Nagising na si Jenna kaagad na hinanap ang dati niyang asawa nang may mga kamay na humawak sa kan'ya. "Jenna anak, huwag ka muna kumilos at baka magdugo ang mga sugat mo. Kung si Marco ang 'yong hinahanap siya ay nasa ICU pa." Sabi pa ng tatay ni Jenna awang-awa ito sa sinapit ng anak. "Anak, sandali at tatawagin ko ang doktor nang matingnan ka." Hindi umiimik si Jenna para niyang inalala ang mga nangyari sa kanila. Napabuga pa siya ng hangin sa isipin na himala at nabuhay pa sila. "Pero ano at bakit nasa ICU pa si Marco? Malubha kaya ito?" tanong ni Jenna sa sarili. Bumukas muli ang pinto at ang tatay pala niya ang pumasok kasama ang doktor na kasing tanda rin nito. Sinuri na siya nito pagkatapos kinausap ang ama patango-tango sa kausap na doktor. Bago umalis ang doktor ito ay luma

