Chapter 01

3762 Words
Lumiere's POV Nagmamadali akong pumasok sa school.. Sa pagmamadali ko, may nabundol ako at parehas kaming natumba sa lupa. " naku po, sorry po. Di ko po sinasadya" sabi ko. " Ok lang." Sagot ng binatang nakabundulan ko at abalang nangangapa sa lupa. Parang may hinahanap. Nakita ko ang isang salamin. Pinulot ko at inabot ko ito sa kanya. " eto ata ang hinahanap mo." Sabi ko at inabot sa kamay niya. Agad niyang kinuha at sinuot ang salamin niya sa mata. Gets ko na. Malabo pala mata niya. " salamat. Malabo kasi ang paningin ko pag walang salamin. Hindi talaga pwedeng mawala to sa buhay ko. Hahaha" napakamot siya sa ulo niya habang tumatawa. Maya ay inilahad niya ang kamay nya para makipagkamay. Ngumiti siya ng bahagya.. Ang gwapo nya pala? Ang ganda niyang ngumiti. Parang nalove at first sight ata ako.. Naputol ang pagmumuni-muni ko ng hawakan na niya ang kamay ko. Namula ang mukha ko at di ko magawang makatingin sa kanya. " Ako nga pala si Cyrex Nycer levillean. And you are?" "Ah? A-e.. Ako si Lumiere Fannellean." " Nice to meet you." Sabi niya at muling ngumiti. " na- nice to meet you too"sabi ko( with blushy face ). " Cyrex!!!" Tawag ng isang guy at lumapit samin." Nandito ka lang pala. Sino sya? Girlfriend mo?" Girlfriend daw? So, bagay pala kami? Hahaha kilig much *^_^* " Bagong kaibigan ko siya. Siya si Lumiere." Pagpapakilala sakin ni Cyrex. Lumapit sa akin ang kaibigan ni Cyrex at hinawakan ako sa kamay. " Ang ganda ng pangalan mo. By the way, ako nga pala si Lynuz" at ngumiti din siya sakin. Bakit ang gagwapo nila? Mapuputi at matatangkad pa. Parehas pa silang malakas ang dating..swerte mga jowa nito. Nawala sa isip ko ang oras. Papasok pa pala ako. Nagpaalam ako sa kanila at agad na tinungo ang room ko. Nakaabot din sa oras. Akala ko late na ako e. Naupo na ako. Nag bell na. Napatingin ako sa pinto. Pumasok ang dalawang lalaki na nakilala ko kanina. Classmate ko sila?? Nakita ako ni Lynuz at kinawayan ako. Lumapit silang dalawa at doon din naupo sa tabi ko.. Dito nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo. ............ Kinaugalian ko ng pumasok ng maaga. At sa table drawer ko, lagi akong nakakatanggap ng sulat. At sa loob ng sulat ay may cloverleaf. Sabi ng mga classmate ko, swerte daw to. Ang pinagtatakahan ko lang ay kung kanino galing ito?. Tinignan ko isa-isa ang mga classmate ko. Lahat sila ay busy. Maliban sa isa na nahuli kong nakatingin sakin. At ngumiti ng makita akong nakatingin. " si Cyrex kaya yon?" Bulong ko sa sarili. Gusto ko syang tanungin kaso nahihiya ako. Baka Mali ako. Nakatingin lang ako sa sulat na hawak ko. Hindi ko napansin ang paglapit ni Lynus sakin. " ano yang hawak mo?" Tanong niya at agad kuha sa sulat ko. Nakita niya ang nilalaman ng sulat ko. Napansin kong natahimik siya at tumingin Kay Cyrex. Nakapagtataka. Bakit kaya natahimik siya? " akin na yan!" Sabi ko at nagawa kong bawiin ang sulat ko. Ngumiti sya sakin. " Kilala mo ba kung sino nagbibigay sayo nyan?" "Hindi, pero may hinala na ako kung sino siya.." " Si Cyrex..tama ba..?" Sabi niya na medyo napakaseryoso ng tono ng boses niya. Nakakapanibago siya. " naku, Baka nagkakamali din ako sa hinala ko x_x " sagot ko. "Hahaha. Ang mabuti pa, hulihin mo sya para walang kawala" sabi niya at biglang tumalikod sa akin at nagpaalam na.. Kanina seryoso siya tapos biglang natawa at umalis? Nakakapanibago talaga ugali ni Lynus. Nagpasya akong hulihin ang taong naglalagay ng sulat sa table drawer ko. ......... Kinabukasan, maaga akong pumasok. Ako ang nauna sa mga classmate ko sa room. Napansin ko na may paparating sa room. Agad akong nagtago sa mga table para hindi ako makita. Sinilip ko kung sino ang pumasok. Hindi ako makapaniwalang siya nga yon. Si Cyrex nga!! Inilagay niya ang sulat sa table ko. At ito na ang tamang oras para hulihin siya. Tumayo ako at nagpakita sa kanya. "Cyrex... Ikaw pala ang nagbibigay sa akin ng sulat??" Lumingon siya sa dereksyon ko at makikita sa mukha niya ang pagkabigla ng makita ako. Hindi niya inaasahan na mahuhuli ko siya. " Lumiere?" Mahinang sambit niya habang nakatingin sa akin. Lumapit ako Kay Cyrex para tanungin sya.. "Ikaw pala ang nagbibigay sakin ng love letter? Bakit?" Tanong ko. " A-e..Oo. Ako nga. Nililigawan kita sa ganitong paraan. Natatakot ako na baka di mo ako gusto kaya dinadaan ko na lang sa sulat. Pasado ba ako na maging manliligaw mo?" Sabi niya habang napapakamot sa ulo niya. Diko napigilang ngumiti. Dahil ang totoo, crush ko na siya nung una palang naming magkakilala. " Oo. Pasado ka maging manliligaw ko" nabigla ako ng yakapin niya ako. Antagal ng yakapan namin. Ganun lang kami sa classroom. Namumula na nga mukha ko e. "Parang nagkakamabutihan na ata kayo ah. Kayo na ba?" Bungad na tanong Ni Lynuz habang papalapit samin. Agad akong kumawala sa pagkakayakap Ni Cyrex at parehas kaming humarap kay Lynus. Itinaas ni Cyrex ang kamay ko at tumingin kay Lynuz. " official na ang panliligaw ko kay Lumiere ^_~v" Lumapit pa ng husto samin si Lynus at hinawakan ako sa balikat at ganun din ang kay Cyrex. At ngumiti sya sa amin. Yung ngiting bahagya na ngayon ko lang nakita sa kanya. " Masaya ako para sa inyo. Magandang balita yan.." Sabi niya at agad tumalikod samin at muling umalis. Nakakapagtaka. Parang kakaiba ang tono ng boses niya. Masaya ba talaga siya? ................... Madalas kaming magkasama ni Cyrex. Maalaga sya at seryoso sa panliligaw niya. Sa huli, sinagot ko siya. Naupo kami ni Cyrex sa upuan namin. Nakita ko si Lynuz kasama ang dalawa pa naming kaibigan na si Felicity at Lex. Napansin ko na di na namin nakakasama si Lynus. Pakiramdam ko parang umiiwas sya samin. Kinausap ko sya ng kami lang dalawa. " may problema ba?" Tanong ko. "Wala" maiksing sagot niya. " Parang meron eh" " Wala nga sabi" tila nainis siya at aktong aalis. Hinawakan ko siya sa braso niya. " ako ba ang problema mo? Ako ba ang dahilan kung bakit umiiwas ka?" Humarap siya sakin at nakita ko ang seryosong mukha niya. " Oo. Ikaw ang problema ko.." "Bakit? Ano ba ang nagawa ko?" "Gusto kita. Pero di mo ako napapansin dahil kay Cyrex nakatuon ang atensyon mo..Hindi mo nararamdaman na nahuhulog na ako sayo.." Tameme ako sa sinabi niya. Diko Alam kung ano ang sasabihin ko. "Ano kasi-" naputol ang sasabihin ko ng muli siyang magsalita. "Alam Kong hindi na pwede dahil kayo na. Naiintindihan ko naman. Kaya hayaan mo muna akong lumayo sa inyo. Ayoko rin masira ang pagkakaibigan natin tatlo." Agad niyang iniwas ang tingin mula sakin. At iniwan ako sa kinatatayuan ko. Ang manhid ko pala.. Diko man lang napansin ang nararamdaman niya para sakin. Ang manhid ko. .............. Sa bahay, " Lumiere, malapit ng bumalik sa america ang lola mo. Gusto ka nyang isama pagkagraduate mo ng high school. Doon kana magka- college" sabi ni Mama . " Ayoko po, Mama. Dito lang po ako." " Ako ang masusunod. Sasama ka sa Lola mo" Wala na akong nagawa. Pumanhik ako sa kwarto ko at tinawagan sa cellphone si Cyrex. "Hello, mahal ko? Bakit napatawag ka?" "Cyrex.." " bakit mahal ko? May problema ba?" " Oo, meron.. Malapit na akong pumunta ng america. Isasama ako ni Lola.." "pumayag ka ba na sumama..?" Tanong niya na medyo may pagkaseryoso na ang boses nya. "Oo.. Wala ako magawa. Si Mama na ang may gusto nito.." "Iiwan mo ako..?" Mahinang tanong niya. Kinakabahan ako. Hindi sya sang-ayon sa pag Alis ko. Ayoko, ayokong mawala sya sakin. " Hindi, hindi kita iiwan. Mag aaral lang ako don. Pagkatapos babalik din ako. Walang magbabago satin" pagpapaliwanag ko. Pero tahimik lang sya sa kabilang linya. ayoko ng ganito. Hindi matatapos sa ganito ang relasyon namin. "Cyrex.. Makinig ka sak-" "Pasensya na, kailangan ko ng magpahinga.." (End of call) Napaiyak ako ng babaan nya ako ng phone. Nagalit sya sakin. Pero hindi ako susuko. Aayusin ko to. Magkakaayos kami. ........ Sa school, Maaga akong pumasok. Wala pa si Cyrex. Nakakapanibago dahil ngayon lang sya male-late. Ilang minuto pa, dumating na sya. Tinawag ko sya pero di nya ako nilingon. Galit nga sya. Naghintay ako ng pagkakataon na makausap sya na kami lang dalawa. Palabas na sya ng classroom para mag P.E ng bigla ko syang hilain pabalik ng room. " Mag usap tayo please.." Pakiusap ko Kay Cyrex at nakatingin lamang sya sakin. "Alam ko nagagalit ka sakin pero gusto ng Mama ko na mag aral sa america." "Hindi naman kita pinipigilan, diba? Gawin mo ang gusto mo..." Malumanay nyang sagot. Napaluha ako sa sinabi nya lalo ng tinalikuran nya ako. Tumakbo ako para yakapin sya habang nakatalikod sya sakin. "Cyrex.. Please, wag kang magalit sakin..ayokong masira tayo dahil lang sa ganito. Mahal kita. Ayokong mawala ka sakin" halos mabasa ang likuran nya dahil sa luha ko. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. At ang paghawak niya sa dalawa kong kamay para alisin ang pagkakayakap ko sa kanya. Humarap sya sakin at agad akong niyakap. Naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko. At narinig ko ang mga salitang hinihintay ko mula sa kanya. "Naiintindihan ko. Ayokong masira ang relasyon natin dahil lang dito. Mahal din kita. Mahal na mahal. Susulitin natin ang mga araw na magkasama tayo. At sa araw ng pagbabalik mo, magpapakasal tayong dalawa" sabi niya at muling hinalikan ang noo ko. " Oo. Pumapayag ako, mahal ko. Magpapakasal tayo pagbalik ko" At Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.... .............. Sinulit namin ni Cyrex ang bawat oras at araw na magkasama kami hanggang sa magtapos kami ng high school. Dumating na rin ang araw na kailangan ko ng sumama Kay Lola sa america. Hinatid ako ng mga kaibigan ko sa airport. Si felicity, Lex, Julie, Lynuz at syempre ang mahal kong si Cyrex. "Babalik ka ah? Magpapakasal tayo.." Sabi sakin ni Cyrex habang hawak ang kamay ko. "Oo, pangako. Basta, hintayin mo ako. Babalik ako para sayo at magpapakasal tayo^^" sabi ko at niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Hindi na ako makapaghintay na makabalik sa kanila muli. .................. Lynuz's POV "Nakaalis na sya.. Paano na ang relasyon nyo?" Tanong ko Kay Cyrex. Tumingin sya sakin at ngumiti. "Magpapakasal kami pagbalik nya. Yun ang pangako namin sa isat isa. Kaya, maghihitay ako sa pagbabalik nya.." Sagot nya. "Ganun ba? Masaya ako para sa inyo. Mag-inuman naman tayo. Bonding narin^^" sabi ko. "Sige, saan?" "Sa bahay nyo. Isama natin sina Julie, felicity at Lex. Payag ka?" "Sige.^^" Pumunta kami sa bahay ni Cyrex. Mag-isa lang sya sa bahay. Tahimik ang lugar at hindi matao. Tama lang ang laki para sa kanya.Nagdala ng mga alak si Lex. Nilatag namin ang mga ito sa mesa at nagsimula kaming mag-inuman. Tatlong bote ang naubos at naunang nalasing sina julie at Felicity. nakatulog ang mga ito. Malakas talaga uminum si Lex. Ganun din si Cyrex pero di lang halata sa kanya. Pansin ko habang tumatagal ay tinatamaan na sila ng kalasingan. Kahit ako, may tama na. Nakararamdam na ako ng Antok. Diko na kaya kaya nauna na akong nahiga sa sofa at doon nakatulog.. .................... Cyrex's POV Diko na kayang uminom. Hilong-hilo na ako. Kahit mga kaibigan ko bagsak na at puro tulog na. Minabuti kong umakyat sa kwarto para doon makatulog. Hahayaan ko munang matulog ang mga kaibigan ko dito sa baba. Pumanik ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Tinanggal ko ang salamin ko sa mata at inilapag sa table ko. Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya napalingon ako. TUGSSSH!!!!!!!!!! Isang matigas na bagay ang hinampas sa ulo ko. Ansakit! Hinawakan ko ang ulo ko at may kung anong likidong umaagos dito. Malabo ang mata ko pero nakakasiguro akong dugo ko ito. Dugo sanhi ng pagkakahampas sa ulo ko. Sobrang sakit!! Tiningala ko kung sino ang taong humampas sakin pero diko maaninag ang mukha nya dahil malabo ang mata ko. Lumapit sya sakin at dinaganan ako. Hinawakan nya ako sa leeg para sakalin. Hindi ako makahinga.. Anlakas nya. Buong pwersa nya akong sinasakal.. Nagawa ko syang suntukin at napaatras sya. Pinilit kong bumangon kahit hilong-hilo ako dahil sa sugat na natamo ko. Kailangan kong makalabas para makahingi ng tulong. Nahawakan ko na ang handle ng pinto. Nabuksan ko ito. Nahinto ako sa paglabas ng maramdaman kong bumaon sa likod ko ang napakatulis na bagay. Hinila nya ako tinulak sa tabi ng kama. Lumapit sya sakin at muli akong dinaganan. Marami ng dugo ang nawawala sakin kaya hirap na akong makalaban. "Dito na matatapos ang lahat.." Sabi nya at pamilyar ang boses nya. Bakit nya ginagawa ito? Anong kasalanan ko sa kanya? Tinakpan nya ang bibig ko at sunod-sunod na ibinaon sa katawan ko ang kutsilyong hawak nya. Hanggang sa.. Hindi ko na kinaya.. ......................... Julie's POV Nauna akong nagising. Tulog parin si felicity. Ganun din si Lynuz na natutulog sa sofa. Pero nasaan si Cyrex at Lex? Hinanap ko ang dalawa. Umakyat ako sa taas at nakita ko ang nakaawang na pinto ng kwarto. Binuksan ko pa ito lalo. At natulala ako sa nakita ko. Duguang naliligo si Cyrex sa sarili nitong dugo. At sa tabi nito ay si Lex, hawak ang duguang kutsilyo. "Ahh!!!!" Sigaw ko dahil nakita ko. Dali-daling umakyat sina felicity at Lynuz. At nakita rin ang mga nakita ko. Tumawag ng pulis si Lynuz. Dumating ang mga pulis at hinuli si Lex. "Wala akong kasalanan! Hindi ako ang pumatay Kay Cyrex!!" Sigaw ni Lex. Tahimik kami ni Lynuz dahil sa mga nangyari. Umiiyak naman si Felicity. At inasikaso ng mga pulis ang bangkay ni Cyrex.. Ipinaalam namin Kay Lumiere ang pagkamatay ni Cyrex.. ................... Lumiere's POV Napatawag si Julie. Bakit kaya? "Lumiere.." Nanginginig ang boses ni Julie. "Oo. Ako to. Bakit ka napatawag?" "Si...si..Cyrex.." Bakit pahinto-hinto sya sa sasabihin? "Anong tungkol kay Cyrex?" "Si Cyrex.. Pa-patay na sya. Pinatay sya ni Lex.." Nabitawan ko ang phone ng malaman kong Patay na si Cyrex. Kusang umagos ang mga luha ko. "Hindi to totoo. Panaginip lang to..." ----------------------> Cyrex's POV Hapon na ako ng magising. Ang sama ng panaginip ko. Pinatay daw ako? Kinuha ko ang salamin ko sa table at sinuot ito. Lumabas ako ng kwarto ko. Bumaba ako. Nagtaka ako. Bakit may kabaong? Nakita ko si Lumiere. Nakabalik na sya. Ambilis naman? Pero sino ang tinitingnan nya sa kabaong? Pinagmasdan ko ang mga tao sa loob ng bahay ko. Lahat sila nakaitim. Umiiyak ang Mama at Papa ko. Ganun din si Lumiere. Sino ba ang nasa kabaong? Lumapit ako para makita kung sino ang iniiyakan ng lahat. Namutla ako sa kinatatayuan ko. "Bakit ako ang nasa kabaong?" Tumingin ako Kay Lumiere. Hindi nya ako nakikita? Hinawakan ko sya pero tumagos lang ang kamay ko.. Patay na ako? Hi-hindi to totoo!!! Lumapit si Lynuz kay Lumiere. "Halika, at maupo ka muna.." Sabi nito. "Oo. Salamat" sagot ni Lumiere.. Ang boses na yun.. Sya? Bakit nya ako pinatay? Bakit mo ako pinatay?!!! Sinugod ko si Lynuz at sinuntok. Pero, tumagos lang ako sa katawan nya.. Paano ko sasabihin sa kanila na si Lynuz ang pumatay sakin? . . . . . Ang lahat ay nagsipag-uwian pagkatapos akong ilibing. Kumpleto ang mga kaibigan ko sa harap ng puntod ko maliban Kay Lex. "Napakasama ng may gawa nito kay Cyrex." Sabi ni Julie. Tahimik naman si Felicity, Lynuz at Lumiere. Nagpaalam na si Julie at felicity na uuwi. Naiwan si Lumiere sa harap ng puntod ko habang nasa likod nito si Lynus. Hindi ko kayang makitang nalulungkot ang mahal ko.. " bakit di mo ako hinintay?" Tanong ni Lumiere at napatingin ako sa kanya. hinintay kita... "bakit iniwan mo ako?" Hindi kita iniwan. Nandito lang ako.. " akala ko ba mahal mo ako?" mahal kita. Mahal na mahal...pero sadyang Hindi lang tayo para sa isat-isa.. Tuluyang umagos ang mga Luha mula sa mata ni Lumiere. Lumapit si Lynus at hinawakan ito sa kamay. "umuwi na tayo. Hindi mo kasalanan na mamatay siya." Sabi nito sa mahal ko. Inilapag ni Lumiere ang bulaklak sa puntod ko at umalis na kasama si Lynuz. hindi mo man ako nakikita, nandito parin ako para sayo. Hindi mapaghihiwalay ng kamatayan ang pagmamahal ko para sayo... At hindi ko hahayaan na mahulog ka sa taong pumatay sa mahal mo.. Naupo ako sa tabi ng puntod ko. Isang pamilyar na lalaki ang dumalaw sa puntod ko. Ngayon ko lang ulit sya nakita.. Inilapag nya ang bulaklak na dala nya sa puntod ko. "Patay ka na pala.." Sabi ng kambal ko. Hindi ako makapagsalita. Nalulungkot ako sa sinapit ko..kaya napayuko na lang ako.. "Sino ang pumatay sayo?" Tanong nya at napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sakin? Nakikita nya ako? May 3rd eye ang kambal ko?!!! Muli syang tumingin sa puntod ko. Napatayo ako at lumapit sa kanya. "Kycer, nakikita mo ako? Naririnig mo ako diba?" Sabi ko pero hindi na sya tungin sakin. Nagkamali lang ba ako? Hinawakan ko sya pero talagang tumatagos lang ang kamay ko. Napabuntong hininga sya at muling nagsalita. "Tama lang yan sayo. Masyado ka kasing mahal ng magulang natin. Nawalan tuloy sila.." Ngumiti sya ng bahagya. Hindi nya ako nakikita.. At masaya pa sya sa nangyari sakin..? Tinalikuran na ako ng kambal ko at umalis na.. Muli akong napaupo sa puntod ko.. Anong mangyayari sakin ngayon? Wala na ngang hustisya sa pagkamatay ko, magiging multong pagala-gala pa ako? ............... Killean kycer's POV Muntik na ako don ah? Wala akong balak na tulungan sya. Pagkatapos akong itakwil ng pamilya namin? Ako nga na buhay tinuring nilang patay e. Bahala sya.. Bakit ko pa sya tutulungan? E tapos na ang kaso. Nahuli na ang pumatay sa kanya.ngayon ay nakakulong na. Hindi na lang sya manahimik kung saan sya dapat naroon e. Kainis.. Umuwi ako sa bahay ko. Ang bahay ko na dugo't pawis kong pinaghirapan para maitayo to. Masaya na akong mamuhay mag-isa na walang kinikilalang pamilya. Matagal ko na silang kinalimutan.. Kaso, kapatid ko parin sya.. Kinaumagahan, Bumalik ako sa simenteryo. Wala na doon si Cyrex. Baka tinanggap na lang nya na patay na sya at kinuha na sya ni Lord. Mas mabuti na yun at wala na syang poproblemahin pa. Palabas na ulit ako ng simenteryo ng may makasalubong akong isang babae. Maganda sya. May hawak syang bulaklak. Siguro may dadalawin din. Pero bakit parang nagulat sya ng makita ako? "Cy-cyrex..?" Sambit nya at tumakbo papunta sakin. Niyakap nya ako ng mahigpit. Ako, nagtataka padin. Nakita ko si Cyrex sa tabi at nakatingin samin. Di ako nagpahalata. Kunwari diko sya nakikita. "Cyrex nagbalik ka" sabi ng babae at bilang lumuha ang mga mata nya. Hinawakan ko sya sa magkabilaang balikat nya. "I'm not Cyrex.. I'm killean kycer. His identical twin" sagot ko. "Ikaw si Cyrex.. Bumalik ka para sakin." Sabi nitong babae. Napaiwas ang tingin ko habang yakap pa din niya ako. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ko. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang napagkakamalan na si Cyrex o naikukumpara. Ano ba ni Cyrex ang babaeng ito? Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin. "Hindi mo ba ako narinig?!Kambal ako ni Cyrex. Kycer ang pangalan ko. At wala akong panahon para ikwento ang lahat sayo.!!" Sabi ko at tinalikuran ko na siya. Ayoko sa mga taong may kinalaman sa Cyrex na iyon!!! Muli kong tiningnan si Cyrex sa lugar kung saan ito nakatayo kanina. Pero wala na siya roon. Muli akong lumingon sa babaeng umiiyak. Nakita ko si Cyrex sa tabi ng babae. Malungkot ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa umiiyak na babae. Hindi na ako makatiis sa nakikita ko. Minabuti ko ng umalis. Ayoko ng makealam sa problema nila.. ............ Cyrex Nyzer's POV Lumiere.. Ayokong nakikita kang malungkot. Kung pwede lang kitang yakapin, ginawa ko na sana.. Kaso, wala akong magawa.. "Lumiere, nandito ka lang pala." Napalingon ako sa taong nagsalita. Si Lynuz. Lumapit siya kay Lumiere at hinawakan ito sa kamay. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. "Nakita ko si Cyrex, buhay siya.." "Ano? Imposibleng mangyari yon. Inilibing na siya.." "Hindi! Buhay talaga siya. Nayakap ko pa nga siya e. At--" naputol ang sasabihin ni Lumiere ng yakapin siya ni Lynuz. "Wala na siya. Patay na siya. Dapat matuto kang kalimutan siya. At handa akong tulungan ka.." Nakakainis talaga. Malayang nakakalapit kay Lumiere ang taong pumatay sakin! Kung may magagawa lang ako!! Hindi ko na napigilang lumuha dahil sa galit na nararamdam ko..at pati sa Nakikita ko.. Maghahanap ako ng taong makakakita sakin na handang tumulong.. ........ Nasa labas ako ng simenteryo. Nagbabakasaling may makakapansin sakin dito. Pag may nakapansin sakin, ibig sabihin may 3rd eye siya. Pwede niya akong tulungan at maituturo ko si Lynuz ang pumatay sakin.. Hindi parin ako makapaniwala na magagawa niya yon sakin. Pero bakit? Ano ba ang kasalanan ko? Naupo muna ako sa tabi. Puro aso at pusa lang nakakapansin sakin at may ibang kaluluwa na katulad ko na naglalakad din. Wala parin akong makita na makakatulong sakin. Sigurado akong nakikita ako ni Kycer. Nagkukunwari lang kaya siya na hindi ako nakikita? Siya ang dapat kong puntahan. Malakas ang kutob ko na nakikita niya ako.. Siya ang huli kong pag-asa.. ................ Killean kycer's POV Ang init ng tubig na nagmumula sa shower. Masarap talaga mamuhay ng tahimik sa sarili mong bahay. Napasandal ako sa pader ng banyo ko. Naalala ko ulit ang mukha ni Cyrex habang nakatingin sa babaeng iyon. Bakit ba hindi na lang siya manahimik sa kabilang buhay? Nakakairita ang paggagala niya. Kinuha ko ang twalya ko at pinulupot ito sa bewang ko. Binuksan ko ang pinto. Sa labas, nakita ko si Cyrex na nakaupo sa kama ko. Anong ginagawa nito dito?!! Kailangan kong huminahon. Kunwari hindi ko siya nakikita. Naglakad ako papunta sa drawer ko para kumuha ng damit. Hindi ko siya nakikita.. Wala akong nakikita!!! "Kycer.." Tawag niya sakin pero ayoko siyang lingunin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.. Nagbihis na ako agad para makalabas na ako. Ayoko siyang kasama. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko. "Kycer.. Naririnig mo ba ako?" Tawag niya ulit. Tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto. Wala akong koneksyon sa problema niya. Masama na kung masama. Mapapagod din siya sa kakasalita. Palabas na ako ng marinig ko siyang umiiyak.. "Tulungan mo ako.." Bigla akong kinilabutan.. Ano bang problema nito? Nakakulong na naman ang pumatay sa kanya. Kainis! Humarap ako sa kanya. Nakayuko siya habang umiiyak. "Kycer.." Iyakin pa din siya.. "Ano bang problema mo?!!" Sigaw ko sa kanya. At napatingin siya sakin. "Na-nakikita mo ako?" Tanong niya. "Oo!!! Naiirita na nga ako sa kakaiyak mo!!" Biglang nanliwanag ang mukha at lumapit sakin. "Tulungan mo ako." "Ano naman maitutulong ko?" "Si Lynuz ang pumatay sakin. Gusto ko siyang makulong. At- at ilayo siya kay Lumiere.. Baka saktan niya si Lumiere.." "Si Lynuz pala.. Sino naman si Lumiere?" "Girlfriend ko. Yung babaeng yumakap sayo.." "Ah.. Siya pala yun.. Ano ang gagawin ko para manahimik ka na?!!" "Magpanggap ka na AKO.." sabi niya. Ako?!! Magpapanggap na Cyrex!!!! NABABALIW NA BA SYA?!!! ............... Cyrex nyzer's POV "NAGBAGO NA ISIP KO. AYOKO NG TULUNGAN KA!! HINDI MO AKO MAPIPILIT NA MAGPANGGAP NA IKAW!!" Sigaw ni Kycer. Tinalikuran niya ako at muling binuksan ang pinto. Hinabol ko siya at humarang sa daraanan niya. "Sige na. Tulungan mo na ako. Huli na ito. Ikaw lang pag-asa ko.." Sabi ko pero nagpatuloy siya sa paglalakad at tumagos ako sa katawan niya. Sinundan ko siya. Nakabuntot lang ako kahit saan siya magpunta. Muli nanaman nagkrus ang landas nila ni Lumiere. "Cyrex.." Sambit ng mahal ko. Walang imik mula sa kambal ko. Please, h'wag kang magsasalita na makakasakit sa damdamin ni Lumiere.. "Kycer.. H'wag mo siyang sisigawan. Maging mabait ka sa kanya.." Sabi ko pero seryosong nakatitig lang siya kay Lumiere. Naglakad palapit si Lumiere kay Kycer. "Totoo nga. Buhay ka. Ikaw si Cyrex diba?" Sabi nito at muling yumakap kay Kycer. Kinakabahan ako. Baka itulak niya si Lumiere.. "Kycer.. Please, maging mabait ka sa kanya.."pakiusap ko at tumingin siya sakin. Halatang naiilang siya sa pagyakap sa kanya ng mahal ko. Pero sa huli, Niyakap niya pabalik si Lumiere at sinabing.. "Oo.. Ako si Cyrex.." Sinabi nya yon? Ibig sabihin, payag na siyang magpanggap na AKO.. .............. To be continued..,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD