Maliit lang naman ang naging sugat." Litanya niya. "Bibigyan kita ng mga kailangan mong inumin gamot at mga vitamins para sa baby mo. Sorry nga pala at hindi na namin naagapan ang isa sa kambal mo, pasalamat narin tayo at makapit ang isa. Ingatan mo nalang ang sarili mo at huwag magbubuhat ng mabibigat at huwag munang pagpapagod. Kailangan ng mga dalawa hanggang tatlong linggong pahinga. Huwag mong hayaang lagi kang nai-stress at makasasama ito sayo." Mahabang wika niya. Kaya puro tango nalang nagawa ko. "Dra. kailan po ako pwedeng ma-discharge?" Tanging naitanong ko. "Bukas ka nalang ng umaga lumabas kailangan pa nating masigurong ligtas na nga kayong mag-ina." Usal niya. "Kailangan mo narin ipaalam sa Mister mo ang kalagayan mo. Kailangan sa record mo dito sa hospital ang ibang detalye tungkol sa pagkatao mo." Dagdag pa niya. "Wala na po akung asawa." Matamlay kung saad. "Iniwan ka ba niya o hindi ka pinanagutan?" Usal niyang hindi makapaniwala. "Hindi po Dra. patay na po siya. Kalilibing lang po niya kapon ng maaksetende ako." Seryoso kung wikang pagsisinungaling, gusto kung paniwalaan nila ako. Kita ko ang bigla niyang pag-antanda ng krus. "I'm so sorry for your loss. Sumama pa ang isang anak mo sa kanyang ama." Saad pa niya. Kaya naluha ako sa pagbanggit niya sa anak kung nawala. "Siguro hindi siya talaga para sayo. Ipag-pray nalang natin sila." Simpatiya pa niyang turan. Ilang mga bilin pa ang inusal niya bago siya nagpaalam sa amin ng babaeng kasama ko. "Miss kanina pa kita kasama pero hanggang ngayon hindi ko pa alam pangalan mo." Basag ko sa katahimikan. Nagkukutingting lang siya ng celphone niya siguro naiinip narin siya tulad ko. "Sophie po ma'am pangalan ko, hired po ako nila Mr.Thomas para pansamantala ninyong private nurse hanggang gumaling daw po kayo." Paliwanag niya, kaya napatango nalang ako. May mga tao pa palang may ginintuan puso, nakuha pa nila akung bigyan ng private nurse. "Sige po ma'am matulog na po kayo para makabawi kayo ng lakas." Dugtong pa niya. Sinunod ko naman sinabi niya at ipinikit ang aking mga mata, inisip kung saan na ako titira paglabas ko dito. Wala na akung tutuluyan. Ilang taon na kaming nagsasama ni Ace sa condominium unit na binili niya para daw sa amin, matapos niya akung pakiusapan iwan na ang apartment ko. Dilikado daw sa tulad kung babaeng magisa lang nakatira duon, hindi daw ako safe sa aking apartment. Ngayon ano ng mangyayari sa akin, hindi ako kaagad makakakita ng matitirhan kailangan ko pang maghanap kung saan may murang paupahan bahay. Kailangan ko narin mag-resign sa pinagtratrabahohan ko dahil konektado ang opisinang pinapasukan ko sa pamilya niya. Pag-aari yun ng Tito niya. Kailangan ko ng mag-submit ng registration letter bukas paglabas ko dito para tuluyan na akung mawalan ng koneksyon sa kanila. Mabuhay ng malayo sa sino mang taong may kaugnayan sa kanya. Marami naman na akung ipon at pwede na sigurong maging panimula ko sa isang maliit na negosyo. Kailangan ko ring ipagtapat kila Nanay ang kalagayan ko sana mapatawad at maintindihan nila ako. "Kung wala ka pang matitirhan pwede ka munang dumito pansamantala." Pagmamagandang loob niya sa akin. "Wala naman kaming kasama dito maliban sa dalawang kasambahay at isang driver, ang mga anak naman namin nasa ibang bansa at kung umuwi naman magbibilang ka pa ng taon." Malamlam ang mga mata niyang turan. Kaya