After two weeks.....
Napahiga ako sa kama pagkarating na pagkarating ko sa condo ko. Hindi ko na muna tinawagan si Selene dahil paniguradong magpipilit na yun na magpalit kami. I'm still exhausted. Damn exhausted. The last two week was h*ll. Hindi ako pinatulog ng mga projects na ibinigay sa akin. So now, susulitin ko na muna 'to.
Pinikit ko na ang mata ko sa pag-aakalang makakamit ko na ang pagtulog na ninanais ko nitong mga nakaraang linggo pa. Pero mukhang ayaw talaga ng mundo na magpahinga ako. F*ck!
"Yes, sino 'to?" tamad kong sagot sa tawag. Hindi ko na tinignan ang nakaregister na number. May bunganga naman siguro kausap ko, okay na yun.
"Hindi ka ba tumitingin sa cellphone mo bago sumagot sa tawag?" naiinis nitong tanong sa akin.
Ah. It's Aya. "I'm tired. Please just let me sleep for a while." inaantok kong sagot dito. Pagod ako at gusto ko lang matulog.
"Alright then. I'll call you back later. Keep your lines open, okay." bago niya binaba ang tawag. Napangiti ako dito, she really know me.
Finally makakatulog na din ako. Kusa ng pumikit ang mga mata ko dahil sa antok. Nagising na lang ako ng nagring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag, it's Selene. U*h!
"Hey sis." tamad na sagot ko dito.
"Hi, nandito ka na ba?" natutuwang tanong nito pagkasagot ko sa tawag.
"Yeah."
"Finally. Akala ko magtatagal ka na sa States eh." natutuwa nitong sabi.
Hindi kami nakapag-usap sa loob ng dalawang linggong pagkawala ko. I told her not to call me, dahil alam kong magiging busy ako. Ngayon na lang ulit kami nakapag-usap after two weeks.
"Hindi. Tinapos ko lang agad." sagot ko dito. Tinignan ko ang orasan sa pader, mabuti naman at nakatulog ako ng limang oras. After two weeks parang ito lang ang tulog kong nakapagpahinga ako ng maayos.
"Ah, pupunta na ba ako dyan ngayon?" nahihiya nitong tanong sa akin. Tss.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Wala na talaga yata akong choice. "Okay." pagpayag ko dito.
"Yess! Thank you. I'll get ready na. Can't wait to see you." tuwang tuwa nitong wika mula sa kabilang linya.
Napabuntong hininga ako pagkababa ng tawag. I should also get ready. Mukhang hindi na makapaghintay ang kambal ko.
Pagkadating ni Selene ay niyakap agad ako nito.
"I missed you so much Sari! Nakakabagot ang bahay na yun." pagkwento nito sa akin. Tumango lang ako, patuloy na nakikinig sa kwento nito.
"Nakakainis talaga siya. Dinala nya yung girlfriend nya don, hindi ba siya nahihiya sa akin?" maktol na kwento nito. "Ni wala siyang pakialam kahit nasa harap nya ako. Nakakainis talaga."
"Sinaktan ka ba nya physically?" tanong ko dito pagkatapos nitong magsalita.
"Ah. Hindi naman." nakangiti nitong sagot.
"Good then." nakahingang sagot ko. Alam ko naman na di siya sasaktan ni Cain physically, pero gusto ko paring makasigurado. "Ah..D-did he tried to kiss you? halos mautal ako sa tanong ko. Ant*nga mo Serene, dapat di mo na tinanong yun.
Kumunot ang noo nito bago sumagot. "Ha? Bakit naman nya ako hahalikan?" naguguluhan nitong sagot sa akin.
Umiling na lang ako at iniba ang usapan namin. Natigil ang kwentuhan naming dalawa ng biglang tumunog ang cellphone nya.
Mukhang nataranta ito pagkakita sa kung sino ang tumatawag. "Mom. Yes po. I'm here at my friend's house mom. Okay po. I'm sorry pauwi na po ako." mahinhin nitong sagot. Pagkababa ng tawag ay lumapit ito agad sa akin. Giving her phone simcard.
"You need to go back now. Nandoon daw sila Mommy at Tita Isabel sa bahay. You need to hurry." natataranta nitong sabi sa akin.
"Alright, sige aalis na ako." sagot ko dito at nauna ng umalis sa condo. Si Selene na ang bahala doon, alam nya na ang gagawin. This is all planned.
Kabado ako pagkarating sa bahay, hindi dahil sa nandito si Mommy kundi dahil makikita ko na naman ang lalaking yun.
"Hija! Finally. What took you so long?" si tita Isabel agad ang nakakita pagdating ko. Ngumiti ako dito at lumapit agad para humalik sa pisngi nito.
"Traffic po eh. I'm sorry po." gamit ang mahinhing boses ng kapatid ko. D*mn.
"It's okay. Tara na, nandoon si Cain at ang Mommy mo. They're cooking something." pagkwento nito sa akin. Abot abot ang kaba ko pagkarating sa kusina. Likod palang nya ay alam na alam ko na.
D*mn those sexy back!
Humarap na ito sa akin ng magsalita si Tita Isabel. Iniwas ko agad ang tingin ko dito. Lumapit ako kay Mommy para humalik. Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina ng tignan akong mariin ni Mommy.
Naguguluhan ko itong tinignan pabalik. Yumakap ulit ito sa akin, sabay bumulong. "Selene. Kiss your husband too." mariin na wika nito sa akin. Pinisil pa nito ang braso ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi ni mommy. Sh*t! Kailan pa ko kinabahan ng ganto! What the h*ll!
Huminga muna ako malalim bago naglakad papunta sa harapan ni Cain. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako dito. I'm looking at him like he's just a normal person. Like nothing special to worry about. Kahit meron naman talaga.
Ng makalapit na ako dito ay humawak ako sa braso nito at dumukwang palapit sa pisngi nito. Abot abot ang kaba ko habang ginagawa ko iyon. Pagkatapos ng halik ay tumalikod ako agad dito. Dahil sa sobrang pagmamamdali na makaalis sa pwesto, ay hindi ko nakita ang kutsara na nakapatong sa may bowl ng sauce. Tumilapon ito at karamihan ng sauce ay napunta sa damit ni Cain.
Napadalo agad ako dito dahil sa nangyare. "Oh my God! I'm so sorry." hindi ko mapigilang mataranta. Kumuha ako ng tissue para ipangpunas sa damit nito.
"Hindi ko namalayan na may kutsara pala doon." kinakabahan ko pading wika dito. Hindi ito gumalaw sa pwesto nito. Inangat ko ang tingin dito, nakatitig lang ito sa akin.
Lumayo ako agad sa pag-aakalang ayaw nito sa ginagawa ko. Bakit ka ba kasi natataranta Serene! Ayan tuloy!
Napabaling ang tingin ko ng may marinig akong hagikhikan, parang mga kinikilig mula sa likod ko.
"They're so sweet." ngiting ngiti wika ng mommy ni Cain. Sweet? What the h*ll? Kabado ako dito, tapos sweet lang.
Ngumiti na lang ako sa mga ito para itago ang inis at kaba na nararamdaman ko. Nagpaalam na akong aakyat muna ako para magbihis. Hindi na ako ulit lumingon pa.
Pagkaakyat ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. That was embarrassing! Naligo na agad ako at nagbihis. Bumaba na din pagkatapos.
Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang usapan nila mommy. Mukhang wala doon si Cain. Ilang hakbang nalang bago makababa ng biglang may naramdaman akong tao sa likod ko.
"Wala na bang ibibilis yang lakad mo?" mukhang badtrip nitong tanong mula sa likod ko. Cain and his f*cking attitude.
Nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi nito. Humarap ako dito para sagutin sana ito ng biglang nawalan ng balanse ang katawan ko. Inaasahan ko na ang pagbagsak ko, pinikit ko na ng mga mata ko ng wala akong maramdamang masakit, kundi isang braso na nakapulupot sa bewang ko.
Binuksan ko na ang mata ko at gulat ng makitang sobrang lapit nito sa akin. Napabitaw agad ako dito, ngunit ang kamay nito ay humigpit lang ang hawak sa bewang ko.
"Do you really want to get hurt?" naiinis nitong tanong sa akin.
"Hindi! Sino bang gustong masaktan?" sarkastiko kong sagot dito, tinatago ang kaba. Hindi parin nito binibitawan ang bewang ko.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha nito dahil sa pwesto naming dalawa. Nakaigting ang bagang nitong halos perpekto ang pagkakahulma. Ang medyo magulo at basa nitong buhok mukang kagagaling lang sa paliligo. Ang mga mata nitong nakatitig ng mariin sa akin at ang mga labi nitong halos mamula at mukhang malambot. Nakakalilo.
Napabalik ako sa reyalidad ng may biglang magsalita sa baba. "Ay sorry po Maam, Sir." natatarantang wika ng katulong. Doon na ako nakahanap ng tiyempo para umalis sa pagkakahawak nito.
"F*ck" mahinang bulong ko.
Nasa likod ko lang itong naglalakad. Dumating na kami sa hapag kainan, mukang tinapos ni mommy ang niluluto dahil naligo ang katulong nya sana dito.
Bubuksan ko na sana ang upuan ko ng nauna na itong buksan ang akin. Tss, gentlemen kana niyan?
"Thank you." mahinhing pasasalamat ko dito. Nakita kong umismid ang labi nito sa sinabi ko. Tinaasan ko na lang ito ng kilay na kinangisi nito.
Tahimik na kaming kumain. Hanggang sa natapos ay doon lang may nagsalita.
"I need to go, ang daddy nyo hinahanap na ako." nakangiting sabi ni Tita Isabel pagkatingin nito sa cellphone nito. Tumayo na ito at lumapit kay Cain. Humalik lang ito sa pisngi nya at lumapit na din sa akin.
"Take care of my son iha. Una na ko." nakangiting habilin nito. Ngumiti din ako dito.
"Sabrina, sasabay ka ba sa akin?" tanong nito kay Mommy.
Ngumiti lang si Mommy at tumayo na din. Humalik si Mommy sa akin, pagkatapos kay Cain. Hinatid namin sila ni Cain sa may gate.
Pagkapaalam nito ay pinaandar na nito ang kotse. Hindi pa sila nakakalayo ay tumalikod na ako para pumasok sa loob.
Nagulat ako dahil nandoon parin pala si Cain sa likod ko. Iniwas ko ang tingin ko dito at nilagpasan na ito ng lakad.
Paakyat na ko sa taas ng magsalita ito.
"Welcome Back" makahulugang utas nito at nilagpasan na ako ng lakad.
Hindi ko alam kung bat ako kinakabahan sa sinabi nito. It's just a d*mn "welcome back" wala naman sigurong ibang ibig sabihin iyon.
Nakatitig lang ako sa likod nito. F*ck! May alam na ba siya?
"Hindi naman siguro diba." kinakabahang kumbinsi ko sa sarili ko.