Tatlong araw na ang nakakalipas matapos sabihin ni Cain ang mga katagang iyon pero heto ako't balisa parin.
Andaming bumabagabag sa isipan ko.
Pano kung alam niya na?
Pero pano naman nya nalaman?
Sinabi nya na ba kay Mommy?
Alam na ba ng lahat?
Nag-ingat naman ako ha.
I should get out of here pag nagkataon.
Hindi ko mapigilang mapasabunot sa buhok ko.
"F*ck!" sigaw ko.
I need to chill. Para akong mababaliw kakaisip sa bagay na'yon.
"Just Chill Serene. Wala naman alam ang lalaking yun.. Atsaka kung meron man wala naman siyang paki sayo. Kumalma ka." pilit kong kumbinsi sa sarili ko.
I need to get this off my mind. I really need to chill.
I decided to call my gay friend Mark. Nagkita kami sa airport three days ago. At bago magkahiwalay ay nagyaya itong lumabas.
I think, ngayon ang tamang araw para sa bagay na iyon.
I dialed his number, wala pang dalawang ring ay sinagot na nito ang tawag.
"You still up?" paunang tanong ko dito.
"Yeah? Why?" takang tanong nito saakin.
"Ah. I want to drink. You up? My treat." nagdadalawang isip kong tanong dito. Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Naiirita na ako dahil tawa lang ito ng tawa.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng magsalita ito.
"That's first." hindi parin nito mapigilang matawa. Naiinis na ako.
"Ayaw mo ba?" irita kong tanong dito.
"Chill girl! Of course i'm always G!" sagot nito sa akin." Atsaka once in a blue moon lang mag-aya ang isang Serene Aria Saldivar. Tatanggi pa ba ako?" napailing na lang ako sa mga sinasabi nito. What's wrong with pips nowadays?
"So, it's settle then?" tamad kong tanong dito. Narinig ko ulit itong tumawa, isa pang tawa ibababa ko talaga to.
"Oo girl! Basta libre mo." sagot nito sa tanong ko. Napailing na lang ako dito.
Tama bang siya ang niyaya ko.
"Okay. Let's just meet at Xylo." sambit ko dito bago ibaba ang tawag.
Naligo muna ako ng mabilisan. I decided to wear a black notch neck split hem solid dress, a black stilleto, and a black purse for my essentials. I also put a light make up on my face.
Napatingin ako sa whole body mirror bago bumaba.
"Damn! I'm beautiful. I'd wife me." nakangisi kong turan sa sarili ko.
Naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Nasa hagdan palang ay may narinig na akong nagsasalita sa baba.
"I'm tired." sagot nito sa kausap, hinihintay kong may sumagot dito pero walang nagsalita. Ah baka sa cellphone lang.
"I'll call you back tommorrow." rinig ko pang wika nito sa kausap.
Napangiwi ako sa kaisipang ang girlfriend nito ang kausap ngayon.
Walang forever! Magbebreak din kayo!
Bumaba na ako ng tuluyan sa hagdan. Natapos na rin ata ang tawagan nilang dalawa dahil wala na akong naririnig na nagsasalita.
Naglakad na ako papunta sa may sala.
Madadaanan muna kasi ang sala bago makarating sa pinto palabas ng bahay. Unfortunately nandoon ang lalaking noong nakaraang araw ko pa pilit iniiwasan.
Hindi ko ito pinasadahan ng tingin, i might stop kapag ginawa ko iyon. But i can still see from my peripheral vision that he's staring at me. Tingin na akala mo isa akong kriminal na bawal mawala sa paningin niya.
"I know i'm beautiful but please stop staring at me. Damn it!" mahinang bulong ko habang nakatalikod.
Malapit na ako sa pintuan ng biglang magsalita ito. Napapikit ako dahil sa frustration.
Hindi ba pwedeng wag nya na lang akong pansinin.
"It's late. Where are you going?" tanong nito sa akin.
"Xylo." maikling sagot ko dito. Ramdam ko parin ang paninitig nito sa likuran ko.
"Iinom ka?"
Seriously? Cain.
Humarap na ako dito para sagutin ito ng maayos. Nakita kong naglandas ang mata nito sa katawan ko. Bumalik lang ulit ang tingin nito sa mukha ko ng nagsalita na ako.
"Alangan. Ano naman ang gagawin ko dun, magrorosaryo?" sagot ko ditong medyo natatawa.
Mukhang nainis ito sa sinabi ko. Akala ko hindi na ito magsasalita pero nagtanong ito ulit.
"At this hour?" I just rolled my eyes.
Lutang ka ba?
Damn it! Please wag ka na kasi magtanong.
"And so? Ano naman?" tamad na tanong ko din dito. Napakunot ang noo nito sa sinabi ko.
"It's 10 pm woman. It's late." naiirita nitong litanya sa akin. Umismid ako sa sinabi nito.
"Night club ang pupuntahan ko. Alangan namang pumunta ako doon ng umaga." sarkastiko kong sagot dito.
Nakita kong nagtagis ang panga nito sa sinabi ko. Kumunot din ang noo nito tanda ng hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
Shit! Ginalit mo na ata! Eh kasi naman eh.
Tinitigan ako nito ng masama. Tingin na kung nakakapatay lang ay kanina pa ako nakabulagta. s**t!
Iniwas ko ang tingin ko dito. Hindi ko kayang makipaglaban ng titigan sa mga mata nitong akala mo papatay ng tao. Naputol ang tensiyon sa pagitan naming dalawa ng nagring ang cellphone ko.
Thank God!
Sinagot ko ito agad ng hindi tumatalikod.
"Girl! Nasan ka na! Wag mo kong iditch, sasabunutan talaga kita." pambungad ni Mark. Narinig ko ring medyo maingay ang nasa likod nito. Nandon na nga.
"I'm still here. Pero paalis na ko. Don't worry Mark, hindi kita ididitch." natatawa kong sagot dito.
"Okay. Make sure ha. See you. Landi muna ako dito." paalam nito bago ibaba ang tawag.
Tumingin ako ulit dito. Nakatitig parin ito ng masama sa akin.
Ano bang problema ng lalaking to?
Kailangan ko ng umalis, magagalit ang isang iyon kapag natagalan pa ako.
"I need to go." pagpapaalam ko.
Hindi pa nakakaisang hakbang ang paa ko ng bigla nitong hinila ang kamay ko.
"Ano bang problema mo?" hindi ko mapigilang mainis na utas dito. Kanina pa siya.
"Who's that asshole?" galit na tanong nito sa akin pabalik.
Akala ko bibitaw na ito sa pagkakahawak sa akin ng hinila pa ako nito palapit sa kanya.
"Ano naman ang pakialam mo?" kunyaring galit kong tanong para pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.
Dahil sa lapit namin sa isa't isa ay hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha nito. Ang nakakunot nitong makapal na kilay, mga matang nakatitig ng masama sa akin. At ang nagtatagis nitong bagang tanda ng galit ito.
I also can smell his minty breath under my nose. Bumaba ang tingin ko sa basa at mamula mula nitong labi. I suddenly want to grab his nape and just pull him towards me. Damn those luscious lips, nakakapanghina.
Damn it! I'm here to destroy this marriage. Bakit parang ako ata ang masisiraan ng bait?
Inalis ko na ang tingin sa labi nito dahil baka mahalata nyang nakatitig ako doon.
Pinilit kong umalis sa pagkakahawak nito sa akin ngunit mas humihigpit lamang ang hawak nito. Tumingin ako sa mata nito ng masama. Binawi ko lang ng makitang nakatitig ito ng mariin sa akin. s**t!
"Ano ba kasi yun?" malumanay na tanong ko dito. Parang hinihigop nito ang lakas ko. Nawala ang kaninang tapang ko.
Tumingin ito sa labi ko, iniwas ko ang tingin dito dahil sa kabang nararamdaman.
"You're going out with a man." galit nitong sambit habang nakatitig padin sa mukha ko. Hindi ko ito sinagot.
Abot abot ang kaba ko ng nilapit pa nito lalo ang mukha sa akin.
Shit! What the hell are you doing?
I can feel his hot breath on my neck. Nagtindigan ang balahibo ko sa ginawa nito.
"You smell so good." sambit nitong nagpakaba pa lalo sa akin.
Tumingin na ako dito para matigil na ito sa ginagawa.
"What the hell are you doing Cain Aiden?" kabado kong tanong dito.
"What?" nakangisi nitong tanong sa akin. Bipolar ata itong lalaki na'to kanina lang galit ngayon mukhang okay na naman.
"I said what the hell are you doing?" tanong ko ulit dito. Iniwas ko ang tingin dito ng nag-angat ito ng tingin sa mata ko.
"Say my name again, baby"
This fucktard just call me baby. Nag-init ang mukha ko sinabi nito.
"Are you f*****g with me." nainiis kong tanong dito.
Tumitig lang ito sa akin. Napatingin ako dito ng bigla itong nagsalita.
"Damn it!" pakinig kong bulong nito bago hinila ang bewang ko.
He pressed his lips on me. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nito.
He sofly bit my lower lip making me moan a little. Naramdamdaman kong napangisi ito sa ginawa ko. Doon ko lang narealize ang ginawa nitong paghalik sa akin.
Lumayo ako agad dito. Mabuti na lang at hinayaan na ako nito. Ramdam ko parin ang pamumula ng pisngi ko sa halik na pinasaluhan naming dalawa. f**k! Did i just moan?
"You're blushing baby." nangingiti nitong turan sa akin. Mas lalong nag-init ang pisngi ko.
"No i'm not! Nakablush-on ako." tanggi ko dito. Tumawa lang ito sa sinabi ko.
"Really?" pang-uuyam na sambit nito sa akin.
"Yes."
"Okay then." nakangisi parin nitong sabi. Iniwas ko ang tingin dito.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Umingay lang ng may tumawag ulit sa akin.
"Sari! Ano na?" rinig kong boses ni Mark mula sa kabilang linya. s**t! Oo nga pala.
Nawala sa isipan kong aalis ako dahil sa lalaking ito.
"Oo, paalis na ko." sagot ko bago binaba ang tawag.
Tumingin ako dito. Sana wala na siyang gawing kalokohan.
"Mark is just my friend. He'll probably like you kapag nakita ka nung lalaking yun." sambit ko dito dahil mukhaang iyon ang itatanong nito pagkababa ko ng tawag.
Kinagat nito ang labi. Pinipigilan ang sariling hindi ngumiti. Napailing na lang ako bago nagsalita ulit.
"Naghihintay na ang kaibigan ko. Please." paalam ko padin dito.
Tumingin ito sa buong katawan ko bago nagsalita.
"You're wearing something really offensive woman." balik na naman ang inis nito kanina. Napailing na lang ako.
"What do you want me to wear? Pajama?" iling kong tanong dito.
Nagtagis ang bagang nito sa sagot ko. Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita.
"Come on Cain. I can handle myself." tamad kong turan dito.
Tumitig itong mariin sa akin bago nagsalita. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nakita kong may dumaang ibang emosyon sa mata nito.
"Akala ko din." makahulugang wika nito bago ako talikuran.