bc

Braveheart

book_age18+
823
FOLLOW
3.4K
READ
others
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Sino nga ba mag-aakala na ang isang gabi na pagkakamali ni Jenna ay siyang magiging dahilan upang siya ay magiging matatag at matagumpay. Si Jenna Altaves 18 years old, maganda at mabait na anak ay aksidente na napakasal kay Marco Escobar 20years old, guwapo at mayaman. Isang arogante, mayabang at sadista na CEO ng La Ono Inc. nang dahil sa kasal na 'yon ay dumanas siya nang sakit pero tiniis niyang lahat ng 'yon upang maging tagumpay ang buhay may asawa niya pero hanggang saan nga ba niya kailangan tiisin ang lahat?. Halina po at ating subaybayan ang buhay at pag-ibig nila Marco at Jenna.

chap-preview
Free preview
Malungkot na Simula
Nasa may sala ako ng aming bahay nang may kumatok. Ito ay akin nang pinagbuksan nang makita kung sino ito. Ang abogado pala ng asawa ko at hawak niya ang isang brown envelope. Isang summon daw ito para sa request ng asawa ko para sa paghihiwalay namin. Hinarap ko ang abogado at kinuha ang papel sabay talikod. Isinara ko ang pinto pagkasabi ng "Thank you!" at saka binuksan ang envelope at sinira ito. "Ako ang dapat magbigay nito sa kan'ya dahil ako ang naagrabyado. Ang yabang, akala mo siya ang nasaktan!" Saka tumayo at kinuha ang aking phone at tinawagan ang abogado ng mama ko. Sinabi ko dito ang gusto ko ipagawa sa kan'ya. "Pagkatapos Attorney, ipadala mo kaagad sa kan'ya nang mahimas- masan naman ang mayabang na taong 'yan!" ani Jenna sa kausap niya na abogado. "Sige po Ma'am Jenna! Makakaasa kayo. Paalam po at gagawin ko po ito kaagad." Turan ng abogado ko bilang pagkumpirma sa akin. Nanginginig sa galit na binaba ni Jenna ang phone. 'Di niya rin akalain na magagawa niya ang bagay na ito. Siya si Jenna Ramirez Altaves 18 years old. Siya ay masasabing bubot pa pero biniyayaan ng maganda at seksing katawan kaya akala ng iba ay bente anyos na siya. Matangkad din siya 5’7 kaya puwede raw siyang pang model. Nag-aaral pa lamang ako. Nasa 2nd year college pa lamang at ako ay kumukuha ng Political Science dahil gusto kong maging abogada balang araw. Sinasabi nilang hindi raw ako bagay maging abogada dahil mahina ang loob ko pero ano ba ang alam nila. Ako pa rin masusunod, dahil ako si Jenna. Naalala ko pa ang lahat ng mga nangyari bago at saka pagkatapos kong makilala ang naging asawa ko na si Marco Escobar. Flashback Dahil sa pagiging mabait ko ay marami na akong naging kaibigan. Isang araw ako ay niyaya ng aking kaibigang na si Ana Escobar sa birthday ng kan'ya raw na kapatid. Sumama ako dito at hindi ko akalaing malalasing. Nagising na lamang akong walang saplot. Masakit ang ulo at buong katawan. Tatayo na lamang ako, nang aking maramdaman na parang mayroon pumipigil sa akin. Tiningnan ko ito at nakita kong may nakahawak sa aking baywang. Ibinaba ko pa ang kumot na nakatakip at nakita ko ang isang lalaki parang nakahubad din. Sa gulat ko ay napasigaw ako ng malakas. Nagising ang lalaki na aking katabi at siya rin ay nagulat. Bigla na lang bumukas ang pinto at may dalawang matanda ang bigla na lumabas buhat sa pinto. Itinakip ko kaagad ang kumot sa hubad na katawan. Nagulat sila at halos hindi rin yata nakapagsalita ang dalawa na tingin ko ay mga magulang ng lalaki na katabi ko ngayon. "Marco, sino ang babaeng 'yan?" ang tanong nila sa katabi kong lalaki. "Hindi ko alam, kung sino siya?" ani Marco na mayroon pagtaka na sa akin nakatingin. Bigla namang pumasok si Ana, ang aking kaibigan at kaklase na gulat at nanlaki ang mga mata. "OMG! Kuya anong ginawa mo sa friend ko!" sabi niya na hindi pa rin yata makapaniwala. "Kaibigan mo ba siya, Ana?" saad nang matandang babae. "Opo Mama Mia, kasama ko siya kagabi. 'Di siguro ninyo napansin dahil wala kayo ng kami ay dumating," "Paano na ngayon ito, siya ay pinagkatiwala pa naman ng kan'yang mga magulang sa akin." Nag-aalala na tumingin sa kaibigan si Anna. "Magbihis kayo at doon na lamang natin pag-usapan ito sa may ibaba!" anito sa amin ng matandang lalaki dahil sa lahat ay naguguluhan. Tumayo na ang lalaking katabi ko mauna na raw ako sa banyo. Hirap akong naglakad papunta sa tinuro niyang pinto. Nakatingin siya sa akin, lumapit siya at wala na niyang sabi-sabing kinarga ako hanggang sa banyo. Nasa pinto na kami ng binaba niya ako. "Oh, kaya mo na siguro maligo nang mag-isa ano? Baka gusto mo ng may kasabay?" sambit ni Marco na may mga pilyong ngiti pa sa labi. "Hi-hindi na, kaya ko na." sagot ko nang tumalikod na sa lalaki at sinarado ang pinto. Nang lumabas ako ng banyo ay wala na ang lalaki. Si Anna ang nakita ko nang nakaupo sa gilid ng kama at may dalang damit. "Ito ang isuot mo, bago pa lang ito pati underwear. Hindi ko pa ito naisuot!" wika ni Anna. "Thank you, Anna!" "Bihis ka na at hihintayin ka namin, nang sabay-sabay na tayo kumain nang agahan." Ani Anna pa bago nagpaalam kay Jenna. Nasa harap na sila ng mesa ng ako ay nakababa. Halos lahat sila ay sa akin nakatingin habang ako ay papalapit sa hapag kainan. "Halika na dito, Jenna sa tabi ko." Alok pa ni Anna sa akin. "Huwag kang mahihiya sa amin iha, kumain ka lang. Ako nga pala ang mama nila, tawagin mo na lang ako na Mama Mia." "Ako naman ang tatay nila kaya tawagin mo na lang ako na Tatay Pio." "Ako naman po ay si Jenna Altaves!" ang banggit ko sa mama at papa ni Anna. "Ang lalaki na 'yong katabi ay si Marco, siya ang aming panganay na anak at siya ang kuya ni Anna." Wika nito na maliit ang boses pero ito ay maliwanag ang mga salita. "Sige na mga anak, kumain na tayo at mahaba pa ang mga pag-uusapan natin mamaya," ang sabi pa ng nanay ni Anna. Nakakain na kami at akin nang tinutulungan si Anna na magligpit ng mga kinainan. "Bitiwan mo na 'yan, Jenna. Bahala nang maghugas niyan sila." Ani Anna na pinigilan ako at saka nag-utos sa babae na nasa likod ko. Hinawakan ako ni Anna at hinila na ako sa may sala nila. Nakaupo na ang dalawang matanda na magkatabi. "Ngayon ay atin na pag-usapan ang inyong kasal!" 'Yon ang naging dahilan kung bakit kami nakasal sa isa't-isa. Ikinasal siya sa lalaking hindi niya gaano kilala pero dahil guwapo ito at nakuha na nito ang iningatan niyang dangal ay hindi na siya tumutol. End of Flashback Nakaupo ako ngayon sa may balkonahe habang inaalala ang mga pangyayari na siya nagpabago sa aking buhay. Nang biglang dumating ang mama ko na may bitbit na bibingka at puto bungbong. Sinabi ko kay mama aking pakipag-usap sa abogado niya. "Tama ang ginawa mo anak. Pasensiya ka na at kami ay nalate nang dating. Kung sana ay nalaman namin kaagad mga kahayupan kan'ya ginagawa sa iyo ay matagal na sana kaming naka-uwi!" Malungkot na sinabi ng mama ni Jenna ang bagay na 'yon. Si Jenna ang bunso nila at siya rin ang nag-iisa nilang babae na anak. "Okay lang 'yon mama, ayaw ko rin kasi na mag-alala pa kayo sa akin," saad ko habang ako ay nagpaliwanag sa aking ina. "Ano ang plano mo pagkatapos na ma grant ang divorce ninyo mag-asawa?" Nakatingin ang ina niya na parang nag-iisip sa magiging kalagayan ng anak sa mga susunod pa na araw. "Gusto ko pong pagpatuloy sana ang aking pag-aaral, ma!" sabi pa ni Jenna na sigurado na sa pasya niya. "Maganda 'yan, anak! Sumama ka sa amin ng papa mo pagbalik namin sa Canada nang sa gan'on ay amin ka mabantayan." "Sige po ma, gusto ko rin pong magsimula nang panibago. Gusto kong makalimutan ang nangyaring 'yon sa aking buhay." Ani Jenna na nakangiti sa ina kahit nasasaktan pa. Lumapit ang mother ko at ito ay yumakap sa akin. "Ikaw ang aming prinsesa at kahit kailan hindi ka namin pababayaan." Nang gabing 'yon ay hindi ako makatulog. Iniisip ko na siguro kung nang una pa lang nilang sabihin na kami ay magpakasal sana tumutol kaagad ako baka wala ako rito sa ganitong mga sitwasyon. Gabi-gabi ay binabangungot pa rin ako. Lagi na lamang 'yong gabi na 'yon kung saan halos ay patayin niya ako sa bugbog dahil sa pagseselos.. Pagkaraan ng dalawang linggo matapos na ako ay magsampa nang divorce dahil sa pananakit niya at sa pang-halay niya sa akin ay kaagad na naitakda ang aming pagkikita sa korte. Matagal ang naging proseso dahil hinabol niya ang demanda ko at gusto niyang makausap ako. 'Di pumayag ang mother ko at ako ay sinabihan niya na huwag magpapauto sa asawa ko. Kaya as usual nagalit siya sa akin at magkita na lamang kami sa korte. Sinabi rin niya na wala akong makukuha sa kan'ya ni kusing. Lahat ng mga dokumento ay mayr'on siya at mayr'on din ako dahil mula sapol ay sinabihan na ako ng aking abogado na mahalaga 'yon. Sinabihan ako ng abogado ng mga dapat at hindi dapat sabihin sa harap ng Judge. Lumakas lang ang loob ko dahil katabi ko na si mama at papa. Sila ang aking magiging lakas sa lahat nang aking desisyon ngayon sa buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
74.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook