bc

My Heart Is Only For You

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
lighthearted
cheating
first love
lies
secrets
discipline
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Napa-upo sa sahig Si Charyle ng nabalitaan na nawala na ang kanyang pinakamamahal na kasintahan.

Hindi siya makapaniwala na wala na ang tanging bumuo ng buhay niya. Sa isang iglap naglaho ito na parang bula.

Gusto niya na rin sumama sa kabaong ng Mahal niya ngunit malabong mangyari 'yon.

Makakahanap pa kaya siya ng lalaking mag-aalis ng sakit sa puso niya?

Magmamahal pa kaya siya ulit?

o hindi na..?

chap-preview
Free preview
My Heart Is Only For You.
Prologue "Pwde ba ako naman ang mahalin mo." nanghihinang saad ni Homer habang ang hawak ang kamay ni Charyle. Ang babaeng gusto niyang maangkin ang puso't kaluluwa nito ngunit kaseng tigas ng bato ang damdamin nito, ginawa na niya ang lahat para mapansin siya ng dalaga ngunit kahit anong gawin niya. Hindi niya mapapalitan ang tinitibok ng puso nito. Matagal ng patay ang kasintahan nito na matalik niyang kaibigan. Ang hirap kalabanin ang taong patay na lalo na't maraming pinagsamahan ang dalawa. Umuwi siya ng nabalitaan niyang patay na ang matalik niyang kaibigan. May nararamdaman siyang kasiyahan ngunit mayroon din kalungkutan. Hindi niya alam kung anong tawag niya sa emosyon na iyon. Pero kahit na hindi pinapansin ang pagmamahal niya para sa dalaga patuloy parin siyang lalaban. Bumalik siya para turuan ang dalaga na buksan ulit ang puso nito na magmahal dahil hindi na babalik ang Si Leon ang dati nitong kasintahan na ngayon ay nasa kabilang buhay na. Mahal niya ang dalaga noon pa ngunit kinalimutan niya ang damdamin iyon nang nalaman niya na may kasintahan na ito at...matalik niya pang kaibigan na tinuturing niya kapatid. Umalis siya upang kalimutan ang mas lalong umuusbong na damdamin niya para sa dalaga. Dahil sa tuwing nakikita at nakakasama niya ito kumain sa paborito niyang resto ay mas lalong nahuhulog siya dito noong mga oras na kasama niya ito si Leon ay abala sa pag-aaral nito kaya naman favor sa kanya pag busy si Leon dahil nakakasama niya ang dalaga. Hindi niya papigilan ang kanyang damdamin para dito. Dahil ang dalaga ay kakaiba sa mga babaeng nakilala at nakasama niya. Kaya ngayon hindi siya susuko dahil mula ng umalis at bumalik siya sa Pilipinas ay hindi kailan man naalis ang pagmamahal niya sa dalaga bagkos, lalo niyang minahal dahil sa pagkamiss niya dito. "Please Charyle...I really love you." naiiyak na siya dahil ang dalaga panay ang iwas nito sa kanya. Bumuka ang bibig nito ngunit wala naman lumalabas na salita mula dito. "Anong dapat kung gawin para...para makalimutan mo siya " despiradong wika niya dito. Masama itong tumingin sa kanya nakikita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito. Labis ang kaba niya ng tumayo ito at marahas na binawi ang kamay nito na hawak niya. "Ang sama mo!." malakas na sigaw nito na lahat ng tao sa resto napatingin sa kanila. Ngunit wala siyang pakialam sa lahat ng tao narito sa restaurant na inarkilahan niya para sa kanila ng dalaga. Nakipagtulungan pa si Homer sa kaibigan na siyang may ari ng resto. Ang paboritong resto ni Homer. "Akala ko Homer...dinala mo ako dito para pagaanin ang loob ko pero.....ito pala ang plano mo...ang sabihin ang putanginang nararamdaman mo para saakin....nababaliw ka ba? ah!.... Siguro masaya ka na nawala na si Leon. Baka nagdiwang na iyang kalooban mo?.....ano?...sumagot ka?!." galit na lintaya nito kay Homer. Ngunit walang masagot ang binata sapagkat natatakot siyang mali ang mabanggit niyang salita....natatakot pa siyang labis itong magalit sa kanya. "Hindi ka makasagot....kase...kase totoo?! tangina! anong klase kang kaibigan?.." hikbing wika nito. Umiling lang ang binata. Gusto niyang yakapin ito ngunit natatakot siyang itulak...na baka pag tinulak siya ng dalaga double ang sakit na maramdaman niya. Malakas na sampal ang ginawad sa kanya ng dalaga dahilan ng pamamanhid ng pisngi ng binata. Pero hindi ininda ng binata ang sampal na iyon bagkos lumapit siya... ngunit umatras ang dalaga na ikinatigil niya sa paghakbang papunta sa dalaga. " I really love Leon...Homer siya ang lahat sa akin." hikbing saad nito. Bawat salita nito parang kutsilyo na sinasaksak ang puso niya. " Mula sa araw na ito..." matigas na saad nito habang nagpupunas ng pisngi nito. God! gusto ng binata na siya ang magpunas ng luha nito. Ngunit hindi niya magawa. " Kalimutan mo may nakilala kang Charyle ang pangalan..dahil ganon din ako.. kalimutan kung may kaibigan akong demonyo.....I really hate you Homer." patuloy nito at iniwan siyang tulala. Ang sakit ng mga binitawan salita ng dalaga nanunuot sa sistema niya. Hindi namalayan ni Homer na parang ulan ang luha niya na humahagos sa kanyang pisngi....Hindi na siya nahihiyang umiyak sa harap ng staff ng restaurant. Wala siyang hiyang nararamdaman. Gusto niyang sundan ang dalaga pero para siyang taong gutom na gutom na hindi nakakain ng ilang araw kaya wala siyang lakas na habulin ito. at isa pa baka lalo siyang kamuhian ng dalaga. labis ang nararamdaman niyang pagsisi...sana hindi niya na lang sinabi iyon. Ngunit huli na ang lahat nasabi na niya. Pero tulad ng una ang binata ay hindi susuko dahil lang sa nangyari sa kanila. Papaibigan niya ang dalaga yung tipong hindi na ito makakaahon pa. Mag sasakripisyo siya. Bahala na kung sinong matatalo sa kanilang dalawa ng dalaga. Lahat ng bintang ng dalaga sa kanya...may kalahati doon totoo ngunit kalahati naman mali ang binibintang nito sa kanya. Hindi siya susuko kahit na..ang hirap lumaban ng mag-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
553.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
18.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook