Nagising akong late kinaumagahan, dumiretso na agad ako sa banyo para umpisahan na ang araw ko. Pagkatapos maligo ay nagbihis na agad ako.
Today i decided to wear a Mock Neck Plaid Top and Skirt, white sling-back sandal for my heels. And a small purse for my other stuff. I'm a women of fashion, bahala si Selene. Basta ito ang gusto ko.
Plano kong gumala dahil nabuburyo na ako dito sa bahay, o kung bahay pa ba ang dapat na itawag dito.
Bumaba na ako para mag-agahan, i'm expecting na ako na naman ang kakain mag-isa. Dahil siguradong nasa girlfriend nya na ang isang yun. But to my surprise, nandoon ang kup*l at dahan dahang kumakain. Wow, wala kang lakad sir?
"Good Morning ma'am Selene." bati sa akin ni Nimfa pag kakita sa akin nito. Tsaka lang nag-angat ng tingin sa akin si Cain, napatingin ako sa kanya pero iniwas niya lang ang tingin sa akin. Napangiwi ako sa ginawa nito, sungit! Kala mo naman yummy.
"Good Morning too! my dear nimfa!" nilakasan ko talaga ang boses ko para mahiya ang lalaking nasa harap ko. Wala ba siyang bibig? Kahit salitang "morning" lang hindi nya masabi?
"Ay hala si Ma'am!" Natatawa nitong turan sa akin, ngumiti lang ako at umupo na sa right side ng lamesa. Cain's sitting at the head of the table.
Nagsimula na akong kumain ng maalala kong aalis nga pala ako. Tinawag ko si nimfa at lumapit naman ito agad sa akin.
"Bakit po Ma'am Selene?" nagtataka nitong tanong.
Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita ulit. "Uhm, pwede bang ipahanda ko ang sasakyan ko." nakangiti kong request dito, nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang mapanuring tingin ni Cain.
Akala ko may sasabihin ito sa akin kaya tumingin ako dito. Hinihintay ko na itong magsalita pero tinarayan lang ako nito. Wow ha! The Audacity?
Tinuloy ko na ang pagkain ko habang inis na inis sa lalaking nasa harapan. Napaka-kapal naman ng mukha niya para tarayan ako. Ni hindi man lang siya nag Good Morning ngayon. Mas lalo lang akong nainis dahil doon.
"Bwisit." mahinang bulong ko.
Napatitig ako sa kinakain ko ng marealize ang mga nangyayari sa akin. Andaming nagbabago sa pag-uugali ko. Noon, wala akong pakialam kung may pakialam ang tao saken. Hindi ko iniisip ang mga iniisip nila, masama man yun o maganda. Pero magmula ng mapunta ako dito, parang naglaho lahat ng iyon. Andaming pagbabago at alam kong hindi maganda yun. F*ck! Anong ginagawa ng lalaking ito sa akin. Bakit ko nararamdaman ito.
Napabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ng lalaking nasa harap ko. Sinagot nito ang tawag ng hindi umaalis sa inuupuan nito.
"Hello, yes. Kumakain na ako, pupunta ako dyan mamaya pagkadaan ko sa office. Yes, i promise." sagot nito sa kausap. Hindi ko na sana ito papansinin ng maramdamang nakatitig ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko dito. Bahala ka kung aalis ka.
Tumayo na ako agad pagkatapos kong kumain, naglalakad na ko palabas ng biglang tumawag si mommy.
"Yes mom, what is it?" sagot ko agad dito. And of course sa pinakamahinhin na paraan.
"Are you with your husband now?" tanong nitong nagpangiwi sa akin. Hanapan ba ako ng lalaking yun. Atsaka mom, hello anak mo po ako. Uso kamustahin muna ang anak bago asawa nito. Naiinis lang ako lalo dahil sa tanong nito.
Huminga muna akong malalim bago ulit sumagot sa kanya. "Yes mom, i'm with him" sagot ko dito habang nakatingin sa lalaking katatapos lang kumain. Mukang naghahanda na rin itong umalis base sa postura nito.
Nakaputing button-down shirt siya, sa kaliwang kamay ay hawak nya ang black suit. At sa kanan naman ay ang susi ng sasakyan at ang cellphone nito. Ang gwapo nitong tignan sa damit nito, inangat ko na ang tingin sa kanyang mukha at laking gulat ko ng makitang nakatitig ito sa akin ng mariin. Iniwas ko agad ang tingin ko mula dito. Sh*t!
"Yes mom, sasabihin ko na lang po sa kanya. Okay po. Bye." paalam ko ditong medyo kabado pa.
"What?" tamad niyang tanong sa akin, mukang alam niyang sya ang pinag-uusapan base sa uri ng pagtatanong niya.
"Nangangamusta lang si mommy." tamad kong sagot at tinalikuran na ito. Kinuha ko na ang nilapag kong gamit sa upuan ng magsalita ulit ito mula sa likuran ko.
"Where are you going?" nagulat ako sa paraan ng pagtatanong nito, para itong inis na ewan. Tinignan ko lang ito at hindi siya sinagot. Kung ganito ang gusto niyang set-up, yun ang ibibigay ko sa kanya. Narinig ko pang nagmura ito ng malapit na ko sa kotse.
Habang nasa byahe ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang nakaregister na number at ng makitang ang kaibigan ko ito ay sinagot ko ito agad.
"What is it Aya?" tinatamad kong sagot dito. Narinig ko ang pag-ismid nito sa kabilang linya, i can imagine her face right now.
"Is that how you greet a bestfriend?" naiinis nitong tanong sa akin. Napangisi ako sa tanong nito.
"Ah. Last time i checked, friend lang tayo." nang-aasar kong sagot dito. For sure umuusok ma ilong nun ngayon.
"I hate you! Diba pumayag ka ng bestfriend tayo?" mukang paiyak na nitong sabi. Naguguilty na ko sa ginagawa ko pero gusto ko parin itong asarin.
"Because you blackmailed me." paratang ko dito.
"Hindi naman ah. Ang sabi ko lang naman eh isusumbong kita sa lola mo kapag hindi ka nakipagkaibigan sa akin." konyareng inosente nitong sagot. Tss.
Back then when i was in College walang lumalapit sa akin dahil sa takot na awayin ko sila. But Aya is very different from them. Hindi nya ako tinigilan. Ilang beses ko na siyang iniiwasan pero ang babaita ay patuloy parin ang sunod sa akin. I can still remember ng nakita ko siyang nakikipag-away ng dahil sa akin.
_____________________________________
"What's wrong with you Aya? bakit sunod ng sunod ka parin sa kanya?" one of Aya's friend, Lory. Mukhang hindi nila alam na nasa malapit lang ako.
"Why? I want to become her friend." inosente nitong sagot sa kaibigan nito. I just rolled my eyes, aalis na sana ako ng magsalita ulit ang kaibigan nito.
"You're crazy. Hindi mo ba nakikita? She's a freak!" galit na sagot nito kay Aya. I was expecting na sasang-ayon siya dito pero nagulat ako ng pinagtanggol ako nito.
"Watch your mouth Lory. Oo nga't kaibigan kita pero hindi ako papayag na pagsalitaan mo ng ganyan si Serene. Kung hindi mo siya gusto, wala na akong pakialam doon. Ang please if she's freak, then i'm also freak." galit nitong wika at umalis na ito agad sa harap ng mga kaibigan nito.
_____________________________________
After that day ay hinayaan ko na siyang sumama sa akin. Naguguilty ako dito sa kaisipang ako ang dahilan kung bakit hindi na siya kinakausap nila Lory. She's kind at napasama lang siya sa isang kagaya ko. A freak.
"Kaya lang naman ako tumawag sayo dahil hinahanap ka na ni boss." pag-imporma nito sa akin. Changing the topic.
"Bakit daw?" nagtataka kong tanong dito. Bago ako umalis ay sinigurado kong tapos ang lahat ng mga gawain ko.
"Kailangan ka daw niyang makausap. Walang sinabing dahilan pero importante daw." sagot ulit nito sa tanong ko.
"Alright, ako ng bahala. Thank you anyway. And i'm just kidding sa sinabi kong hindi kita bestfriend. I miss you by the way. Good bye." nakangiti kong pagpapaalam dito. I really miss her, yung bunganga niyang di titigil kapag di ko siya kinakausap. Napapangiti ako kapag naaalala ko iyon.
Nagpaalam na din ito sa akin. Ang dami pang binilin nito bago ibaba ang tawag. Tss.
Tumigil muna ako sa isang fast food chain dahil inuhaw ako. Dumaan ako sa drive thru para bumili ng makakain. Isang double go large fries at softdrinks. Nakakapagod ang ganito. It's the damn traffic!
Bumyahe na ako ulit at pumunta na sa paborito kong lugar noong bata pa ako. Dito kami lagi naglalaro ni Selene noon. Dito din ako nadisgrasya 10 years ago.
Umupo ako sa swing na paborito ko. Reminiscing the memories i have here when i was still young. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabalik tanaw ng may tumawag ulit sakin.
"What is it aya?" hindi ko na tinignan ang nakaregister na number sa pag-aakalang si Aya ulit ang tumatawag.
"I want you to come here as soon as possible Ms. Saldivar." boses ng boss ko. Napatingin agad ako sa cellphone ko kung sino ang kausap ko. s**t!
"Good day, bye the way." late ang bati, amp.
"But boss. It's my vacation. You promised not to bug me. Right." pagpapaalala ko dito. I have the right naman kasi. I just want to rest, pero ito trabaho na naman.
"We just really need you right now. I'm so sorry but you can't say no to this Ms. Saldivar." pakiusap nito sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ano pa nga bang magagawa ko. Alright. I will book a flight tomorrow. Is that okay boss?" suko kong tanong dito.
"Thank you Serene. In return, i will give you another one month day off but of course no fee." wika nitong nagpatuwa sa akin. Tss. Baka scam din to.
"Alright, thanks boss." sagot ko dito bago ibinaba ang tawag.
I need to call Selene, wala akong choice but to go back to states. Selene needs to be with Cain for a while. An unknown feeling just crossed me. And i know it's not good for me.
"Hi sis, how are you?" masayang bati nito sa akin pagkatapos sagutin ang tawag ko.
"Honestly, i'm not okay." paunang sambit ko dito.
"I need to go back to states. It's urgent, it's about my work."
"And?" mukang di nya nagets ang sinabi ko. Napailing na lang ako, occupied siguro utak nito.
"And, of course kailangan nandito ka." naiiling kong utas dito. "You need to be here kapag umalis ako. Hindi sila pwedeng makahalata, you should know it better than i do." naiirita kong litanya dito. Natahimik ang kabilang linya, kaya akala ko naputol ang tawag. Looks like napatigil ito sa sinabi ko.
"So... you want us to switch, again?" nawala na ang saya sa boses nito. I suddenly felt guilty. Buong buhay siyang parang nakakulong, at ngayong nakalaya na siya ay binabalik ko na naman siya sa nakaraan.
"I'm so sorry Selene. Ayoko mang putulin ang kalayaan mo ngayon pero kailangan." dahan dahang kong pakiusap dito. She's too fragile to handle all this problem. World is just too mean for us.
Mahabang katahimikan ang namukod-tangi bago ulit ito nagsalita. "So, magtatagal ka ba doon? Or babalik ka pa ba?" tanong nito, mahahalata sa boses nito ang pagkabahala sa isasagot ko. Napabuntong hininga na lang ako bago ito sinagot.
"Yes. Dahil nangako ako. I made promise. So please, ngayon lang gawin mo to. Babalik di ako agad. Pangako." panigurado ko dito. Narinig kong bumuntong hininga ito bago ulit sumagot.
"Okay, then. Kailan ako pupunta?" tanong nito.
"Ngayon na. Magkita tayo sa condo ko. Doon na lang tayo magpalit ng damit." after the call, ay dumiresto na ako sa condo. Mukhang nasa malapit lang pala ang kambal ko dahil nauna na siya doon sa akin.
Pagkadating ay niyakap agad ako nito.
"Bukas ka na pala aalis." nakapagbihis na kaming dalawa ng damit. Sinuot nya ang damit na suot ko dahil baka may makapansin na iba ang suot nya pagbumalik siya sa mansiyon.
"Yes, my boss called me. It's an urgent matter." nakatingin kong sagot dito. Tinitimbang ang magiging reaksiyon nito.
"Alright. Mag-iingat ka." yumakap ulit ito sa akin. Bago umalis ay kinuwento ko lahat ng nangyare nung mga nakaraang araw. Maliban lang sa halik na nangyare sa may sala. Napailing ako sa naisip ko bigla. I shoudn't care about that kissed. Damn it!
Biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking yun. Nakauwi na siguro yun ngayon. Hays. Please be gentle with my sister Cain. Babalik ako agad.