THE WEDDING

1336 Words
"Anak, you really look beautiful today." puri ni mommy saken. Ngumiti ako dahil ito ang gagawin ni Selene kung sya ang nandito. "Thank you mom, kayo din po." balik kong puri sa kanya. My mom loves compliment. "I'm so proud of you Selene, sana nga lang ay gumaya sayo ang kambal mo." nakangiti parin nitong sabi. Nairita ako sa sinabi ni mommy, di ko lang pinahalata dahil baka maghinala sya. "How i wish Serene's here." di ko mapigilan ang inis sa boses ko. "Ah mabuti nga eh wala ang kapatid mo. Baka gumawa pa yun ng gulo. Ayokong mapahiya sa mga amiga ko." halata sa boses nya ang pagkainis. Di ko mapigilang masaktan, ganon nya ba talaga kaayaw saken. Ganon ba ko kawalang kwenta? Minsan napapaisip ako kung talaga bang anak ako. Mabuti na lang at kambal kami ni Selene kaya naisip kong hindi naman. "Anak mo rin ako." bulong kong may halong inis. "May sinasabi ka Selene?" takang tanong nito. "Nothing mom." ngumiti ako dito hiding my anger. "Ma'am, kailangan na po nating umalis. At tsaka tumutunog po yung cellphone nyo kanina pa." sabi ng secretary ni Mommy. She's Inerva if i am not mistaken. "Osige susunod na ko." sagot nya dito. Tumigin ito sa akin at ngumiti kala ko aalis na ito ng nagsalita ito ulit. "Remember Selene, ikaw ang pag-asa ng kompanya natin. Matututunan nyo ding mahalin ang isa't-isa." makahulugang sabi nito bago umalis. My smile suddenly faded napalitan ito ng pagkainis at lungkot. Finally, makakahinga na din ako. Naiinis ako habang nakatingin sa sarili ko. I'd never imagine na magsusuot ako ng wedding dress, magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal. Akala ko nakatakas na ko dito ganon padin pala, dito pa din ang bagsak ko. But thankfully di naman to magtatagal. After that i can finally go back to my life. "Damn this dress! Ang bigat bigat!" inis na sabi ko. Napatitig ako sa sarili ko, no wonder hindi ako nakikilala ni mommy. I really look like my sister. Napatingin ako sa labi ko, and it hit me. "f**k! Don't tell me kailangan naming magkiss ng lalakeng yun!" napatayo ako sa naisip. "Oh no, no, no. Hindi pwede!" sigaw ko. Andaming pumapasok sa isip ko habang nakatingin sa buong pagkatao ko. "How bout' the honeymoon? Do we need to have s*x? Do we need to cuddle all the time? Oh dang it! Hindi pwede!" kinakabang sabi ko. "I hate you Selene! Wala to sa usapan." naiinis na sigaw ko tama lang sa pandinig ko dahil baka may ibang taong makarinig. Nasa kalagitnaan ako ng pagkainis dahil sa naiisip ng biglang may kumatok sa pintuan. "Ma'am tara na po, malapit na po magsimula." nakangiting sabi ni Amy, secretary sya ni Selene. "Sure Amy" nakangiting wika ko dito. Tinitigan ako nitong mariin, para bang may nawawala sa mukha ko. Napatitig ako dito pabalik. "Why? Is there something wrong? Anong meron sa mukha ko?" naguguluhan kong tanong. "Wala naman po ma'am, naninibago lang po ako." nakangiti ngunit nakatitig parin nitong sabi sa akin. "Ah, akala ko naman kung ano. It's just the make-up, silly girl." nakangiti kong sagot dito. Ngumiti din ito sa akin at nilapitan na ko, helping me with this damn wedding gown. "f**k! Sino ba kasing pumili nito?" naiinis na bulong ko. If Selene choose this, sasabunutan ko talaga yun pag nagkita kami. "May sinasabi po kayo ma'am?" nagtatakang tanong ni Amy. Nginitian ko lang ito, hiding my irritation. Sumakay na kami sa sasakyang nakahanda para sakin or should i say para sa kapatid ko. Talagang pinaghandaan nila ito, 20 minutes ang binyahe bago nakarating sa Simbahan. Pagkarating sa simbahan ay manghang-mangha ako sa aking nakikita. It screams elegance. Kahit ang mga umattend sa kasal ay talaga namang mukhang mayayaman. Napapangiwi ako sa reaksiyon nila, ang iba'y nakangiti ngunit karamihan ay parang galit. Lalo na ang mga babaeng di ko kilala kung sino. Siguro mga babae ito ng Cain na yun. Hindi ako dinala ni Selene dito, sinabi nya lang ang mga kailangang gawin at kung sino ang makakasalamuha ko. Hindi man lang ako ininform ng kambal ko na invited pala ang mga babae ng asawa nya, napangiwi lalo ako sa naisip. Nakarating na ako sa Altar, finally nakita ko din sa personal itong dapat papakasalan ng kapatid ko. Cain Aiden Peterson, the asshole. Napangisi ako habang papalapit, hindi naman makikita dahil nakaharang ang veil sa muka ko. Nakikita ko sa muka nito ang pagkadisgusto. "Well don't worry asshole, the feeling is f*****g mutual." isip ko. "I now pronounce you, husband and wife." nakangiting announce ng Pari sa lahat. Damn! Ito na ang sinasabi ko. "You may now kiss the bride." nakangiting sabi nito sa aming dalawa. Abot-abot ang kaba ko habang tinataas nito ang veil, s**t! Tuluyan na nitong naitaas ang veil sa muka ko. I smile immediately to hide my irritation and nervousness. Nakatitig ito sa mukha ko, umiwas ako ng tingin dahil parang lalabas na yata ang puso ko sa kaba. "Kiss! Kiss!" sigawan ng mga dumalo sa kasal. Nilapit na nito ang muka sa akin, he didn't even hold my face para halikan, mas lalo akong nainis sa naiisip ko. Nilapit ko din ang muka ko para matapos na ito agad. I touch his lip with mine, para lang itong daloy ng hangin kung iisipin sa bilis ng paghalik ko. Humarap na ko agad at ngumiti sa lahat. Nakita ko pa ang mga tinginan ng mga tao sa baba, mabuti na lang at may nagsalita ng congratulation at nagsunod-sunod na ang bati. Nakahinga ako ng maluwag dahil dito.Ramdam ko parin ang paninitig ng lalaki sa tabi ko. "Mind your own business asshole." bulong ko dito sapat lang para sya ang makarinig. Nairita ito sa sinabi ko at umiwas na ng tingin. "Okay guys, it's picture taking." nakangiting sabi ng wedding organiser ng kasalang ito. Nagsimula na ang picture taking, mabuti na lang at walang nagrequest ng another kiss. Ang huling picture ay kaming dalawa, hindi ako lumapit sa kanya, even when the camera man said na dapat magkatabi kami. Kaya nagulat ako ng ito mismo ang lumapit, he even hold my waist na mas nagpakaba sa akin. Napatingin ako dito. "What the hell are you doing?" naiinis na sabi ko dito. Nakangiti parin ako para hindi magtaka ang mga tao. "Don't worry ayoko din nito, if you want to get out of here easily, sumunod ka na lang." naiirita rin nitong sabi sa akin. Tinarayan ko na lang ito, narinig ko pang may binulong ito ngunit hindi ko na tinanong kung ano iyon. God knows how i hate this man. Natapos ang lahat, habang nasa byahe papunta sa reception ay walang umiimik sa amin. He's busy with his phone, probably texting his girlfriend. Napapangiwi ako habang iniisip yung kalagayan ng girlfriend nya. "Sorry girl, ibabalik ko lang naman to sayo, i'm not planning to keep him." bulong ko sa sarili ko. Nakikita kong pasilip silip ang driver nagtataka siguro kung bakit hindi kami nag-uusap. Nakarating kami sa reception na nandun na ang lahat. Mas mukha pa silang excited kesa sa amin na syang kinasal. Mas napapangiwi ako habang iniisip ang ginagawa ko. Andami naming niloko ni Selene. "Let us all welcome for the very first time as husband and wife, Cain Aiden and Selene Ava Peterson! Please give them your heartfelt applause!" nagpalakpakan ang lahat. Lumapit ang mommy nya at si mommy. Naunang humalik si tita Isabel sa akin, pagkatapos ay si mommy na. Dinala na kami sa kung saan kami uupo ni Cain. Nagulat ako ngunit napalitan din ng ngiwi ng hawakan ako nito sa bewang. "Tsk! What an actor?" nangingiwing bulong ko. May dinaanan kaming lamesa na puro kababaihan, kaunti lang ang kilala ko sa mga nakaupo. Napatitig ako sa babaeng nakatingin ng masama sakin. Napatingin din ako sa lalaking nakahawak sa bewang ko. They're looking at each other now, i can see the sadness sa mata nung babae bago umiwas at biglang umalis. Napangiti ako sa naisip ko. "She is the girlfriend" mahinang bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD