"Yes po Mama nag thank you po ako sa kanya. He saved my life po sa bad guys nuon. Hero po natin siya. He saved us. Wala na po isang paa niya. Meron na po siyang crutches na ginagamit para makalakad." Pagkukuwento pa niya sa akin. Gusto ko man tanungin kung alam ba niyang ito ang ama niya natatakot naman ako sa isasagot niya. Alam ko rin naputol ang isang binti niya. Naikuwento na ni Deserre sa akin ang lahat. Ayaw na daw nitong lumabas ng kampo, pinilit lang ng mga magulang at mga kapatid. Dati sunud-sunoran lang siya sa mga magulang niya. Napakabait niyang anak at kapatid. Ngayon ibang-iba narin siya. "Are you happy now? Nakita mo na siya at nakapag-pasalamat ka na sa taong tumulong sa atin nuon.?" Tanong ko nalang. "Opo Mama, mabait po siya. Gusto ko pa siyang makita ulit." Usal niya

