"Oohhh.. My hero, you here.." Isang matinis na boses ang kanyang narinig na nagpaangat ng kanyang mukha at hindi makapaniwala sa nakikitang patakbong patungo sa kanya ang anak. Halos maluha siya sa tuwa kaya ibinaba niya uli ang saklay at ibinuka ang mga braso. Kaagad din pumaloob dito ang anak at pumulopot ang munting mga braso nito sa leeg niya. Mahigpit na yakap ang iginawad niya dito. Isang buwan niyang hindi ito nakita. Pinupog din niya ng halik sa mukha ang anak. "How have you been? Kalalabas mo lang ba sa school?" Kaagad din niyang tanong dito. "I've been good po, Yeah may piano lesson po kasi ako, may chess game din po kami kanina. Kaya na-late na po kami ng uwi." Humihingal nitong saad. "Are you tired?" Tanong niya dito dahil mukha na itong pagod. Hinagod pa niya ang buhok nito

