THE HONEYMOON

1515 Words
"What the f**k!" nagulat ako sa sigaw nito pagkarating na pagkarating sa bahay. Hindi ko nga lang alam kung dapat ba itong tawaging bahay sa sobrang laki nito. "What the hell is your problem?" balik kong sigaw dito. Anong problema ng lalaki nato, bigla bigla na lang sisigaw. Don't tell me nagpakasal ako sa baliw. "You! Ikaw ang problema ko! Bakit ka ba pumayag sa kasalang ito!" galit nitong bulyaw sa akin. What the hell! Ako ba ang pumayag. Then it hit me, i'm just pretending nga pala. Nginisian ko lang ito at naglakad na papuntang itaas, i'd rather sleep than to hear his voice, nakakairita! "I'm talking to you!" sigaw nito sabay hila sa braso. Masyado atang malakas ang pagkakahila nya dahil medyo masakit. Hinila ko agad ang braso ko. "Ano ba?! Nakakasakit ka na ah" sigaw ko dito. "Masasaktan ka talaga kung ganyan ka umasta sa harapan ko!" sigaw nito pabalik sa akin. The hell i care kung nababastos kita. Gustong gusto kong marinig nya yun pero pinigilan ko ang sarili ko. My sister would probably obey kung siya ang nandito. Masyado siyang mabait kaya madali lang siyang masaktan ng tao. Kawawa ang kambal ko kung nagkataon, this man is evil, a f*****g evil. "Pagod ako, kung gusto mong magwala bahala ka." tinatamad kong sagot dito. Mas lalo lang siyang nairita sa akin, mas lalo akong natuwa sa reaksiyon nya. Naglakad na ko pataas ng may maisip akong kalokohan "And for the record Mr. Peterson, ikaw din ang problema ko." nakangiti ko ditong sabi bago nagpatuloy sa pag-akyat. Good thing may mga guest room, i chose the guest room dahil baka pag-awayan pa namin ang higaan. I want to sleep, and my body can't take another bullshit from that man. Dumiresto na ako sa banyo at naglinis ng katawan. I made sure na nakalock ang pintuan ko, baka hindi lang baliw yun, pervert pa. Hindi naman porket gwapo siya at may magandang katawan ay hahayaan ko siya. He's still an asshole, buti na lang mabilis lang itong matatapos. Natapos ako sa paliligo at nagbihis din agad. Humiga na ako sa higaan at tuluyan ng nilamon ng pagod at antok. Maaga akong nagising kinaumagahan, it's my body clock na rin siguro. When i was studying kailangang maaga akong nagigising dahil magagalit si Grandma kapag nalate ako. Kahit anong bait nun, sobra kung magalit yun kaya sinanay ko ang sarili ko sa ganoong oras ng paggising. Dumiresto ako agad sa banyo at nagsimula na ng morning routine ko. Pagkatapos maligo ay pumunta na ko sa walk-in closet para magbihis. I decided to a wear casual outfit na available sa closet ko. A binky white back tie crop top and a simple denim short to match the weather here in the Philippines. Sobrang kasing init, akala mo nasa loob ka ng oven. I'm planning to go shopping, kung alam ko lang na magtatagal ako dito sa Pilipinas edi sana dinamihan ko na yung dala. Bumaba na ako para mag-almusal, akala ko makikita ko dito yung lalaking yun pero mukhang wala naman yata. Salamat naman. "Good Morning po Ma'am Selene, nakahanda na po ang agahan nyo." inporma ng katulong sa akin. Tumango na lang ako at ngumiti. Naglalakad na ako papunta sa hapag ng magsalita ulit ito mula sa likod ko. "Ah Ma'am si Sir po pala, eh maagang umalis. Hindi na po siya kumain, mukha nga pong nagmamadali eh." pagbibigay alam ulit nito sakin. Tsk! If i know nasa girlfriend nya yun ngayon, sinusuyo dahil sa naganap kahapon. Napangisi ako sa naiisip ko. Well tama yun na umalis siya, walang manggugulo sa araw ko. Ngumiti muna ako dito bago nagsalita, hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng maalala ko yung sinabi ni Selene sa akin. "Serene as much as possible, umakto ka ng mahinhin. Hindi ko sinasabing agresibo ka pero parang ganon na nga." pakiusap nito sa akin. Napangiwi ako sa sinabi nitong, "hindi agresibo pero parang ganon na nga." Seriously nanlait in a nice way, tumango na lang ako dito. "Okay, itetext ko na lang siya kung san siya pumunta." dang it! Hindi ko nakilala boses ko dun, yuck Serene kailan ka pa naging mahinhin. "Okay po ma'am" sagot nito sa magalang na boses. "Ah oo nga pala, what is your name again?" hindi pwedeng hindi ko alam pangalan nila, dahil ang pagkakaalam ko ay close si Selene sa mga katulong dito. Nanggaling sila sa bahay namin, kaya dapat kilala ko sila. "Grabe ka ma'am Selene, kinasal ka lang nakalimutan mo na pangalan ko." natatawa nitong wika. Tumawa na lang din ako to ease the awkwardness, s**t! baka makahalata siya. "Hindi naman, this fast few days kasi parang naging makakalimutin ako eh." kunyareng nababagabag kong sabi sabay hawak sa ulo ko. Please gumana ka. "Ah ganon po ba ma'am baka po sa stress yan. Ganyan po talaga ang bagong kasal. Nimfa po, nimfa po ang pangalan ko." nakangiting sabi nito. "Okay, thank you." sagot ko dito at naglakad na papuntang hapag. Dumiretso na ako sa upuan at nagsimula ng kumain. Hotdog, egg, bacon and rice ang nakahanda sa hapag. It's my cheat day today so baka pwede ako kumain ng rice. Babawi na lang ako ng exercise bukas. Habang kumakain ay bigla ko naalala ang bilin ni Selene, I should always be careful sa mga tao sa paligid ko, unting pagkakamali lang ay baka madamay pa ko sa gulong sinimulan ng kapatid ko. For now kailangan kunin ko muna ang pangalan ng lahat ng nandito para hindi ako mahalata. Tatawagan ko na lang si Selene pag nasa mall na ko. Pagkatapos kumain ay umalis na ko, nakahanda na ang sasakyan ni Selene sa labas, siguro'y pinahanda na ni Nimfa ng makitang aalis ako. I suddenly miss my car, si Selene ang may gamit ng sasakyan ko ngayon. We actually change lives, napapangiwi ako sa naiisip ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse ay pinaharurot ko na ito. This is not a car na pwedeng gamitin sa pagka-car race, mas lalo akong nalugmok. Dumating ako sa mall ng inis na inis dahil sa traffic. Pinark ko lang ang kotse sa Parking Area at dumiresto na sa loob ng Mall. Pumasok na ko sa isang kilalang boutique at nagsimula ng mamili, i'm using Selene's credit card. I can buy what i want with this card. Namili lang ako ng mga damit na patok sa taste ko. Kahit pa binilin ni Selene na dapat ay piliin ko yung mga damit na kagaya ng sinusuot nya. "NO! you can't make me wear that kind of outfit." iling kong sabi dito. Hindi naman baduy pero i'm not that type of person na magsusuot ng bulaklakin. Ughh! definitely not my taste, na-ah! "Why? Wala namang masama sa outfit ko ah." naguguluhan sabay tingin nito sa damit nya. Napangiwi ako ng sinway nya pa eto sa harapan ko. "Seriously? Floral talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. Ngumiti lang ito sa akin. _________________ "Here's my credit card." bigay ko sa cashier after kong makuha ang mga damit na gusto ko. "Okay na po ma'am. Thank you for shopping with us." nakangiti nitong sabi sa akin, bago inabot ang mga paper bag na laman ay mga pinabili ko. I need to buy skin care, dahil walang stock si Selene, kung meron man magkaiba kami ng brand na ginagamit. Pumasok ako sa wattson para bumili na ng kailangan ko. I was busy looking for my skincare brand, ng biglang nagring ang cellphone ko. *Mommy* Sinagot ko ito agad, at hinanda ang mala-anghel kong boses. Tss. "Hello mom, bakit po kayo napatawag?" tanong ko dito sa mahinhin na boses. "Pumunta ako sa bahay nyo, at nabalitaan kong umalis ka daw. Are you with your husband now?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Hindi ko po sya kasama mom" sagot ko dito. "Ganon ba? Edi nasan ang asawa mo?" napangiwi ako sa term na asawa. Atsaka kailangan bang alam ko kung nasan yung lalaking yun. Huminga muna akong malalim bago sumagot ulit. "Wala po siyang sinabi mom, ang sabi ni Nifma eh nagmamadali daw umalis." pagsasabi ko ng totoo dito. "You should know kung nasan ang asawa mo." mas napangiwi ako lalo sa tinuran ni mommy. Seriously? "Okay po mom, sorry po." kung hindi lang ako nagpapanggap na Selene ay nainis na ko kanina pa. Why would i care kung nasan yung lalaking yun. Edi kung umalis siya, bahala sya. "Next time okay. At oo nga pala san ang plano nyo na mag-honeymoon?" tanong nito ulit na nagpabalik ng kaba ko. "Ah eh b-baka sa Hongkong na lang po." halos mautal pa ako sa kaba habang sinasagot si mommy. Wala kaming napag-usapan ni Selene about sa Honeymoon, kahit yung kiss nga eh nawala sa isip ko that time. If i know baka hindi ako pumayag. "Bakit baka? I'm calling Isabel now. Itatanong ko kung san ang honeymoon nyo ni Cain." medyo naiinis nitong sabi. Hindi ako nagsalita. "Take care" tuluyan ng namatay ang tawag. Nakahinga na din ako sa wakas. "Damn it! Oo nga pala may Honeymoon pa." di ko mapigilang mainis at kabahan sa mangyayare palang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD