Still, Lucas’s POV “HEY...! Hintay naman Lucas!” rinig kong tawag ni Ate. Malalaki ang mga hakbang na tinungo ko ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Ate. “What’s wrong with you?” Alam kung nag-aalala si Ate. “Lucas..!” tawag uli nito nang hindi ako kumibo. “What?!” I asked her almost yelling. Natigilan si Ate. Mukhang nabigla ito sa tinuran ko. “I’m sorry,” I apologized. Pati si Ate idinamay ko sa init ng ulo ko. “Pagod lang ako, Lourine. Sumakay ka na, uuwi na tayo.” I added and got in the car. Tahimik naman itong sumunod. Hindi ko rin alam kung bakit umaarte ako nang ganito. Ang alam ko lang, naiinis ako. Ang weird. “WHAT was that?” pagkaraan ay untag uli ni Ate. Hindi ako kumibo, nakatoon lang ako sa pagmamaneho. “‘Yong babae kanina, siya ‘yon ‘di ba?” Hindi