inilinga ko ang aking paningin sa loob ng bahay nila. May kaluwagan din ang living room nila kompleto rin ang appliances. Marmol ang pinaka-sahig na may carpet na kulay pula at puting kinapapatungan ng center table nila. Masinop at malinis ang paligid. Itim na leather ang upholstery ng sala set nila. Masasabing may kaya rin sila. At ayun sa kuweto nila kanina lagi rin sila sa ibang bansa para bisitahin at magbakasyo sa bahay ng mga anak nila. "Marami pong salamat sa inyo. Hahanap nalang po ako ng matitirhan pag maayus na ang lahat." Aniko. Pilit nila akung isinama dito sa bahay nila matapos akung ilabas sa hospital. At lahat ng bills ko sila ang sumagot, sinisisi rin nila ang mga sarili sa nangyari sa akin. Pero ang totoo bago palang mangyari ang lahat may dugo na akung naramdaman na umaagos sa aking hita. Hinayaan ko nalang sila sa paniniwala nila. "Mamang Fe ang bango naman po nuon." Usal ko at ilang beses pang suminghut sa hangin ng may maamoy akung kakaibang pagkaing niluluto. "Naku baka dumating si Cynthia, mahilig magluto yun ng kung anu-ano pag andito ang batang yan." Saad niyang may ngiti sa labi. "Halika sa kusina at ipakikilala kita sa kanya para makapagmeryieda ka narin. Bawal sayo ang magutom, dalawa na kayung kumakain ngayon." Dagdag pa niya at nagpatiuna ng lumakad papasok sa isang pinto. "Sinasabi ko na nga bang andito ka eh. Anung oras ka bang dumating?" "Hi, Mamita." Bati niya dito, yumakap at humalik siya kay Mamang Fe. "Hello po Papito." Bati din niya kay Papang Edgar. "Hi." Agad din niyang bati sa akin ng makita niya akung nakatayo sa may pinto. Iwinagayway pa niya ang isang kamay kaya nginitian ko nalang siya at gumanti ng pagbati. "My bisita po pala tayo." Usal pa niya kay Mamang Fe. "Oo, dito muna siya mamamalagi, kalalabas lang niya ng hospital. Nabundol namin siya ng kotse nuong isang araw." Pagsasalaysay niya dito. "Hi, I'm Cynthia adopted nila Mamita." Pakilala niya ng sarili sa skin. "Zinayah." Usal ko at itinaas ang aking kamay upang makipagkamay sa kanya. "Sorry puro flour ang aking kamay." Aniyang mahinang tumatawa. "Ok, lang. Marunong ka palang mag-bake, at mukhang masarap sa amoy palang." Puna ko dahil ang daming nakalatad na mga cupcakes sa ibabaw ng mesa kaya natatakam tuloy akong tikman. "Yeah, one of my hobby and at the same time napapakinabangan ko. Nagtuturo ako sa isang Gourment Academy, isang culinary school." Turan niya kaya napa-wow ako. "Hilig ko rin yan." Usal kung bigla na para bang nabuhayan ako ng loob. Nag-aral din ako ng culinary noun sayang nga lang at hindi ko natapos. Nag shift kasi ako ng accounting course." Dagdag ko pa. "Kung gusto mo pwede ka namang mag-aral uli, tutulungan kitang makapag-enrol." Saad niyang nanghihikayat. "Gusto ko sana kaya lang I'm eight weeks pregnant baka hindi nila ako tanggapin." Wika ko pa. Dahil ito talaga ang hilig ko nuon pa man, ang Tatay lang naman ang may gustong kumuha ako ng accounting para daw sa bangko ako makapagtrabaho tulad niya pero hindi umayon sa amin ang panahon bago palang ako grumaduate iniwan na niya kami. "Huwag kang mawalan ng pag-asa maraming nag-aaral duon na mga nanay at tatay na matatanda pa nga sa akin ang iba. Mayroon din tulad mong buntis, sa gustong matuto walang buntis buntis dyan." May pagmamalaki niyang wika. "Ano mag-eenrol na ba tayo?" . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD