Wala na nga pa nagawa itong dalaga nang niyakap muli ni Marco. Hinalikan siya nitong si Marco nang maingat sa noo, mata at sa may labi nito. Sa mga sandali na 'yon hindi malaman ni Jenna ang kan'ya pang gagawin dahil alam niya kung saan patungo ang mga galaw ng dating asawa. "Teka baka..," Hindi na nito naituloy pa ang mga sasabihin dahil hinalikan na siya ng binata at naitikom niya ang kan'yang bibig. Litong-lito na si Jenna dahil sa nagbabanggaan ang isip at puso niya. Sinasabi ng isip niya na dapat ay magalit siya sa lalaki. Sa isang banda naman itong puso niya ay sinasabi hayaan niya mangyari ang gusto ng lalaki dahil mahal pa niya ito. "Lord, ano po ang akin pipiliin para hindi masasaktan ang aking mga magulang," sabi ng dalaga sa sarili na nalilito. Maya-maya ay naibuka niya

