KISS

1552 Words
Pagod na pagod akong dumating sa bahay dahil sa dami ng pinamili ko. I was about to go upstair ng marinig kong may malanding tumatawa sa kusina. I thought kami lang ang nakatira dito, i mean bukod sa mga katulong. Mas lalo pa akong nacurious ng narinig kong magsalita yung demonyong lalaking pinakasalan ko. "Stop doing that Eila, nakikiliti ako." natatawa nitong sabi sa kausap. Ang landi amp*ta. Wait? what was that? Kinakain ako ng kuryusidad ko sa kung sino man ang kausap nito. Nagsimula ng maglakad ang paa ko papuntang kusina. Bago pa ako makarating ay nagsalita naman ang babaeng kausap nito. "Why? Don't you like my kisses honey?" halata sa boses nito ang pang-aakit. Then realization hit me, is that her girlfriend o isa lang sa mga babae niya? Ang lakas naman ng loob nila maglandian dito sa bahay. Hindi na sila nahiya sa mga katulong. Asan na nga ba ang mga yun? Nainis ako ng biglang sumagi sa isipan ko ang kambal ko. Oo nga't hindi ako ang totoong Selene, pero sa nangyayaring ito mas mabuti palang ako ang nandito. Selene is a softy at ang mga ganitong pangyayare ay siguradong kakawawa sa kambal ko. Nainis lalo ako sa naisip. Hahayaan ko na lang sana ito ng nakaisip ako ng kalokohan. Babawi ako para sa amin ni Selene, that man doesn't deserve to be treated well also. Dumiretso na ako sa kusina at nakitang napatigil ito sa ginagawang pagluluto. Nakatitig lang silang dalawa sa akin hanggang sa nakarating ako sa harapan ng ref. Binuksan ko na ito at kumuha ng tubig, ininom ko ito sa harap nilang dalawa. Hindi parin napuputol ang paninitig sa akin ng lalaking yun. Ganda ko lang. "What? Bawal bang uminom ng tubig sa bahay KO? diniinan ko ang panghuling salita bago nakangiting lumapit sa niluluto nito. Really ito na bonding nyo? Boring naman. Napangiwi ako sa naisip. Sinimulan ko na itong tikman, masarap naman pero syempre bakit ko sasabihin. I'm not Serene kung wala pang sumakit ang ulo ng dahil sa akin. " Eto na yun? Best nyo na yan? Pangit ng lasa, halatang kalandian ang inuna." nakangisi kong turan sa mga ito. Galit na tinignan ako ni Cain. Ngumiti lang ako dito ng matamis at nilipat ang tingin sa babaeng kasama nito. Mukhang sasabog na ito sa galit. Lakas naman niyang magalit sa bahay ko. "What? I'm just saying the truth." kunyareng inosente kong turan sa kanila. Mas lalong nainis ang babae sa sinabi ko na sya namang ikinatuwa ko ng husto . Hindi naman nagsasalita, weak. "Will you please shut up and leave us alone." badtrip na utas ni Cain sa akin. Syempre sa akin yun, ako lang naman kaaway niya dito. "Leave my ass" mahinang bulong ko. "What?" mukhang narinig niya ata ang sinabi ko dahil mas lalong nagsalubong ang kilay nito na mas nagpadepina sa kagwapuhan nitong taglay. Hindi ko mapigilang mapatitig sa lalaking nasa harapan ko. I can't help but to notice his face. He has this soft, deep, hazel brown eyes. Thin soft kissable lips. Pointed Nose. Thick eyebrows and those lashes Damn! mas mahaba pa yata ang kanya kaysa sa akin. His hair is in Thick Tousled Light Brown.Square jaw. Broud Shoulder. He's tall, dark and just downright gorgeous. This man is almost perfect pero kung pag-ugali ang pag-uusapan, hell wag na lang. Inalis ko sa isipan ang mga papuri ko dito, he doesn't deserve it. Gwapo lang siya pero gago. Tinignan ko pa ulit ang dalawa bago nagdesisyong umakyat na. Pero bago ako lumabas ay nakaisip pa ako ng pang-asar dito. "If you're going to have s*x, just don't do it here okay. Respeto sa bahay, ayokong makarinig ng ungol at mga pumapalakpak." nakangiti kong paalala dito at umalis na. Ngiting tagumpay ako habang umaakyat sa hagdan. Siguradong galit na galit ang babaeng yun dahil napahiya siya, well serves her right. Samantalang ang malanding lalaki naman ay wagas parin ang titig sakin. Anong problema nya? Nang makarating ako sa taas ay dumiresto na ako sa banyo para maligo, mabuti na lang talaga at dumaan muna ako sa restaurant bago umuwi. Ayoko namang kumain ng niluto nilang dalawa, kahit alam ko namang di nila ako bibigyan. Damot nila, parang di pamilya. Tsk. Natapos na akong maligo at nagbihis na. Naghahanda na akong matulog ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang nakaregister na number at ng makitang si Selene iyon ay agad ko itong sinagot. "Salamat naman at tumawag ka." pinahalata ko ang inis sa boses ko. "I'm sorry, ngayon lang ako nagkatime." mahinhin na sagot nito mula sa kabilang linya. Halos tumaas ang presyon ko ng marinig ang dahilan niya. Wow just wow. "Baka nagkakalimutan tayo Selene, i'm here because you want my help, not because i want to." pagpapaalala ko sa kanya. Sinigurado kong mahina ang boses dahil baka may makarinig sa usapan namin. "I know, and i'm so sorry again. Hayaan mo at babawi ako. Anyways how are you?" halata sa boses nito ang pag-aalala sa akin. Mas lalo lang itong naging mahinhin pag nag-aalala. "Ayos lang ako, medyo badtrip lang dahil nakita ko na naman yung Cain na yun." napangiwi ako ng maisip ulit ang dalawa sa baba, nagsusubuan at sweet na sweet. Pwe! Papanget nyo! "Why? May ginawa ba siya sayo, did he hurt you?" mas nag-alala ulit ito sa tinuran ko. No one can hurt me. Kung meron man siguro mga magulang namin yun. "Subukan nya lang, ibabalibag ko sila nung Eila na yun" naiinis ko paring sagot dito. Mas lalo lang akong nainis ng maalala ulit ang dalawang bwisit sa ibaba. "Eila?Girlfriend?" tumango ako na parang nasa harap ko lang siya. Natapos ang usapan namin ng puro kamustahan, tinanong ko na rin kung sino-sino ang mga katulong na makakasalamuha ko sa bahay, para hindi kami mabuking agad. Natulog na ako pagkatapos ng usapan naming dalawa. Nagising na lang ako ng makaramdam ng uhaw. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas-3 palang ng madaling araw. Tinatamad mang tumayo ay wala akong nagawa dahil nauuhaw na talaga ako. Dumiresto na ako sa kusina ng bigla kong naalala yung nangyare kagabi. Baka nagmotel na lang yun para hindi ako magreklamo. Buti naman kung ganon nga. Umiinom ako ng tubig ng may marinig akong kalabog mula sa sala. Napatakbo ako agad doon sa pag-aakalang baka may nakapasok na akyat-bahay gang. Kumuha muna ako ng walis tambo, para sa pang self-defense ko. Dahan dahan akong naglakad papuntang sala ng makita kung sino ang nakahiga sa sahig sa malapit sa pintuan. "What the hell are you doing? Bat nandyan ka?" tuluyan na akong lumapit dito para tignan kung buhay pa. At salamat sa Diyos buhay pa naman. Hindi naman ako sobrang sama para hayaan na lang ito dito. Kahit gustong gusto ko na lang siyang itapon sa bangin at sabihing nagpahulog ito doon. Natatawa ako sa naiisip ko. "Kaya mo pa ba? Hindi kita kayang buhatin mag-isa. Nasan na ba kasi yung Eila na yun? Diba magkasama kayo?" sunod-sunod kong tanong dito, mukhang narindi ata ito sa mga tanong ko dahil bigla itong tumihaya. "Can you please shut up! I want to sleep" naiirita nitong sabi sa akin. Wow ha! Iwan kita diyan eh, bwisit ka. "Kailangan mo ng tumayo dyan, malamig ang sahig." pilit ko pa din itong tinatayo. Napatayo ako at napahawak sa bewang ng wala man lang itong reaksyon sa ginawa ko. "What am i gonna do to you?" nakakapagod ka, sana alam mo yun. Sinubukan ko ulit siyang iupo para naman hindi nakabalandra ang likod niya sa sahig. s**t! Bakit ko ba kasi pinag-aaksayahan ng oras tong bwisit na to! Hinawakan ko siya sa batok at sinubukan ulit itong itayo. Nagulat ako ng bigla ako nitong hinila at halos magdikit na ang labi naming dalawa. Nanlaki ang mata ko lalo ng bigla nitong imulat ang mga mapupungay na mata. Hindi ko maalis ang paninitig ko dito dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ang alak sa hininga nito. Whiskey. Parang may mga nagliliparang paro paro sa tiyan ko habang nakatitig sa gwapong muka nito. s**t lang! I was about to leave at hayaan na lang siya sa ganoong posisyon ng bigla nitong nilapat ang labi sa akin. Halos tumigil ang buong mundo ko dahil sa nangyare, yes we shared kiss na pero hindi naman ganito yun. Sinubukan kong alisin ang sarili ng pinagpalit nito ang aming pwesto. Nakakubabaw na ito sa akin. What the hell? Pano nangyare ito! "Hey, Get off me!" Pilit kong tulak dito, pero parang pader ito sa sobrang tigas. Ni hindi man lang ito naapektuhan sa mga tulak ko. "You're making me confuse!" sigaw nito na nagpagulat sa akin. Binaba nito ang tingin sa labi ko, kinakabahan ako sa uri ng titig nito sa akin. Is he going to kiss me again? Mas lalo akong kinabahan dahil sa naisip. Kaba dahil alam kong sa sarili ko na gustong maulit ang halik na nangyare kanina. Oh god, what the hell is happening to me? Hindi ko dapat ito maramdaman. Inalis ko ang isipan doon, akala ko magsasalita pa ito ulit ng bigla itong tumayo at tuluyang umalis sa harapan ko. Narinig ko nalang ang mga yapak nito paitaas. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili. "I need to end this quickly." hindi ko mapigilang kabahan sa mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD